Mabilis naman akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ng pinto ay umupo mo na ako sa bakanteng upuan, napasandal ako at napabuntonghininga ng malalim, naisipan ko naman na humarap sa salamin na naka sabit sa dingding. Pagharap ko rito ay nakita ko ang nakakaawa kong mukha, nababahiran ito ng dugo at may mga galos na natamo, dahil sa pakikipaglaban sa tatlong lalaki.
Napailing-iling na lang ako at medyo nalungkot dahil ang maganda kong mukha sa ngayon ay puro gasgas na. Nagtungo naman ako sa loob ng banyo para linisan ang aking katawan na may bahid ng dugo. Hindi naman ako nagtagal dito sa loob at agad ding lumabas. Pagkatapos magbihis ay sinimulan ko nang gamutin ang aking sugat. Kinuha ko ang vetadine para lagyan rin ang aking sugat. Hanggang sa ilagay ko ang ang gasa sa sugat ko sa aking braso. Natapos na ako sa paglinis ng mga sugat ko. Kaya naisipan ko mo na magpahinga, dahil sa sobra akong napagod sa pakikipaglaban kanina. Kaya naman humiga na ako sa sofa na nasa may terrace ng bahay na inuupahan ko. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang bigla ko maranig na may kumakatok sa pinto ng bahay. Ka agad naman akong bumangon at kinuha ko ang baril ko, dahil hindi ko alam kung sino ang kumakatok lalo’t baguhan lang ako rito sa lugar.Marahan ko naman binuksan ang pinto at napahinga ako ng maluwag, nang makita ko kung sino ang kumakatok. Isa lang pala babaeng matanda.“Magandang hapon, hija, pasensya ka na kung naistorbo kita? Ako pala si lola Miling,” bungad na pakilala ng matanda sa akin. “Ahmmmm--- kayo po pala Lola, pasok po kayo,” magalang na anyaya ko kay Lola Miling. Tumanggi naman ito dahil hindi naman daw siya magtatagal, gusto lang pala ako kamustahin nito kung komportable ako sa bahay na inupahan ko.Ilan sandali pa nga nga ay iniwan na ako ng matanda. At nagmadali na itong umalis sa aking harapan. Pinagmasdan ko lang naman ang paglayo ni Lola Miling. Sinarado ko na ang pinto at bumalik na ako sa pagkakahiga. Gustong-gusto ko na talaga matulog. Ngunit kumonot ang noo ko ng bigla magring ang telepono ko.Nakita ko naman na tumatawag si Palpak ang kapwa Agent. Wala naman akong magawa kundi sagotin ang telepono dahil sa sobrang ingay nito.“Ano kailangan mo!” Malakas na sigaw ko sa kabilang linya. Naiinis ako dahil istorbo ito sa aking pamamahinga.“Agent Nathalie, relax ka lang, masyado ka naman high blood, kung makasigaw ka ang sakit kaya sa teynga,” natatawang sambit ng lalaki sa kabilang linya.“Ehh…” Bakit ka kasi tumatawag? Ano ang kailangan mo sa akin storbo ka, eh… alam mong pagod ako at gusto kung matulog,” anas ko sa lalaki.“Gusto lang sana kita kamustahin Agent Nathalie, dahil mag-isa ka lang pumunta riyan sa St. Maria para sa misyon na binigay sayo. Sa ngayon misyon mo ay hindi mo ako isinama, nag-alala ako sa ’yo Agent Nathalie.”Natawa naman ako sa sinabi ng lalaki, dahil wala naman ako paki sa kaniya. Sa totoo lang ay palaging sumasakit ang aking ulo kapag kasama ko siya.“Huwag mo ako alalahanin Franco hindi na ako bata at kaya kong mag-isa sa mission na ito. Marami na akong mission na nalutas, siguro naman ay makakaya ko rin ang mission na ito ng mag-isa,” tuloy tuloy na letanya ko. Narinig ko namang nagbuntonghininga ang lalaki. Ngunit hindi nagsasalita mula sa kabilang linya. Kaya naman pinagpatuloy ko ang aking mga sasabihin. “Huwag ka mag-alala Franco, dahil kapag kailangan ko ng tulong dito ay ka agad naman kitang tatawagan. Kaya relax-relax ka muna riyan. Bukas ay sisimulan ko na ang aking misyon. May mga aalamin pa akong mga detalye tungkol sa pagkawala ng mga bata rito sa Sta. Maria,” tuloy-tuloy na litanya ko kay Palpak. “Ahmmmm--- Sige Agent Nathalie, mag-iingat ka na lang diyan lalo na’t baguhan ka lang sa lugar nayan,” anas ng lalaki.