BUNNYPAGMULAT niya ng mga mata, bumalikwas siya agad ng bangon sabay daing at hawak sa ulo. Argh!Sobrang sakit ng ulo niya parang pinipiga.Nasa gano'n sitwasyon siya nang bumukas ang pinto ng kwarto. Si Asher, na may dalang tray ng pagkain."Hey, sleepy buns! At last, gising ka na." Nakangising bungad ni Ash."Breakfast na ba?" nanghihinang tanong niya kasabay ang paghiga uli upang maibsan ang pagkahilo niya dahil sa sakit ng ulo.Pagak na natawa si Asher. "Duh? Breakfast! It's dinner time. Sobrang haba ng tulog mo, muntikan ka na kainin ng kama, alam mo ba?"Nanlaki ang mga mata niya sabay balikwas ng bangon at napatitig sa asawa. Pinakita naman ni Asher ang oras sa cellphone niya. Shit! totoo nga. It's nine in the evening na!Napahilamos siya ng mukha. Grabe ang hang over niya. Huminga siya nang malalim."Anyways, kumain ka na muna, tapos na ko mag-dinner. After you eat, magligo ka na--""A-Anong nangyari kagabi?" putol niya sa ano mang sasabihin ni Asher."Wala naman. Nalasing k
DIEGO"AN exquisite masterpieces, offering breathtaking landscapes, crystal-clear waters, and a serene escape from the hustle and bustle of everyday life. I love this place!" Malakas at conyong wika ng isang babaeng kulay pink ang buhok.Halatang turista rin ito tulad nila. Well, hindi naman niya masisi ang babae. Maganda naman talaga ang lugar.Umingos si Bunny. Kitang kita niya iyon. Napangiti siya."You're mean girl," mahinang sita niya sa asawa.Huminto ito sa pag nguya. Kasalukuyan silang kumakain ng breakfast nila sa isang kainan sa labas ng hotel malapit sa beach side."I'm not. I really hate it pag tumitingin ka sa ibang babae."Ewan ba niya pero parang sumikdo ng bahagya ang dibdib niya sa sinabi nito. Subalit, hindi niya pinahalata.Pagak na natawa siya. "Pag sa lalaki ako titingin, ayos lang sa'yo?"Bunny rolled her eyes and snort again."Basta!" Nabigla siya nang mabilis na tumayo ito at lumakad palayo. Naiwan siyang mag isa. Hahabulin ba niya o hahayaan niya muna ito?
BUNNYSHE chuckles. She knows. God knows she know but f*ck! how did that happen?Totoong nag-enjoy siya sa maghapon water activities nila. Matagal na niyang gustong gawin ang mga iyon pero hindi niya magawa dahil sa limitado ang galaw niya noon modelo pa siya at ayaw na ayaw ni Asher ang mga nakakapagod na activity lalo ang mga water activities or hiking or any kind of sport.Inis na inis si Asher pag pinagpapawisan ito, mas trip nito magbasa ng libro, mag-laptop maghapon o mag bar hopping sa gabi. Kaya naman ng tanungin niya ito kung sigurado ito, doon niya na kumpirma, hindi ito ang asawa at bestfriend niyang si Asher.She knows Asher. Yeah, she's pretty sure kilalang kilala niya ang kaibigan mula buto hanggang kaluluwa.Napatitig siya sa lalaking kasama niya na kasalukuang nakikipag usap sa mga staff na nag-guide sa kanila mula sa simula hanggang sa matapos ang water adventure nila.Huminga siya nang malalim. Kung physical na anyo, wala siyang masabi. Kamukhang kamukha nito si Ashe
DIEGO"YES. Your Mother. My Mom told me she's coming here. Isn't amazing?"Nagitla siya sa narinig. Halo-halong emosyon ang bumabaha sa dibdib niya ng mga oras na iyon. Ang kanilang Ina, ang totoong Ina niya. Makikita na niya ito sa wakas.Subalit, matuwa kaya ito oras na malaman nito ang totoong nangyari kay Asher? Tanggapin kaya siya nito o sisihin sa pagkamatay ng kapatid?Napalunok siya ng laway. Nag iinit ang gilid ng mga mata niya. Paano niya haharapin ang kanilang Ina? Paano kung matuklasan nito agad na hindi siya si Asher? Titigil na nga ba siya sa hustisyang nais niya para sa kapatid?Dagli siya napatayo sa kinauupuan at niyaya na si Bunny bumalik sa hotel room nila."A-Are you okay?" mayamayang tanong ng dalaga sa kaniya.Tumango tango siya.He's not okay. Really."Ahm, I think my stomach got upset, tara na sa hotel?" yakag niya."Sabi na e, kumain ka pa kasi ng java rice, alam mo naman mabigat sa tiyan niyan." Sabi ni Bunny.Hindi na lang siya kumibo. Iniisip pa rin niya an
