AKAY ni Owen ang kaibigang si Ryder. Nakatalungko itong nakatulog na sa sobrang kalasingan.Nagmamadaling lumalapit ang mommy ni Ryder sa kanila."What happen to my son, Owen?" nag-aalalang tanong nito sa kanya."Tita, lasing po. Dito ko na lang po siya hinatid. Kesa sa condo niya. Mas lalo lang niyang mararamdamang mag-isa siya. Kapag doon ko siya iniwan."Nilapitan ni Tita Antonette si Ryder. "Bakit siya naglasing ng ganyan?""Wala na po sila ni Diane," malungkot na sagot niya.Napa-o ang bibig ni Tita Antonette. Nabigla man pero napansin niya ang kakaibang kislap sa mata nito.Maaring nagdidiwang ang kalooban nito. Alam niyang isa si Tita Antonette sa umaayaw kay Diane para kay Ryder. "Paki-hatid na lang siya sa kuwarto niya, Owen. Magtitimpla lang ako ng coffee. Do you want coffee too?" "Huwag na po, tita. Aalis din po ako kaagad. Hinatid ko lang talaga si Ryder dito. Saka naiwan ang sasakyan niya sa bar. Babalikan ko pa para ipahatid sa driver ko," tangging sagot ni Owen.Tuman
MABILIS na bumaba si Ryder ng kotse niya. Nagmamadali na halos mabangga na niya ang mga tao na nakakasalubong niya. Isa-isa pa niyang tinitignan ang mga babaeng andoon sa loob ng terminal. Desperado na siyang makita at makausap si Diane. Kumbinsihin itong huwag ng umalis.May napansin siyang babaeng nakatalikod. Hinawakan niya sa balikat ito at iniharap sa kanya.Napasinghap siya ng makita ang mukha nito. Hindi ito si Diane. "Sorry," Hingi niya ng paumanhin sa babaeng akala niya ay si Diane.Matamis itong ngumiti sa kanya. Hindi niya pinansin iyon. Saka dali-daling umalis sa harapan 'nung babae. At hahanapin niya si Diane. Nagpalinga-linga si Ryder sa buong terminal. Nakapaweywang at hingal na hingal. Pinagtitinginan na din siya ng ibang mga taong naroon. May mga namumukhaan siya na nagtatangka pang lumapit sa kanya, para makakuha ng picture. Mayroon ding walang pakialam sa presensiya niya. Nawawalan na siya ng pag-asa. Hindi niya alam kung makikita pa niyang muli si Diane, pagkatap
BUMALIK na sina Diane at Lola Pacita. Napansin ni Diane ang kakaibang ikinilos nina Devyn at Ryder ng madatnan nila.Magkalayo ang mga ito na nakaupo, animo'y hindi magkakilala. Nagkaroon ng magandang samahan ang dalawa noon. Parehong ding minahal nila ang isa't isa. Pero nasira dahil sa hindi naayos na gusot tungkol sa paglilihim ni Devyn.Nadamay lang talaga si Devyn sa sama ng loob nito kay Lola Pacita nila. Malaki ang naging kasalanan ng lola niya dito pero karapatan din si Ryder na sumama ang loob at magalit. Kaya hindi niya din ito masisi. Umaasa pa din si Diane, hindi man sila maging kagaya ng dati. Sana ay matuto silang magpatawad. Saka ibaon na ang anumang galit sa mga puso nila. Nilapitan niya si Ryder. "Tubig para sayo. Alam kong uhaw ka na." Inalok niya ito ng inumin g tubig na binili nila sa tindahan. "No, thanks. Okay pa ako." saka umiling itong tumanggi sa kanya. Ibinalik muli ni Diane ang tubig sa loob ng plastic. Saka masusing tinignan ang binata. Umiwas ito ng t
