WARNING- SEXUAL ASS/ULTS, SUIC/DE, minors, attempted kidnapping, etc. THIRD PERSON OF VIEW “Russ, doesn’t care about the woman's age. Kapag gusto niya, he’ll pursue, not unless the woman doesn't want him back. Maybe, he did his best and pursued Mommy Elvira but he never succeeded." Pagkwento ni Rowan. Hindi naman mapili si Russ pagdating sa babae,. Kapag may nagugustuhan ito ay gumagawa agad ito ng aksyon. Pero matagal na rin ng huli itong magkaroon ng girlfriend. Medyo torpe rin kasi si Russ, mukhang mahiyain pero iba kapag ito na ang gumawa ng aksyon pagdating sa babaeng gusto niya. Ngunit iba si Elvira, ayaw niya sa mas bata sa kanya. “Mas babagay si Russ sa babaeng mas younger sa kanya, iyong kaya niyang e-baby,” sabi naman ni Elvis. "Well, mom said that Russ is too young for her age. She likes Russ, however, ayaw niya na may namamagitan sa kanilang dalawa. Hindi rin naman halata kay Mommy ang edad niya,” patuloy nitong salita. “Yeah, I agree. Mabait si Mommy, she dese
DALAWANG BUWAN na ang lumipas at matiwasay naman ang pagsasama ng mag-asawa, at walang gulong gumagambala sa kanilang buhay. Nasa bundok pa rin naman sila nakatira, sa private property ni Rowan. Doon kasi ay malayo sa mga kalaban at wala pang nakakaalam sa lugar na ‘yon. Walang problema na iisipin, at malayo sa ingay ng mga sasakyan, malayo rin sa stress ang buntis na si Elvis. Lalo pa’t palagi niyang kasama ang asawa. Kahit na busy rin sa trabaho si Rowan ay hindi ito nagpaabot ng dilim sa trabaho at kahit alas-sias pa ng hapon ay umuwi na ‘to agad upang pagsilbihan ang kanyang mag-ina. Na kahit ilang beses na sabihin ni Elvis na ayos lang kung makakauwi ‘to ng gabi. Ngunit ayaw talaga paawat ni Rowan at gusto niyang alagaan ang kanyang mag-ina. Masaya siya na alagaan ang kanyang asawa, lalo pa’t gustong-gusto ni Elvis ang luto nito. Na kahit minsan ay pagod sa trabaho ay hindi ‘yon pinapansin ni Rowan dahil makita lang ang kanyang asawa na masaya ay napawi ang pagod niya. Lalo na
MADALING-ARAW na nang makauwi ang dalawa. Dumeretso na agad sa kani-kanilang kwarto si Russ at Rowan. Medyo kinabahan si Rowan habang dahan-dahan na pinihit ang doorknob ng kanilang kwarto mag-asawa. Nang mabuksan na n’ya ang pintuan ay dahan-dahan na naman siyang pumasok at sinarado ang pinto. Madilim ang kwarto kaya hinanap nito ang switch. Nasa isip niya ngayon ay tulog na ang asawa. Ngunit nang buksan niya ang ilaw ay napasigaw na lamang siya habang nakahawak sa kanyang dibdib ng sumalubong sa kanya ang galit na itsura ng asawa na nakaupo sa sofa, at nakahalukipkip pa. “M-mi amor? Kanina ka pa ba diyan? Bakit hindi ka pa natulog? Anong oras na.” Agad na salita ni Rowan at lumapit sa asawa upang yakapin ito at hagkan dahil miss na miss na niya ‘to. “Don’t come near me!" Mariin na wika ni Elvis bago paman siya malapitan ng asawa. “Are you mad at me? I’m sorry, Mi amor, na-lowbat kasi ako kanina e. Kaming dalawa ni Russ. Matagal kasing natapos ang meeting namin, at kanina arou