“Maraming salamat Franco.” Hanggang sa ibaba ko na ang telepono at kailangan kong magpahinga dahil bukas na bukas din magmamatyag na ako lugar na iyon, aalamin ko ang punot dulo ng lahat ng pangyayaring sa pagkawala ng mga bata. Agad ko nang ipinikit ang mga mga mata ko para matulog. Hindi naglaon ay agad akong dinalaw ng antok at tuluyan na dumilim ang aking paligid. Matulin na lumipas ang buong magdamag maaga akong nagising medyo inaantok pa ako at pakusot-kusot ng mata. Nagtungo naman ako sa kusina para magtimpa ng kape. Kumuha naman ako ng tasa at nilagyan ko ito ng mainit na tubig at saka nilagay ang kapeng pampagising. Tumingin naman ako sa orasan na nasa wall. Napansin kong mag alas-sais na ng umaga. Kaya nagmadali na ako para inumin ang nasa harap ko. Dahil balak ko magjogging para naman ma-exercises ang katawang lupa ko.Nagmadali na akong ng suot ng maikling short at nagsuot din ako ng rubber shoes at saka ako lumabas ng bahay. Nagsimula na akong tumakbo nang marahan, napansin ko naman na tahimik ang paligid. Masaya kong binabaybay ang daan habang nakikinig ng musika sa head set naka salpak sa aking tainga.Napagod naman ako at hiningal kaya nagpahinga mo na ako saglit. Sa ‘di naman kalayuan ay nakakita ako ng dalawang tao na nag-aaway. Hindi ko naman ito nilapitan dahil hindi ko naman alam ang pinag-aawayan nila. Nagdisisyon naman akong bumalik sa aking bahay, dahil maghahanda na ako para simulan ang mission ko rito Sta. Maria. Kasalukuyan akong naglalakad. Subalit nagulat ako nang may dumaan sasakyan sa aking kaya kaya naman lahat maruming sa tubig kanal ay napunta sa aking katawan. Hindi ako kapagsalita. Para yata akong namaligno. Tapos ang kotse iyon ay hindi man lang tumigil para humingi ng sorry sa akin Dala nang matinding galit ay kumuha ako ng hindi kalakihang bato. Hindi pa naman masyadong nakakalayo ang kotse. Ngunit kayang-kaya ko pa itong patamaan. Hanggang sa gigil na gigil akong binato ang side mirror ng kotse. Animal na ‘yun. Mabilis naman akong lumiko sa kanang daan nang makita kong sapol na sapol ang kotse salamin ng kotse. Tiyak akong galit na galit ang driver noon. Aba! Patas lamang kami! Iiling-iling na lamang ako na pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi naglaon ay tuluyan na akong nakarating sa bahay na inuupahan ko. Sa banyo ako unang pumunta dahil ang dumi-dumi ng buong katawan ko. Bandang alas nueve, na ako umalis ng bahay para magtungo sa lugar ang aking mamanmanan. Sana lang ay tama ang nakuha kong detalye na rito nga sa pinakang dulo ng Sta. Maria nagpupugad ang mga masasamang nilalang. Mabilis naman akong nakarating dito. Ibang-iba talaga ang lugar na ito, sa lugar na tinitirahan ko sobrang daming tao rito. Kapag patanga tanga ka rito ay mananakawan ka. Dulong-dulo na talaga ito ng Sta. Maria. Ngunit nakikita sa mga mukha ng mga tao rito ay parang problemado. Dahil siguro sa mga batang nawawala at nag-aalala sila. Sa patuloy kong pag-iikot ay natuon ang mga mata ko sa mga batang naglalaro. Hanggang sa may huminto na van sa