Habang nasa dance floor sina Yanah at Gab na masayang gumigiling, pa simple naman itong pa himas-himas sa baywang niya. Hinahayaan niya lang ito, sumasabay pa rin siya sa saliw ng musika.Yanah is a good dancer. Namana niya ang lambot ng katawan sa Mommy niya.Hinahaplos ni Gab ang balikat niya, at pinipisil ang baywang niya."Sige lang! Pakasasa ka sa pag haplos! Isa ka na lang sa akin!" Sa isip-isip ni Yanah."Babe, you're hot! And I love the way you dance!" Bulong ni Gab."I know, I'm hot! But remember what I told you, a while ago!" Yanah, smirked."I can face my consequences but as of now. I can't resist your charm!" Biglang hinablot siya ni Gab sa baywang at hahalikan na sana siya sa labi ngunit may humawak sa balikat nito. "You moron! Don't dare kiss my queen!" Isang maangas na matangkad at gwapong lalaki ang humablot at sumuntok sa mukha ni Gab. Nakangisi naman si Yanah habang tinitingnan ang nakabulagta ng manyak.Biglang nagkagulo sa dance floor at nahinto ang mga tao sa p
At the Gold bar, She was happily drowning in alcohol alone. Because heronly ally was no longer in their house. He left her and will never come back forever.His Daddy. He died in a car accident. That night of her graduation ball.Until now, she can't move on, her life is getting worse and miserable, dahil sa Mommy at kapatid niya na kontrabida sa buhay niya. Wala na siyang kakampi. Siya ang bunso , ngunit parang itrato siya ng mommy at ate niya, parang hindi nila kadugo."Hey! There you are! Ano na naman ba ang ginagawa mo sa sarili mo, Emie?" Inis na sabi ni Sean, ang kaibigan niya na paasa. Matalim siya nitong tinitigan.Tumawa siya ng malakas sa reaction nito, "What? Ikaw ang dapat kung tanungin niyan. Why are you here? Hmmm. My babae ka na naman bang ka-date dito?" "Wala. I'm here, dahil sinusundo na kita. Lasing ka na, kaya uuwi na tayo!" Singhal nito sa kanya at pilit siya nitopinatayo."Hey, stop! I don't want to go home! Alam mo, ikaw, tapatin mo nga ako. Ano ba talaga tay
"Magandang morning, masungit at mahal kong Marshie! Ang aga mo yata ngayon ah," tanong niya kay Yanah, habang nakangiti siyang lumapit sa kanyang kinauupuan.Ito lang ang tanging naging bestfriend niya, may mga naging kaibigan siya, pero mga casual friend niya lang mga iyon. At iba kasi si Yanah, may pagka sungit at prangka pero mabait at may pagkabaliw din naman. Kaya lang mas madalas moody. "Good morning, bruhilda kong Mars! Beso here, beso there!" Nakangiti ito sa kanya ngunit hindi umabot sa mga mata nito ang mga ngiti nito."Ganda ng mood, ah. Saan going natin maya? " Tanong niya dito habang nakaupo na sila at naghihintay ng professor sa first subject nila."Wala, saan ba dapat?" Walang ganang sagot nito." 'Anyare sayo? Problema mo?" Tinitigan niya ito ngunit nag-iwas ito ng tingin."Wala. Pagod lang! Inaantok yata ako," sagot nito at nangalumbaba."Sure ka ba? Meron ka ba ngayon?" Kulit niya."Oo nga! Ang daldal! Wala ako ngayon! Kulit!" Pagsusungit nito. See? Nag-iba agad
Matapos sabunin ng Professor nila sina Marian at Yanah, binigyan sila ng sandamakmak na homework, at projects. Kaya nakasimangot ang mga ito na lumabas. " Mauna na ako sayo! Naghihintay na si Exel sa akin..." Kinikilig na napatingin si Marian kay Yanah. "Go, makipaglaro ka lang. I'm just here, waiting for your sports car," nakangiti nitong sagot habang naglalakad na sila papunta sa parking lot.Ngumiti lang siya sa sinabi nito."Ikaw? Uuwi ka na rin ba?" Tanong niya."Yes! Pagod ako ngayong araw. Gusto kung matulog. Ingat ka, huwag masyadong kiligin, baka makalimutan mo usapan natin mamaya." Tumalikod na ito at tinungo ang sasakyan niya.Ilang saglit pa nag ring ang phone niya, kaya kinuha niya ito at sinagot, "Hello, Babe, paalis na ako ngayon. Saan ka na?" "Papunta na rin ako sa resto na napag-usapan natin," sagot nito sa kabilang linya." Okay sige na, tawag na lang ako mamaya kapag nasa resto na ako," paalam niya dito."Teka lang, hindi ba pwedeng mag-usap tayo, habang naglalaka
