NAPATIGIL naman ako sa paghakbang palabas ng compound ng lumang bodega. Narinig ko kasi ang pagtunog ng cellphone ko kaya naman ka agad ko itong kinuha sa bag ko na nakasakbit sa leeg ko. Nakita ko naman na pangalan ni boss Niel ang tumatawag kaya sinagot ko na ito. “Hello boss Niel napatawag ka po?” tanong ko. Narinig ko naman ang papuri nito sa akin mula sa kabilang linya.“Binabati kita Agent Nathie. Dahil sa tapang at husay mo. Mag-isa mo lang na natapos ang mission mo. Alam ko naman na simula pa lang ay hangang-hanga na ako sa ’yo dahil madami ka nang mission na nalutas. Kaya ‘di ako nagdalawang isip na sa ’yo ko ipagkatiwala ang mission at tiyak na matutuwa si Governor Frank Smith kapag nalaman niya ang magandang balita na ito,” paliwanag ng lalaki. “Maraming salamat boss sa patuloy na pagtitiwala sa akin lalo sa mga mission ko. Kayo na ang bahalang magbigay alam kay boss Frank ng maganda balita na ito.” Anas ko. “Sige Agent Nathalie. Sasabihin ko na lang sa kaniya mamaya ka
Chapter 14 Ka agad naman akong nakabalik sa inuupahan ko na bahay. Pagpasok ko ay naupo muna ako sa sofa at napasandal. Nakaramdam naman ako nang pagkahapdi sa bahagi ng aking mukha. Kaya naman humarap ako sa salamin na nakasabit sa wall nakita ko naman sa salamin na dumudugo ang ilong ko. Medyo nainis naman ako at kumunot ang noo ko dahil muntik pa masira ang ilong kong pinakakaingat-ingatan. Pagtapos kong humarap sa salamin ay nagtungo ako sa kusina para uminom ng malamig na tubig dahil nakaramdam ako ng pagkauhaw.Pagtapos ay nagtungo na ako sa aking kwarto para matulog dahil kailangan ko na ipahinga ang katawan lupa ko na bugbog kanina ng nakalaban ko. Pagpasok ako ay agad akong nagpalit ng dami at nahiga na ako sa kama, habang pinagmamasdan ko ang kisame ay naisipan kong tawagan si Boss Niel at ipaalam sa kaniya na babalik na ako ng Maynila bukas na bukas din. Kaya kinuha ko ang cellphone ko at kaagad ko ito tinawagan. Matagal naman nag-ring ang cellphone nito ‘di pa
Pagkalayo ni Frank ay ka agad din akong lumabas ng elevator at nagtungo na ako sa opisina ni Boss Niel pagtapat ko sa pinto nito ay pumasok na ako. Natigil ako sa hakbang nang makita ko na marami tao sa loob lahat sila ay nakatingin sa akin kaya medyo nahiya ako at niyuko ko ng bahagya ang aking ulo. Narinig ko naman na nagsalita ang Boss ko. “Welcome back agent Nathalie. Binabati kita sa matagumpay mong natapos na mission sa Sta Maria.” Pagkatapos nitong magsalita ay nagpalakpakan ang lahat ng kasamahan ko. Tudo sila papuri wala naman akong magawa kundi ngumiti sa kanila. Nakita ko naman si Palpak na masayang masaya at nagsisigaw pa. “Magpapainom talaga ako!” sigaw ni Palpak. Napailing-iling na lamang ako. Hanggang sa mabaling ang mga mata ko kay Mr. Smith. Biglang tinambol ang dibdib ko dahil napansin ko itong nakatitig lang sa akin ‘di man lang ito nagsasalita napakaseryoso talaga ng tao. Nagsalita naman si Boss Niel at pinagbigay alam sa lahat na ipagdidiwan