tabi nila. Nakita ko ang dalawang lalaki na bumaba ng sasakyan at kinakusap ang mga bata, may inaabot itong bagay, na alam kong chocolate at candy, sa tingin ko ay ito ang istilo ng kanilang ginagawa para makahikayat ng mga bata para sumama sa kanila at isakay sa van. Patingin-tingin pa ang isang lalaki habang ang mga bata ay isa isang sumasakay sa kanilang sasakyan.Palihim naman akong nakatago sa may puno habang pinagmamasdan ko sila. Tiyak ito ang mga sindikato na aking hinahanap. Dahil mga bata ang kanilang biktima. Tuluyan na nga nakaalis ang ban, sakay ang mga batang kinuha nito. Ka agad na umikot ang mga mata ko sa buong paligid. Hanggang sa makita ako ang motor. Dali-dali akong lumapit dito. Ngunit dumukot ako ng pera upang ilagay sa kamay ng may-ari ng motor. Agad kong sinabi na hihiram ako ng motor. Hindi na hinintay na magsalita ang lalaki. Agad akong sumakay sa motor at matulin ko itong pinatakbo para habulin ko ito. Sa pagkakataong ito ay malalaman ko na kung saan ang tutuong kuta nila. Matagal akong nakasunod sa van. Mamayamaya pa ay biglang bumilis ang takbo ng sasakyan sinusundan ko. Mukhang pansin nila na may sumusunod sa kanila. Bigla naman itong lumiko at hindi ko na ito nasundan. Napatigil naman ako at palinga-linga sa paligid. Hanggang sa muli kong makita ang sasakyan na hinahabol ko. Pumasok ito sa malaking gate. Mabilis akong bumaba ng motor at pa-simpleng lumapit sa gate. Naghanap din ako ng daan para makapasok sa loob. Hanggang sa makita ko ang malaking puno na malapit sa pader. Dali-dali akong umakyat dito. Kinuha ko rin ang dala kong telescope na nasa aking bag at tinutok ito sa loob ng bahay. “Kitang-kita ko ang napakaraming armadong lalaki na pabalik-balik sa loob nito. Sa tingin ko ay isang daan katao ang bantay sa loob. Tiningnan ko rin ang taas ng bobong nakita ko na may mga naka bantay din dito. At mahahaba ang mga dalang baril. Bigla naman akong nakatago sa malagong mga dahon na kung na saan ako naroon. Baka kasi makita ako. Kailangan kong paghandaan ang pagpasok ko rito mayamayang gabi. At titiyaking kong makukuha ko ang mga kawawang bata. Hanggang sa magdesisyon na akong umalis dito sa malaking puno. At tuluyang sumakay ng motor.Hapon na nang makarating ako sa bahay na inuupahan ko. Agad kong hininto ang motor na aking nakuha, hindi ko na kasi nakita ang may-ari ng motor. Kaya dinala ko na lang muna. Kapag nakita ko na lang ang lalaki roon ko isasauli. Sakto rin dahil may magagamit ako sa mission ko. Ito ang gagamitin ko pagbalik ko sa kuta ng mga target ko. Bumaba na ako sa motor at nagpalinga-linga ako sa paligid bago ako tuluyan pumasok sa pinto ng bahay na inuupahan ko. Pagpasok ko ay sumandal ako sa sofa. Naisipan ko naman na tawagan ang boss kong si boss Niel. Kinuha ko ang telepono ko na nasa bag at nagmadali na ako na tawagan ang boss ko. Para ipaalam ang nasaksihan ko kanina. Nag-ring naman ang cellphone nito. Hanggang sa agad naman itong sinagot. “Agent Nathalie,” bungad na salita mula sa kabilang linya.“Boss Niel, may maganda akong balita sa ‘yo tungkol sa mga nawawalang bata rito sa Sta. Maria, kaya napatawag ako sa ‘yo. Nalaman ko na rin kung pano nila hinihikayat na sumama sa kanila ang mg
