nagising si Lenie ng alas otso na ng umaga dahil hindi mawala sa kaniyang isipan ang sinabi ni Amanda sakanya ng gabing iyon. iniisip niya kung paano haharapin ang sinasabi ng kaninyang ina na mapapangasawa nito.
"aaaahhh..." sabunot niya sa sarili dahil hindi naman talaga siya nagising dahil hindi naman talaga siya nakatulog ng maayos. bumangon na si Lenie upang mag asikaso papasok sa trabaho. pumasok ito sa cr at naligo. Nang matapos siyang maligo ay agad na lumabas ng kaniyang silid. Nakita niya si Amanda sa kusina na nag hahain ng pagkain nila. "ma," tawag niya kay Amanda. agad namang napalingon ang matandang babae at ngiting-ngiti ng makita siya. "anak, Halika na at kumain kana malilate ka na sa trabaho," saad ni Amanda sa anak. agad namang lumapit si Lenie at naupo, nag iipon ito ng lakas ng loob upang sabihin ang gusto niyang sabihin kay Amanda. Nang makaipon ng sapat na lakas ay nag salita na ito. "Ma..." Tumingin sakanya si Amanda at inaantay ang sunod nitong sasabihin. "P-pwede bang hindi na lang ako magpa kasal?" naibaba ni Amanda ang Kutsarang hawak niya ng marinig iyon. "a-ano? h-hindi ka na magpapa-kasal--" tila nawawalan ito ng hininga habang nag sasalita at parang inaatake sa puso kungt titignan ito. Agad naman na nataranta ang babae nang makita niya ang ina niyang nahihirapan huminga. inabutan niya ito ng tubig ngunit hindi parin umaayos ang lagay nito. "Sige na mag papakasal na ako!" Tila gamot ang sinabi ni Lenie na iyon kay Amanda at mabilis na umayos ang pag hinga nito. Doon lang napagtanto ni Lenie na nag iinarte lang si Amanda ng sabihin niyang hindi na siya mag-papakasal. napatingin nalang si Lenie kay Amanda at umiiling-iling na inubos ang pagkain. Nang matapos si Lenie sa pagkain ay nag paalam na ito mauna na at papasok sa trabaho "Ma, alis na po ako." paalam nya atsaka lumapit kay Amanda at hinalikan ito sa noo. Sa kabilang banda si Dylan at ang kanyang ama na si Marco ay kumakain ng agahan. "So, kelan ko makikilala ang nobya mo?" nabulunan si Dylan nang sabihin iyon ng ama. agad naman niyang kinuha ang tubig at ininom ito. Napatingin siya kay Marco na nag aantay sa sasabihin ng kaniyang anak, dahil gusto niya maka sigurado na may nobya ito. "Sunday, I will bring her here." saad ni Dylan sa ama. bahagyang napangiti si Marco sa sinabi ni Dylan. kung totoo ngang may Nobya na ang kaniyang anak ay hindi na niya itutuloy ang kasal na sinasabi nito. at Mag bibigay nalamang ng tulong sa Mag-inang pinangakuan. "Alright. I'll clear my schedule on Sunday. I want to meet that Girl." masayang sabi ni Marco. hindi na tinapos ni Dylan ang pagkain dahil nawalan na siya ng gana, tumayo ito at nag paalam na sa kaniyang ama. "I have to go dad." paalam niya. tumango lamang si Marco bilang pag tugon. napaisip si Dylan kung sino ang kaniyang ihaharap na Nobya sa kaniyang ama gayon' wala naman talaga siyang nobya. nakasakay na siya ng kanyang sasakyan at patungo sa kanilang kumpanya ang Marco's Legacy. siya ang CEO ng kumpanyang iyon ang ama naman niyang si Marco ang Chairman ng naturang