BINUKSAN ni Devyn ang pinto ng kuwarto kapatid niya at pumasok sa loob. Saka nilapitan si Lola Anding. "Hi po, Lola Anding. Puwede po bang dito muna ako kay Divina? Gusto ko po sanang bantayan siya," pakiusap ni Devyn sa matanda."Oo naman, Devyn. Ikaw na muna dito. Uuwi lang muna ako sandali sa bahay para magluto ng pagkain, pang-hapunan natin dito."Ngumiti si Anding sa dalaga. Tumayo na siya at hinalikan lang sa noo si Divina. Saka lumabas ng kuwarto ng apo.Tinititigan ni Devyn ang kapatid. Napaluha siyang naisip na magkakaroon ng pader sa kanilang magkakapatid. Kung kailan na magkakasama sila. Muli ay magkakahiwalay ulit sila."Patawarin mo ako, Divina," umiiyak na usal ni Devyn. Habang hawak ang kamay ng kapatid.Nakabuo ng desisyon si Devyn. Kailangan niyang makausap si Ryder. Kaya kinabukasan ay hindi na magpapaalam si Devyn sa kakambal niya na lalabas ng ospital.Ayaw niyang ipahalata kay Diane na may alam siya tungkol sa kanilang dalawa ni Ryder. Hindi niya inaasahang masas
NAGULAT si Ryder ng makita si Diane sa labas ng RSC building. Matamis siyang ngumiti dito habang nilalapitan niya ito. At nang makalapit ay niyakap niya ito ng mahigpit.Nasorpresa siya sa pagpasyal ni Diane sa RSC.Nagtaka siya ng maramdaman na hindi gumanti ng yakap si Diane sa kanya. Naiwaglit niya sa isipan ang kung anong naramdaman. Ayaw niyang pagsimulan nila iyo ng tampuhan na dalawa."Love, sorry. Nainip ka ba maghintay sa akin? Saka, bakit andito ka? Di ba, sabi ko susundin kita sa store?"Pilit niyang pinasigla ang boses niya. Kahit may iba siya pakiramdam.Kinakabahan siya na baka nalaman ni Diane na nag-usap sila ni Carmina. Ayaw niyang bigyan ng dahilan ito na mag-isip ng masama sa kanya. At mawalan ito ng tiwala sa kanya.Matiim na tumitig si Devyn kay Ryder. Wala na ang dating pagmamahal sa kanya na nakikita niya sa mga mata nito. Pinalitan na iyon ng pagmamahal para kay Diane."Ider, hindi ako si Diane," amin na sagot ni Devyn sa binata. Biglang namutla ang mukha ni R
ALAS-DIYES nang gabi ng makauwi sa ospital si Diane. Pagkapasok niya sa loob ay nadatnan niya si Oscar na nakaupo sa tabi ng kapatid. "Oh, Oscar. Bakit, ikaw ang nagbabantay kay Divina?"Agad na napalingon si Oscar sa kanyang likuran."Devyn, nakauwi ka na pala," Parang nagulat pa itong makita siya. "Pinauwi ko na si Lola Anding sa inyo. Hindi ka na niya nahintay dahil gagabihin siya masyado sa daan. Ako na din ang nagprisinta na magbantay kay Divina. Habang wala ka pa." sagot pa ni Oscar.Lumapit si Diane sa cabinet at inilagay sa loob ang bag niya."Oscar, Diane na ang pangalan ko. Hindi na ako si Devyn," pagtatama niya habang lumalapit sa gawi ng binata."Sorry. Nasanay lang ako na Devyn ang itinatawag ko sayo. Hayaan mo, hindi ko na kakalimutan. Si Diane ka at hindi na si Devyn."Nakangiting tumango si Diane."Sige na. Ako na ang magbabantay kay Divina. Naabala ka tuloy namin," nahihiyang sabi niya."Okay lang. Tapos naman na ang shift ko. Saka gusto ko ding bantayan si Divina."
NAPASANDAL si Devyn sa dingding. Habang patuloy na umiiyak. Nasa labas na siya ng ospital. Hindi na niya nagawang silipin si Divina sa kuwarto nito bago umalis.Isang kamay ang naramdaman niyang humawak sa balikat niya."Are you alright, miss?" may pag-aalala sa boses na tanong nito sa kanya.Napalingon si Devyn sa nagsalita."Doc. Nick?""Devyn?"Sabay na sambit nila pareho.Mabilis na pinunasan ni Devyn ang mga luha niya. At umayos ng tayo."Anong--""What--?"Sabay pa din nilang sabi.Natawa ng malakas si Nick. Napatitig si Devyn. Pinagmasdang maigi ang mukha ng binatang, naging doktor niya dito sa MPH. Napangiti siya ng hindi niya namamalayan. Nang masilayan ang magandang ngiti nito sa labi. Napatingin si Doc. Nick sa kanya. Mabilis na nag-iwas ng tingin. At napakamot ng kanyang ulo. Sobrang kahihiyan ang inabot niya nh mahuli siya nitong nakatitig."You go first, Miss Devyn. I know na may itatanong ka," malawak ang ngiti na sabi nito sa kanya.Napasulyap si Devyn at natulala."