Madaling araw na nang lumabas kaming lahat sa bar. Kanya-kanya ang paalam sa isa’t isa dahil kailangan na raw nilang umuwi dahil kinabukasan ay may pasok pa kaming lahat. Nagkita-kita kaming lahat sa ultimong harap ng sasakyan ni Frank Smith. Pasuray-suray na rin ang ibang mga kasama ko dahil sa kalasingan. Binuhat na nga nila si Velasco sa sobrang kalasingan. Samantalang si Frank ay ‘di man lang nalasing parang hindi ito nag-inom at normal lang ang itsura nito. Lumapit naman siya sa akin at tinanong niya kung okay lang ako.“Are you okey Miss Nathalie?” tanong nito sa akin. Tumango lang ako at ‘di nagpahalata na lasing na, ngunit ang totoo ay kanina pa ako nahihilo at ang tanging gusto ko lang ay matulog. Nang makasakay na kami lahat sa sasakyan ay mabilis itong pinatakbo ni boss Niel patungo sa opisina ng Black Stone. Dahil naroon ang motor ko at kailangan ko talaga bumalik roon. Sa bilis ng takbo nito ay ka agad naman kaming nakarating sa tapat ng building ang opisina
Kinabukasan maaga akong magising para pumasok sa opisina ng black stone dahil ngayon ko malalaman ang panibago kong mission na ibibigay sa akin. Dali-dali na akong lumabas ng bahay ko. Nagtungo mo na ako sa secret hideout ko. Kung saan naroon ang mamahalin kong motor na laging gamit ang ducati.May isang buwan ko rin itong hindi nagamit dahil iniwan ko lang iyon nang umalis ako papunta sa mission ko sa Sta. Maria, kaya naman na sasabik na muli kong itong magamit. Gamit ang susi ay binukasan ko ang pinto ng hideout ko. Pagkapasok ko sa loob ay kagad ko naman na tinanggal ang balot nito. Pinagmamasdan ko lang ito at napahanga talaga ako sa ganda at kintab nito.Nagtungo rin ako sa pinagtataguan ko ng mahahalaga kong gamit. Binuksan ko ang secretong kabinet na naglalaman ng mga dikalebre kong mga armas. Kinuha ko naman ang pinaka magandang baril na pinaka ingat-ingatan ko, sinuksok ko ito sa beywang ko saka ko sinarado ang kabinet na naka pwesto sa may wall.Marahan ko naman inila
Mabilis naman natapos ang isang buong araw, sabay-sabay na nagsilabasan ang lahat ng kasamahan ko sa opisina ng Black Stone. Ang iba ay nagpaalam pa sa isa’t isa. Nang makita ko na walang tao sa loob ng building ay nagdesisyon na rin akong lumabas sa gusali.Naglakad na ako palabas ng exit saka nagtungo ako sa parking lot. Kinuha ko naman ang helmet ko na pinatabi ko kanina sa security pagkaabot nito sa akin ay sumakay na ako sa motor ko at mabilis ko itong pinatakbo.Nagpalinga-linga ako sa paligid baka makita ko pa ang iba kong kasama pati ni si Franko. Subalit wala na ang mga ito sa tingin ko ay nakauwi na sila.Binilisan ko naman ang pagmamaneho ko ng motor. Sa ‘di naman kalayuan at sa bandang unahan ng daan nakitang kong nakatigil ang mga sasakyan hindi na ako nag-usisa. Nakakita naman akong maliit na daan kaya rito ako lumiko, dumaan ako sa maliit na eskinita, ngunit marahan lang ang pagmamaneho ko dahil maraming bata ang naglalaro sa daan. Nagmamadali na ako kaya malakas ko sil
Naalingpungatan naman ako sa tunog na narinig ko at napatul ang masarap na pagkakatulog ko.Ano ba iyon…?” patanong na bulong ko sa aking isipan.Narinig ko kasi ang pag wang-wang ng mga sasakyan. Saan na naman kaya patungo ang mga iyon. Sa Ilang sandali pa nga ay nawala na ang tunog napatingin naman ako sa labas ng bintana. Napansin ko na taghali na pala kaya naman pala sumasakit na ang tiyan ko dahil wala pa itong laman.Kaya naman bumangon na ako at lumabas ng bahay nakapambahay lang ako ng suot habang pababa ng hagdan. Pakusot kusot pa ako ng mata habang naglalakad. Ka agad naman akong nakalabas ng apartment at naghanap ng makakainan dahil tinatamad akong magluto.Sakto naman dahil sa kabilang kalsada lang ay may nakita akong canteen kaya naman mabilis akong tumawid at nagtungo sa karenderya.Nakita ko naman na masasarap ang mga lutong ulam nila kaya medyo natakam ako at excited na malasahan ito.“Manang magkano ang tinda ninyo ulam pabili po ako at dito na rin po ako kakain,” sa