kumpanya. Nang makarating sa parking lot ay agad siyang bumaba at nag tungo sa kaniyang opisina. malalim parin ang kaniyang iniisip ng sandaling iyon, nakaupo siya sa kaniyang upuan sa opisina at patuloy na iniisip ang problema na kanina nag lalaro sa kaniyang isipan. Pumasok sa opisina niya ang kanyang Secretary. "Mr. hyun may mga ilan po kayong kailangan pirmahan." sabay abot nito ng Itim na folder, agad naman pinirmahan ni Dylan ang Folder na iyon at ibinalik sa secretary niya. "Thank you, Mr. Hyun." tumango lang ito bulang sagot sa kaniyang secretary atsaka siya iniwan nila. habang nag iisip ay biglang pumasok sa kaniyang isipan si Lenie ang housekeeper ng kanilang Hotel. "Tama! pag papanggapin ko nalang si Lenie." sabi niya sa sarili at akmang aalis na ng mapag tanto niyang baka hindi ito pumayag dahil sa nangyari sakanila apat na araw na ang nakararaan. "kaso baka hindi sya--- dibale na kukumbinsihin ko nalang siya." saad niya atsaka kinuha ang Suit niya at umalis. ***** Nasa Goldenrod Hotel na si Lenie mag alas onse na ng tanghali ng matapos siya mag linis ng silid sa ika-14th floor lahat ng room doon ay siya ang nag linis. sa isang palapag ay mayroon sampung silid at nagawa niyang tapusin ito ng kalahating araw lamang. Naupo si Lenie sa waiting area ng may lumapit sakaniya, tiningala niya ito at natulala sa gwapo at makisig na lalaki na ito. Nginitian naman siya ng lalaki. "Hi miss. ano nga ulit ang iyong pangalan?" nag taka naman si Lenie dahil nag pakilanlanan na sila pero ang bilis niya nakalimutan ang ngalan niya. pumasok sa isip niya na baka sa dami ng babae nito ay hindi na niya maalala ang mga pangalan ng mga ito. "Lenie, kakakilala lang natin kahapon sir." sabi ni Lenie tsaka iniwas ang tingin kay Diego. "sorry hindi ko kasi narinig dahil dumating si Dylan." saad ng lalaki sa babae. nginitian lang siya ng babae bilang pag sagot. "Pwede ka ba maaya mag coffee? my treat " saad ni Diego kay Lenie. sandaling natigilan si Lenie at sumagod rin agad. "Sir, pasensya na on duty po ako." sagot niya, pero ang totoo ay ayaw niyang makasama ito dahil kung ganon lang kadali nito nakalimutan ang pangalan niya at malanang din ang mga pangako nito ay makakalimutan rin. Nalungkot naman ang ekspresyon sa mukha ni Diego. "wag ka mag alala hindi ako masama wala akong gagawin masama sayo. " saad ng lalaki kay Lenie. "Kahit gustuhin ko po Sir, hindi po talaga maaari.." napayuko siya kasi hindi tslaga siya maaring mag break time agad dahil hindi pa niya oras iyon. "Hindi ko pa po Break time" dagdag pa nito. agad naman nag liwanag ang mukha ng lalaki sa narinig. "Osige, after mo mag break time, ha?" saad ni Diego. "Sige po sir. basta Hindi po ngayon," sabi ni Lenie lm napangiti naman ang lalaki sa sinabi na iyon ni Lenie. "una na ako, balikan kita bago ka mag out" paalam ni Diego at saka umalis na. hindi niya maisip bakit sya inaya ng Kaibigan ng kanilang boss. napaisip siya na baka patibong lang iyon kaya agad niyang sinabi kay Raiza ang naiisip niyang plano para sa sarili. "Inaya ako ni Mr. Castro