[Amelia]PAGKATAPOS gawin ang mga trabaho niya ay nagluto na siya para sa gabihan ng amo niya at bago pumatak ang alas otso ng gabi ay nakapaghain na siya para rito.Kumunot ang noo niya ng makarinig ng malakas na pagkabasag ng kung ano. Agad na lumabas siya ng kusina.Nakita niya ang amo niya na nakaupo habang may hawak ng baso na may laman na alak."There you are. Come here, Amelia." Iminuwestra nito ang kamay para palapitin siya.May nagawa na naman ba siyang mali? Lumunok siya at lumapit sa amo niya. Hindi man niya gusto na lumapit ay sumunod nalang siya. Alam niya kasi na magagalit na naman ito sa kanya paghindi siya sumunod."I thought you'll never come back. But there you are now, standing here in front of me." Halata na lasing na lasing ito.Hindi siya sumagot. Nanatili siya na nakatayo lang sa harap nito. Hindi siya sigurado pero parang dumaan ang takot at lungkot sa mata nito, saglit lang 'yon at agad din nawala."I knew it. Hindi ka talaga aalis kasi malaki ang sahod... kai
[Amelia]ANTOK na antok siya dahil hindi siya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip sa nangyari. Pakiramdam niya kasi ay nararamdaman parin niya ang matigas na bagay na 'yon sa pang upo niya.Kasalanan 'tong lahat ng amo niya.Humikab siya habang nagluluto. Nagdodoble ang paningin niya dahil sa sobrang antok. Parang wala siyang lakas na gumalaw at kumilos. Ang sarap mahiga sa malambot na kama at matulog maghapon.Mahina niyang sinampal ang pisngi. "Bawal tamarin, Amelia." Aniya sa sarili. Matapos magluto ay naghain na siya. Nagtimpla din siya ng kape para sa amo niya.Naalala kaya ng amo niya ang ginawa kagabi? Umiling siya, tiyak na wala itong naaalala dahil sa sobrang kalasingan. Sumuka pa nga ito.Gusto niya sana palitan ng damit ito kagabi pero naisip niya na malilintikan siya rito pagka napansin nito na iba na ang damit na suot kaya hindi nalang niya ginawa. Maganda na 'yong sigurado.Hindi siya kumain dahil wala rin siyang gana na kumain. Pagka antok lang ang nararamdaman niya ngayo
[Amelia]NATIGILAN siya. Ibig sabihin pala ay hindi ganito kasama ang ugali ng amo nila dati? Nagbago lang ito dahil sa nangyari sa pamilya? Tumango-tango siya. Kaya pala."Basta kapag nakapagtapos ako, liligawan kita. Isang taon nalang ang hihintayin ko para makapagtapos." Seryoso ang mukha na tumingin ito sa kanya."Tigilan mo nga ako, Nelson. Wala kang mapapala sa akin. Kasi magpapayaman muna ako sa pagtatrabaho." Seryoso din na sabi niya.Nagkamot ito sa ulo. "Ah, basta. Liligawan kita. Bahala ka." Ani ni Nelson saka malakas na tumawa."Ewan ko sayo. Ang kulit mo!" Sarap kutusan. Paulit-ulit nalang ganito. Napailing nalang siya."Sige na, d'yan ka na. Balik na ako sa loob dahil baka ibaon kita d'yan kasama ng mga halaman." Inis niya na sabi dito pero tinawanan lang siya nito."Bye, Amelia ko. Labyu!" Nalukot ang mukha niya habang naglalakad ng marinig ang sinabi nito. "Baliw na talaga siya." Aniya habang naglalakad.Napangiwi siya ng bumangga siya sa matigas na dibdib. Nag-angat