BUNNYPAGDATING nila sa condo mabilis siyang dumiretso sa kuwarto at pabagsak na humiga sa malambot na kama.Masyadong pagod ang utak niya kakaisip kay Asher at sa pekeng Asher.Ano ba kasi ang ginagawa ni Asher? o 'di kaya may nangyari hindi maganda sa kaibigan niya at ang pekeng Asher ang may kagagawan?Parang sasabog na ang ulo niya, idagdag pa na parating si Mommy Angela.Argh!Bumangon siya sabay marahan sabunot sa buhok, sakto naman pagbukas niya ng pinto, rinig niya ang pag uusap ng pekeng Asher at ang driver kuno nito.Kaya naman dahan-dahan siya lumapit sa mga ito sa kusina. She knew it! They know each other, hindi ito new driver or whatsoever driver. Magkakilala ang dalawa or let's just say...magkasabwat ang mga ito?Oh God!"Pahirap nang pahirap 'to, baka malaki at maimpluwensya tao pala ang mastermind, baka mapahamak ka pa lalo na't pag nalaman nila buhay pa si Asher sa katauhan mo."Parang may neuclar bomb na nahulog sa kaniya dahil tila nabingi siya sa narinig na sinabi
BUNNYPUGTO ang mga mata niya dahil sa labis na sakit na nararamdaman niya habang nakatunghay sa columbarium kung saan nakalagak ang abo ni Asher.Nakasulat doon ang pangalan ni Asher at isang maliit na larawan nito. Marahan niya kinatok ang niches saka pinahaba ang nguso habang patuloy pa rin ang pag patak ng mga luha niya."You're so mean. You didn't say goodbye to me. Sana kahit sa panaginip, nag effort ka man lang sana." Ani sabay punas ng luha sa pisngi. "At saka, bakit wala ka sinasabi na may kambal ka, nagulat kaya ako akala ko pa naman walang lihiman."Huminga muna siya nang malalim saka kiming ngumiti. "Dapat ba akong maniwala kay Diego? Sure ka bang hindi siya ang pumatay sa'yo? Para kasing ang bilis, nagkita la
BUNNYPAGPASOK pa lang nila ng condo, hindi pa siya nakakaupo ay may nag-doorbell na sa pinto. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Diego."W-Wala akong order," mabilis na sabi nito.Sumenyas na lang siya rito na ito na ang magbukas ng pinto. Napagod siya, hindi sa biyahe kun'di sa init ng panahon. Napaka init, idagdag pa na wala man lang aircon ang building kung nasaan ang columbarium.Well, ano bang asahan niya? Wala naman siya sa Australia, nasa Pilipinas siya.Mayamaya pagkabukas ni Diego ng pinto, bumungad kaagad ang matinis na boses ni Mommy Angela at boses ni Lola Anastacia. Oh what? andito rin si Lola? Damn!"Oh my! My handsome baby boy, I miss you, darling---" malakas at malambing na wika ni Mommy Angela sabay yakap nang mahigpit kay Diego.Halatang natigalgal si Diego, para itong natuklaw ng ahas sa gulat. Mabil
DIEGOHINDI pa rin siya makapaniwala. Pakiramdam niya napunan na ang kulang sa pagkatao niya nang yakapin siya nang mahigpit ng kaniyang Ina.Hindi man nito alam kung sino siya, para sa kaniya nag uumapaw na saya ang lumukob sa dibdib niya.Masaya sa pakiramdam maging buo lalo ang makita ang tunay niya pamilya. Kaya naman hindi na niya napigilan ang pagtulo ng luha. Para tuloy siyang batang naiyak dahil nakita ang Ina matapos maligaw, gano'n ang nararamdaman niya.Subalit hindi pa rin maalis sa isip niya ang pag aalala at takot sa dibdib na baka isang araw ay ipagtabuyan siya at kamuhian ng totoong Ina niya."Are you ready?"Nahinto siya sa malalim ni
