Mahaba rin pala ang listahan ni Lucas sa errand nito. Ngayon iyon ang kasalukuyan nilang tinitingnan. Nakapalibot na sila sa bilog na lamesa sa sala nito. Hanggang tuhod lang naman iyon. Sila ni Ace nasa couch, si Avery nagpasyang umupo sa sahig ngunit ginamit nito ang unan, sa harapan naman nila ni Ace nakaupo rin si Lucas katulad sa ginawa ni Avery. "I ran an errand to collect that not-so-big box from the caretaker and deliver it to that man then. I'm familiar with his face, but I can't quite recall his name. But once I see it written down, I'm confident that I'll remember," ani Lucas habang binubuklat nito ang listahan, hinahanap ang pangalan ng lalaking tinutukoy nito. Tumango sila, pareho tinititigan bawat buka ng bibig nito. Pero nagtanong si Ace, "From the caretaker here?"Tumingin si Lucas rito at tumango. Tila napaisip naman si Ace at saka nagsalita. "If the box came from the caretaker to that person, there is a good chance that..." Tinuro nito ang mukha ni Lucas at dumugto
Binigyan nila ng break ang kanilang mga sarili, since ang usapan ay dapat maging mautak. Tama ang tiyuhin ni Ace huwag i-underestimate ang taong target nila. Kaya naisipan nilang bigyan rin ng time ang mga sarili habang hinihintay ang errand ng mga kailangan nila mula sa daddy nito.Sa Baguio, may sikat na market sa Horizon road tuwing gabi, katabi lang ito ng Burnham, ito ang tinatawag na Night Market. Malamig ang panahon kaya balot na balot silang pumunta doon. Hindi sanay si Avery sa maraming tao kaya naghanap sila ng spot sa Burnham Park sa mismong malapit sa lake.Umupo sila sa isang bench, makikita sa kinaroroonan nila ang market na talagang nagsisikipan ang mga tao. Panay ang tanaw ni Avery doon, talagang curious. Hindi nila kasama ang dalawang lalaki, dahil bumili ang mga ito ng makain nila, sa mismong market din na iyon. May part kasing puro pagkain lang ang naroon na iba't-ibang klase.Ngunit dahil napansin niyang tila curious si Avery, kinausap niya ito. "Gusto mo lumapit t
"Your girlfriend?" tanong ng lalaking may crescent moon tattoo kay Lucas. Halos malapit lang ang mga ito sa kanila at rinig na rinig dahil ang harang ay chainlink wire lamang of aluminum wire bilang pan-secure sa pasyalan. Sa ngayon, hawak-hawak ni Lucas ang kamay ni Avery, casual lang ang galaw nito at si Avery naman titig na titig sa lalaki. Mapapansin niya ang takot pero pilit na kinakalma ang sarili. Sumagot si Lucas, "Yeah, she's Avery." Tumango ang lalaki at naglahad ng kamay kay Avery, tila umaakto rin na walang kasalanan. "Hi, I'm Jayson." Tiningnan ni Avery ang kamay nito at tumango lang, "Nice to meet you." Napatangu-tango ang lalaki sa pag-ignore ni Avery sa kamay nito. Ang dalawang lalaking nasa likuran ng nagpakilalang Jayson ay magpakilala rin bilang, Rey and Arnel. Binulungan siya ni Ace. "Don't watch, makinig ka lang."Tinapik nito ang balikat niya at umayos siya ng upo. Napabuga siya ng hininga dahil sa tension, pinisil-pisil lang ng boyfriend niya ang kamay niy
Tila ba'y ang kaba na nararamdaman niya ay humaharang sa lalamunan niya. Kahit na sa sitwasyon ngayon, tila hindi rin ina-underistimate ng lalaki si Ace. Umatras ito at nagtaas ng kamay. Lumapit pa si Lucas at tinapik ito sa dibdib at tiningnan nang makahulugan. Tumango-tango ang lalaki, siya naman napahinga nang maluwag. "Okay...okay," bulong-bulong ng lalaki at pangiti-ngiting nagpatabingi ng ulo. "But...can we join? Let's play!" pag-aya nito ng laro. Hindi inalis ni Ace ang paningin sa lalaki, si Avery naman pasimpleng umusog sa tabi niya at kinapa ang kamay niya at piniga na tila ba'y nagsasabing mag-relax lang siya, walang may mangyayaring masama.Hindi naman niya maiwasang tingnan ang nasa ilalim ng tenga ng mga ito. Lahat sila may crescent moon tattoo at sa left side lang talaga. Sumagot si Ace, "Deal." Tumango si Lucas, tinanguan naman ng Jayson ang isang kasama nito at umupo ito sa gilid. Naglabas si Ace ng pera, makapal na bundle ng tig-iisang libo, at ni-toss nito sa ib