"What are you doing here?! Nang-iistorbo ka ng moment ko— namin ni Shiela! Alam mo ang pakiramdam ng nabitin, Ryder! Sana hinintay mong makaraos ako bago ka pumasok sa loob ng opisina ko!" galit-galitang sambit ni Owen sa kanya. Hindi narating ng kaibigan niya ang sukdulan. Sumakit ang puson nang hindi lumabas ang init na napuno sa loob."You know me, Owen. Hindi naman ako pupunta dito sa opisina mo, kung wala akong problema, di ba?" "Oh, so anong tawag mo sa akin? Hingahan ng mga problema mo? May sarili din akong problema! Tingnan mo nga ang ginawa mo! Nabitin tuloy ako 'don, pare! Ang tagal kong hinintay si Shiela! D*mmit! Walang nangyari sa mga paghihirap ko! Ang hirap pa naman niyang amuin. Parang babaeng tigre kung magalit," dismayado ang mukha na mga tanong ni Owen sa kanya. Bumunghalit ng malakas na tawa si Ryder."Tsk.. Tsk.. Owen Adam Ames, the casanova chairman. Under de saya at hindi kayang paamuin ang isang Shiela Marie Angeles." Habang pailing-iling siya ng ulo.Hanggan
NAGISING na si Carmina. Nagulat siya ng makita ang lalaking nakatungko ang ulo sa kama at mahimbing na natutulog.Napaluha siya na nakangiti. Ito ang matagal na niyang hinihintay. Ang mahalin na din siya ni Ryder. Sana nga, ito na iyon."Daddy's here, baby," mahinang sambit niya habang hinihimas ang tiyan.Hinaplos niya ang buhok nito. Agad na nagising ito at umangat ang tingin sa kanya.Mabilis na umiwas siya ng tingin kay Ryder. Nang magtama ang mga tingin nila. Palihim niyang pinunasan ang luha niya. Saka humarap sa binata."What do you feel? Baka may masakit pa sa 'yo. Sandali, tatawagin ko ang doktor," kita sa mukha nito sobrang pag-aalala para sa kanya.Tatayo na ito ng pigilan niya. At hinawakan sa braso ang binata. Sumulyap si Ryder sa kanya."No, I'm okay. I want to say thank you, sa pag-aalala mo. At mukhang dito ka din natulog. I'm sorry kung na abala kita," nahihiyang wika niya. Hindi sumagot si Ryder. Bagkus ay umupo ito. Saka seryosong tumingin sa kanya. "How is the bab
NALALAPIT na ang kasal nina Ryder at Carmina. Maraming inimbita ang ina ng binata at pati ang presidente ay inimbita ang mga kaibigan na mga pulitiko.Magiging kasal ng taon ang pag-iisang dibdib nila. Para itong pagsasama ng dalawang pamilya na maimpluwensiya sa bansa, ang Sable at Nicholas. Pareho silang mga successful sa kani-kanilang larangan. Marami ang mga babaeng naiinggit kay Carmina dahil sa ito ang babaeng pakakasalan ni Chairman Ryder Sable. Lalagay na sa tahimik ang cold hearted Chairman ng RSC. At isa sa tinaguriang hottest bachelor.Panay ang tulo ng luha ni Diane ng mapanood sa telebisyon ang tungkol sa kasal ni Ryder. Naninikip ang dibdib niya at hindi makahinga sa sobrang sakit ng nararamdaman."Nangako ka! Ang sabi mo maghihintay ka! Pero bakit ka magpapakasal sa iba?! Ang daya mo, Ryder!" mga panaghoy na sumbat ni Diane.Sa lakas ng boses niya ay narinig ng kapatid niya ang mga sigaw niya. Nagmamadali na lumalapit ito sa kanya."Bakit ka sumisigaw, Diane? Anong prob
"Tanging ikaw ang sigawNg puso araw-arawAminin ko na sayo,Ngayon lang nagka gan'toAko'y babalik.. Babalik.. Babalik pa rin sa'yoSino ba ang mag-aakalangMabibigyan ako ng pag-asaLabas sa liga koIsang katulad moNgunit nang dumating, napatanong akoIkaw na ba yung pinangarap ko. Handa kong gawin ang lahatMakapiling ka langWalang hihigit sa iyoIkutin pa ang mundoAko'y babalik.. Babalik sa'yo. Tanging ikaw ang sigawNg puso araw-arawAminin ko na sayo,Ngayon lang nagka-gan'toAko'y babalik.. Babalik... Babalik pa rin sayo."Lumabas si Diane sa kanyang pinagtataguan. Dala ang isang wireless na mikropono.Lumiwanag bigla ang mukha ni Ryder at kumislap ang mga mata ng masilayan ang mukha ni Diane. Matagal na din silang hindi nagkikita. Para tuloy gumaganda sa paningin niya ang dalaga.He can't resist removing his stare at Diane. Gusto na niya itong hilahin at itakbo palabas ng simbahan. Iwanan ang lahat ng mga tumutol sa relasyon nilang dalawa.Habang si Carmina ay kunot na ku