KINABUKASAN ay busy ang mga tao sa mansion, dahil sa magaganap na GENDER REVEAL. Hindi rin alam ng mag-asawa kung ano ang gender ng kambal, at tanging ang OB lang ang nakakaalam. Kilala ng OB si Elvira, kaya kay Elvira na lang sinabi ang resulta, na ikinatuwa naman nito. At dahil mahalagang araw ngayon ay pinaghandaan talaga nila ng isang malaking sorpresa para sa lahat at lalo na sa mag-asawa. First gender reveal ng parehong pamilya kaya pinaghandaan talaga ‘to ng todo ni Elvira. Ngunit limitado lang ang imbitado wdahil nga may mga kalaban sa paligid na hindi alam kung kailan aataki. Anong oras na nang magising ang mag-asawang Rowan at Elvis. Mapungay pa ang mga matang ibinuka ni Elvis. Dahan-dahan siyang umupo sa kama at tiningnan ang asawa na nakapikit pa ang mga mata. Pagkababa niya sa kama ay agad na siyang dumeretso sa banyo upang mag-ayos sa sarili bago lumabas ng kwarto. Wala naman siyang ideya tungkol sa kaganapan na mangyayari, dahil sa sikat na Hotel magaganap ang part
PAGDATING nila sa ground floor ay bumungad sa kanila ang napakagandang venue. Halata talaga na pang-bata ang party dahil sa mga balloons around the place, the toys as gifts for kids who’re invited to the party. Mostly, mga bata ang marami and their parents. Some faces are familiar, and some are not. Teary eyed na nag-lakad ang mag-asawa sa gitna ng crowd where kids sat peacefully. They’re all well-behaved and was taken care b their parents. The music wasn’t that loud dahil may infant rin. “Love, this is wonderful," mangiyak-ngiyak na salita ni Elvis sa asawa. “This is our babies gender reveal, mi amor. I am happy and excited, mi amor. What may be the gender of our baby, I’ll accept it wholeheartedly. Dahil anak natin sila," malambing na wika ni Rowan at hinalikan sa noo ang awa sa harapan ng lahat. “Now, ladies and gentlemen, good evening." Panimula ni Elvira na hawak ngayon ang mikropono. “Bago natin simulan ang pa-gender reveal ng aking mga anak. Gusto ko muna ipakilala sa
WALANG boses ang lumabas mula sa bibig ni Elvis. Nawalan siya ng lakas at napadaos-daos na nakaupo sa sahig. Tulala at tanging dagundong lang ng kanyang dibdib ang kanyang naririnig. "Stop it, Hillary. You're delusional!" salita ni Rowan mula sa loob. Nakagapos, matapos siyang pukpukin ni Hillary sa ulo. "I can feel that you still love me. Why do you have to lie," Hillary shouted with frustration. "I am not lying. I admit that I still loves you," he paused, when he heard a clamping sound outside the comfort room. "Pero noon 'yun. Hindi ko pa nakilala ang asawa ko." Patuloy niyang salita. "Hell no! I don't believe you." Ang kaninang nasasaktan at maluha-luhang mukha ni Hillary ay napalitan ng mapaglarong ngisi. “Now, catch her and tell her that what she heard isn't true." Biglang tawa ni Hillary. "By the way, congratulations Daddy Rowan.” Malanding wika nito at hinalikan sa labi si Rowan. “Fuck you, HIllary. Kapag may mangyari sa mag-ina ko, papatayin kita." Nanggigil n
PAGDATING nila sa hospital ay nasa emergency room na si Rowan. Nanginginig na lang sa sobrang pag-aalala si Elvis na baka hindi na magising ang asawa. Nabibingi na rin siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya at hindi pa rin siya mapakalma sa pag-iyak. Natatakot siya at sinisisi ang sarili kung bakit na-aksidente ang asawa. “Calm down, Elvis. Calm down, okay? Everything will be alright." Kalmadong wika ni Elvira at mahigpit na niyakap ang anak. Napahagulgul na naman ng iyak si Elvis. “Kasalanan ko ‘to, Mom. Pinahamak ko ang asawa ko," humahagulgol nitong salita. "No. Hindi. Wala kang kasalanan. It was just an accident, nobody wants it. Not even, Rowan. Malakas siya at hindi niya hahayaan na mamatay. Makikita pa niya ang mga anak niyo, kaya huwag ka ng mag-alala. He is a tough guy,” mahinahon na wika ni Elvira habang hinahagod ang likuran ni Elvis. Huminto na sa pag-iyak si Elvis, ngunit ang akala nilang kalmado na ay iba pala. Elvis collapsed in the arms of her mother. Nagma