Sunod-sunod na katok ang pumukaw sa malalim na pagtulog ni Gwy. Dahil nagising siya, naramdaman niya ang lamig na nanunuot sa katawan niya kahit na nasa ilalim na siya ng kumot. Malakas talaga ang lamig sa Baguio. Ang ibig lamang na nararamdaman niya ay ang sa likod niya at isang parte ng dibdib niya. May kamay kasing nakatakip roon at kaya lang sobrang malamig ang pakiramdam niya dahil wala siyang saplót. Nasa likuran niya si Ace nakayakap sa kaniya at mahimbing pa rin ang tulog. Binigyan niya ng attention ang kumakatok at pakinggan ang sinasabi, "Gwy! Ace! Tanghali na!" boses iyon ni Avery. Nangibabaw rin ang boses ni Lucas sa labas. "Dude the errand has arrived!" Napaangat siya ng ulo si Ace mukhang nagising din at tila narinig ang sinabi ni Lucas kaya wala ito sa sariling sumagot ng, "Huh?" Hindi rin naman maririnig sa labas.Bumangon siya nang bahagya at inabot ang buhok nito sa bandang bunbunan at hinila-hila, "Dumating na raw ang pinadala ng dad mo." "Oh..." Halatang wala p
Bumalik sila Jayson sa kanilang lungga. Saka nila tiningnan ang laptop kung saan nakakonekta ang device na nilagay nila sa motorbike nila Ace. Nakita nila itong pumunta sa mataas na parte ng Baguio. Kakaunti lang ang mga bahay roon ngunit malalaki. Kapanipaniwala na doon nga nanatili ang mga iyon. Natawa siya, at napabulong, "Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng yabang mo Ace kapag nasa kamay ko na ang babae mo. Nagkamali ka ng pakikipagkita sa akin." Nag-snap siya ng mga daliri at pinagmasdan ang red dot na hindi na umaalis sa mismong location. Pumasok si Arnel sa sala mula sa kusina at may dala itong bote ng alak. Umupo ito sa harap niya at nagtanong, "Alam mo na?"Tumango siya. "Nakuha ko na ang lugar, hintayin na lang natin umalis iyon. Saka tayo sumalakay." Tumango ang kasama niya at inabot ang bote ng alak. Kinuha niya ito at tumungga. Sa kaniyang paglunok, dinamdam niya ang init nitong dumadaloy sa lalamunan niya. Nagtanong si Arnel, "Hindi ako naniniwalang hindi
Humabol ang tatlong lalaki, dalawang motor ang gamit ng mga ito. Binilisan niya ang pagmamaneho. Hindi masyadong mabahay ang lugar at mas maraming pine tree sa paligid. Nararamdaman niya na kasabay ng malakas na putok ng baril may tumamang bala sa daanan. Mas lalo niyang binilisan ang pagpapatakbo ng motor dahil delikado si Lucas sa likuran niya. "Hold tight!" sigaw niya at pinahiga nang bahagya ang takbo ng motor upang mas makuha niya ang bilis. Mas matulin ang gamit niyang motor dahil bukod sa bago pa ito, matulin na klaseng motor pa ito. Lugi na sila Jayson, at katulad ng inaasahan, natakasan nila ang mga ito. Huminto lang sila sa lugar na tahimik saka bumaba si Lucas. Nagdukot ito ng phone at binusisi ang motor saka tumingin sa kaniya. "There's no sign," anito.Ibig sabihin, walang device na nailagay sa motor nila. Kumurba ang ismid sa mga labi niya at agad na umangkas balik si Lucas sa kaniya. Bumalik sila sa hotel at pagkarating nila roon agad na sumalubong si Gwy sa kaniya.
Base sa kwentong narinig ni Gwy mula sa matandang Sansmith, si Samantha Hulterar ay ang kaisa-isahang anak ng mga magulang nito. Nakatakas ito kasama ng ina at hindi na nagparamdam 27 years ago. 27 years ago masyado nang matagal at payapa na ang buhay ng mga Sansmith at ngayon na nakita niya ang mukha nito, nararamdaman niya ang takot. Matapos makipag-usa si Ace sa pamilya nito, bumalik ito sa pagmomonitor ng laptop ngunit minsan tulala, tila nag-iisip. Si Avery naka upo lang sa couch, tulala rin at tila stress na stress. May hawak itong baso ng juice na unti-unti lang nitong iniinom. Si Lucas naman ay nakatayo sa pintuan papuntang terasa at nakatingin sa malayo. Tila nag-iisip rin pero para sa kaniya wala siyang nakitang dahilan nito para maguluhan sa sitwasyon ng dalawang panig. Kung baga labas ito sa problema pero parang mas namomroblema pa ito sa lahat. Gabi na, kahit sino sa kanila walang planong matulog. Dala niya ang tray na may dalawang tasa ng kape mula sa kusina at para i
Ang daming pabaon na natanggap si Avery mula kay Gwy at sa mga kaibigan nito na naging kaibigan niya narin. Dalawang paper bag mula kay Gwy, isang paper bag naman mula kay Ace, nagbigay rin si Celestia at Natalie, ganon din si Noah. Tig-iisang paper bag mula sa mga ito. "Kita na lang tayo sa Singgapore, sakaling may transaksyon ako doon," ani Noah at sumenyas pa ng finger chat. "Me too, puntahan kita sa hospital niyo," ani naman ni Natalie kung may project ako roon. Napangiti naman siya at sinabi niyang, "Guys, uuwi rin ako dito, don't worry." "Dapat lang, lalo na sa kasal ko, subukan mo lang kalimutan," ani naman ni Ace. Sinamaan niya ito ng tingin, "Nakalimutan mo yatang kapatid ko ang aasawahin mo? Shempre hindi ako mawawala doon." Humarap siya kay Gwy, ngumiti lang ito pero may lungkot sa mga mata. "Mamimiss kita," mahinang sabi nito. Nagpatunog siya ng dila. "Tatawag ako lagi, shempre..." Piniga-piga niya ang pisngi ni Austin, "Lagi kong mamimiss itong baby na to eh."
Three weeks later. "Happy birthday, Austin!" Sumigabong ang palakpakan, puno ng decoration ng pambata ang buong paligid. Maraming mga bisita ang ilan pa ay galing ibang bansa ang ilan naman staff ng innovation at Abertoy. Gabi isinagawa ang kaarawan ni Austin, pang-isang taong gulang nito. Marami ring mga maliliit na bata, at nakita naman niya ang anak niyang nag-eenjoy makipaglaro sa mga ito. Suot nito ang costume ni Dave sa Dave and Ava, at talagang napaka-cute nitong tingnan. Takbo pa ito nang takbo, at dahil last day na ng tatlo, Avery, Simon and Shaira dito sa Pilipinas, ang tatlong ito ang naging yaya ni Austin. Sunod nang sunod ang mga ito kahit saan man tumakbo ang bata. Siya naman, inasikaso ang mga bisita na dumating. Si Ace naman ang mga business partners and friends naman ang inatupag ng mga ito. Sobrang dami rin ng natanggap na regalo ng anak niya. Kahit saan siya tumingin, puro mukha ni Austin ang nakikita niya. Marami kasing photoshoot itong hinarap bago mang