mag kape, sama ka?" ani Lenie sa kaibigan. kinwento niya dito ang nangyari, kaya pinipilit niya itong sumama sa kanila mamaya sa coffee shop..Natapos ang Duty nila Lenie at Raiza, nag aanatay sila sa Lobby ng Hotel dahil nag aya si Mr. Castro na mag kape. maya-maya ay dumating na ito at nakangiting bumati sa dalawa. "Hi, Sorry medyo traffic," paliwanag niya habang kumakamot sa kaniyang batok."Okay lang, pwede ba na isama natin si Raiza. sya nga pala ang kaibigan ko," pag papakilala ni Lenie sa babaeng kaibigan.napatingin naman dito ang lalaki at ngumiti. "Nice to meet you, sure pwede siya sumama. by the way, I'm---" naputol ang kaniyang sasabihin nang mag salita ito. "Mr. Castro, kilala ka na po namin." saad ni Raiza sa lalaki.kilala na nila ito dahil isa ito sa mga sikat at mayayaman na tao dito sa Pilipinas. "Diego nalang ang itawag ninyo saakin. masyado naman formal kapag Mr. Castro pa," nakangiting sabi nito sa dalawang babae. "Sige po Diego," sabi ni Lenie sa binatang lalaki. "Ano ba kayo wag nyo na lagyan ng Po, parang ang tanda ko na masyado sainyo niyan." saad nito sa dalawa."So, tara na sa coffee shop?" pag aay
Sabado na, mabilis lumipas ang mga araw. bukas ay Linggo, araw kung kailan siya mag papanggap na nobya ng kaniyang amo."Ang bilis naman ng araw, pwedi pa kaya mag backout..... pero magandang oportunidad na rin kasi ito sa akin na makatakas rin sa plano ni mama.."saad niya habang nililigpit ang kaniyang mga gamit, katatapos lang niya mag linis sa isang silid ng hotel. Nang matapos mag ligpit ay lumabas na ito, at dumaretso sa elevator kung upang pumunta sa unang palapag ng hotel.nang makarating sa Reception area, agad niyang tinanong kung meron pang mag papa-housekeep ng silid."Rai, meron pa ba mag papalinis?" tanong niya sa kaniyang kaibiga. umiling lang ito at sinabing, "Wala pa naman, nagawa naman ng ibang housekeeper ang iba. mag pahinga ka muna," sabi sakaniya ng kaibigan. Nasa loob ito ng Receptionist Area. habang siya ay nasa labas naman. ito kasi ang nag aasikaso ng mga mag Che-check-out at check-in sa hotel."Ganon ba. buti naman nakakapagod, ang daming iniwan na kalat n
Ito na ang araw na napag usapan nila Dylan at Lenie na ipakikilala siya nito na nobya sa ama ng lalaki. narinig ni Lenie na tumunog ang kaniyang telepono kaya agad niya itong kinuha. Nagtaka naman siya ng ang lumabas sa screen ng kanyang telepono ay "Unknown number" Sandali niya itong tinignan at makalipas ang ilan pang ring ng telepono ay sinagot na niya ito. [why you took so long to answer my call] iritableng bungad ng kabilang linya. napa ngisi siya nang marinig ang boses nito. sa tono palamang ng pananalita nito at aroganteng pananalita'y alam na niya kung sino ang tumawag sakaniya. "Anong kailangan mo Mr. Dylan Hyun? Dinner pa ang sabi mo, ngunit umaga palang ay natawag ka na." mapanlokong tono na saad nito sa lalaki. [I just want to remind you, baka nakalimutan mo... t*nga ka pa naman." saad ng lalaki sa kabilang linya. nanlaki ang kaniyang mga mata ng marinig na tinawag siya nitong 't*nga' "Hindi ko nakakalimutan, At hindi din ako t*nga." sagot naman niya sa kabi
