“Huwag mo akong mayabanga, babae! Baka ibaon kitan ng buhay!” malakas na sigaw ng lalaking kaharap ko. Ngunit tinaasan ko lang ito ng kilay.
Heto pa naman ang ayaw ko sa mga tao ang masyado akong niyayabangan. Hanggang sa mabilis akong tumayo at walang tanong-tanong. Agad na umangat ang aking kamay at ubod lakas kong pinatama sa ilong nito.
Isang malakas na suntok muli ang pinagkaloob ko sa sikmura nito. Halos hindi naman ito makamayaw dahil sa sasakit. Mabilis naman akong umalis sa aking kinauupuan. Muli kong pinatikim ng suntok sa tagiliran ang lalaki. Hanggang sa mapatingin ako apat na lalaking papalapit sa akin.
Agad ko namang hinawakan ang katawan ng lalaking binugbog ko ay ito ang ipinambato ko sa kanila. Kasunod noon ang bigla akong humawak sa bagal dito sa itaas ng bus at agad na lumambitin. Inagat ko rin ang aking paa walang habas na pinagsisipa ang mga lalaking papalapit sa akin.
Isa-isa tuloy silang natumba lalo at sa leeg ko sila pinatatamaan ng aking sipa. Napatingin din ako sa isa pang lalaki na biglang tumayo at may lakas pa ito. Kaya namah mabilis kong inangat ang aking paa at ubod lakas kong sinipa ang itlog nito na halos kinasigaw nito sa tuwa.
“Kayo na po ang bahala sa mga salot na iyan,” biglang sabi ko at muli akong naupo sa aking kinauupuan. Nakita kong galit na galit ang mga pasahero sa limang lalaki kaya ayon pinagtulungan nilang bugbugin.
Narinig ko namang inawat sila ng driver ng bus. Ang mga pulis na lang daw ang bahala sa limang armadong lalaki. Mabuti naman at naniwala ka agad ang mga pasaherong galit na galit. Sinabi rin ng driver ng bus na dadaan muna kami sa prisento para dalahin doon ang mga holdaper.
Nagbuntonghininga na lamang ako hanggang sa muli akong sumandal sa upuan ng bus para muling ipikit ko ang mga mata ko. Hindi nagtagal ay tuluyan kaming nakarating sa prisento. Hindi na ako nag-abala pa na bumaba ng bus. Bahala na sila roon.
Hindi naman nagtagal ay muli ring bumalik ang mga taong nagreklamo sa limang armadong lalaki. Hanggang sa tuluyan na ring umalis ang bus para makarating ka agad sa Sta. Maria.
Lumipas muli ang mahabang oras sa wakas nakarating na rin kami sa lugar ng Sta. Maria. Ka agad namin akong bumaba ng bus sa bayan ng Sta. Maria.
Mabilis din akong naghanap ng bahay na mauupahan ko. Madali lang naman akong nakakita ng paupahang bahay kahit maliit ay ayos na sa akin.
Bago simulan ang aking misyon ay nagpahinga muna ako lalo at nakakapagod din ang magbiyahe. Siguro’y bukas na lang ako maglilibot sa buong Sta. Maria upang mag manman sa buong paligid.
Kaya naman paglapat ng aking likod sa papag na ang tanging sapin lang ay karton ay ka agad akong nakatulog.
Kinabukasan ay nakarinig ako ng mga nag-iingay na mga tao sa labas ng inuupahan kong bahay. Kahit antok na antok pa’y agad akong bumangon para alam kung ano ang nangyari.
Paglabas ng bahay ay nagtanong ako sa isang babae.
“Manang, ano po ba ang mayroon? Bakit tuwang-tuwa ang mga tao?”
“May mga groceries at mga bigas na ipapamigay si Governor Frank Smith sa mga tao, Ineng. Imbes kasi na maghanda si Governor Frank ay mga groceries na lang ibibigay niya,” pagbibigay alam sa akin ni Manang.
Nagsalubong tuloy ang kilay ko. Governor Frank Smith. Hindi kaya siya rin si Director Frank Smith?
“Nandiyan po ba si Governor Frank?” tanong ko sa babae.
“Sa aking pagkakaalam ay wala, nagpunta sa Maynila. Ngunit nandiyan naman ang mga tauhan niya para mag-asikaso ng mga groceries at bigas na ipapamigay sa mga tao rito sa Sta. Maria,” muling sagot sa akin ng babae.
Marahan na lamang akong tumango sa babae. Hanggang sa nagpaalam na rin ako para pumasok sa aking bahay. Tinanong pa nga ako ng babae kung kukuha ako ng groceries at bigas na ipapamigay ni Governor Frank. Magalang ko na lang sinabi na may pupuntahan ako ngayon araw.