Ka agad naman akong bumaba sa motor. Medyo malayo naman ako sa gate kaya hindi ako makikita rito mas maganda na ang nag-iingat lalo at marami kong kalaban. Binaba ko na ang basket na dala-dala ko na kung saan nakalagay ang tinda kong balot. Sumilip pa nga ano sa side mirror ng motor upang tingnan ang mukha ko. At mukha na talaga akong vendor. Nagmadali rin akong nagpalit ng kasuotan. Tinalian ko rin ang buhok ko at saka ako nangsuot ng sombrero. Natapos na akong ipatong-patong ang mga damit ko sa aking katawan. Marahan naman akong naglakad papalapit sa gate. Lakas loob lang akong naglalakad habang nagsisigaw ng--- “BALOT kayo riyan. bili na kayo ng balot masarap ang tinda kong balot!”Bigla naman akong napatigil nang lapitan ako ng isang matandang lalaki.“Ineng, pabili nga ako ng tinitinda mong balot.” Binigyan ko naman ito at kinuha ko ang bayad sa matanda, papa-alis na sana ako ng bigla magsalita ang matanda.“Ineng, saglit lang bago ka umalis. May importante lang akong sasabih
Ligtas naman akong nakabalik sa inuupahan kong bahay, inayos ko ng park ang motor ko na ginamit. Bago ako pumasok sa bahay ay nagpalinga-linga muna ako sa paligid lalo at napakatahihimik naman ng lugar na ito. At wala naman akong nakitang kakaibang kahina-hinala, ngunit mas okay pa rin ang naninigurado ako na baka nasundan ako ng mga nakalaban ko kanina. Hanggang magdesisyon na nga akong pumasok sa loob ng bahay na inuupahan ko. Sumandal ako sa sofa at huminga ng malalim, napagod ako sa pakikipaglaban kanina buti na lang at nakatakas ako. At ‘di na ako nagtagal sa lugar na iyon. Kaya sa susunod na balik ko roon ay dapat ko nang mailigtas ang mga bata. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanila. Naisipan ko naman na tawagan si palpak at pasunorin sa lugar na ito, dahil ang boring pala mag-isa at wala man lang ako makakusap rito sa bahay. Baka masiraan ako ng ulo rito. Okey na rin kung nandito si Palpak para naman may tagaluto ako rito sa bahay at mauutusan ko sa palengke. Ka
Pumunta naman ako sa kinauukulan sa barangay ng lugar na ito para rito ko ipagkatiwala ang batang kasama ko. Umakyat kami sa loob ng building ng barangay. Pagpasok ko sa loob ay hinanap ko agad ang Kapitan nila.“Excuse me, Ma’am and Sir narito po ba ang pinaka pinuno ng barangay na ito?” tanong ko sa mga taong naabutan ko sa loob ng opisana.“Sino po sila?” bungad na tanong ng lalaki at napatingin naman ito sa bata na kasama ko. Nakita kong kumunot ang noo isang babae. Hanggang sa nagsalita uit ito. “Parang pamilyar sa akin ang batang ito?” Hanggang sa tawagin nito ang ibang mga kasama nito. Agad namang lumapit ang mga kasama nito. At tiningnan din ang batang kasama ko. “Di ba siya ang batang matagal nang nawawala at araw araw siyang hinahanap ng magulang niya,” anas ng mga kasama nito. Napangiti naman ako sa sinabi ng mga ito dahil hindi pa rin tumutigil sa paghahanap ang magulang ng bata simula nang mawala ang anak nila. “Saan mo siya nakita, Miss?” tanong ng isan
MATULING lumipas ang buong magdamag maaga akong nagising nakita ko naman si Palpak na nakahiga pa at ang lakas pa nito humilik. Sa kalokohan ko naman ay binato ko ito ng unan. Dahilan para magising ang lalaki. Mabilis naman itong nagising, ako na naman ay tatawa-tawa. Masamang tingin ang ibinigay nito sa akin. At kulang na lang ay ibato ako sa labas ng bintana. “Magluto ka na ng ating ulam, Mr. Palpak,” nakasinging uto ko sa lalaki. “Mamaya na Nathalie dahil inaantok pa ako,” katwiran nito sa akin. At muli na naman sanag pipkit ng ulo. “Bumangon ka na riyan! Nagugutom na kaya ako,” nakataas ang kilay na utos ko sa lalaki. Busangot na naman itong tumingin sa akin. Hanggang sa magdesisyon na rin itong tumayo para pumunta sa kusina at mamili na rin sa palengke. Ngumisi lamang ako sa lalaki. “Panira ka naman ng tulog, eh. Akin na nga! Ibigay mo na sa akin ang pambili at pupunta na ako sa palengke!” Masungit na turan nito sa akin. Agad ko namang inabot ang pera at mabi