Nang makaalis sila sa hotel, dumaretso ang dalawa sa parking lot. kinuha ni Dylan ang susi ng kaniyang kotse, nang makarating sa tapat ng kotse ay inunlock niya ito. "Get in the car," ani Dylan sa babaeng kasama. Naunang pumasok si dylan sa loob ng kotse, narinig nito na bumukas ang likurang pinto ng kotse at doon pumasok si Lenie. Nakaupo na ng maayos si Lenie at napansin niyang hindi parin umaandar ang sasakyan. Napatingin siya sa rare view ng sasakyan at doon ay nakita niyang kanina pa siya tinitignan ng masama ng lalaki, kunot noo naman niya itong tinanong. "B-Bakit?" takang tanong niya. "What do you think of me? your personal driver? lumipat ka dito sa harapan, tsss." saad ni Dylan sa babae. "Ah, oo sige." ayan nalamang ang nasambit ng dalaga sa sobrang hiya. doon lang kasi niya naisip na mag mumukha nga itong driver niya kung sa likod siya uupo. nang makalipat sa unahan, binaling nalamang niya ang kaniyang tingin sa labas. Nagulat naman siya ng bigla siyang lapitan ng lal
"Ano, hija busok ka na ba?" tanong ni Marco sa babae. tumango lang ito ng naka ngiti. pero ang totoo ay nalulungkot siya sa katotohanan na ito ang una't huling dinner date niya kasama ang pekeng nobyo at ang ama nito. dahil alam niya na panggap lang ang lahat at sa susunod na buwan ay ipapakilala na siya ng kaniyang ina sa kaniyang mapapangasawa. "Dad, excuse us. punta lang kami sa room ko," paalam ni Dylan sa kaniyang ama sabay tumingin sa babae. "tara babe, mag papalit lang ako at maya-maya ihahatid na kita," sabi ni Dylan sa kaniya. "Bakit kailangan kasama pa ako?" tanong niya dito dahil naiilang siya na pumunta sa silid ng lalaki dahil hindi naman sila totoong magka relasyon. "Wala ka naman kasama dito, Si dad ay papasok na rin sa kaniyang kwarto." sabi ni Dylan sabay tingin sa kaniyang ama. "Yes, hija. sumama ka na kay Dylan, kailangan ko na din kasing mag pahinga. matanda na si Uncle, " sabi nito kay Lennie. tumango lang si Lenie at tumayo na, nagulat siya ng hawakan ni Dy
Nasa tapat na sila ng bahay ng babae, bumaba na si Lenie. "Salamat, Sir Dylan. sa pag hatid." pasasalamat nya sa kanyang amo. "No problem, ako nga dapat ang mag pasalamat sayo sa pag payag mag panggap," bawing pasasalamat naman ni Dylan sa kaniya.Lumapit si Dylan sakanya, "By the way, hindi ka na sa Hotel papasok bukas. You will be my assistant starting tomorrow," saad nya kay Lenie."Pero, Sir.... pwedi po bang tanghali na ako pumasok? dadaan muna sana ako sa Goldenrod Hotel para makapag paalam sa mga kasamahan ko ng maayos," paalam nya dito. gusto kasi muna sana nyang makapag usap sila ng mga kaibigan nya doon lalo na si Raiza na alam niyang nag tatampo ang kaibigan nya sa kanya.Marahan naman tumango si Dylan senyales na pumapayag sya sa pakiusap ng babae. "Sige, in exchange sa pag papanggap mo, sige na pumasok ka na sa loob." sabi nito kay Lenie at agad na tumalikod at sumakay sa kotse nya.Ibinaba nito ang bintana ng kotse, "Sa Hyun Corporation ka dumaretso bukas. 5th floor."