[Amelia]ISANG buwan na siya rin siya dito sa mansion. Hindi makapaniwala si Miss Neil at Nelson na magtatagal siya dahil karamihan ng pumapasok dito ay hindi umaabot ng dalawang linggo.Nakangiti siya habang hinahalo niya ang niluluto niya. Kahit siya rin naman ay hindi makapaniwala.Pero tulad nga ng sinabi niya ay kakayanin niya at tatagal siya rito. Sulit ang pagtitiis at pagod niya para sa pamilya niya. Hindi na talaga kailangan magtrabaho ng nanay niya at makakapag aral na ng tuloy-tuloy ang mga kapatid niya. At para sa future nila ay mag iipon siya para makapag simula ng maliit na negosyo balang araw."Ngiting-ngiti ka, Amelia. Anong meron?" Tanong ni Nelson sa kanya. Kadarating lang nito galing sa hardin.Bago humarap dito ay pinatay na niya ang apoy saka umupo."Nagtatanong kapa, di'ba nga isang buwan ko na ngayon dito saka makukuha ko na ang kabuuhang sahod ko." Hindi muna siya uuwe ngayon dahil itatabi niya ang sahod na tira. Iyon na ang napag usapan nila ng nanay niya."Iyo
[Amelia]"S-SIR..." Nag iba ang pakiramdam niya ng maramdaman ang mainit na hininga nito sa tainga niya. Ngayon lang niya naranasan ang ganito at hindi niya alam kung bakit.Tumingin siya sa puson niya ng maramdaman na may tumutusok do'n na matigas na bagay.Nanlaki ang mata niya ng ma-realize kung ano ang bagay na 'yon.Mabilis na itinulak niya ang amo niya at nagmamadali na umahon. Nagmamadali siya tumakbo pabalik sa kwarto niya. Gusto niya maiyak ng maalala ang pagkadikit ng bagay na 'yon sa puson niya.Noong una ay nakita lang niya, tapos naupuan, tapos ngayon sa puson na niya dumikit! Pumasok siya ng banyo at agad na nagbanlaw.Bakit ba palagi nalang nangyayari ito sa kanya?! Madilim ang mukha ng amo niya sa kanya kanina, sigurado siya na galit na naman ito at baka malintikan na naman siya bukas.Kapag minamalas ka nga naman!Bakit naman kung kailan siya nag swimming ay saka naman din nito naisipan na magswimming.Namula siya ng maalala ang bagay na tumutusok sa puson niya kanina.
[Amelia]BIBILI siya ng mga bagong panty at bra. Iyon ang plano niya kapag sumahod siya. Kailangan niya 'yon para hindi masabi ng amo niya na maski panty at bra ay wala siyang pambili.Sa ugali ni Sir Damon ay hindi malabo na sabihin nito ang mga bagay na iyon sa kanya. Pinagpag niya ang luma n'yang tuwalya na naiwan niya sa pool. Mabuti at hindi naisipan na itapon ito ang amo niya.Ano kaya ang nakain ni Sir Damon? Bakit hindi siya nito pinagalitan at sinigawan? Nakapagtataka talaga."Amelia ko!" Inirapan niya si Nelson na kararating lang. Nakangiti na nilapag nito ang gulay sa mesa."Bakit araw-araw kang maganda, Amelia? Lalo tuloy akong nahuhulog sayo." Hirit pa ni Nelson."Alam mo, Nelson, tigilan mo 'ko sa kabobola mo, hindi ako tatablan n'yan, no!" Pakli niya na tinawanan lang ng binata. Sinamaan niya si Nelson ng tingin ng maalala ang nangyari kagabi. Lumapit siya rito at mahinang nagsalita."Ang sabi mo sa akin wala ng gumagamit ng swimming pool, eh bakit ginamit ni Sir Damon
[Amelia]TODO ngiti siyang lumabas ng kwarto, pero dahil sa hindi siya sanay sa high heels ay nawalan siya ng balanse. Akala niya ay babagsak siya pero tumama ang mukha niya sa matigas na bagay bago pa siya bumagsak sa lapag.Nanlaki ang mata niya ng makita ang amo niya na nakatingin sa kanya. Agad na umayos siya ng tayo at lumayo rito. Kailangan niya dumistansya dahil mukhang hindi maganda ang mood ng amo niya ngayon.Grabe kasi ang tingin ng mga mata nito sa kanya ngayon. Matiim at tila hinahalukay