Pagpasok sa loob ng bahay ko ay dali-dali kong kinuha ang aking cellphone upang tawag si boss Niel. Hindi nito sinabi sa akin na Governor pala sa Buong Sta. Maria si Mr. Frank Smith.
Hindi nagtagal ay agad na sinagot ng bosa ko ang cellphone nito.
“Nathalie, may problema ba at napatawag ka?” tanong ng boss ko sa akin.
“Boss Niel, hindi mo man lang sinabi sa akin na Governor pa ng Sta. Maria si Mr. Frank Smith?” tuloy-tuloy na tanong ko sa lalaki.
Malakas namang tumawa ang lalaki. Pagkatapos ay muli kong narinig ang salita nito.
“Yes, Governor nga siya sa lugar na iyan. Ngunit malapit nang matapos ang termino niya pero ang gusto niya bago siya umalis sa pagkakaupo bilang Governor ng lugar na iyan ay sugpuin muna niya mga salot ng Sta. Maria. Kaya naman lumapit siya sa akin upang malaman kung sino-sino ang mga hudas sa mga nakupo. . . Saka, ang pagiging director naman niya ang aasikasuhin niya. Dahil siya talaga ang tunay na may-ari at boss ng Black Stone. Sa akin lang niya pina-asikaso ng mahabang panahon. Kaya oras na para siya na ang humawak ng Black Stone. Ngunit ayaw niya akong paalisin at ang gusto niya ay rito pa rin ako sa Black stone.
Hindi ko naman matanggihan si Governor dahil hindi na siya iba sa akin. Dahil sa kanya kaya nakarating ako sa aking kinalalagyan ngayon , Natalie,” tuloy-tuloy na litanya ng boss ko sa akin.
Napangiti na lamang ako nang marinig ko ang kwento ng boss ko. So, may bait din pala ang tunay na may-ari ng Black Stone. Ngunit pakiwari ko’y masungit ito. Magkakasunod ko na lang pinilig ang aking ulo.
Hindi naman nagtagal ang pag-uusap namin ni boss Neil lalo at parihas kaming may gagawin. Dali-dali naman akong nagpunta sa banyo para maligo.
Ilang minuto ang lumipas ay natapos na rin ako. Kailangan kong magmadali sa mga kilos ko lalo at buhay ng mga bata ang nakasalalay rito. At bago lumabas ng bahay na inuupahan ko’y kinuha ko muna ang baril at inilagay sa aking likuran.
Hanggang sa tuloy-tuloy na akong humakbang papalabas. Hindi na ako nagsakay ng tricycle, dahil gusto kong maglibot-libot sa buong paligid ng Sta. Maria. At baka may kakaiba akong malaman sa lugar na ito.
Sa patuloy kong paglalakad ay nakita nakita ko ang isang batang lalaki na u-iiyak. Habang may tatlong lalaki ang nasa harapan nito. Kumunot tuloy ang noo ko. Ngunit patuloy pa rin ako sa paglalakad.
“Huwag ka nang mag-inarte pa bata, ibigay mo na sa amin ang perang pinagpalimusan mo!” sigaw ng isang lalaking kalbo.
“Huwag po, pambili ko ito ng gamot ng lola ko dahil may sakit po!” nakikiusap na sabi ng kawawang paslit.
Malakas namang nagtawanan ang tatlong lalaki. Habang sa biglang hampasin ng lalaki ang ulo ng bata na lalong kina-iyak ng paslit. Hindi na ako nakatiis pa. Kaya naman dali-dali na akong lumapit sa kanila. Mabilis kong itinaas ang kanan kong paa at ubod lakas kong sinipa ang likod ng lalaki, dahilan para ito’y bumagsak sa lupa.
“Sinong ba ang sumipa sa akin, ha?!” malakas na sigaw ni lalaking sinipa. Sabay lingon sa akin nito. Nanlilisik ang mga mata nito at kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Ngunit ngumisi lamang ako sa lalaki.
“Ang tapang mo, lalaban ka ba sa akin, babae?!”