Tila bumalik sa nakaraan si Ace, nakikita niya ang kaniyang sarili mula noong bata pa. Bawat birthday niya, noong mga panahong nag-aaral siya, elementary, highschool, college. Sumagi rin ang hindi kaaya-ayang pangyayari, that's Avery noong gínáhásá ito. Hanggang sa may nakilala siyang babae, ang pangalan nito ay Gwyneth, lahat ng nakaraang iyon, naalala niya, umalis ito, nasaktan siya. Naalala rin niya noong mga panahong inatake siya ng OCD. Kung paano niya ito tinago hangang sa nalaman ni Gwy. Naaksidente siya, nawalan ng ala-ala, after two years nagpakita si Gwyneth sa kaniya at may anak nila, ang pangalan nito ay Austin at kung kailan okay na sila kahit wala siyang naalala may masamang nangyari. Saktong pagbangga ng truck sa sasakyan nila nagmulat siya ng mga mata. Puting kisame ang nakita niya, at narinig niya ang umi-echo na boses, "Ace?" Malabo pa ang paningin niya kaya pigura lang ng babae ang nakita niya. Nagtanong siya, "Who are you?" Kinikilala niya ang pigura ng babae,
Pagkatapos matamaan ni Avery si Tatiana sa balikat, naging alerto siya dahil tumakbo ito kahit nasasaktan. Nangibabaw ang iyak ng anak nito, rinig niya ang daíng ni Diether, at lumapit naman ang mga katulong sa mga ito. Siya naman, may hawak siyang projector, paborito niyang projector iyon, palaka lover kasi siya. Binuksan niya ito, pinatama niya sa sahig ang ilaw na dadaanan ni Tatiana. "Saan ka pupunta ha?" aniya, lumakas ang tili ng babae nang makita ang reflection ng mga palakang gumagapang sa sahig. Napaupo ito at umatras pa. "Akala mo ba nakalimutan ko na ang kahinaan mo, Samantha?""Alisin mo iyan!" tili nito, at nagpasya na lang na magtakip ng mga mata. Kung saan-saan ito nagpapaputok ng baril at panay naman ang yuko nila. Puno ng sigawan ang loob ng mansion, at para tumigil ito, pinatamaan niya ito ng bala sa braso. Nabitawan nito ang baril at dahil nagtatakip ito ng mata lumapit rito ang tauhan niya at kinuha ang baril.Tumayo siya, nakabukas pa rin ang projector at nakatu
Sobrang higpit ang hawak ni Avery sa manibela ng sasakyan niya. Halos paliparin niya rito pabalik sa mansion nila. Sumasagi sa isipan niya ang lahat ng nangyari, ang araw na gínáhásá siya, kahit anong advice psychiatrist sa kaniya na kalimutan na ang pangyayaring iyon hindi iyon mangyayari.Naalala niya ang mga araw na kulang na kulang si Tatiana bilang ina sa kaniya. Naghihirap siya kahit sa harapan nito, pero pinili nitong maging bingi sa mga daing niya. Ngayon, na nakuha na niya ang pagmamahal sa kapatid niya, may minahal na rin siya at iyon ang pamangkin niya, mga ito pa talaga ang sinaktan ng nanay niya. Masama ang titig niya sa kalsada, pero may mga lumalabas na mga luha sa kaniyang mga mata. Hinayaan niyang tumulo lamang ang mga iyon. Magkahalo ang takot at galit na nararamdaman niya. Naiiyak siya sa tuwing naalala niya ang kalagayan ni Gwyneth, lalo na't naranasan ni Austin ang ganoong pangyayari sa sobrang bata ng edad. Anak pala siya ni Samantha Hulterar. Mahirap tanggapin
Bumaba sila mula sa Fourth floor, sa sobrang sabik na makita ang laman ng USB naglalakad siyang bumubulong, "I need laptop, I need laptop."Halos hindi na niya alintana ang mga taong nakakasalubong at nadaanan niya. Sumasabay lang sa lakad niya si Deither na nababalisa. Nagulat na lang siya may babaeng tumayo sa harap niya. "Dad..." Pagtingin niya rito, si Avery at nakatingin ito sa ama. Napatitig siya sa dalaga at habang tinititigan niya ito, saka lang niya nare-realize ang hawig nito kay Samantha. "W-Wha..." halos hindi niya masambit ang salitang what, hindi niya alam ang dapat i-react. "Anong ginagawa mo dito, Ave? Hindi ba't sumama ka sa kanila?" pagalit na tanong ni Diether na pinipilit lang din kumalma. Nag-pipisil ito nagkamao na nakaharap sa ama. Naiiyak na naman habang sinasabi, "I just thought, what if kausapin natin si Mom? Tanungin natin siya sino ba talaga ang kaaway niya—""Ave..." Deither groaned. "Dad, hindi natin pwedeng baliwalain ito! Hindi pwedeng walang may m
Takot man si Mark para kay Ace, ngunit mas pinili niyang mag-tiwala. Pinahatid niya sa mansion si Hemera, Avery at mga pinsan nito kasama ang bata. Nagpaiwan si Natalie at Celestia sa hospital, si Noah sumama sa mga ito, ang asawa niya naghintay ng resulta para kay Ace at si Deither, sinama niya. Kung ano man ang sasabihin ng babaeng iyon, deserve nitong malaman dahil nadamay rito ang anak. Binalik lang nila dito sa SLV ang babae, ngunit naka-private room ito at kasalukuyang binabantayan. Umakyat sila sa fourth floor, sunod lang si Diether sa kaniya habang nag-uusap tungkol sa nangyari. "Ilang beses kong tinanong si Tatiana kung sino ang kalaban niya, puro wala ang sagot na nakukuha ko." "Pero laging rason ng mga taong nananakit sa mga anak mo ay siya, dahil sa kaniya," katwiran niya pero naintindihan niya ang rason nito. "Kung may kaaway man siya, sigurado ako sa sugal iyon. Laging nauubos ang pera niya dahil sa sugal," anito. "Eagles-Bet?" tanong niya. "Hindi," sagot nito. "Hi
Halos hindi na ni Mark makikita ang daan sa bilis ng takbo ng kaniyang sasakyan. Nakikipagkarera rin pati ang mga executive assistants niya, dalawang sasakyan ang gamit ng mga ito. Matapos niyang marinig ang boses ni Ace na tila naghihingalo, at boses ng batang umiiyak, may pútúkan na nangyari. Patunay, naabutan iyon ng mga tauhan niya. Nang sabihin ng babae kanina na nanganganib ang buhay ng apo niya, agad siyang nagpadala ng mga tauhan upang salubungin sila Ace sa pag-uwi ng mga ito ngunit nahuli na yata sila.Nagmamaneho pa lang, halos masisiraan siya ng bait, tinawagan niya ang kambal niya at sinabi ang nangyari, nagmakaawa siya ng tulong. Hindi rin ito nag-atubiling magsabi ng, "Sige papunta na ako.""Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Diether!" Halos iuntog niya ang ulo niya sa manibela. Tunay na humahagulhol siya sa sobrang takot, pag-alala para sa anak niya at sa mag-ina nito. Inaalala niya ang bata, kahit konting sugat lang halimbawa meron ito, hindi niya kaya. Nadudurog siy
Biyahe papuntang Sansmith Residence puno ng saya ang loob ng sasakyan. Nagmamaneho si Ace, habang siya naman, nasa kandungan niya si Austin. Sumasabay sa kanta ng tugtugin ang ama, sumasayaw naman ang ulo ng anak. Habang sinusulyapan ni Ace ang anak, tumatawa ito dahil sa tuwa. Napatingin naman siya sa labas, malapit na mag-kulay kahel ang kalangitan, huminto naman sa pagkanta si Ace at nagtanong, "May gusto ka bang bilhin?" Nagpasingkit siya ng mga mata, nag-isip, maya-maya sinabi, "Anong magandang pasalubong kay Grandma?" tanong niya. Nag-isip naman ito. "Hmm...cake?"Tumango siya at sinabing, "Pwede na rin. Daan tayo."Agad itong lumiko ng daan, at sinulyapan pa ang anak. "May tanong ako," sabi pa nito. Tumingin naman siya at tumingin rin ito sa kaniya upang alamin kung payag ba siya na magtanong ito at nagtanong agad, "Anong full name ni Austin?"Napaawang ang mga labi niya lalo na't hindi Sansmith ang apelyido ng bata. Nagsalita siya, "Apelyido niya ang gamit ko since—""Nain