Napatingin sa orasan si Dylan, alas-dos na ng hapon ngunit wala pa rin ang assistant nya. tila naiinis na ito dahil ang sabi ng babae ay tanghali sya makakapasok pero hapon na ay wala parin ito sa kaniyang opisina. Kinuha nya ang telepono ng kumpanya upang tumawag sa Information desk at itanong kung dumating na ba si Lenie, naisip nya na baka'y naligaw lang ito. sandali lang nag ring at agad ding may sumagot. [Good Afternoon, Mr. Hyun. what may I help you?] bungad sakanya ng kabilang linya. "Hmm... Meron bang nag hanap sa akin dyan?" tanong niya, napaka seryoso ng itsura nito naiinis na kasi sya dahil wala padin si Lenie. [Ah, Wala naman po Mr. hyun---- Aray nasasaktan ako....] Sandali syang natigilan nang tila may narinig syang gulo sa kabilang linya ngunit hindi malinaw sa kanya dahil tila malayo na ang tinig. "Ano yon? may gulo ba dyan sa ibaba?" tanong nya sa kabilang linya. [Wala naman po Mr. hyun. naayos na pong lahat ni Ms. Smith, meron po kasing Stalker ninyo na gu
Nauanang makapasok sa loob ng Hyun Corporation si Dylan, hindi nya namalayan na mabagal na nakasunod sakanya si Lenie dahil nag aayos ito ng kanyang sarili.malalaking hakbang ang nagagawa ni Dylan, nadaanan rin nya ang kanyang sekretarya."Sir. Dylan," tawag sakanya ni Maxine. "I've sent you some files, Print and xerox the files. I need 2 copies," ani Dylan sakanya, at naglakad nang muli patungo sa Elevator.Kapapasok lang ni Lenie ng naturang building, napansin nyang malayo na sakanya si Dylan kaya lakad takbo ang kanyang ginawa para maabutan ito. Nakita'ng muli sya ni Maxine at agad syang hinarang ng babae. "You again? hindi ka talaga titigil, ano." mataray na sambit nito habang naka pamaywang sa harapan nya.Sinilip naman nya si Dylan na ngayo'y nasa tapat na ng Elevator. 'kainis dapat kasi mas binilisan ko ang lakad' sabi nya sa kanyang isipan."Guard! sabi ko sainyo wag nyo nang papa-pasukin ang babaeng iyo----" Naputol ang kanyang sinasabi ni Maxine ng mula sa likod ay may ma
PINILIT ni Lenie na mag mukhang maayos kahit pa namumugto na ang mga mata, Hindi niya kayang manatili sa bahay ng kaniyang ama. Parang hindi siya makahinga sa loob ng bahay na iyon. Narinig niya ang busina mula sa labas ng kanilang bahay, Alam niyang si King na iyon. lumabas siya agad at walang sabi sabing pumasok sa sasakyan ng lalaki. Napansin ni King ang mugtong mga mata ni Lenie, Nag tataka siya, kanina lang ay masaya ito ngayon Nakita niyang galing sa pag iyak ang babae. "May nangyare ba?" nag aalalang tanong ni King sa babae, Hindi siya sinagot ni Lenie sa halip ay tipid itong ngumiti sa kaniya. "Happy birthday, Kingkong." bati ni Lenie sa kaniya, Kahit alam niyang may mabigat ma problema ito, hindi na lang niya pinilit na mag kwento ang babae, nirerespeto niya ang desisyon nito. Malumanay na pinaandar ni King ang kaniyang sasakyan, Tahimik lang ang byahe nila. hanggang sa makarating sila sa Mansyon nito, Nanatiling tahimik si Lenie. Bumaba sila ng sasakyan, Pin
NAKA tingin lang si Lenie kay Dylan, Pinag iisipang maigi kung dapat paba niyang malaman ang buong katotohanan o hayaan nalang iyon at ibaon sa limot. Malalim na bumuntong hininga si Lenie, Kailangan niyan harapin iyon, kung hindi niya aalamin. parang tinanggalan niya ang kaniyang sarili na malaman ang buong katotohanan, kung bakit lubos siyang nawasak. "Makikinig ako," Matapang na saad ni Lenie. ngumiti si Dylan, at nag simulang ikwento ang nangyare kanina. ----- "Dylan, maawa ka b-buntis ako," Pakiusap ni Maxine sa sobrang takot dahil sa labis na bilis nang takbo ng kotse. Hindi siya pinakinggan ni Dylan, Tila wala na itong takot sa kamatayan, wala nang saysay ang buhay niya dahil wala na sa kaniya ang babaeng pinaka mamahal niya. Nakita ni Maxine ang pag tulo ng