KASALUKUYAN naman akong nasa hallway ng unit na inuupahan ko habang umiinom ng isang tasang kape medyo maaga pa ang mga oras na ito. Tumingin ako sa paligid at pinagmamasdan lang mga dumaadaan taoNakita naman ako ng isang babae na umuupa rin sa apartment na ito at magkatabi lang kami ng unit.Ngumiti ito sa akin nang tumingin din ako sa kanya, mayamaya pa ay bigla itong lumapit sa akin at nagpakilala.“Hi bago ka lang ba rito sa lugar na ito kasi ngayon lang kita nakita?” tanong ng babae sa akin.“Ahmmm--- oo bago lang ako rito kagabi lang ako umupa sa unit na ito,” sagot ko rito. “Ganoon ba? By the way, I’m Roxane,” pakilala nito sa akin sabay ngiti nito habang inaabot niya ang palad niya sa akin.Kinuha ko naman ito at nakipag-shake hand na rin at nakipagkilala rin ako sa babaeng kaharap ko.“Nice meeting you Roxane, ako pala si Nathalie kinagagalak kitang makilala,” sambit ko.Matapos namin makilala ang isa’t isa ay nagkwentuhan kami ng kunti. At magtanong ako sa kanya kung mat
Natapos na nga ang isang lingo, kasalukuyan naman kaming nasa byahe sakay ng motor pabalik sa rest ni Frank. Masaya ako sa naging honeymoon namin ng asawa ko. Sa ngayon ay bagong buhay na ang haharapin naming dalawa bilang isang mag-asawa. "Frank, gusto ko muna na dumiretso tayo ngayon sa opisina mo para naman makapag paalam na ako sa lahat ng kapwa ko NBI gusto kong kasama kita para alam nila na pumayag ka na rin sa disisyon kong gagawin," pakiusap ko sa asawa ko."Sige honey ngayon din ay magtutungo tayo sa opisina ng black stone at kakausapin ko Si Niel na ipatawag ang lahat ng tauhan niya para sa iyong pagpapaalam at pag-alis sa department ko," sambit ng asawa ko."Maraming salamat honey sabay ngiti ko rito ng marinig kong pumapayag ito sa disisyon kong gagawin.Hindi naglaon ay nakarating na kami sa harap ng opisina ng black stone, sa gusali na ngayon ay pag-aari ko na rin. Bumaba na ako sa motor ganoon din si Frank, tumingin mo na ako sa buong paligid bago ko yayain ang asa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng barko pinagmamasdan ko ang malawak na karagatan habang nilalanghap ko ang masarap na simoy ng hangin nagulat naman ako ng yakapin ako ni Frank kaya naman napasandal ang ulo ko sa katawan niya hinayaan lang ako nito, parang may na-alala tuloy ako na katulad din ng pangyayari na ito, dalawang tao rin na magkayakap habang sila ay nasa barko, hndi ko lang kung saan ko ito nakita pero parang napanood ko lang, nararamdaman ko ang init na pagkakayakap ni Frank hanggang marinig ko ang boses nitong nagsalita na aking kinatuwa naman."Honey ilang araw na lang tayo sa barko na ito dahil babalik na tayo sa rest house ko, tiyak kong miss na miss kana ng mahal mo sa buhay, lalo't walang alam sila kung saan tayo naroon ngayon," sambit nito."Oo nga honey, miss ko na talaga sila lalo na ang dalawang bata at sana pagbalik ko roon makapagpahinga na ako ng maayos, saka magpapaalam na rin ako sa buong black stone para sa disisyon kong pag-alis sa department mo," anas