BIGLANG isa-isang dumating ang mga sasakyan ng mga pulis. Kanya-kanya din ang mga ito na lumabas ng sasakyan at nagtago sa likuran ng mobil. Napasinghap ang mag-amang Nicholas ng mahagip ng mata nila ang mga mobil na pumarada sa harapan ng simbahan.Agad na nagtago ang mga bodyguard niya. Hawak ng isa sa kanila si Ryder. Habang silang mag-ama ay magkasamang nagtago sa may hagdan sa labas ng simbahan.Kinuha ni Wency ang kanyang baril na nakatago sa kanyang itim na slacks. May kutob may kakaibang mangyayari. Kaya nagdala siya ng baril."Anong ibig sabihin nito? Bakit may mga pulis?" madidiing mga tanong ni Pres. Wency. Mahina ang boses na tamang-tama lang na nadinig ni Carmina.Naging malikot ang mga mata ni Wency. Pinakikiramdaman kung sinong unang magpapaputok."I don't know, dad."Sabay na lumingon ang mag-ama sa sanggol.Nang marinig ang malakas na bumalahaw na iyak ni Baby Wenna."Patahanin mo nga iyan! Napahamak na tayo sa mga kagagawan mo! Palpak lahat ng plano mo!" Tila nagsis
"LOLA!" nalalakas na tawag ng mga anak ni Ryder sa mommy niya. Tumatakbo ang apat na bata palapit sa kanilang lola.Napaawang ang labi ni Antonette nang makita ang kanyang mga apo. "Mga apo ko!" Agad na sinalubong ng yakap at halik ang apat niyang mga apo.Nang bumitaw si Antonette sa mga apo ay pinalis ni Antonette ang mga takas na luha sa kanyang mata. Nag-uumapaw ang saya sa puso niyang makita solang lahat. Ganito siguro ang tumatanda na, nagiging maramdamin."Namimiss niyo na ang mga bata. Kaya andirito kami ng mga apo niyo." Nilapitan ni Ryder ang ina at hinalikan ito sa ulo. Lumapit na rin sa kanila ang asawa niya at humalik sa noo ng biyenan."Huwag na kayong umiyak, mom. Dito kami sa bahay niyo isang buong araw. Sorry po dahil sa busy ako sa mga bata 'di na kita nadadalaw dito," taos sa pusong hingi ng paumanhin ni Diane sa ginang."Naiintindihan ko. Pasensiya na kayong mag-asawa. Pati ako ay kailangan ninyong alagaan." Muling pinunasan ni Antonette ang mga luha niya. "Doon ta
NASA kusina na si Diane nag-aasikaso ng pagkain ng mga anak na papasok sa eskwelahan. Hinayaan niyang matulog at makapagpahinga ang asawa."Mommy, may school program po kami sa school. Family day po. Puwede po ba kayo ni daddy?" tanong ng anak nilang si Junior."Tatanungin ko muna si daddy. Baka kasi maraming work. Pero kung hindi makakasama ang daddy mo. E, 'di si mommy na lang."Nalungkot naman si Junior sa tinuran ng ina. "Sana po, kasama natin si daddy. Masaya po kung kompleto. Palagi naman pong busy si daddy. Wala na po siyang time para sa atin." Nahimigan ni Diane ng tampo ang pangalawang anak nila.Hindi naman nagkukulang sa atensyon si Ryder sa kanila. Minsan nga ay ito ang nag-aasikaso sa kanilang mag-iina. Iyon lamang ay kapag kailangan siya sa kompanya ay hindi puwedeng 'di puntahan ng asawa. Masyadong babad sa trabaho si Ryder at alam niyang para iyon sa future ng mga anak nila."May work lang si daddy. Hayaan mo kakausapin ko siya. Kailan ba ang family day sa school mo, J