BLANGKO ang isipan ni Dylan ng tinungo ang bahay ng nga Sandoval, Lugmok ang ang itsura at puno ng pag sisisi ang mga mata. Nakatayo lang siya sa labas ng malaking gate ng mga Sandoval, Hindi niya alam kung paano at kung saan kukuha ng lakas ng loob para makausap si Lenie. Nangungilila na siya sa babae, Gusto niyang makausap manlang ito. Alam niyan hindi na niya pwedeng ipilit ang sarili sa babae dahil isa na siyang marumi at hindi karapat dapat dito. Tanggap na niya iyon sa kaniyan loob, sadyang hindi lang niya mapigilan na hindi mangulila sa dating asawa. Malalim na huminga si Dylan at malakas na napabuntong hininga, Buong loob niyang nilakasan ang kaniyang dibdib upang humugod ng lakas, Dahan dahan niyang pinindot ang Doorbell na nasa labas ng gate. Ilang sandali pa'y may narinig siyang yabag ng paa, "Sino yan--" natigilan si Lenie ng pag bukas niya ng gate ay tumambad sa kaniya si Dylan. Nagulat siya sa itsura nito, malaki ang eyebags na halatang hindi nakakatulog
ALIGAGA si Dylan, nasa health center sila. Kasama niya si Maxine do'n dahil may kakaiba siyang nararamdaman sa kaniyang maselang parte ng katawan. Hindi siya mapakali dahil hindi naman niya iyon nararamdaman noon.Minabuti niyang mag patingin kasama si Maxine dahil masama ang kaniyang kutob dito.Lumapit ang doktor sa kanila dala ang resulta ng HIV test nni Maxine, "Doc, Ano pong resulta?" tanong kaagad ni Dylan."Ms. Smith, I want to discuss your test results with you," panimula ng doktor, hindi sila umimik, tila inaantay ang susunod na sasabihin ng doktor."unfortunately, your HIv test came back positive, which means that you have contracted the human immunodeficiency virus." dagdag pa ng Doktor sa kanila.Labis ang pagka bigla sa mukha ni Dylan, tama ang kaniyang hinala. Nahawa nga siya ng HIV sa babae... napatingin siya kay Maxine na parang nandidiri siya dito."Umamin ka sakin, Sino pa ang nakatalik mo bukod sa'akin? SU
INILAPAG ni Lenie ang Urn ni Amanda sa isang kwarto kung saan ipinaayos ni Ramon para sa labi ni Amanda, masaya si Lenie ng makuha ng mga kaibigan ang gamit niya. Lumabas siya at pinuntahan ang mga ito sa garden nila, agad naman siyang sinalubong ni King na may mga ngiti sa labi at pumunta sa kaniyang likuran upang itulak ang kaniyang wheelchair. "Ano ba yan Len, bilisan mo ang pag galing at mag paganda ka ng bongga, hayaan mong mamatay sa pag sisisi si Dylan dahil niloko ka niya," bungad ni Raiza sa kaniyang kaibigan, napangiti lang si Lenie sa sinabi ng kaibigan. "Hindi na niya kailangan maging maganda, maganda naman na siya," papuri ni King sa babae na dahilan ng pag pula ng pisngi nito. "Huwag na natin siya pag usapan," saad ni Lenie, ayaw na niyang marinig ang tungkol sa lalaki, gusto niyang makalimot sa sakit na ibinigay nito sa kaniya lalo pa't nawalan siya ng anak ng dahil sa ginawa nito sa kaniya. "T