BUNNY POV"OH MY GOD! In just five days, umabot na ng ten million views ang movie! Grabe much!" Tumitiling balita ni Alona sa kaniya.Kasalukuyan nasa condo siya nagpapahinga dahil sa halos dalawang linggo kabi-kabilang guesting sa mga tv shows at radio station para mag-promote ng bagong pelikula niya.Umikot ang mga mata niya sabay napailing dahil sa kaingayan ng kaniyang baklang manager na si Alona. Naging kaibigan niya ito dahil kapitbahay niya ito noon nangupahan siya malapit sa kung saan nakakulong ang kaniyang Mommy.Mas madali kasi niya madalaw ang Mommy niya kaya doon siya naghanap ng town house na mauupahan."Ang ingay mo baks." Sita niya sa kaibigan.Naup
DIEGO POVAFTER FIVE YEARS....NAPASULYAP siya sa pinto ng kaniyang executive office. Napangiti siya nang makita si Michelle kasama ang makulit at apat na taon niyang anak na si Amber.Mabilis na tumakbo si Amber palapit sa kaniya, tumayo naman siya agad at maliksing binuhat ito. Ngiting-ngiti siya dahil panay tawa si Amber habang buhat niya."I miss you, Dada." Malakas na sabi ni Amber, hinalikan naman niya ito sa pisngi."Na-miss din kita." Sagot niya sabay lingon kay Michelle.Galing ang dalawa sa Canada, halos ilan buwan din nandoon ang mag ina. Ngumiti siya kay Michelle."Kumusta? Anong balita sa'yo?" nakangiting tanong niya kay Michelle.Sa loob ng limang taon naging malapit na magkaibigan silang dalawa kahit sa mata ng ibang tao ay mag asawa sila. Malaki ang naitulong ni Michelle sa pagbabago ng buhay niya lalo sa pag hahawak ng kumpanya.Naka-graduate siya sa kolehiyo sa America, hindi madali subalit ginawa niya ang lahat upang maipakita sa pamilya niya at sa lahat na karapat
BUNNY POVHUMINGA siya nang malalim habang nakatayo sa harapan ng gate ng mga Sandoval kasabay ang marahan na paghimas niya sa impis niya tiyan.Kailangan niya masabi kay Diego ang kalagayan niya. Wala siya pakialam kung kasal man ito ang mahalaga malaman nito ang totoo at kahit papaano masuportahan man siya ng binata."Yes, ma'am?" magalang na tanong ng security guard sa kaniya matapos siya mag-doorbell."Uhm, I'm here for Mr. Diego Sandoval, is he here? I badly need to talk to him. Please, tell him, I'm here. I'm Bunny Smith." Aniya sa guard.Tumingin ang guard sa kaniya at marahan tumango."Okay. Please wait."Kiming ngumiti siya. Tahimik siyang na nanalangin na sana'y naroon si Diego. Ilan minuto pa siya nag antay subalit hindi pa rin bumabalik ang guard.Hanggang ang minuto ay naging isang oras, hanggang naging dalawang oras. Medyo nakakaramdam na siya ng gutom dahil sa tagal. Ewan ba niya, wala kasi siya gana kumain ngayon.Marahil sa dami nang iniisip niya kaya hirap siya kumai
DIEGO POV"WHAT? Marry who? Wala na po ba ibang paraan, Mommy? Lola?"Mabigat sa loob niya iwan si Bunny sa hospital subalit dahil sa mga nangyari kinailangan niya sumama sa kaniyang Mommy Angela at Lola, pabalik ng Australia.Nangako siya na babalik agad sa Pilipinas para kay Bunny ngunit nagkaroon ng aberya sa kumpanya na pinanghahawakan ni Asher. Nalaman na ng lahat ang pagkamatay ni Asher, kaya isa-isang nag pull out ang mga board member o share stockholder ng kumpanya.Malaking problema iyon para sa pamilya nila, hindi lang sa malaking pera ang mawawala sa pamilya nila kun'di maraming empleyado ang mawawalan ng trabaho."Listen, Anak. This is business. Nang malaman nila wala na ang kapatid mo, at ikaw ang papalit, nagkaroon sila ng pagdududa sa kakayahan mo. I know, naguguluhan ka pa at marami ka pang pag aaralan tungkol sa kumpanya natin, kaya