MALALAKI ang mga hakbang ni Carmina na papasok sa loob ng Oh Store. Hindi magkandaugaga sa pagsunod ang sekretarya niya sa kanya. "Ma'am, this store is owned by Sir Owen. Baka po mapagalitan tayo ni Sir. 'Pag nakarating sa kanya na sumugod ka sa isa sa mga empleyado niya," babalang sabi ni Karina sa kanya. "WALA AKONG PAKIALAM! Even Owen owns this store! Gusto kong makaharap ang maharot na babaeng 'yun! Inaagaw niya sa akin si Ryder! At hindi 'ko iyon, papayagan!" Nagtatagis ang bagang na sigaw ni Carmina. Ryder is only for her! Walang ibang babaeng makakakuha sa binata. Sila lang ang para sa, isa't isa at hindi ang isang mahirap na kagaya ni Devyn. "Hello, everyone! Where is Devyn Piper?! Ituro niyo sa akin kung saan ko siya makikita!" Malalakas na sigaw ni Carmina sa lahat ng mga taong nandoon sa loob ng tindahan. Lahat ay napatingin sa kanya. At nagbulungan. May lumapit sa kanya na isang babae. Halata sa kilos nito na siya ang manager ng tindahan. "Good afternoon, ma'am. I'm
TUMALIKOD si Diane kay Ryder. Saka mabilis na tumakbo palayo sa binata."Love!" Habol na sigaw ni Ryder kay Diane.Madiing napatiim bagang si Ryder na sinusundan niya ng tanaw ang palayong pigura ni Diane.Humarap siya kay Karina."What are you doing both of here, Karina?""E, sir si Ma'am Carmina po kasi--" hindi niya matapos ang sasabihin sa takot na baka siya naman ang pagbalingan ni Carmina ng galit nito kay Diane.Kumunot ang noo ni Ryder. "Where is she?!"Lumingon si Karina sa likuran niya. Hinahanap ang amo. Nagulat siya na wala na ang amo niya."Sir, nakalabas na po ata si ma'am," mabilis nitong sagot sa kanya.Nagtagis ang bagang niya ng malamang umalis si Carmina. Tumakas na agad ito."Owen, let's go." Baling niyang aya kay Owen.Tumango lang si Owen sa kanya. At hindi na nagpaalam kina Shiela at Karina. Ang mga tao ay panay ang tingin kina Ryder at Owen."I want all of you delete all the videos in your phone. If I will know that this incident is out in public. I'm going to
AKAY ni Owen ang kaibigang si Ryder. Nakatalungko itong nakatulog na sa sobrang kalasingan.Nagmamadaling lumalapit ang mommy ni Ryder sa kanila."What happen to my son, Owen?" nag-aalalang tanong nito sa kanya."Tita, lasing po. Dito ko na lang po siya hinatid. Kesa sa condo niya. Mas lalo lang niyang mararamdamang mag-isa siya. Kapag doon ko siya iniwan."Nilapitan ni Tita Antonette si Ryder. "Bakit siya naglasing ng ganyan?""Wala na po sila ni Diane," malungkot na sagot niya.Napa-o ang bibig ni Tita Antonette. Nabigla man pero napansin niya ang kakaibang kislap sa mata nito.Maaring nagdidiwang ang kalooban nito. Alam niyang isa si Tita Antonette sa umaayaw kay Diane para kay Ryder. "Paki-hatid na lang siya sa kuwarto niya, Owen. Magtitimpla lang ako ng coffee. Do you want coffee too?" "Huwag na po, tita. Aalis din po ako kaagad. Hinatid ko lang talaga si Ryder dito. Saka naiwan ang sasakyan niya sa bar. Babalikan ko pa para ipahatid sa driver ko," tangging sagot ni Owen.Tuman
MABILIS na bumaba si Ryder ng kotse niya. Nagmamadali na halos mabangga na niya ang mga tao na nakakasalubong niya. Isa-isa pa niyang tinitignan ang mga babaeng andoon sa loob ng terminal. Desperado na siyang makita at makausap si Diane. Kumbinsihin itong huwag ng umalis.May napansin siyang babaeng nakatalikod. Hinawakan niya sa balikat ito at iniharap sa kanya.Napasinghap siya ng makita ang mukha nito. Hindi ito si Diane. "Sorry," Hingi niya ng paumanhin sa babaeng akala niya ay si Diane.Matamis itong ngumiti sa kanya. Hindi niya pinansin iyon. Saka dali-daling umalis sa harapan 'nung babae. At hahanapin niya si Diane. Nagpalinga-linga si Ryder sa buong terminal. Nakapaweywang at hingal na hingal. Pinagtitinginan na din siya ng ibang mga taong naroon. May mga namumukhaan siya na nagtatangka pang lumapit sa kanya, para makakuha ng picture. Mayroon ding walang pakialam sa presensiya niya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya alam kung makikita pa niyang muli si Diane, pagkatap