Naalinpungatan ako ng makita ko na pumasok na sa kwarto si Frank, bago ligo ito habang nakabalot ang towalya sa kanyang katawan, nawala ang kalasingan ko ng makita ko ang mapang-akit nitong katawan na lalong nagpatakam sa akin, kumagat na lang ako sa ibaba ng aking labi, hinayaan ko na lumapit sa aking tabi si Frank, pagkalapit sa aking tabi ay ka-agad naman akong bumangon sa kinahihigaan ko.Hinalikan ko ang malambot nitong labi, hanggang tumugon ito naglakbay ang kamay niya sa leeg ko hanggang umabot ito sa aking harapan, mas nakaramdam ako ng kakaibang init sa aking katawan na umabot ito maging sa pagitan ng aking hita, nagsikap si Frank na magpakasasa sa aking katawan.Hanggang marating nito ang pagitan ng aking hita, pinagmasdan niya ang kabuan ng katawan ko ng tuluyan nang mahubad ang towalya na nakabalot sa aking katawan, hinila ko ang kamay ni Frank at hiniga ko ito sa aking katawan hindi ko na rin mapigilan ang sarili ko sa kakaibang sarap na tinamasa ko ngayon sa ginagawa ni
Dumating na ang araw na pinakahihintay ng lahat ang araw na ikakasal ako sa lalaking mapapangasawa ko, dumating na nga ako sa harap ng simbahan sakay ng isang kotse, medyo kinakabahan ako dahil napansin ko sa labas na maraming tao na hindi pamilyar ang mukha sa akin, mukhang excited ang lahat ng naririto sa lugar.Bumaba na nga ang driver ng sasakyan na sinasakyan ko, nagmamadali itong umikot sa likod ng kotse saka ka-agad binuksan ang pinto ng kotse, marahan akong lumabas ng sasakyan habang hawak ko ang laylayan ng suot kong gown.Napatingin ako sa paligid sa harap ng simbahan nakita ko ang mga tao na masayang nakatingin sa sa akin, bakas sa mga mukha nito ang pagka excited nila, habang naglalakad ako papalapit sa pinto ng simbahan ay isa-isa kong ningingitian ang mga taong bumabati sa akin at kino-kongratulate ako.Nakaramdam ako ng kakaibang kaba sa aking dibdib na para bang may tambol sa aking dibdib ng tuluyan na akong makalapit sa pintuan ng simbahan na agad naman akong pinagbuk
Nabulabog ang masarap kong pagkakatulog dahil sa ingay na nagmumula sa loob ng bahay, para bang may mga ibang boses ng tao akong narinig sa bahay na ito, kaya naman bumangon na ako sa pagkakahiga at napansin ko rin na hanggang ngayon wala pa si Frank sa tabi ko, nagtaka tuloy ako na baka hindi ito umuwi kagabi dahil wala siya dito ngayon.Dahil gusto kong malaman kung ano ang ingay na nagmumula sa labas ng kwarto ko ay marahan kong binukasan ang pinto pagsilip ko ay nakita ko ang mga ibang tao na hindi pamilyar sa aking paningin, napa-isip tuloy ako sa aking nakita, muli ay sinarado ko ang pinto at naupo sa aking kama at ilang saglit lang ay narinig ko ang boses ni Manang at kumakatok ito sa pinto."Seniorita Nathalie kailangan ninyo na po bumangon diyan dahil pinatatawag ka po ni Sir Frank," sambit nito sa labas ng pinto.Kaya naman tumayo ako sa kinauupuan ko at pinagbuksan ko si Manang, pinapasok ko ito sa loob ng kwarto ko saka ako nagtanong sa aking nasaksihan."Mawalang galang
Nakapagdisisyon na nga kaming dalawa ni Roxane na lumabas ng mall, pagkalabas namin ay nag-abang ka agad kami ng masasakyan patungo sa rest house ni Frank.Mayamaya pa nga ay tumigil sa amin harapan ang isang taxi, napansin ko ka agad na nakangiti ang driver ng taxi at bago pa ito nagtanong kung saan kami pupunta ay pinagmasdan niya kaming dalawa ni Roxane na may pagnanasa sa kanyang mga mata."Magandang hapon po Ma'am, saan po ang punta ninyo?" tanong na driver."Kung alam mo po ang Smith compound, pakihatid na lang po kami roon Manong," sambit ko."Sakay na po kayo ihahatid ko po kayo sa inyong pupuntahan saka malapit lang po iyon," sagot ng lalaki.Sumakay na nga kami ni Roxane sa loob ng taxi pero hindi mawala sa sarili ko ang 'di kabahan lalo't may kakaiba akong napansin sa driver na ito.Madilim ang bawat dinaraanan namin at sa palagay ko ay hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito at napapansin ko rin na kanina pa kami nagbabyahe, nakatulog na nga ang kasama kong si Roxane kay