MAKALIPAS ang isang linggo ay hindi pa rin magising si Rowan. Wala namang araw na hindi pinalampas ni Elvis na bantayan at alagaan ang asawa niya. Araw-araw siyang nasa ospital despite her condition na bawal na siyang ma-stress. Mula kasi ng maconfine siya dahil sa nangyaring aksidente ay binalaan siya ng OB niya na mag-ingat at alagaan ang sarili, dahil baka mapasama pa ang mga anak kung magpapadala siya sa nangyari sa asawa niya.Nasa ospital na naman siya ngayon at hindi maiwasan ni Elvis na umiyak habang hinihintay na magising ang asawa. Kumuha siya ng bimpo at maliit na palanggana para pamunas sa asawa. Malaki ang pinagbago sa katawan ng asawa, dahil nangangayayat talaga ‘to. At medyo humaba na ang bigote na gustong-gusto na hinawakan ni Elvis tuwing gabi. Kumuha na rin siya ng maliit na gunting upang gupitan ang mahabang bigote. Gugupitan niya lang konti para hindi messy tingnan at gwapo pa rin kahit walang malay.“Kahit mahaba na bigote mo ang gwapo mo pa rin, Love," ani Elvis
THIRD PERSON POV MATAPOS maglinis ng kwarto ay palihim na bumalik sa quarter si Elvis. Dali-dali niyang kinuha ang kanyang cellphone at may esenend na mensahe kay Elvira. Gusto pa sana niyang tawagan ang kanyang Mommy, pero limitado lang ang oras niya dahil tutulong pa siya sa pag-aayos. Kailangan na nilang matapos ang gawain dahil dadating na sina Hillary at Rowan. “Melody, dito ka tumayo. Sabay natin batiin ang mag-asawa, okay?" Sabi ni Ate Susi. "Opo, Ate…” tugon niya rito. Ilang sandali pa ay umayos na nang tayo ang mga kasamahan niya kaya umayos na rin siya ng tayo. Bigla naman siyang kinabahan at naging mabigat at malalim ang kanyang hininga. 'Finally, makikita ko na ang asawa ko. Miss na miss ko na si Rowan." sa isipan ni Elvis. Para naman siyang maiiyak sa sobrang saya. Pero pinipigilan lang niya ang sarili baka paghinalaan siya at masira ang kanyang plano. “WELCOME BACK MR AND MRS. WALTER!" Sabay-sabay na salita nilang lahat, maliban kay Elvis na hindi nakasab
ELVIS PAGPASOK ko sa kwarto ni Franco ay sumalubong agad sa akin ang usok ng sigarilyo, at matapang na amoy ng alak. Agad akong napangiwi dahil sumakit bigla ang ulo ko dahil sa amoy. Bago tuluyan pumasok ay huminga muna ako ng malalim at tumuloy na. Sabi ni Manang Lusy ay wala raw si sir Franco ngayon dahil hindi raw umuwi kagabi, pero sino naman ang may kagagawan ng mga ‘to? Lahat ay nagkalat sa loob. Mga damit ng lalaki at babae? “Why are there women's clothes?" Nagtatakang tanong ko habang isa-isang pinulot ang mga damit na nagkalat sa sahig. Habang patuloy ako sa aking ginagawa ay biglang sumagi sa aking isipan ang isang bagay. Bigla akong napatayo ng tuwid at tiningnan ang bawat sulok ng sala sa kwarto ni Franco. Malaki rin ang kwarto ng lalaki na ‘yon. At ano ang sabi ni Manang na hindi ‘to umuwi kagabi? Nagkalat nga damit pambabae sa sahig. May milagrong ginagawa talaga ang lalaking ‘yon sa kwarto n’ya. “Ang wild naman ni Franco, pinunit ang panty?" Natatawa ako big