MAAGA pa ay nasa kompanya na si Ryder. Pinaiimbestigahan na niya ang pagkawala ng malaking pera sa RSC. Wala namang problema kung nasa libo lang siya, pero daan-daang libo ang nawawala.Kailangan na niyang mahuli ang kumuha para hindi mawalan ng gana ang kanyang mga investor na mag-invest sa RSC.Hawak-hawak ni Cassandra ang files. At lahat ng withdrawal ay pirmado. Pero nasaan ang pera? Tila naging palaisipan sa kanya ang matapang na kumukuha ng pera ng kompanya.Nanlaki ang mga mata niya sa handwritten na pirma sa isa sa mga cheque. Mabilis siyang tumayo, dala ang folder na naglalaman nang mga kopya ng withdrawal at ang detalye ng mga pumapasok na pera sa RSC.Paanong hindi sumagi sa isip niya? Sakay na siya ng kotse niya kakastiguhin niya. Gusto niyang marinig ang mga paliwanag nito.Ilang minuto lamang ang nagdaan ay narating ni Ryder ang bahay nila."Good morning, kuya. Anong mayroon, napasyal ka?" tanong ni Raleigh."Nasaan si Mommy?""Huh? Bakit, kuya?" Nagtataka si Raleigh sa
NAGISING ng maaga si Ryder. Napatingin siya sa katabi at matamis na ngumiti. Tiyak na napagod si Diane. Kaya siya ang mag aasikaso sa mga bata at magluluto ng kanilang almusal.Pupungas pungas si Wenna na lumapit sa ama. Nasa likuran lang din si Petra, ang yaya ng bata."Good morning, daddy," bungad na bati ni Wenna sa ama."Good morning, my princess." Malawak na ngumiti si Wenna. At yumakap sa ama. Kumalas ito sa yakap niya at hinarap siya ng anak."Ano pong niluluto niyo, daddy?" tanong ng anak niya. Inosenteng inosente ito. "Breakfast natin. And especially for mommy too."Napahagikhik ang anak niya. Hakatang kinikilig. "Ang sweet ni daddy. I hope someday makatagpo din po ako ng katulad niyo."Kumunot ang noo ni Ryder sa narinig mula sa anak. "Wait. You are only four years old, my princess. Bata ka pa. Paano mo nalaman ang tungkol diyan?"May ngiti na kakaiba ang panganay niya."Dad, siyempre po sa inyo. Nakikita ko kayo everyday ni mom na sweet palagi. And you always makes her hap
NAGING sobrang maalaga ni Ryder sa kaniyang asawa. Maselan ang pagbubuntis ni Diane. Hind ito puwedeng mapagod o magkikilos. Bed rest siya at halos nasa loob lang ng kuwarto nilang mag-asawa.Nalulungkot ito na hindi na siya naaalagaan nito. Kaya ginagawa niya ang lahat para hindi ito makaramdam ng panghihina. Isa pa para ito sa anak nilang dalawa. Kailangan niyang magiging matatag para lumaban si Diane. "Love, gusto kong lumabas dito sa kuwarto natin. Ayoko na dito sa loob ng kuwarto lang. Naiinip na ako, e. Wala na akong ginagawa kundi ang humiga," reklamo nitong pangungumbinsi na lumabas ng kuwarto."I'm really sorry, love. Pero hindi puwede. Ginagawa namin ito para sa inyong dalawa ni baby. Ayokong mapahamak ka o kaya ang anak natin. Konting tiis lang. Three months lang naman."Advice ng doktor na manatiling bed rest si Diane dahil sa sobrang maselan ng pagbubuntis. Muntik muntikan na itong makunan. Kaya todo ang ingat nila.Nakasimangot na humalikipkip si Diane.Medyo natawa nam
Dalawang buwan ang naging honeymoon nina Ryder at Diane sa Japan. Kung saan-saan sila namasyal. Kahit na malayo silang mag-asawa ay halos araw-araw silang tumatawag sa Pilipinas, para kumustahin ang panganay nila."Are you happy, love?" tanong ni Ryder kay Diane. Katatapos lang nila ng mainit na pagniniig.Humarap ito sa kanya. "Sobra-sobra, 'yong saya halos umabot na sa langit. Hindi ko alam na ang sarap mo palang magmahal, love."Napaismid si Ryder. "Hindi nga? Baka naman ang alaga ko ang mahal mo? Are you satisfy, love?" Sunod-sunod na tango ang sagot ni Diane sa kanya."Hindi lang ang puso mo ang malaki ang pagmamahal. Pati iyang alaga mo sobrang laki ng pagmamahal sa akin. Kaya wala akong rason para hindi maging satisfy sa lahat. Sobra-sobra pa nga ibinibigay mo sa akin."Ginawaran ng halik ni Ryder sa noo ang asawa at niyakap."I love you, love. Ikaw lang gusto kong makasama hanggang sa pagtanda natin. Kahit uugod-ugod na tayo at hindi na tumatayo ang alaga ko. Tayo pa din."Hi