ang pagkatao niya.Hindi niya mapigilan ang sarili na purihin si Sir Damon ngayon. Para itong prinsipe sa suot na itim na tuxedo. Napakagwapo nito, tapos mabango pa. Sabagay, palagi naman itong gwapo at mabango, wala ng bago. Kaso nga lang ay nakakatakot pa rin ang awra nito sa kabila ng kagwapuhan. Paano ay masama kung tumingin, parang kakain ng tao.Habang nasa loob sila ng mamahaling sasakyan ni Sir Damon ay panay naman ang hilot niya sa sintido niya. Sa sobrang sakit ng ulo niya ay nap
[Amelia]NAGMULAT siya ng mata ng huminto ang sasakyan. Nakauwi din sila sa wakas. Mabagal ang kilos na bumaba siya ng sasakyan ng amo niya. Hindi niya ito nilingon at tuloy-tuloy na pumasok. Nang muntik siyang mabuwal dahil sa panginginig ng katawan ay maagap siyang nahawakan ng amo niya na nasa likuran na pala niya.Agad na humiwalay siya rito at naglagay ng distansya sa pagitan nila."Hindi ka na dapat sumama kung hindi maganda ang pakiramdam mo." Seryosong wika ni Sir Damon. Hindi siya nagsalita at nagyuko lang ng ulo. Paano naman nito nalaman na masama ang pakiramdam niya?"Use your fùcking brain, Amelia. Ganyan ka ba talaga katanga? Sinama kita para may alalay ako, pero ako pa ang nag-adjust dahil sayo." Kumibot-kibot ang labi niya. Nagsimulang manlabo ang mata niya dahil sa mga sinabi nito.Bakit parang kasalanan pa niya? Wala naman siyang sinabi na umuwi sila. Hindi niya pinaalam ang kalagayan niya dahil baka magalit 'to. Bakit palagi nalang siyang mali sa paningin nito?Sak
[Amelia] PUMIKIT siya habang kinkontrol ang sarili na huwag umiyak. Baka kasi masira ang makeup niya sa mukha. Nakakahiya naman sa makeup artist na nag-ayos sa kanya. Tumingin siya sa reflection niya sa salamin. Hindi maitatago ang kaligayan sa kanyang mukha. "Ang ganda mo, anak." Puri ng nanay niya na kapapasok lang. Nakabihis na rin ito, maging si Amon. "Opo, ate mommy, ang ganda niyo po lalo!" Puri ng anak niya. Ngumiti siya sa nga ito. "Syempre maganda si mommy dahil mana kay nanay." Aniya sabay gulo sa buhok ni Amon. "Di'ba sabi ko sa'yo mommy nalang o mama ang itawag mo sa akin." "Mommy naman, eh! Bakit mo po ginulo hair ko? Hindi na po ako pogi!" Reklamo ni Amon. Pareho silang natawa ng nanay niya. Paano ay ilang araw na nilang napapansin na palaging nakaayos ang buhok nito. Iyon pala ay may kaklase itong nagugustuhan ayon kay Alex. Nagpunta si Amon sa tapat ng salamin para ayusin ang buhok na nagulo. Kandahaba ang nguso nito kaya lalo silang natawa nang nanay
[Amelia]PINUNO muna niya ng hangin ang dibdib bago siya tuluyang pumasok. Ito ang kauna-unahang beses na nagpunta siya dito. Hindi lingid sa kaalaman ni Damon ang ginagawa niya ngayon sa lugar na ito.Naiintindihan niya kung bakit hindi sumama si Damon sa kanya. Maski ang nanay niya, mga kapatid ay hindi rin nagpupunta rito. Sa katunayan ay siya ang kauna-unahang dumalaw sa taong ito.Nag-angat siya ng tingin ng umupo ang lalaki na napakatagal na niyang hindi nakita. Matagal man silang hindi nagkita ay wala siyang nakapa sa dibdib na pananabik, bagkus ay puno siya ng galit at hinanakit.Tila nadoble ang edad ng tatay niya rito sa loob ng kulungan. Wala na ang matikas nitong pangangatawan. Sa sobrang payat nito ay duda siya kung kumakain pa ba ito."Anong nakain mo ang nagpunta ka rito? Nasaan ang nanay mong walang silbi? Masaya ba kayo na wala na ako sa buhay niyo?!" Mabagsik na tanong nito kasabay ng paghampas ng magkaposas na kamay nito sa ibabaw ng mesa na tila gusto pa siyang sak