"Anong pinag sasabi mo diyan, Ahas ka!" galit na saad ni Raiza kay Maxine, agad naman siyang hinawakan ni DIego sa braso nang akmang susugurin nito ang babae. "Enough, Hon. Let her explain," saad ni Diego, napatingin sa kaniya ang nobya na hindi makapaniwala sa tinuran ng nobyo. "Siguraduhin mo lang na maganda ang sasabihin mo," ani Raiza at walang sabi-sabing pumasok na sa loob ng bahay nila Dylan. Dumaretso sila sa Living room ng bahay, umupo silang tatlo at naiwang nakatayo si Maxine. Biglang dumating si Dylan do'n. "A-anong ginagawa nyo dito?" tanong niya nang makita ang tatlo sa kaniyang bahay. "Hindi ba't dapat kami ang mag tanong niyan? anong ginagawa ng babaeng yan dito?" taas kilay na turan ni Raiza, halata ang mataray nitong itsura dahil sa nakita. "M-may kailangan kayong malaman," ani Dylan maluman
"Wala ka bang gagawin?" tanong ni Lenie sa naiwang lalaki sa kaniyang silid. Tumingin ito sa kaniya habang nag babalat ng mansanas, "Wala, natapos ko naman na ang session ng lola mo," kaswal na saad nito sa kaniya. Inabot ni King ang hiniwang mansanas kay Lenie, "Salamat," ani Lenie sa lalaki, tumabi naman ito sa kaniya at umupo sa upuan sa gilid ng kaniyang kama. "Salamat sa pag dala mo dito kay Lola, ha?" saad ni Lenie sa lalaki, ngumiti si King sa kaniya. "Alam kong gusto ka niyang makita, at ganon ka din." turan ni King sa babae. Bumalot ang katahimikan sa buong silid, Pinag masdan ni King ang itsuran ni Lenie, tahimik lang ito pero alam niyang mabigat ang dinadalang problema sa dibdib ng babae. "Pwede kang mag sabi sakin ng nararamdaman mo," Basag ni King sa katahimikan ng silid, Napatingin si Lenie sa kaniya at tipid na ngumiti. "A-ano namang sasabihin ko sayo?" tanong ni Lenie sa lalaki, natawa naman si King sa tanong ng babae sa kaniya kaya mas pinili nalang niyang tu
NAKITA ni Lenie ang tuluyang pag labas ni Dylan sa kaniyang silid, do'n niya naibuhos ang labis na hinagpis at sakit na kanina pa niya pinipigilan dahil ayaw niyang makita ni Dylan na sobra siyang nasasaktan, ayaw niyang bigyan ito ng kahit kaunting pag-asa na maaayos pa ang unos sa pagitan nilang dalawa, hanggang dito na lang para sa kaniya ang istorya nilang mag asawa. Pinunasan ni Lenie luha sa kaniyang mukha, inayod niya ang tindig ng kanyang balikat. "Kakayanin ko, kailangan kong kayanin" aniya sa kaniyang sarili, hindi madali para sa kaniya ang naging desisyon nya pero kailangan niyang gawin iyon. Kung tunay ang pag-mamahal sakaniya ni Dylan, hindi nito gagawin ang bagay na labis na makakadurog sa kaniya. Mahal siya ni Dylan pero hindi ganon ka puro ang pag mamahal na iyon kaya nagawa siyang pag taksilan ng asawa, Sapat na para kay Lenie na mag desisyon ng hiwalayan lalo pa't wala na ang nag iissng dahilan kung
PINAKALMA ni Ramon si Lenie dahil masama para sa anak ang umiyak ng sobra at mastress, "anong gusto mong gawin ko, Anak. sabihin mo at gagawin ko." malumanay na saad ni Ramon habang hinahaplos ang buhok ng anak. Nag isip si Lenie, sobrang sakit ng idinulot sa kaniya ni Dylan, Hindi na niya kaya pang makasama o makita manlang ang lalaki, ang buong akala niya'y mahal siyang totoo nito, ngunit nag kamali siya. KAya lang ito nang ibang lalaki, manloloko. Tumingin si Lenie sa kaniyang ama, "A-ayoko na pong... maging asawa ni D-dylan," ani Lenie basag ang mga tinig nito dahil sa matinding pag iyak. "Gusto mo ba ng divorce?" tanong ni Ramon sa anak. Tumango naman si Lenie sa kaniyang ama. "Wala nang say-say ang kasal namin, wala na din naman ang anak ko. Nandidiri ako sa kaniya... Hindi ko na siya gustong makita," ani Lenie kasabay ang pag tulo muli ng luha sa kaniyang mga mata. may pighati sa mga mata nito, halo