NANG matapos ang kasal. Pagod na pagod ang mag-asawa sa buong maghapon na pakikipagkamay sa lahat ng bisita na nagpapaabot ng mga pagbati."Are you tired, love?" tanong ni Ryder sa asawang hinihilot ang sintido. Suot pa din ang wedding gown at nasa bagong bahay na nila. Marahan na tumango si Diane. Nilapitan ni Ryder ito at niyakap sa likuran. Ginawaran ng isang magaang halik sa batok. "Baka gusto mong alisin ko ang pagod mo? With a touch of full love and me."Humagikhik si Diane sa tinuran niya. Pagkatapos ay humarap sa kanya. Tumitig sa mga mata niya."Love, kailangan nating matulog ng maaga. Bukas na ang flight natin papuntang Japan."Trip to Japan ang regalo ng mommy niya sa kanilang kasal. Pati ang bagong bahay ay ito din ang nagbigay. Si Raleigh ay isang ducati at BMW ang niregalo sa kaniya. Habang si Owen ay private plane na sasakyan nila bukas ang regalo sa kanila. Sumimangot ang mukha ni Ryder. Akala niya lulusot ang pang-aakit niya sa asawa. Laglag ang balikat na bumitaw
HINGAL NA HINGAL si Ryder ng makarating sa lobby. Naghagdan na siya dahil baka hindi na niya maabutan si Diane."Palpak! Ngayon magtanda ka na! Dinadaan sa init ng ulo. 'Yan tuloy," pangsisisi ng sariling utak niya. Inaway pa niya ang sarili sa nagawa.Napabuga ng hangin si Ryder."Sir!" sigaw na tawag ng kung sino.Huminto siya sa pagtakbo at nilingon ang tumawag sa kanya."Yes, Cassandra, " iritado pa din ito na nakapameywang."Hinahanap niyo po ba si Diane?"Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya ng marinig ang pangalan ni Diane.Tumango lang siya bilang sagot dito."Nasa cafeteria po kami. Dating gawi," dagdag na sabi ni Cassandra sa kanya.He feel relieved. Saka ngumiti pagkatapos ay tumawa ng malakas.Nagtataka ang tingin ni Cassandra sa kanya. Pati ang mga ibang dumadaan ay napapatingin sa kanya. Natuto ng ngumiti at tumawa ang chairman nila."I thought iniwan na niya ako. F*ck it! Thank you, Cassandra! I will give you bonus. At dagdag sa sahod mo," biglang nasabi ni Ryde
MABILIS na tumatakbo si Diane papunta sa kuwarto kung saan dinala daw si Ryder. Hindi niya pa alam ang totoong nangyari sa binata. Pero sobrang kaba at takot ang namayani sa kanya.Paano kung huli na ang lahat para sa kanila ni Ryder? Iiwan na pala siya ng tuluyan ng binata. Hindi man lang siya nakabawi dito. Paano na lang siya kapag nagkagayon mawala ito?Ang daming tumatakbo sa kanyang isipan na mga tanong. Paano kung magkatotoo ang lahat ng iyon?Agad na nilapitan niya ang isang nurse sa information. "Saan po ang kuwarto ni Mr. Sable?" Chineck 'nong nurse ang computer na nasa harapan niya."Room 108 po," magalang na sagot nito sa kanya."Salamat."Umalis din siya kaagad sa information. Saka hinanap ang sinasabi na room number kung saan andoon si Ryder."Room 108. Ito na nga," usal niya sa isip.Nag-alangan siya kumatok. Sari-sari kasi ang emosyon na nararamdaman niya ngayon. Sobrang takot dahil ayaw niyang makitang nakahiga si Ryder at walang malay. Maraming nakakabit na machine