Matuling lumipas ang isang araw ngayon ang oras na pinakahihintay ko at pinaghandaan dahil mamaya ay babalikan ko na ang mga nakalaban ko sa lumang Bodega. Kailangan ko nang mailigtas ang mga bata. At hulihin ang mga may kagagawaan nito. Mabilis naman akong naghanda para sa pagsugod ko. Nilabas ko muli ang bag ko. Isa-isa kong nilabas ang mga baril na nasa loob ng bag ko. Matapos ay nagsuot ako ng jacket na maraming bulsa para maitago ko ang mga iba ko pang gamit. Nagsuot din ako ng bulletproof pang defensa kung sakaling tamaan ako ng bala. Nilagay ko ang kutsilyo sa may hita ko. Nagsuot na rin ako sa combat shoes. Handa na ako sa guerang pupuntahan ko. Naghihintay na lang ako na dumilim. Ang kasama ko naman ay naghahanda na rin at nakita kong iisa lang ang dala niyang baril at pistol pa. Kaya kumunot ang noo ko. Nailing- iling lang ako rito at ‘di ko na ito sinita. Bahala siya. Napansin ko naman na malapit na magdilim kaya naman lumabas na ako sa bahay at bitbit ang bag
NAPATIGIL naman ako sa paghakbang palabas ng compound ng lumang bodega. Narinig ko kasi ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman ka agad ko itong kinuha sa bag ko na nakasakbit sa leeg ko. Nakita ko naman na pangalan ni boss Niel ang tumatawag kaya sinagot ko na ito. “Hello boss Niel napatawag ka po?” tanong ko. Narinig ko naman ang papuri nito sa akin mula sa kabilang linya.“Binabati kita Agent Nathie. Dahil sa tapang at husay mo. Mag-isa mo lang na natapos ang mission mo. Alam ko naman na simula pa lang ay hangang-hanga na ako sa ’yo dahil madami ka nang mission na nalutas. Kaya ‘di ako nagdalawang isip na sa ’yo ko ipagkatiwala ang mission at tiyak na matutuwa si Governor Frank Smith kapag nalaman niya ang magandang balita na ito,” paliwanag ng lalaki. “Maraming salamat boss sa patuloy na pagtitiwala sa akin lalo sa mga mission ko. Kayo na ang bahalang magbigay alam kay boss Frank ng maganda balita na ito.” Anas ko. “Sige Agent Nathalie. Sasabihin ko na lang sa kaniya mamaya ka
Chapter 14 Ka agad naman akong nakabalik sa inuupahan ko na bahay. Pagpasok ko ay naupo muna ako sa sofa at napasandal. Nakaramdam naman ako nang pagkahapdi sa bahagi ng aking mukha. Kaya naman humarap ako sa salamin na nakasabit sa wall nakita ko naman sa salamin na dumudugo ang ilong ko. Medyo nainis naman ako at kumunot ang noo ko dahil muntik pa masira ang ilong kong pinakakaingat-ingatan. Pagtapos kong humarap sa salamin ay nagtungo ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw.Pagtapos ay nagtungo na ako sa aking kwarto para matulog dahil kailangan ko na ipahinga ang katawan lupa ko na bugbog kanina ng nakalaban ko. Pagpasok ako ay agad akong nagpalit ng dami at nahiga na ako sa kama, habang pinagmamasdan ko ang kisame ay naisipan kong tawagan si Boss Niel at ipaalam sa kaniya na babalik na ako ng Maynila bukas na bukas din. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at kaagad ko ito tinawagan. Matagal naman nag-ring ang cellphone nito ‘di pa
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki