Nagulat si Emerald nang makita niya si Sean, sa labas ng opisina niya.Siya ang acting CEO ng kompanya ng Granny niya pansamantala dahil nagpapagaling ito sa sakit."Hey! What's bring you here?" Pormal na tanong niya sa gwapong lalaki na nasa harapan niya."Come with me." Aya nito at hinila siya at pinasakay sa kotse nito."Saan ba talaga tayo pupunta, Sean?" Nalilitong tanong niya habang nasa biyahe na sila. "Basta surprise nga. Madalang ka na kasi magparamdam sa akin. Nasa Manila na nga tayo pareho pero nawalan ka na rin ng time sa akin." Sinulyapan siya nito ngunit nakatingin siya sa labas ng bintana ng kotse."Busy kasi ako. At isa pa, may kanya-kanya na tayong buhay dito sa Manila. Ayoko naman na nakadepende pa rin sayo ang buhay ko. We are not teens like before, na puro na lang puso ang pinapairal. Marami ng bagay na dapat bigyan ng priority." Binalingan niya ito ngunit nakatingin na din ito sa daan."So, I'm not your priority now? Wala na ba akong halaga sa buhay mo? Hindi mo
Gabi na ng makauwi si Yanah sa bahay nila. Sa likod ng bahay siya dumaan sa madilim na parte ng likuran ng bahay nila na madalas niyang ginagawang exit kapag umaalis siya sa bahay nila, kapag pumupunta siya sa hideout ng Wild angel gang. Parang lutang siya at wala sa sarili dahil sa magulong isipan.Marami siyang iniisip. Ano ang importante na sasabihin ng daddy niya sa kanya?Habang naglalakad siya, ay may nabangga siyang matigas na bagay. Medyo dim light ang pasilyo na tinahak niya kaya hindi niya ito na pansin.Napatili siya at pinikit niya ang kanyang mga mata dahil alam niyang babagsak siya sa sahig dahil nawalan siya ng balanse. Ngunit naramdaman niya ang mainit na bisig sa baywang niya. At ang mainit na hininga sa may labi niya. Pamilyar na amoy ang nalanghap niya kaya bumilis ang tibok ng puso niya.Dahan-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata.Her eyes widened, there is a greek god in her front. He was staring at her seriously and she could almost inhale his fragrant brea
Nagising si Yanah sa ingay ng ringtone nang phone niya, at tamad niya itong kinuha sa side table. "Hello..." sagot niya sa paos na boses at nakapikit pa ang mga mata."Mars, tulog ka pa? Ano ba yan! Di ba may lakad tayo ngayon." Singhal ni Marian sa kabilang linya."Haist, kung tulog ako hindi kita kausap ngayon. Saan na nga tayo pupunta?" Sarcastic na sagot niya. Nakahawak siya sa noo niya dahil antok na antok pa talaga siya."My god! What happened to the earth? Kainis 'to! Hindi ba isasama ko kayo sa province namin. Malayo ang biyahe kaya dapat maaga tayong makalis. Para pagdating sa location makapag pahinga pa tayo... Haist!" Maktol nito."Ok fine, puntahan mo ako dito sa bahay." Tamad na bumangon siya."Ten minutes, I'm there. Dadaanan ko muna si Emerald." Sabi niya bago pinatay ang phone.Mabilis siyang naligo at nagbihis.Natulogan niya kagabi ang nangyaring pag-uusap nila ng mga magulang niya.Bumalik sa ala-ala niya ang pinag-usapan nila tungkol sa pagpapakasal niya."Mommy,
Inis na inis si Marian sa nangyari sa hotel, habang sina Yanah at Emerald naman ay tawang-tawa sa kanya. "Resbakan na natin Mars. Binantaan ka pa naman ng higad na iyon, unahan na natin! What do you think?" Yanah smirked sabay kindat kay Marian."Mar's not now! I can handle that trash!" Nakasimangot siya habang inaayos ang nagulong buhok niya. Nasa hotel room na sila at iniwan si Kylle na nakasimangot, dahil hindi siya pinansin ni Yanah."Haist! Boys are really a headache! Hindi kasi umiwas sa mga higad. Hindi na namimili... Mukha ng babaeng iyon? Parang pusit!" Inis na inis si Marian habang pinagtatawanan siya ng dalawang kaibigan."Don't worry, i will handle it for you. I will not miss what she did to you before. Ako naman ang dahilan bakit ka nasabunutan." Tinapik niya ang kaibigan, "And if you remember Mars, what i've told you before. Na kapag na inlove ako. Walang sino man na babae ang hahawak sa taong mamahalin ko. Dapat ako lang." Pilyang ngumiti siya para maibsan ang inis ng
Nanalo si Drix sa drag race kaya sobrang saya ni Marian,"Drix, congratulations!" Nakangiting salubong niya dito."Thanks." Nakangiting sagot ni Drix at hinapit ang baywang ni Marian saka mabilis na ninakawan niya ng halik sa labi."Hoy! Ano ka ba! Kumukuta ka na sa kakahalik sa akin." Pinalo niya ito sa braso. "Bakit ba? Girlfriend naman kita. Isang halik pa nga diyan?" Inilapit niya ang mukha sa mukha ni Marian."Girlfriend your face!" Namumulang irap nito sa kanya."Sige ikaw bahala. Nandito pa naman ang Ex mo at girlfriend niya." "What? Are you sure? Di nga?" Nilibot niya ang paningin sa paligid. Alam niyang racer din si Exel kaya hindi malabong nando'n din ito."Mahal mo pa ba ang Ex mo?" Seryosong tanong niya, kaya napalingon si Marian sa kanya."H-Hindi na. Bakit mo natanong?" Sinulyapan niya ito."Dahil sa tuwing binabanggit o naririnig mo ang pangalan niya para kang hindi mapakali. That asshole is lucky!" Napapailing na turan nito."Hoy, anong lucky ka diyan! Hindi ko na s
"Granny, bakit ka nakasimangot diyan?" Tanong ni Emerald isang araw na naabutan niya ang lola niya na nasa garden."Tumawag ang mommy mo. Pinapauwi ka, may importanti daw silang sasabihin sayo. Baka hihingi na naman ng pera." Nakasimangot na sagot ng lola niya."Bakit kailangan pa akong umuwi? Nagbibigay naman ako sa account nila ng pera kada buwan?" Napataas ang kilay niya, umupo siya sa katapat na couch nito."Ewan ko sa mag-inang iyon. Mga makasarili at mga mukhang pera... Pag ako hindi nakapagpigil.." May galit sa tono sa boses ng lola niya."Granny,huwag ka ng mainis. Hindi po ako uuwi. Tsaka hayaan mo na sila, wala naman akong magagawa dahil kahit bali-baliktarin pa ang mundo kadugo ko sila...." "Hind... Apo, may dapat kang malaman... Patay na ang daddy mo kaya karapatan mo nang malaman ang totoong pagkatao mo. Matanda na ako at hindi ako natatahimik hangga't hindi ko nasasabi sayo ang totoo mong pagkatao. Ayokong habambuhay ka na lang aapihin at huhot hutan ng mag-inang garap
While waiting for the time for his task, he was in the opposite building.Patiently observing and analyzing the movements of the syndicates who are holding the teenagers hostage.Kylle Christian Roshan, 25-year-old. The Roshan Empire's heir. Because of his beautiful appearance, masculine frame, and killer eyes, he is sometimes referred to as a Greek God.He has a commanding and assertive demeanor.He's a youthful billionaire and business mogul.He's also a notorious secret agent, under the Death Squad Fighter.The one who goes after evil people, and there are corrupt government officials. His father was the DSF Branch's American chief. He's currently in the Philippines, where she is set to marry the daughter of his father's best friend.At dahil wala siyang ginagawa ngayon, inatasan siya ng daddy niya na tumulong sa isang mission.Human trafficking ang laganap ngayon sa Pilipinas at dinadala sa iba't-ibang panig ng mundo ang mga biktima para gawing prostitute.Bata at mga teenager ang
Bumalik si Yanah sa loob ng building at hinanap si Kylle."Tss, alam ko naman kaya niya ang sarili niya," sa isip niya, pampalubag loob niya sa pag-aalala.Biglang yumanig ng malakas ang kinaroroonan niya at kasabay noon ang maitim na usok na nagmumula sa loob ng malaking pintong bakal."Nakita niyang may lumabas doon na bulto ng lalaki, "Kylle?" Sigaw niya at mabilis na pinuntahan ito ng makitang may sugat sa kanang braso."Yanah, Let's go! Ilang sandali na lang magiging abo na ang lugar na ito." Sigaw nito at hinila siya, kahit dumudugo na ang sugat nito hindi niya ito alintana. Basta makatakas sila doon na buhay."Kylle,you have a big cut in your arms. Okay ka lang ba? Kailangan mong malapatan ng gamot bago maubos ang dugo mo." May pag-aalala sa boses na sabi niya.Nilingon siya nito at nginitian,"Daplis lang iyan. Bilisan na natin," walang gatol na sabi nito at hinila siya pakaliwa.May Bomb detector si Kylle na hawak kaya naiiwasan nila ang mga bomba na nakatanim sa dinadaanan
Sa hospital ang bagsak ni Emerald dahil sa tama ng baril sa balikat niya. Dinala siya ni Sean doon kahit hindi niya ito kinakausap. “Makakaalis ka na, Sean. Baka hinahanap ka na ng mommy mo.” Malamig na sabi niya na hindi ito nililingon. “No. Marami tayong dapat pag-usapan.” Matigas na sagot nito habang nasa tabi nito. Nakahiga siya ngayon sa kama dahil katatapos niya lang maoperahan. Tinanggal ang bala sa balikat niya. Imbes uuwi siya kanina matapos ang operasyon ngunit ang lalaki matigas ang bungo at ayaw siyang pauwiin. “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa. Kaya kung pwede lang leave me alone. Ayoko ng ma involve pa sa buhay mo.” Iritang tumalikod siya dito. “Asan ang anak natin?” Deritsang tanong nito sa kanya at binaliwala ang sinabi niya. Nanigas siya sa tanong nito at natakot para sa kaligtasan ng anak. Alam niyang hindi matatanggap ito ng mommy ni Sean. “W-Wala na. Kaya wala na tayong dapat na pag-usapan pa.” Akmang babangon siya para umalis na ngunit pinigilan siya ni
Dahan-dahang minulat niya ang kanyang mga mata, bumibigat ang kanyang mga talukap habang pilit niyang inaaninag ang puting kisame. May naririnig siyang mga beep mula sa makina sa tabi niya, at ramdam niya ang sakit sa bawat bahagi ng kanyang katawan. Lalo na sa ulo niya. “Ouch!” Napadaing siya sabay hawak sa ulo niya. Napapikit siyang muli at napapakagat na lang sa labi dahil sa kirot na nararamdaman niya. May benda pa sa may noo niya. Ilang saglit pa, minulat niyang muli ang mga mata ng maramdaman niya na may yumakap sa bewang niya. Nakita niya ang isang pamilyar na pigura na nakaupo sa gilid ng kanyang kama—si Drix. Nakayuko ito, at tila nakatulogan na ang pagbabantay sa kanya. Biglang bumalik ang lahat ng ala-ala sa isipan niya, ang paghahalikan nito sa ibang babae, ang selos at galit na bumalot sa kanya, ang pagkamatay ng kanyang mommy at ang aksidenteng dulot ng kanyang emosyon. “Mommy… Mommy ko…” Hindi niya napigilang mapahagulgol kaya nagising ang lalaki sa tabi niya. “O
Habang tinatahak niya ang makipot na daanan patungo sa lagusan, malakas ang dagundong ng mga putok ng baril na bumabalot sa buong paligid. Ramdam niya ang mga bala na humahagip sa mga dingding, sumasabog ang alikabok at debris sa bawat sulok. Hindi siya tumitigil sa pagtakbo, kahit na ramdam na niya ang pagod sa bawat hakbang. Malapit na siya sa lagusan—konti na lang.“Nasaan ka na Kylle Christian, I need your help…” Bulong niya sa isipan habang patuloy sa pakikipagpalitan ng bala sa mga humaharang sa kanya para hindi makarating sa lagusan. “Son of a bitch! Hindi talaga kayo maubos-ubos…” Gigil na gigil na siya sa mga taong humaharang sa kanya na lalong dumadami. Paubos na ang bala ng baril niya at wala na siyang extra. Padilim na din ang kinaroroonan niya kaya lalo siyang naggagalaiti. Nakita niya sa sliding window ang tatlong armadong lalaki na dahan-dahan na papalapit sa kanya kaya bago pa siya maunahan, isa-isa niya itong binaril sa ulo. “Go to hell, Morons!” Malamig na bulon
Sa gitna ng isang nag-aalab na sagupaan sa loob ng magarang resort, ang tunog ng mga putok ng baril at sigawan ay bumabalot sa paligid. Lumiliyab ang hangin ng tensyon habang tumatakbo si Emerald sa gitna ng mga nagkakagulong tao, ang kanyang mga mata’y tumutok sa batang nakuha muli ng armadong kalalakihan pabalik sa loob ng resort. Mabilis ang kanyang mga galaw at lahat ng mga humaharang sa kanyang mga armado ay mabilis niyang napapatumba. Isa lang ang nasa isipan niya ang makuha ang batang babae. “Shit!” Muntik na siyang mabaril ng isang babae na humarang sa kanya mabuti na lang nakatalon siya sa may pader. Ngunit nasundan siya nito. Nagtagpo ang kanilang mga tingin at parehong gulat ng mapag sino ang isa't isa. Ngunit mas unang nakabawi ang babae, “What a small world, nagkita din tayo, Emerald. At buhay ka pa pala.” Napangisi ang babae habang nakatutok ang baril sa kanya. “At talagang nagladlad ka na pala sa totoong kulay mo, Tanda. Ikaw ba ang may pakana ng pagpa
Umalingawngaw ang malakas na putok sa resort, napasigaw si Amanda sa galit ng makita ang anak na bumulagta sa harapan niya. “Sino ang bumaril sa anak ko?” Sigaw niya at dinaluhan ang anak na naghihingalo na. Mabilis naman na tumakbo si Rafael sa direksyon ni Marian at hinila ito palayo. Nagkakagulo ang mga tauhan ni Amanda habang hinahanap kung sino ang bumaril sa anak ng amo. “Hanapin n'yo ang taong mapangahas na bumaril sa anak ko, ngayon din! Dalhin n'yo sa akin dead or alive! ” Maawtoridad na sigaw niya. Samantala sunod-sunod ang pagsabog sa paligid ng resort dahilan para magiba ang pader sa pagitan ng kabilang resort.“Bitawan mo ako. Sino ka ba at bigla-bigla ka na lang nanghihila.” Inis na singhal ni Marian sa nakabuntot na lalaki. “Umalis muna tayo dito before I explained everything to you, okay. .” Sagot nito habang pwersahan na siyang hinihila. “Stop! Saan kayo pupunta?” Isang babae ang humarang sa dinaraanan nila. “Get lost!” Sigaw ni Rafael sa babae. Dumating ang mg
Sa malayo, tanaw na ni Yanah ang malawak na resort, nagtataasang pader sa pagitan ng mga kapitbahay na resort—isang tahimik na paraiso para sa karamihan, ngunit sa loob nito’y may mga hindi kanais-nais na mga gawain. Ang mga karatig na resort nito ay isang public at may mangilan-ngilan pa na naliligo. May mga nagsu-surfing, kitang-kita niya kung paano laruin ng mga ito ang alon. Walang takot na nakasakay ang mga ito sa alon. Walang kamalay-malay ang mga ito sa naghihintay na panganib kapag magtagal pa ang mga ito sa resort. Napabuga siya ng hangin. “This is it!” Bulong niya sa sarili, “Hindi ako papayag na hindi ko mabawi si Marian sa kanila.” Matalim ang kanyang mga mata habang nakatuon sa direksyon ng resort sa malayo. Kinuha niya ang telescope na nakasabit sa leeg niya at tumayo. Seryosong ekspresyon ang bumalot sa kanyang mukha habang itinutok niya ito sa direksyon ng resort sa malayo. Kumabog ng malakas ang dibdib niya ng nakita niya ang ilang mga barge na nakapark sa tabin
Nasa kwarto na niya si Marian habang hindi alam ang gagawin. Sumasakit na naman ang ulo niya dahil sa sobrang pag-iisip. Parang kilalang-kilala siya ng lalaki kanina. Kung hindi lang ito tinawag ng babaeng kasama nito kagabi baka hindi siya nito bibitawan. “Anong gagawin ko? Kailangan na makaalis ako dito bago ako mapunta sa babaeng yon!” Bulong niya sa isip habang nagpalakad-lakad paparoo’t-parito. Kapag kuway may mga yabag siyang narinig papunta sa silid niya. “No. Hindi ito maaari.” Nagpa-panic na ang kalooban niya. Wala na siyang ibang choice kundi dumaan sa bintana. Mabilis niya itong binuksan at tumalon papunta sa malaking puno. Marami itong mga dahon kaya pwede siyang makakubli doon. “Mars, talon!” Biglang nag-pop up ang isang eksena sa kanyang isipan. Napakapit siyang mabuti sa malaking sanga. “Sino ba talaga ako!” Naguguluhang sambit niya. “Ang mga bata, dalhin niyo na sa hideout. Bilis!” Utos ng isang babae sa mga kasamahan nitong mga armadong lalaki, “Isakay n'yo sil
Ang araw ay kumikislap sa ibabaw ng tubig, at ang mga alon ay dahan-dahang pumupulupot bago bumagsak sa baybayin. Si Emerald, ay nakatayo sa buhanginan, hawak ang malapad na surfboard, ramdam ang halo-halong emosyon, takot, kaba at pananabik sa kanyang dibdib. Isinuot niya ang kanyang rash guard at itinali ang leash sa kanyang bukung-bukong. Tumitig siya sa dagat, handang salubungin ang kanyang unang alon. Ang kanyang mga kalamnan ay bahagyang banat mula sa pag-warm up.Ang unang tama ng malamig na tubig sa kanyang binti ay nagpapalakas ng kanyang determinasyon. Humiga siya sa board at nagsimulang mag-paddle papalapit sa mga alon, ang bawat stroke ng kanyang braso ay laban sa malambot na hampas ng tubig.Habang papalapit ang alon, ramdam niya ang kilig sa kanyang tiyan. Pinalalim niya ang kanyang paddle, sumasabay sa alon hanggang sa maramdaman niya ang tulak nito sa ilalim ng board. Isang mabilis na galaw, at tumayo siya—ang kanyang mga tuhod bahagyang nakabaluktot, ang mga mata nak
Maagang nagising si Yanah dahil balak niyang balikan si Marian sa resort kung saan niya nakita. Kailangan na makuha niya ito sa lalong madaling panahon. Nasa isang Isla sila ng asawa niya dahil sa isang business trip. Ayaw naman siyang iwan sa bahay na mag-isa kaya kahit saan ito magpunta sinasama siya nito. Nasa isang five star hotel sila ngayon at tatlong araw lang ang ilalagi nila sa Isla. Tinitigan niya ang himbing na himbing na natutulog na asawa. Hindi na niya namalayan ang pagdating nito kagabi. Gumalaw ito kaya mabilis niya itong tinalikuran. Ngunit niyakap siya nito sa bewang. Napapatili na lang siya sa isipan. Ilang minuto muna siyang hindi gumalaw. Nang masiguro niyang himbing na ang tulog nito ulit, dahan-dahan na kinalas niya ang pagkakayakap nito sa bewang niya ngunit hinigpitan lang nito ang pagkakayakap sa maliit na bewang niya at kinabig siya pa harap at dinala nito ang braso niya sa bewang nito. Kaya nakayakap na siya ngayon dito. Kahit matagal na silang magkasama