[Damon]NOONG panahon na buhay pa ang magulang niya ay palaging sinasabi ng mga ito na darating ang araw na titibok ang puso niya at magmamahal ng sobra. Hindi siya naniwala do'n at tinatawanan lang ang mga sasabihin ng magulang niya. Hindi naman kasi siya naniniwala na may babaeng magpapaamo sa kanya. Sa dinami-dami ng babae na nakilala niya ay walang nakapagpatibok ng puso niya.Lalo na ng mamatay ang magulang niya. Sinarado na niya ang puso niya sa lahat—maliban sa kanyang mga kaibigan.Pero katulad nga ng sinabi ng magulang niya ay may babaeng dumating, hindi lang para pasigawin siya, galitin siya, inisin siya, kundi pinatibok din ni Amelia ng mabilis ang puso niya. Natuto siyang magselos na hindi naman niya naramdaman sa ibang babae. Kahit sa kaibigan pa niya ay nagseselos siya."Kuya, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Alex sa kanya. "Y-Yes, ayos lang ako." Sagot niya, kahit ang totoo ay nanginginig ang buo n'yang katawan sa nerbyos. Tatlong buwan na ang nakalipas ng maka
HAWAK niya ang kamay ni Amelia at hindi niya ito binibitiwan. Natatakot siya na baka panaginip lang ang lahat, na baka panaginip lang niya ang pagkagising nito.Nang suriin ito ng doktor ay nakatulog ito dahil sa matinding pagod na nararamdaman ng katawan dahil sa matagal na pagkakahiga. Kaya ngayon ay narito siya sa tabi nito para sa oras na magising ito ay siya ang una nitong makikita.Anim na oras na silang lahat naghihintay na magmulat ng mata si Amelia pero hindi na ito muling dumilat pa. Narito ang pamilya ng dalaga, kasama ang kanilang anak. Ang nanay nito ay umiiyak sa sobrang tuwa, maging ang mga kapatid. Nanlaki ang mata niya ng maramdaman ang pagganti ng hawak ni Amelia sa kanyang kamay, kasabay ng pagmulat nito ng mata. Nakatagilid parin ito ng higa kaya naman kitang-kita niya ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. Ang tubo na nasa bibig nito ay inalis na ng doktor kaya nakita niya ang maliit na ngiti na gumihit sa labi nito.Parang bata na napahagulhol siya ng iyak. Ma
DAMON looks devastated while leaning against the wall. Magulo ang buhok ng binata at tila wala sa sarili. Limang araw na subalit wala parin response ang katawan ni Amelia. Some of her organs were hit and damaged severely. Tagumpay ang operasyon subalit ang paggising nito ay walang kasiguraduhan.Hindi niya kayang magtagal sa loob ng kwarto kung nasaan ang babaeng mahal na mahal niya. Tila dinudurog ang puso niya sa sakit at anumang oras ay tila mababaliw siya. Paulit-ulit na sinisisi niya ang sarili. Kung dumating lang sana siya agad para iligtas ito. He ran a trembling hand through his hair and began to cry like a child. "P-Please, babe... don't leave me." His sobbing and pleading spread throughout the hallway but he doesn't care. All he have in mind was all about her.Nagsibuga ng hangin ang mga kaibigan ni Damon na nakamasid lang sa kanya. They are right. Damon lost himself again like when he lost his parents and little sister. Mabigat sa dibdib ang ganitong tagpo para sa kanila.