ELVIS NASA HAPAG-KAINAN na kaming lahat. Sabay-sabay kaming mag-umahan dahil mukhang magiging busy raw ang araw na ‘to. Wala pa naman sinabi si Manang Lucy kung ano ang aking gagawin, lalo na sa aming mga baguhan pa. May kasama akong baguhan rin, apat sila pero hindi ko pa sila nakakausap simula ng dumating kami kahapon. Dahil mas nauna ako dumating kaysa sa kanila. Nagsimula na akong kumain, pero biglang sumakit ang mga suso ko dahil nakalimutan ko palang mag-breast pump kanina. Kakausapin ko lang si Manang mamaya kung pwede ba akong mag punta ng pamilya upang kunin ang gatas para sa kambal. Pero syempre kausapin ko lang siya tungkol sa pagiging single mom ko.“Melody, magtanong ko lang, Iha. Ang laki ng suso mo at mukha ng paputok na. Nagpapadede ka pa ba, Iha?" Napahinto ako sa pagsubok dahil sa biglang tanong ni Ate Susi at tiningnan talaga ako ng maigi. Nasa akin naman ang atensyon ng mga kasamahan ko. HIlaw naman akong napangiti at biglang bingo ang ekspresyon para magmukhan
ELVIS UNANG gabi ko pa lang dito sa mansion ay para na akong sinasakal ng kalungkutan. Miss na miss ko na talaga ang kambal, at unang gabi na hindi ko sila kasama matulog. Ako lang mag-isa dito sa kwarto ko, sabi ni Head Maid na may kanya-kanyang kwarto raw lahat ng mga nagtatrabaho sa pamilya na ‘to. Ang sosyal naman talaga. Wala rin sa loob ng mansion ang silid ng mga maid, chefs, guards, at iba pa na nagtatrabaho sa pamilya Smith. May sariling quarters ang mga taong kagaya ko, kaya mas lalong nakakalungkot dahil wala kang makausap at kasama. Tanging hininga ko lang ang maririnig ko dito sa loob ng kwarto dahil sobrang tahimik na nang paligid. Nakapatay na rin ang mga ilaw sa labas. Lahat ng ilaw dito malapit sa quarters ng mga maid. Parang may sariling bahay lang din kami. I met a few of the workers and they were nice and approached me, akala ko’y mahihirapan akong mag-adjust but I think I am getting along with them na rin. Feeling ko rin ay matagal na sila sa pamilya Smith
“Are you sure about this, anak? Paano kung mapanahamak ka sa gagawin mo, ha?" Nag-aalala na salita ni Elvira habang pabalik-balik sa kanyang nilalakaran. “Mom, I am desperate to help them find Rowan. I can’t just stand here waiting for him to come home. Mom, masakit po ang desisyon kong ‘to dahil maiiwan ko ang mga bata. But, I will make sure na maging maayos ako doon. Susubukan ko po kung matatanggap ba ako sa mga Smith." Agad naman na paliwanag ni Elvis. Tutol talaga si Elvira sa gagawin ng Anak dahil natatakot siya sa posibleng mangyari sa kanya sa mansion ng mga Smith. But, Elvis cannot be stop, dahil planado na niya ang lahat, even her disguise. “Nakahanda na lahat ng disguise ko, and with that disguise ay hindi ako makilala ng lahat. Not even you, Mom. Ibang-iba ang disguise ko dito dahil marunong akong mag-bisaya. And I am a funny, talkative, jolly person here. Trust me, Mom. Hindi ko po hahayaan na mapahamak ako habang nasa loob ng impernong lugar na ‘yon." Puno ng tiwala a
ONE MONTH LATER ISANG buwan na ang nakalipas simula nang manganak si Elvis sa kambal. Marami ang nangyari sa loob ng isang buwan. Nahirapan si Elvis na tanggapin na matagumpay si Hillary na makuha ang kanyang asawa. Wala pa rin balita ang pamilya, at ang grupo kung nasaan si Rowan, dahil mailap na ngayon ang pamilya Smith. Hindi na rin umuwi sa kanila o sa bahay si HIllary. Hanggang ngayon ay pilit pa rin ni Elvis na gumalaw at libangin ang sarili sa ibang bagay. Ngunit hindi pa rin niya mapigilan ang umiyak kapag naalala ang asawa. Nami-miss na niya si Rowan at hinahanap niya ang presensya nito. She also blamed herself, na kung sana hindi niya iniwan si Rowan sa bahay nila ay marahil kasama pa niya ‘to. “Good morning, babies,gutom na ba babies ni Mama?" Malambing at tunog baby na wika ni Elvis na nakangiti ng malapad. Kahit papaano ay naibsan naman ang lungkot na kanyang nararamdaman sa tuwing inaalagaan at tinitigan niya ang mga anak. “Anak, kumain ka na muna bago mo padedein a