"LOLA!" nalalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola.Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo.Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin."Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan."Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang."Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Doon ta
NASA kusina na si Diane nag-aasikaso ng pagkain ng mga anak na papasok sa eskwelahan. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga ang asawa."Mommy, may school program po kami sa school. Family day po. Puwede po ba kayo ni daddy?" tanong ng anak nilang si Junior."Tatanungin ko muna si daddy. Baka kasi maraming work. Pero kung hindi makakasama ang daddy mo. E, 'di si mommy na lang."Nalungkot naman si Junior sa tinuran ng ina. "Sana po, kasama natin si daddy. Masaya po kung kompleto. Palagi naman pong busy si daddy. Wala na po siyang time para sa atin." Nahimigan ni Diane ng tampo ang pangalawang anak nila.Hindi naman nagkukulang sa atensyon si Ryder sa kanila. Minsan nga ay ito ang nag-aasikaso sa kanilang mag-iina. Iyon lamang ay kapag kailangan siya sa kompanya ay hindi puwedeng 'di puntahan ng asawa. Masyadong babad sa trabaho si Ryder at alam niyang para iyon sa future ng mga anak nila."May work lang si daddy. Hayaan mo kakausapin ko siya. Kailan ba ang family day sa school mo, J
MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila."Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh."Nasaan si Mommy?""Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
NAGISING ng maaga si Ryder. Napatingin siya sa katabi at matamis na ngumiti. Tiyak na napagod si Diane. Kaya siya ang mag aasikaso sa mga bata at magluluto ng kanilang almusal.Pupungas pungas si Wenna na lumapit sa ama. Nasa likuran lang din si Petra, ang yaya ng bata."Good morning, daddy," bungad na bati ni Wenna sa ama."Good morning, my princess." Malawak na ngumiti si Wenna. At yumakap sa ama. Kumalas ito sa yakap niya at hinarap siya ng anak."Ano pong niluluto niyo, daddy?" tanong ng anak niya. Inosenteng inosente ito. "Breakfast natin. And especially for mommy too."Napahagikhik ang anak niya. Hakatang kinikilig. "Ang sweet ni daddy. I hope someday makatagpo din po ako ng katulad niyo."Kumunot ang noo ni Ryder sa narinig mula sa anak. "Wait. You are only four years old, my princess. Bata ka pa. Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"May ngiti na kakaiba ang panganay niya."Dad, siyempre po sa inyo. Nakikita ko kayo everyday ni mom na sweet palagi. And you always makes her hap
NAGING sobrang maalaga ni Ryder sa kaniyang asawa. Maselan ang pagbubuntis ni Diane. Hind ito puwedeng mapagod o magkikilos. Bed rest siya at halos nasa loob lang ng kuwarto nilang mag-asawa.Nalulungkot ito na hindi na siya naaalagaan nito. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ito makaramdam ng panghihina. Isa pa para ito sa anak nilang dalawa. Kailangan niyang magiging matatag para lumaban si Diane. "Love, gusto kong lumabas dito sa kuwarto natin. Ayoko na dito sa loob ng kuwarto lang. Naiinip na ako, e. Wala na akong ginagawa kundi ang humiga," reklamo nitong pangungumbinsi na lumabas ng kuwarto."I'm really sorry, love. Pero hindi puwede. Ginagawa namin ito para sa inyong dalawa ni baby. Ayokong mapahamak ka o kaya ang anak natin. Konting tiis lang. Three months lang naman."Advice ng doktor na manatiling bed rest si Diane dahil sa sobrang maselan ng pagbubuntis. Muntik muntikan na itong makunan. Kaya todo ang ingat nila.Nakasimangot na humalikipkip si Diane.Medyo natawa nam