[Amelia]HINAWAKAN niya ang mukha ng anak. "Pikit ka, Amon." Utos niya sa anak. Nakaalis na sina Cassandra at Frederick. Ngayon ay kailangan nilang lumabas sa ilalim ng mesa kaya inuutusan niyang pumikit ang anak para hindi nito makita ang bangkay sa sahig.Nakahinga siya ng maluwag ng pumikit ang anak. Nang lumabas siya sa ilalim ng mesa ay hinawakan niya sa kamay ang anak para alalayan. Pero naapakan ni Amon ang dugo dahilan para madulas ito."A-Ate mommy!" Malakas na iyak ni Amon ng makita ang dugo na nasa kamay.Tarantang tinakpan niya ang bibig ng anak ng kanyang kamay."Narinig niyo ba? Iyak ng bata 'yon, di'ba?" Ani ng isang tauhan ni Cassandra sa kasamahan. "Oo! Hanapin natin dali!" Sagot ng isa.Kinarga niya ang humihikbi pang si Amon at saka tumakbo palayo sa yabag na papalapit sa kanila. Halos magkatumba-tumba pa siya dahil mahaba ang suot n'yang wedding gown na hindi niya naisipan na hubarin kanina. "Huhuhu, b-bakit po nila tayo hinahabol, ate mommy?" Patuloy sa pag-iyak
[Amelia]HINAWAKAN niya mukha ni Amon at hinalikan ito sa tungki ng ilong. Kailangan na niyang kumilos. Marahan ang kilos na lumabas sila sa ilalim ng mesa. Sumagap muna siya ng hangin bago nagpasya na sumilip, pero agad na bumalik siya sa pagkakatago ng makita ang isa sa hinihinala niyang tauhan ni Cassandra."Hanapin niyo ang dalawa. Tiyak na hindi pa nakakalayo ang mga 'yon—putanģ ina! Ano 'yon?!" Malakas na mura ng lalaki ng makarinig ng sunod-sunod na pagputok.Tinakpan niya ang tenga ng anak. Nanlaki ang mata niya ng makarinig ng mga yabag. Mabilis na hinila niya si Amon upang bumalik sa ilalim ng mesa.Sobra ang kaba niya ng makita ang anim na pares ng paa na nakatayo malapit sa pwesto nila. Mabuti nalang at may kahabaan ang mantel ng mesa kaya hindi sila nakikita ng mga ito. Halos takpan niya ng maigi ang bibig ni Amon huwag lang itong makapag ingay.Nanlaki ang mata niya ng marinig ang pamilyar na boses."Dennis, nasaan na sila Mando?!" Tanong ni Cassandra sa tauhan."Wala na
NANG makaalis si Frederick ay agad na binuksan niya ang pinto ng kwarto para alamin kung naka-lock ito o hindi.Halos maiyak siya sa tuwa ng malaman na hindi ito naka-lock.Nakapagtataka.Hindi ba natatakot si Frederick na tumakas sila? O kampante na ito dahil kasal sila? Inis na tinanggal niya ang singsing sa kamay at binalik ang singsing na binigay sa kanya ni Damon."Amon, tara na. Aalis na tayo sa lugar na 'to." Kahit kasal na sila ay hindi siya sasama kay Frederick sa ibang bansa.Hindi niya ito mahal at natatakot na siya rito. Ibang-iba na ito sa dating Frederick na nakilala niya.Hawak ang kamay ni Amon ay lumabas sila ng kwarto. Malawak ang bahay at wala siyang nakikitang ibang tao maliban sa kanila ng kanyang anak.Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya para hindi makalikha ng ingay."Ate mommy—" Agad na tinakpan niya ang bibig ng anak at inilagay ang hintuturo sa gitna ng labi niya, tumango naman ito na parang naiintindihan ang nais niyang iparating.Nang nasa kalagitna
LULAN ng puting van ay muli silang bumyahe ni Frederick pagkatapos nilang ikasal. Tulala siya habang nakatingin sa labas ng sasakyan habang tahimik na umiiyak."Tumahimik ka nga!" Malakas na singhal ni Frederick na tila nabibingi sa pag iyak niya. Hinawakan nito ang isang kamay niya. "Tanggapin mo nalang, Love. Kasal kana sa akin at wala ng magagawa ang pag iyak mo." Masama siyang tumingin rito. "Kasal na nga ako sa walang hiyang tulad mo, pero hanggang ngayon ay hindi mo pa rin pinapakita sa akin ang anak ko!" Muling binalik nito ang tingin sa daan. "Maghintay ka lang, Amelia, makikita mo rin siya." Inabot ng limang oras ang biyahe nila kaya inihinto nito ang sasakyan sa isang fast food chain para mag-drive thru lang. Hindi niya pinansin ang pagkain na inabot nito sa kanya kaya naman muli na naman itong nainis sa kanya. Sapilitan na nilagay nito ang pagkain sa kamay niya."Kumain ka, Love. Hindi ko gustong magutom ka. Alam ko na dapat ay nasa isang hotel tayo o magarang restaurant