BUNNY POVNAGMULAT siya ng mga mata, buong akala niya ay nasa isang hospital na naman siya subalit nang mapagmasdan ang buong paligid niya, nasa isang eleganteng silid pala siya.Napabalikwas siya nang bangon sabay napaigik at hawak sa ulo dahil sa matinding pagkirot niyon.Migraine ba ang pagsakit ng ulo niya?Muli siya napahiga at napatulala sa magandang kisame.Nasaan na nga ba siya?Ilan sandali pa ay may pumasok sa silid.Mabilis siyang napaupo at napatingin sa bagong dating. Isang matangkad na lalaki, itim ang balat nito, hula niya ay black american ito o african american. Nakasuot ito ng ligh brown na formal suit at brown na leather shoes, at blue na necktie.Sa tangkad nito, pwede pagkamalan itong NBA player. Makapal ang mga kilay nito, makapal din ang labi at kapansin-pansin ang kulay abo nitong mga mata."Mabuti naman gising ka na." Wika nito pagkalapit sa kaniya.Nagulat siya dahil matinis at diretso ang pagtatagalog nito. Pinoy ba 'to?"Ahm, yeah. Paano pala ako napunta ri
BUNNY POVLIFE sentence ang hataw ng korte sa kaso ng kaniya Mommy Bea kaya masakit para sa kaniya ang sinapit nito. Alam niyang maraming pagkakasala ito subalit nanaig pa rin sa kaniya ang pagmamahal ng isang anak sa Ina. Pagkalabas sa hospital, pinuntahan niya ito sa kulungan.Hindi maganda ang estado nito. Tulala at hindi makausap nang maayos. Tinawagan na rin niya ang Daddy niya na nasa Australia at nalaman niya nag-suicide ito. Halos manlumo siya sa balita, pakiramdam niya bumagsak ang mundo niya. Hindi niya alam kung bakit nararanasan niya ang ganito pasakit."M-Mommy..." mahinang usal niya sa Ina habang kaharap ito.Oras ng pagdalaw iyon kaya nagkaroon siya ng pagkatataon makausap at makasama ito.Bumaling ito sa kaniya at ngumiti."B-Bunny?""Yes, Mommy. It's me.""Ayoko rito walang aircon, mainit. At saka walang bed at mabaho silang lahat," parang batang nagsusumbong ito sa kaniya at palinga-linga sa paligid."Dala mo ba 'yon mga dress ko? pati mga shoes ko? Kailan ba tayo uu
DIEGO POVNASA loob sila ng sasakyan kasama si Twix. Nalaman agad nito ang location kung nasaan sila Bunny at Mommy Angela dahil sa pag-track sa cellphone ni Bunny. Luminga linga siya sa paligid, isang luma at abandonadong pabrika iyon.Huminga siya nang malalim."yyy kating-kati na siya bumaba ng kotse para tumakbo sa loob at iligtas si Bunny at ang Mommy niya."Oh, he's here," kapagkuwa'y sabi ni Twix.Isang big bike ang pumarada 'di kalayuan sa kanila. Naka-leather jacket ang lalaki at naka all black ang pormahan nito. Nang alisin nito ang helmet saka niya napagtanto na kapatid ito ni Twix."That's Marshall..." mahinang sambit ni Twix.
BUNNY POVNARINIG niya ang malakas na pagbalya ng pinto. Hindi siya makalingon dahil namanhid na ang buong mukha niya."W-What the hell is this!?"Gusto niyang umiiyak ng todo nang marinig ang boses ng Mommy Bea niya.Hanggang sa naramdaman niya ang paghawak nito sa mukha niya."Oh, Jesus Christ! What have you done to Bunny?!! Wala sa usapan natin ang saktan si Bunny!!" Hiyaw ni Mommy niya kay Uncle Rey.Isang nakakademonyong tawa ang narinig niya mula kay Uncle Rey."So, Nanay ka ni Bunny ngayon? Iyon ang drama mo?" Nang uuyam na salita ni Uncle Rey. "Bakit? Don't tell me kakalabanin mo rin ako?"Nakita niya ang marahan na paglapit nito kay Mommy Bea."Ang usapan natin gagamitin natin si Bunny para makuha ang pera ng mga Sandoval, hindi para babuyin at saktan mo ng ganito!" Nanggagalaiting gan
DIEGO POVPAGKAGISING niya si Bunny kaagad ang hinanap niya. Wala na kasi ang dalaga sa tabi niya nang magising siya. Pagkababa, naabutan pa niya si Lola Anastacia na kumakain mag-isa sa may garden area.Naupo siya at nagsalin ng fresh milk sa baso."Apo, hindi 'yan low fat milk," tila nag aalalang sabi ni Lola nang inumin niya ang fresh milk.Low fat? May gano'n ba?"Okay lang, La. Basta gatas ayos lang sa'kin," nakangiting tugon niya."Napansin niyo po ba si Bunny?" dugtong na tanong niya saka sumubo ng garlic bread.Titig na titig pa rin sa kan'ya si Lola Anastacia. May nasabi ba siya mali?"L-Lola?" pukaw niya rito.Kumurap kurap naman ito at ngumiti na rin sa kan'ya."Si Bunny? Ahm, wala sila. Umalis sila ng Mommy mo, nag-shopping. Hindi ba nagsabi sa'yo ang asawa mo?"