Dalawang buwan ang naging honeymoon nina Ryder at Diane sa Japan. Kung saan-saan sila namasyal. Kahit na malayo silang mag-asawa ay halos araw-araw silang tumatawag sa Pilipinas, para kumustahin ang panganay nila."Are you happy, love?" tanong ni Ryder kay Diane. Katatapos lang nila ng mainit na pagniniig.Humarap ito sa kanya. "Sobra-sobra, 'yong saya halos umabot na sa langit. Hindi ko alam na ang sarap mo palang magmahal, love."Napaismid si Ryder. "Hindi nga? Baka naman ang alaga ko ang mahal mo? Are you satisfy, love?" Sunod-sunod na tango ang sagot ni Diane sa kanya."Hindi lang ang puso mo ang malaki ang pagmamahal. Pati iyang alaga mo sobrang laki ng pagmamahal sa akin. Kaya wala akong rason para hindi maging satisfy sa lahat. Sobra-sobra pa nga ibinibigay mo sa akin."Ginawaran ng halik ni Ryder sa noo ang asawa at niyakap."I love you, love. Ikaw lang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin. Kahit uugod-ugod na tayo at hindi na tumatayo ang alaga ko. Tayo pa din."Hi
NANG matapos ang kasal. Pagod na pagod ang mag-asawa sa buong maghapon na pakikipagkamay sa lahat ng bisita na nagpapaabot ng mga pagbati."Are you tired, love?" tanong ni Ryder sa asawang hinihilot ang sintido. Suot pa din ang wedding gown at nasa bagong bahay na nila. Marahan na tumango si Diane. Nilapitan ni Ryder ito at niyakap sa likuran. Ginawaran ng isang magaang halik sa batok. "Baka gusto mong alisin ko ang pagod mo? With a touch of full love and me."Humagikhik si Diane sa tinuran niya. Pagkatapos ay humarap sa kanya. Tumitig sa mga mata niya."Love, kailangan nating matulog ng maaga. Bukas na ang flight natin papuntang Japan."Trip to Japan ang regalo ng mommy niya sa kanilang kasal. Pati ang bagong bahay ay ito din ang nagbigay. Si Raleigh ay isang ducati at BMW ang niregalo sa kaniya. Habang si Owen ay private plane na sasakyan nila bukas ang regalo sa kanila. Sumimangot ang mukha ni Ryder. Akala niya lulusot ang pang-aakit niya sa asawa. Laglag ang balikat na bumitaw
HINGAL NA HINGAL si Ryder ng makarating sa lobby. Naghagdan na siya dahil baka hindi na niya maabutan si Diane."Palpak! Ngayon magtanda ka na! Dinadaan sa init ng ulo. 'Yan tuloy," pangsisisi ng sariling utak niya. Inaway pa niya ang sarili sa nagawa.Napabuga ng hangin si Ryder."Sir!" sigaw na tawag ng kung sino.Huminto siya sa pagtakbo at nilingon ang tumawag sa kanya."Yes, Cassandra, " iritado pa din ito na nakapameywang."Hinahanap niyo po ba si Diane?"Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng marinig ang pangalan ni Diane.Tumango lang siya bilang sagot dito."Nasa cafeteria po kami. Dating gawi," dagdag na sabi ni Cassandra sa kanya.He feel relieved. Saka ngumiti pagkatapos ay tumawa ng malakas.Nagtataka ang tingin ni Cassandra sa kanya. Pati ang mga ibang dumadaan ay napapatingin sa kanya. Natuto ng ngumiti at tumawa ang chairman nila."I thought iniwan na niya ako. F*ck it! Thank you, Cassandra! I will give you bonus. At dagdag sa sahod mo," biglang nasabi ni Ryde
MABILIS na tumatakbo si Diane papunta sa kuwarto kung saan dinala daw si Ryder. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa binata. Pero sobrang kaba at takot ang namayani sa kanya.Paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Ryder? Iiwan na pala siya ng tuluyan ng binata. Hindi man lang siya nakabawi dito. Paano na lang siya kapag nagkagayon mawala ito?Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na mga tanong. Paano kung magkatotoo ang lahat ng iyon?Agad na nilapitan niya ang isang nurse sa information. "Saan po ang kuwarto ni Mr. Sable?" Chineck 'nong nurse ang computer na nasa harapan niya."Room 108 po," magalang na sagot nito sa kanya."Salamat."Umalis din siya kaagad sa information. Saka hinanap ang sinasabi na room number kung saan andoon si Ryder."Room 108. Ito na nga," usal niya sa isip.Nag-alangan siya kumatok. Sari-sari kasi ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Sobrang takot dahil ayaw niyang makitang nakahiga si Ryder at walang malay. Maraming nakakabit na machine