NAGMAMADALI na tinungo nina Russ, Kennedy at Lindsay ang hospital kung saan dinala si Elvis. Pagdating nila sa hospital ay nadatnan nila si Elvira at Romanoff na nag-aalala sa anak. Bigla kasing dinugo si Elvis nang malaman nito kung nasaan si Rowan. Nalaman niya dahil sa Daddy Romanoff niya. Kahit paman galit ang Ama ni Elvis ay may mga tauhan pa rin naman ‘tong nakabantay sa bahay ng anak upang maging bantay. Nang makuha si Rowan ng mga tauhan ni Hillary o ng mga Smith ay agad na sinundan ng taong nagbabantay ang sasakyan nila, ngunit nakatakas pa rin at nawala na lang sa paningin nito. Nang tawagan si Romanoff ay nasa bahay ito ni Elvira kaya nalaman ni Elvis at bigla ‘tong nag-react kung ano ang nangyari sa asawa niya. “Kumusta na po si Elvis?" Nag-aalala na tanong ni Lindsay na hinihingal pa.“She's in the delivery room," tugon naman ni Elvira. Labis lang talaga ang pag-aalala nila dahil grabi ang pag-durugo nito. “I hope she’ll be fine and deliver the babies normal," komento
MASAMA ang loob na umuwi si Elvis sa kanyang Mommy Elvira. Umiiyak pa ‘to. Labis naman ang pag-aalala ni Elvira sa anak, hanggang sa makita niya si Russ na mukhang hindi rin maipinta ang mukha sa galit. Kunot-noo naman si Elvira kung bakit galit na galit ‘to. Dahil hindi na nagsalita si Elvis kung ano ang nangyari ay si Russ na lang ang kinausap niya, dahil alam niyang alam ni Russ kung bakit umuwi na umiiyak ang anak niya. “Alam mo na ang sasabihin mo, Russ. Hindi ko na kailangan pang magtanong," direktang wika ni Elvira ng makalapit na siya kay Russ na nakahawak pa sa baywang nito. “Rowan and Hillary almost make love. It’s such good timing that we got home early," he said in his low voice. "That woman really took advantage of Rowan's situation.” "Fuck! Ang kapal talaga ng mukha ng babae na ‘yon. Siya na nga ang sumira sa pamilya ng lalaki na kinababaliwan niya ay gusto pa niyang maging kabit. The nerve of that wench,” galit na salita nito at nakahawak pa sa ulo. “She’s obsesse
Parang pinagsakluban ng langit at lupa si Rowan sa sinabi ng asawa. Napahawak siya sa kanyang ulo na para bang may masakit rito. He feels her pain. He wanted to touch her, but something is stopping him. “Oh, come one, Elvis. Stop the act. Nilalason mo lang ang utak ni Rowan. Ako ang mahal niya at hindi Ikaw. Tanggapin mo na kasi na hindi ka na niya mahal," sabat ni Hillary at lumapit kay Rowan at hinawakan ang braso nito. “Honey, come with me. Let’s leave this place, okay?" Mahina, malambing at mapang-akit na wika ni Hillary. “You can’t take him, Hillary. He is my husband, and he’s staying with me.” “No. I am going with her. And you, stay with that man, dahil may relasyon naman kayo, hindi ba?" Walang emosyon na salita ni Rowan habang malamig na nakatingin sa lalaki na nasa likuran ni Elvis. “May saltik ka na talaga, dahil sa babae na ‘yan no?" Tumatawang salita ni Russ. “Ang tanga mo," dagdag pa nito. "Sige, sumama ka sa babae na ‘yan. At kapag bumalik ang alaala mo, h