Naputol ang pagbabalik tanaw ng magkakaibigan sa malalakas na katok sa pintuan ng unit ni Yanah."Haist! Disturbo!" Inis na sabi ni Marian."Bahala na nga kayo diyan! Wala akong bisita. Kaya matutulog ako ulit. Tumayo na siya at bumalik sa kwarto niya. Nasa terrace kasi sila habang nakatanaw sa malawak na karagatan habang binabalikan ang high school at college life nila Tumayo si Emerald at siya na ang nagbukas ng pinto.Ilang saglit pa.Tahimik na ang buong unit ni Yanah, kaya lumabas siya sa kwarto niya at hinanap ang dalawang kaibigan niya, "Marian, Emerald, Mars...." Sigaw niya habang palabas siya na humihikab pa.Pumunta siya sa maliit na living room ngunit napalaki ang kanyang mga mata ng maabotan si Kylle na kampanting nakaupo sa sofa."What the hell!? What are you doing here?" Sigaw niya at pinaningkitan ito ng mga mata."Nakikitambay lang. Masama ba?" Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa, nakasuot siya ng manipis na pantulog dahil maaga pa lang nasa unit na n
Isang lalaki ang humila kay Marian palayo kay Yanah at sa lalaking nabunggo nito."Hey, Miss Masungit, do you remember me? It's been a long time since we first meet." Nakangiting nakatingin ang isang gwapo at matangkad na lalaki sa kanya.Napakunot ang noo niya , "Me. Kilala mo ako? Saan?" Turo niya sa sarili habang tinititigan at inaalala ang mukha ng lalaki.Pamilyar nga pero hindi niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil masakit sa mata ang ilaw ng dance floor. Ngunit nakakasiguro siyang gwapo."Yes, you know me very well. Halika do'n tayo sa table sa sulok." Sigaw nito dahil sa lakas ng musika sa dance floor.Hila-hila nito ang palapulsuhan niya at nang makarating sila sa sulok, pinaghila siya ng upuan.Umupo sila na magkaharap."I'm Drix Rafael Villanueva, remember?" Kinindatan siya nito at nginitian.Naningkit ang mga mata niya ng marinig ang pangalan nito,"Ikaw? Oo nga! Ikaw nga!" Biglang nag-iba ang mood niya at bumalot ang inis sa kanyang mukha, "Kapag minamalas ka nga n
Nagulat si Emerald nang makita niya si Sean, sa labas ng opisina niya.Siya ang acting CEO ng kompanya ng Granny niya pansamantala dahil nagpapagaling ito sa sakit."Hey! What's bring you here?" Pormal na tanong niya sa gwapong lalaki na nasa harapan niya."Come with me." Aya nito at hinila siya at pinasakay sa kotse nito."Saan ba talaga tayo pupunta, Sean?" Nalilitong tanong niya habang nasa biyahe na sila. "Basta surprise nga. Madalang ka na kasi magparamdam sa akin. Nasa Manila na nga tayo pareho pero nawalan ka na rin ng time sa akin." Sinulyapan siya nito ngunit nakatingin siya sa labas ng bintana ng kotse."Busy kasi ako. At isa pa, may kanya-kanya na tayong buhay dito sa Manila. Ayoko naman na nakadepende pa rin sayo ang buhay ko. We are not teens like before, na puro na lang puso ang pinapairal. Marami ng bagay na dapat bigyan ng priority." Binalingan niya ito ngunit nakatingin na din ito sa daan."So, I'm not your priority now? Wala na ba akong halaga sa buhay mo? Hindi mo
Gabi na ng makauwi si Yanah sa bahay nila. Sa likod ng bahay siya dumaan sa madilim na parte ng likuran ng bahay nila na madalas niyang ginagawang exit kapag umaalis siya sa bahay nila, kapag pumupunta siya sa hideout ng Wild angel gang. Parang lutang siya at wala sa sarili dahil sa magulong isipan.Marami siyang iniisip. Ano ang importante na sasabihin ng daddy niya sa kanya?Habang naglalakad siya, ay may nabangga siyang matigas na bagay. Medyo dim light ang pasilyo na tinahak niya kaya hindi niya ito na pansin.Napatili siya at pinikit niya ang kanyang mga mata dahil alam niyang babagsak siya sa sahig dahil nawalan siya ng balanse. Ngunit naramdaman niya ang mainit na bisig sa baywang niya. At ang mainit na hininga sa may labi niya. Pamilyar na amoy ang nalanghap niya kaya bumilis ang tibok ng puso niya.Dahan-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata.Her eyes widened, there is a greek god in her front. He was staring at her seriously and she could almost inhale his fragrant brea
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon
Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa
Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg
Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin
Nasa kwarto na niya si Marian habang hindi alam ang gagawin. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip. Parang kilalang-kilala siya ng lalaki kanina. Kung hindi lang ito tinawag ng babaeng kasama nito kagabi baka hindi siya nito bibitawan. “Anong gagawin ko? Kailangan na makaalis ako dito bago ako mapunta sa babaeng yon!” Bulong niya sa isip habang nagpalakad-lakad paparoo’t-parito. Kapag kuway may mga yabag siyang narinig papunta sa silid niya. “No. Hindi ito maaari.” Nagpa-panic na ang kalooban niya. Wala na siyang ibang choice kundi dumaan sa bintana. Mabilis niya itong binuksan at tumalon papunta sa malaking puno. Marami itong mga dahon kaya pwede siyang makakubli doon. “Mars, talon!” Biglang nag-pop up ang isang eksena sa kanyang isipan. Napakapit siyang mabuti sa malaking sanga. “Sino ba talaga ako!” Naguguluhang sambit niya. “Ang mga bata, dalhin niyo na sa hideout. Bilis!” Utos ng isang babae sa mga kasamahan nitong mga armadong lalaki, “Isakay n'yo sil
Ang araw ay kumikislap sa ibabaw ng tubig, at ang mga alon ay dahan-dahang pumupulupot bago bumagsak sa baybayin. Si Emerald, ay nakatayo sa buhanginan, hawak ang malapad na surfboard, ramdam ang halo-halong emosyon, takot, kaba at pananabik sa kanyang dibdib. Isinuot niya ang kanyang rash guard at itinali ang leash sa kanyang bukung-bukong. Tumitig siya sa dagat, handang salubungin ang kanyang unang alon. Ang kanyang mga kalamnan ay bahagyang banat mula sa pag-warm up.Ang unang tama ng malamig na tubig sa kanyang binti ay nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Humiga siya sa board at nagsimulang mag-paddle papalapit sa mga alon, ang bawat stroke ng kanyang braso ay laban sa malambot na hampas ng tubig.Habang papalapit ang alon, ramdam niya ang kilig sa kanyang tiyan. Pinalalim niya ang kanyang paddle, sumasabay sa alon hanggang sa maramdaman niya ang tulak nito sa ilalim ng board. Isang mabilis na galaw, at tumayo siya—ang kanyang mga tuhod bahagyang nakabaluktot, ang mga mata nak
Maagang nagising si Yanah dahil balak niyang balikan si Marian sa resort kung saan niya nakita. Kailangan na makuha niya ito sa lalong madaling panahon. Nasa isang Isla sila ng asawa niya dahil sa isang business trip. Ayaw naman siyang iwan sa bahay na mag-isa kaya kahit saan ito magpunta sinasama siya nito. Nasa isang five star hotel sila ngayon at tatlong araw lang ang ilalagi nila sa Isla. Tinitigan niya ang himbing na himbing na natutulog na asawa. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito kagabi. Gumalaw ito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit niyakap siya nito sa bewang. Napapatili na lang siya sa isipan. Ilang minuto muna siyang hindi gumalaw. Nang masiguro niyang himbing na ang tulog nito ulit, dahan-dahan na kinalas niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa maliit na bewang niya at kinabig siya pa harap at dinala nito ang braso niya sa bewang nito. Kaya nakayakap na siya ngayon dito. Kahit matagal na silang magkasama