Habang nag-uusap kaming dalawa ni Roxane sa labas ng pinto ng aking kwarto ay bigla naman lumapit si Manang, na aking ikinagulat."Seniorita Nathalie, kanina pa po kayo hinihintay ng security natin sa labas, dahil siya raw po ang inatasan ni sir Frank na maghatid sa inyo sa mall para sa inyong kaligtasan," sambit ni Manang.Nagkatinginan kami ni Roxane hanggang yayain ko na itong lumabas ng bahay at magtungo sa sasakyan na naghihintay kanina pa sa labas.Bago kami tuluyan lumabas ng bahay ni Roxane ay nakiusap ako kay Manang."Manang maraming salamat po, saka nga po pala kayo po muna ang bahala dito sa bahay nariyan naman Si Frank sa loob ng kwarto, ihanda mo na lang po ng makakain ang mga bata ganon din si Frank, sasamahan ko lang po mo na si Roxane sa mall para tuparin ang pinangako ko sa kanya kahapon, hindi po kami magtatagal roon mamaya rin po agad kaming uuwi," paliwanag ko."Oh siya sige po seniorita ako na po ang bahala dito sa bahay mag-ingat po kayo sa inyong pupuntahan," pa
Kasalukuyan naman akong nasa labas ng bahay habang nagkakape ng bigla naman lumapit sa akin Roxane ng makita niya akong mag-isa lang sa harap ng bahay ni Frank, habang pinagmamasdan ang buong paligid ng rest house."Best Nathalie mukhang nag-iisa ka ata rito? nasaan ang pogi mong fiance?"tanong ni Roxane."Sino si Frank ba," nagtatakang tanong ko rin sa babae."Oo sino ba paba," maikling sagot nito na may pagtaas pa ng kilay."Naroon pa siya sa kwarto at masarap ang pagkakatulog, hindi ko na nga ginising, eh, dahil ayaw kong storbohin mahirap na baka magalit sa akin at palayasin pa ako sa bahay na ito," anas ko."Beast Nathalie sabi mo pupunta tayo ngayon sa mall may ipinangako ka sa akin kahapon na bibilhin mo lahat ng gusto ko," pa-alala ni Roxane sa akin."Oo Roxane, kaya ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya rin ay aalis na tayo para bilhin lahat ng gusto mo para naman kapag umuwi kana sa bahay ninyo hindi mo ako makalimutan," anas ko."Ang bait-bait mo talaga best Nathalie a
Tumingin ko sa buong paligid ng silid at nakita ko ang mga kasamahan ko na gulat na gulat din sa nasaksihan nila tahimik lang sila sa kanilang kinatatayuan ngunit bakas sa mga mukha nila ang subrang saya at excited na silang lahat na marinig ang isasagot ko sa lalaking nakaluhod sa aking harapan.Medyo kinabahan ako dahil 'di ko akalain na mangyayari ito ang akala ko ay birthday surprise lang ang masasaksihan ko sa set- up na ito subalit may mas kaka-excited pa pa lang magaganap."Ano ba ito...?" Hindi ko tuloy alam ang isasagot ko dahil sa pagkagulat ko sa pangyayaring ito pero sino ba naman ako para tumanggi pa sa lalaking ito bukod sa gwapo na mayaman din katulad ko, alam ko rin naman na gusto ko rin siya at may pinangako ako sa kanya na papayag ako maging asawa niya kapag natapos ko na ang mission ko na mahanap ang pumatay sa magulang ko, kaya ngayon nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ng magulang ko siguro ito na 'yong pagkakataon na para tangapin ang kagustohan ng lalaki