Nagigigil na hiyaw ng lalaki sa akin! At kitang-kita ko rin sa mukha nito na kulang na lang ay ibugsok ako sa lupa. Hanggang sa muling nagsalita ito. “Ang lakas naman ng loob mo babae para sipain mo ako? Hindi mo ba ako kilala, galit na tanong ng lalaki sa akin. Hindi ako nagsalita, ngunit ngumisi lamang ako rito. Pagkatapos ay ikiniling ko rin ang aking leeg. “Bakit sino ka ba?” tanong kong makataas ang kilay. Hinila ko rin ang bata para ilapit sa aking tabi upang hindi nito “Masyado ka talagang mayabang, babae. Pwest! Magpapakilala ako sa ‘yo, babae! Para malaman mo kung sino ang binabangga mo! Mukhang hindi ka natatakot sa akin, ha?” Sabay halakhak nito na tila nababaliw na. Hindi ako nagsalita. Saka, nakatingin lamang ako riton. Kahit kanino ay hinding-hindi ako basta magpapasindak. Bagkus ay naghanda ako sa possible nitong gawin kung sakaling lalapit siya sa akin pero ‘di ko hahayaan na mangyari iyon. Dahil wala akong inuurungan na laban. Nakatayo lang ako sa harapan ng lala
Mabilis naman akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ng pinto ay umupo mo na ako sa bakanteng upuan, napasandal ako at napabuntonghininga ng malalim, naisipan ko naman na humarap sa salamin na naka sabit sa dingding. Pagharap ko rito ay nakita ko ang nakakaawa kong mukha, nababahiran ito ng dugo at may mga galos na natamo, dahil sa pakikipaglaban sa tatlong lalaki.Napailing-iling na lang ako at medyo nalungkot dahil ang maganda kong mukha sa ngayon ay puro gasgas na. Nagtungo naman ako sa loob ng banyo para linisan ang aking katawan na may bahid ng dugo. Hindi naman ako nagtagal dito sa loob at agad ding lumabas. Pagkatapos magbihis ay sinimulan ko nang gamutin ang aking sugat. Kinuha ko ang vetadine para lagyan rin ang aking sugat. Hanggang sa ilagay ko ang ang gasa sa sugat ko sa aking braso. Natapos na ako sa paglinis ng mga sugat ko. Kaya naisipan ko mo na magpahinga, dahil sa sobra akong napagod sa pakikipaglaban kanina. Kaya naman humiga na ak
Hapon na nang makarating ako sa bahay na inuupahan ko. Agad kong hininto ang motor na aking nakuha, hindi ko na kasi nakita ang may-ari ng motor. Kaya dinala ko na lang muna. Kapag nakita ko na lang ang lalaki roon ko isasauli. Sakto rin dahil may magagamit ako sa mission ko. Ito ang gagamitin ko pagbalik ko sa kuta ng mga target ko. Bumaba na ako sa motor at nagpalinga-linga ako sa paligid bago ako tuluyan pumasok sa pinto ng bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ay sumandal ako sa sofa. Naisipan ko naman na tawagan ang boss kong si boss Niel. Kinuha ko ang telepono ko na nasa bag at nagmadali na ako na tawagan ang boss ko. Para ipaalam ang nasaksihan ko kanina. Nag-ring naman ang cellphone nito. Hanggang sa agad naman itong sinagot. “Agent Nathalie,” bungad na salita mula sa kabilang linya.“Boss Niel, may maganda akong balita sa ‘yo tungkol sa mga nawawalang bata rito sa Sta. Maria, kaya napatawag ako sa ‘yo. Nalaman ko na rin kung pano nila hinihikayat na sumama sa kanila ang mg
Ka agad naman akong bumaba sa motor. Medyo malayo naman ako sa gate kaya hindi ako makikita rito mas maganda na ang nag-iingat lalo at marami kong kalaban. Binaba ko na ang basket na dala-dala ko na kung saan nakalagay ang tinda kong balot. Sumilip pa nga ano sa side mirror ng motor upang tingnan ang mukha ko. At mukha na talaga akong vendor. Nagmadali rin akong nagpalit ng kasuotan. Tinalian ko rin ang buhok ko at saka ako nangsuot ng sombrero. Natapos na akong ipatong-patong ang mga damit ko sa aking katawan. Marahan naman akong naglakad papalapit sa gate. Lakas loob lang akong naglalakad habang nagsisigaw ng--- “BALOT kayo riyan. bili na kayo ng balot masarap ang tinda kong balot!”Bigla naman akong napatigil nang lapitan ako ng isang matandang lalaki.“Ineng, pabili nga ako ng tinitinda mong balot.” Binigyan ko naman ito at kinuha ko ang bayad sa matanda, papa-alis na sana ako ng bigla magsalita ang matanda.“Ineng, saglit lang bago ka umalis. May importante lang akong sasabih
Ligtas naman akong nakabalik sa inuupahan kong bahay, inayos ko ng park ang motor ko na ginamit. Bago ako pumasok sa bahay ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid lalo at napakatahihimik naman ng lugar na ito. At wala naman akong nakitang kakaibang kahina-hinala, ngunit mas okay pa rin ang naninigurado ako na baka nasundan ako ng mga nakalaban ko kanina. Hanggang magdesisyon na nga akong pumasok sa loob ng bahay na inuupahan ko. Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim, napagod ako sa pakikipaglaban kanina buti na lang at nakatakas ako. At ‘di na ako nagtagal sa lugar na iyon. Kaya sa susunod na balik ko roon ay dapat ko nang mailigtas ang mga bata. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Naisipan ko naman na tawagan si palpak at pasunorin sa lugar na ito, dahil ang boring pala mag-isa at wala man lang ako makakusap rito sa bahay. Baka masiraan ako ng ulo rito. Okey na rin kung nandito si Palpak para naman may tagaluto ako rito sa bahay at mauutusan ko sa palengke. Ka
Pumunta naman ako sa kinauukulan sa barangay ng lugar na ito para rito ko ipagkatiwala ang batang kasama ko. Umakyat kami sa loob ng building ng barangay. Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko agad ang Kapitan nila.“Excuse me, Ma’am and Sir narito po ba ang pinaka pinuno ng barangay na ito?” tanong ko sa mga taong naabutan ko sa loob ng opisana.“Sino po sila?” bungad na tanong ng lalaki at napatingin naman ito sa bata na kasama ko. Nakita kong kumunot ang noo isang babae. Hanggang sa nagsalita uit ito. “Parang pamilyar sa akin ang batang ito?” Hanggang sa tawagin nito ang ibang mga kasama nito. Agad namang lumapit ang mga kasama nito. At tiningnan din ang batang kasama ko. “Di ba siya ang batang matagal nang nawawala at araw araw siyang hinahanap ng magulang niya,” anas ng mga kasama nito. Napangiti naman ako sa sinabi ng mga ito dahil hindi pa rin tumutigil sa paghahanap ang magulang ng bata simula nang mawala ang anak nila. “Saan mo siya nakita, Miss?” tanong ng isan
MATULING lumipas ang buong magdamag maaga akong nagising nakita ko naman si Palpak na nakahiga pa at ang lakas pa nito humilik. Sa kalokohan ko naman ay binato ko ito ng unan. Dahilan para magising ang lalaki. Mabilis naman itong nagising, ako na naman ay tatawa-tawa. Masamang tingin ang ibinigay nito sa akin. At kulang na lang ay ibato ako sa labas ng bintana. “Magluto ka na ng ating ulam, Mr. Palpak,” nakasinging uto ko sa lalaki. “Mamaya na Nathalie dahil inaantok pa ako,” katwiran nito sa akin. At muli na naman sanag pipkit ng ulo. “Bumangon ka na riyan! Nagugutom na kaya ako,” nakataas ang kilay na utos ko sa lalaki. Busangot na naman itong tumingin sa akin. Hanggang sa magdesisyon na rin itong tumayo para pumunta sa kusina at mamili na rin sa palengke. Ngumisi lamang ako sa lalaki. “Panira ka naman ng tulog, eh. Akin na nga! Ibigay mo na sa akin ang pambili at pupunta na ako sa palengke!” Masungit na turan nito sa akin. Agad ko namang inabot ang pera at mabi
Matuling lumipas ang isang araw ngayon ang oras na pinakahihintay ko at pinaghandaan dahil mamaya ay babalikan ko na ang mga nakalaban ko sa lumang Bodega. Kailangan ko nang mailigtas ang mga bata. At hulihin ang mga may kagagawaan nito. Mabilis naman akong naghanda para sa pagsugod ko. Nilabas ko muli ang bag ko. Isa-isa kong nilabas ang mga baril na nasa loob ng bag ko. Matapos ay nagsuot ako ng jacket na maraming bulsa para maitago ko ang mga iba ko pang gamit. Nagsuot din ako ng bulletproof pang defensa kung sakaling tamaan ako ng bala. Nilagay ko ang kutsilyo sa may hita ko. Nagsuot na rin ako sa combat shoes. Handa na ako sa guerang pupuntahan ko. Naghihintay na lang ako na dumilim. Ang kasama ko naman ay naghahanda na rin at nakita kong iisa lang ang dala niyang baril at pistol pa. Kaya kumunot ang noo ko. Nailing- iling lang ako rito at ‘di ko na ito sinita. Bahala siya. Napansin ko naman na malapit na magdilim kaya naman lumabas na ako sa bahay at bitbit ang bag
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki