[Amelia]TINITIGAN niya ang mukha nito. Marami na siyang nakita na may pilat sa mukha pero hindi naman ganito, bakit gano'n? Parang hindi naman 'to pumanget. Kahit siguro tubuan ito ng pigsa sa mukha ay gwapo parin.Napailing nalang siya. Kung ano-ano na naman ang naiisip niya. Dapat ay umalis na siya sa kinatatayuan dahil baka mamaya ay makita pa siya nito at magalit na naman sa kanya.'Di yari na naman siya.Akmang aalis na siya sa pagsilip ng marinig at nakita niya ang malakas na pagmumura nito."Damn this nightmare!" Kasabay no'n ay ang pagbato nito ng baso banda sa kinatatayuan niya.Muntik na siyang mapasigaw sa gulat, mabuti nalang at mabilis niyang natakpan ang bibig niya dahil kung hindi ay tiyak na malalaman ng amo niya na narito siya sa kusina at nakatingin rito."Fuck! Fuck! Fuck!" Muling nagmura ito ng malakas.Muli niya itong sinilip. Napalunok siya ng makita kung ga'no kadilim ang mukha nito. Parang galit na galit ito at handang manakal anumang oras.Dahil sa takot na ba
[Amelia]"PINAPAABOT ni tita Neil, Amelia." Ani Nelson at may iniabot na may kalakihan na bag na kulay itim sa kanya. "Ngayon lang daw niya naibigay kasi kakatapos lang ipatahi." Kunot ang noo na tinanggap niya ang iniabot nito. Nang buksan niya 'yon ay nakaramdam siya ng excitement. Mga maid's uniform 'yon na katulad ng napapanood niya sa mga Japanese animè. Napangiwi siya ng mapansin kung ga'no kaikli 'yon."Teka, Nelson. Nagkamali yata ng pagpapatahi si Miss Neil, tingnan mo." Pinakita niya rito kung ga'no kaikli ang palda, sigurado siya na hindi aabot sa tuhod niya ang haba no'n, baka nga hindi pa aabot sa kalahati ng hita niya. Hindi siya sanay na magsuot ng maiikling shorts o bestida na maikli. Mas sanay siya sa mga lumang pantalon o pajama na mahahaba.Napakamot nalang si Nelson sa ulo. "Sinabi ko na nga 'yan kay Tita. Ang sabi niya bagay daw 'yan sayo kasi mukha ka daw manika." Namula na ang mukha ni Nelson sa huling sinabi.Napakamot siya sa ulo. Wala na siyang magagawa dahil
[Amelia]MALAKAS siyang natawa ng makita kung pa'no ito namula. Ang maingay at madaldal na si Nelson ay namumula. Hindi na si Nelson nagsalita pa at nag-iwas nalang ng tingin habang pulang-pula parin ang mukha."B-Basta ha, liligawan kita pagnakatapos na ako ng pag-aaral ko." Biglang wika nito. Hindi 'to nakatingin sa kanya at nanatiling naka-iwas ng tingin.Natigil siya sa pagtawa."Pangako ko sa sarili ko na hindi ako makikipagrelasyon hangga't hindi pa ako nakakapagtapos. Isang taon nalang ay makakapagtapos na ako ng pag-aaral. L-Liligawan talaga kita!" Sabi nito saka nagmamadaling umalis.Naiwan siyang natigilan. Seryoso?Napailing nalang siya. Hindi niya nagawang sabihin rito na wala siyang balak na magnobyo muna.Litong-lito na binabasa niya ang recipe book ni Miss Neil. Magluluto kasi siya ng morcon beef ngayon para sa gabihan, dahil hindi siya marunong ay tiningnan niya ang nakalagay sa recipe book ni Miss Neil. Nang makapagluto siya ay agad na naghain siya dahil limang minuto
[Amelia]BUMUGA siya ng hangin. "Relax, Amelia. Wag ka ng iiyak uli." Kausap niya sa sarili. Habang naglilinis siya ay panay ang hila niya sa suot na palda.Ang iksi talaga. Kaya hindi siya kumportable at pakiramdam niya ay bumagal ang kilos niya dahil sa kahihila ro'n.Hapon na at tapos na niya lahat ng trabaho niya. Hindi niya maiwasan maalala ang sinabi kagabi ng amo niyang binata. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito.Napakamot siya sa ulo at inalis nalang sa isip ang sinabi nito. Madilim na ng dumating si Nelson na may dalang mga gulay. Nasiraan daw ito ng sasakyan sa daan kaya gabi na nakapaghatid."Ayos ka lang ba? Namumutla ka, Nelson." Puna niya. Napansin niya kasi na maputla ang mukha nito at pinagpapawisan ng husto."Ayos lang ako, Amelia—" Nilapitan niya 'to at sinalat ang noo. Wala naman itong lagnat.Nang lumayo siya rito ay nakita niya na pulang-pula ang mukha nito."Sigurado ka na ayos ka lang?" Hindi niya mapigilan na mag-alala. Napansin din niya kasi ang pagiging
[Amelia]HALOS hindi niya inaalis ang mga mata sa orasan. Bente minuto nalang at alas dyis na ng gabi. Ngayon araw ang paglilinis niya ng kwarto ni Sir Damon. Kailangan niyang magsimula agad na maglinis pagsapit ng alas dyis at matapos sa loob ng isang oras.Halos maduling siya sa pagtingin sa orasan. Nagmamadali siyang tumakbo para maglinis sa kwarto ng amo niya ng tumuntong ang alas dyis.Hindi siya pwede na magpabagal-bagal dahil oras ang kanyang kalaban. Hindi niya alam kung bakit pati sa paglilinis ay kailangan na may oras, pero dahil 'yon ang bilin ni Miss Neil ay susundin nalang niya.Dahil hindi naka-lock ang pinto ay agad siyang nakapasok sa kwarto na nasa pinakadulo. Ito kasi ang sabi ng mayordoma, nasa pinakadulo ang kwarto ng amo nilang binata.Napakalaki ng kwarto ng amo niya, halos apatin nito ang laki ng bahay nila. Malinis, mabago at katulad ng amo niya ay madilim dito. Palagi din kasi madilim ang mukha nito. Pinaglihi 'ata sa sama ng loob.Hindi na siya nagsayang ng or
[Amelia]"NAKIKINIG ka ba, Amelia?" Seryoso ang mukha na tanong ni Miss Neil."Talong po?" Wala na sariling sambit niya. Natuptop niya ang sariling bibig. "Anong talong? Ang sabi ko nalinis mo ba ng maayos ang kwarto ni Sir Damon?" Halata ang pagtataka sa boses na tanong ng mayordoma sa kanya.Tumango siya at nag iwas ng tingin. Sigurado siya na namula ang pisngi niya. Naalala na naman niya kasi ang talong na hindi dapat makita. Wala tuloy siya sa sarili simula ng magising siya kaya pati sa pagsagot sa mga tanong ni Miss Neil ay puro talong ang sagot niya."Opo Miss Neil, naglinis po ako ng talong—ibig ko po sabihin naglinis ako ng maayos kagabi." Tumikhim siya saka pilit na ngumiti dito."Mabuti naman kung gano'n." Halata na nasiyahan ito sa sinabi niya. "Ayos ka lang ba, Amelia? Bakit parang wala ka sa sarili? Masama ba ang pakiramdam mo?" Tanong nito sa kanya na agad na kinailing niya.'Dala lang po 'to dahil sa pagkakita ko ng talong' Gusto niyang sabihin pero tinikom nalang niya
[Amelia]SINUNDAN niya ng tingin ito. Nang mawala na 'to sa paningin niya ay nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman 'to sa kanya.Habang nilalabhan niya ang mga panloob ng amo niyang binata ay hindi maiwasan na mamula siya.Sa sunod ay hindi na siya magpi-prisinta na labhan ang mga 'to, dahil pagnakikita niya ang malaking brief ng amo niya ay bumabalik sa isip niya ang malaki at maugat na bagay na hindi dapat niya maisip.Mahina niyang kinutusan ang sarili. "Tigil na sa kakaisip ng talong, Amelia." Pakiramdam niya tuloy ay napakarumi na ng utak niya.Namula ang pisngi niya.Bakit sa dinami-dami naman kasi ng pwedeng makita ay bakit 'yon pa?!UMUWI na si Miss Neil. Tapos narin siya maglaba kanina pa at nakapagluto narin siya at nakapaghanda ng pagkain para sa amo niya.Dahil sa pagod na pagod siya ay kumain na agad siya pagkahatid niya ng pagkain ng amo niya. Pagkalipas ng isang oras ay nagpunta na siya ng dining room. Habang naglalakad ay natapilok siya at hindi s
[Amelia]"MALUNGKOT ka yata, Amelia. May problema ba?" Tanong ni Nelson matapos ilapag sa mesa ang mga gulay na dala nito.Umiling siya at nanatiling tahimik."Teka, bakit namamaga 'yang mata mo. Umiyak ka ba?" Umupo ang binata sa harap niyang upuan at tumingin sa mga mata niya na namamaga.Iyak kasi siya ng iyak dahil sa nangyari sa kanya kagabi. Pinilit niya na alisin sa isip ang nangyari, sinabi na gigising at kakalimutan ang nangyari pero hindi nakisama ang mata niya. Patuloy siyang umiyak hanggang sa nakatulugan nalang niya ang pag-iyak.Napa-aray siya ng hilahin ni Nelson ang mga kamay niya. "Bakit may mga sugat ka?" Nag-aalalang tumingin sa kanya ang binata. "W-wag mo sabihin na sinaktan ka ni Sir Damon?" Napalunok na tanong pa nito.Agad na umiling siya. "Ano ka ba, hindi niya ako sinaktan." Nag-iwas siya ng tingin at nagyuko ng ulo. "N-nakabasag kasi ako ng figurine kagabi, tapos nadulas ako do'n sa mga bubog. Ang tanga ko, di'ba?" Tumawa siya ng peke para hindi na 'to mag-is
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito. Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita. Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito. Parang bata na napahagulhol siya ng iyak
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant