hi again! ❤️❤️❤️
Nakatanggap ng tawag si Belle mula kay Hivo na sa Laguna na sila dumeretso dahil dinala nito roon ang pamilya. Pagpasok niya sa kaniyang bag ng cellphone, tumingin siya kay Mark. Sumabay ka roon, sa Laguna na tayo tutuloy. Naroon daw ang nanay at mga kapatid niya. Huminga ito nang malalim at tumango sabay sabing, "Hindi pa rin ako makapaniwala na naging ganoon pala siya dati. Kaya pala ang bait niya." Napangiti siya habang nililigpit ang mga baraha. "Bukod sa kabaitan, matalino rin siya. Nagulat nga ako eh, kaya niyang iguhit ang isang tao kung paano ito nag-grow." Tumawa ito. "May abilidad kasi siya sa pag-draw tapos isa siyang doctor. Mahilig rin siya mag-obserba, kaya gano'n." Binalik na niya sa lagayan ang mga baraha at tumayo. "Tara!" Tumayo na rin ito, sandaling sumilip sa phone at binalik rin sa bulsa. May dala silang sasakyan at si Mark ang nagmamaneho. Iyon ang ginamit nila papuntang Laguna. Habang nasa byahe walang tigil na sa pagkwento si Mark tungkol sa kambal ni
Tila naging magulo ang pag-function ng kaniyang utak. Maging ito ay hindi alam kung ano ang iisipin—walang solusyon ang pumapasok sa kaniyang kukute maliban sa sumigaw at umiyak. Pàtay ang nanay niya, may tama si Mark at nag-aagaw buhay. May sumigaw sa pangalan nito, lumapit ang isang lalaki at lumuhod sa harap niya sa tabi ni Mark. May lumapit rin sa kaniyang likuran at hinawakan siya—inalalayan na makatayo ang nanginginig niyang katawan.Pinanood lamang niya ang ginawa ng isang lalaki. "Kapit lang, Tol! Kaya mo iyan!" ani nito kay Mark. Kahit na nahihirapan, tumango ang kaibigan niya, gising pa kasi ito, pero hindi makapagsalita.Ang kumakausap rito ay tauhan rin ng kaniyang ama, siya si Alex at ang isa na naka-hawak sa magkabilang braso niya ay si Caspian. May lumapit pa na isa, at agad na pinakiusapan ni Alex. "Dalhin natin siya sa hospital, ang sasakyan, Tol, patawag na lang sila!" Siya naman ay umiiyak na nagtanong, "Sinong bumaril sa nanay ko!" Ang pinakamasakit na naranasa
"Doc! We are getting worse! The patient's vital signs are deteriorating rapidly. The heart rate is dropping to 30 bpm, blood pressure is dangerously low at 70/40 MMHG, and oxygen saturation has plummeted to 85%." Halos mabibingi si Hivo sa paulit-ulit na pagreport ng nurse sa vital signs ni Mark. Si Zayn naman ang kumilos upang i-recover iyon habang siya naman ay kasalukuyan nang nagbubukas ng sugat nito sa likuran upang makuha ang bala sa loob. Medyo nababagalan lang siya sa pag-assist ng nurse sa tabi niya, upang iabot sa kaniya ang mga dapat niyang gamitin. "Please check the vital signs again," apuradong tanong ni Zayn habang nililigtas nito si Hivo mula sa kamatayan. Siya at si Nyx na ngayon ang kasalukuyang, nagbubukas ng sugat. Binitawan ng nurse ang kasalukuyang ginagawa at binalikan ang pag-check ng vital signs. "Still critical, Doc, it has dropped further, the heart rate has become 28 bpm, blood pressure still 70/40 and oxygen saturation has plummeted to 82%. We need to d
Ramdam na ni Belle ang pagkabagot sa kakahintay ng resulta sa operasyon ni Mark. Napatayo pa siya nang may lumabas na nurse at ito ay humahagulhol ng iyak. Mas lalo siyang kinabahan, at muling lumapit sa pintuan ng emergency room at sinisikap silipin ang nasa loob. Hindi manlang tumingin ang nurse sa kaniya, nais sana niyang magtanong. Gusto rin niyang may marinig sa usapan sa loob pero naka-soundproof ito. Sobrang lakas na ng tibok ng puso niya. Napapakiskis ng mga palad niya na ngayon ay nalinisan na. Wala nang bakas ng dugo ni Mark roon pero sa damit niya meron. Naramdaman rin niya ang marahang paghawak ng kaniyang ama sa kaniyang magkabilaang balikat at bumulong sa kaniya, "Relax..."Nangasim na naman ang ilong niya at nagsimulang humikbi. Sising-sisi siya sa nangyari, pakiramdam niya siya ang may malaking kasalanan. "Tama na iyan... mabubuhay si Mark, okay?" anito.Humarap siya rito, at muling umiyak sa dibdib ng ama. Hinilot-hilot lang nito ang ulo niya at hinimas ang likod ni
Nilipat na ng kwarto si Mark. Kabilin-bilinan ni Hivo ang mahigpit na pagbabantay rito. Si Belle naman ay hindi umuwi. Dinalhan na lang siya ng magagamit niya sa hospital ng mga kasambahay. Gusto niyang bantayan si Mark hanggang sa magising ito, salitan naman sa pag-bantay sa kanila ang mga kaibigan nito sa trabaho. Lumipas na ang isang araw, hindi pa rin nagigising si Mark. Isang araw rin na halos iyak lang ang alam niyang gawin. Kasalukuyan na ring nasa lamay ang kaniyang ina at hindi niya alam kung ano ang uunahin. Halos ayaw niyang iwan si Mark sa hospital pero siya lang ang natitirang pamilya ng nanay niya para damayan ito hanggang sa huling hantungan. Dahil sa kulang siya sa desisyon si Hivo ang nag-asikaso ng labi nito. Naging back-up rin ang kaniyang ama, tila ba'y hindi nito inisip ang kung ano ang iisipin ni Felicia. Lumipas ang isa pang araw, tuloy pa ring natutulog si Mark. Halos hindi na talaga siya naalis sa tabi nito. Lahat ng dapat niyang gawin sa hospital na niya g
In the Hulterar mansion. Kasalukuyang nasa terasa si Lyndon Hulterar, ina ni Samantha Hulterar, kasalukuyang CEO Sansmith Innovation. Ang disenyo ng mansion ay tila pinakapal na crystal walls, kahit ang sahig nito ay nangungulay asul na halos walang pinagkaiba sa kulay ng dagat. Hawak niya ang isang baso ng alak at kasalukuyan itong ini-ikot-ikot ang laman habang nakatingin sa malayo. Masyadong malaki ang mansion at mapalibutan ito ng concrete wall na halos kasing taas rin ng mansion. Bilog ito kung titingnan mula sa taas na mayroon lang bahay sa gitna. Mayroon lang itong butas na nagsisilbing malaking gate—kung baga sa isang baso na walang hawakan, may bahay sa loob at sa ilalim na bahagi ng baso naroon ang kwadradong butas bilang labasan. Iyon ang gate ng mansion at ang pader ay may mga bintana lang upang hindi nakaka-suffocate tingnan ngunit gawa ito sa mga matitibay na materyales. Secured na ang lugar—punong-puno ng gwardya ang buong paligid, ngunit nagtataka pa rin siya ku
Butterfly tasks ngayon ang inaatupag ni Hivo. Magkasama silang nagbabantay ni Belle sa hospital at kinaumagahan tumungo muna siya sa bahay niya sa Laguna upang kamustahin ang kaniyang pamilya. Maayos na ang naging buhay ng mga ito ngayon, lalo na ang kaniyang bunsong kapatid na tila nagugustuhan na nito ang buhay na binigay niya. Nakapagpahinga na rin ang mga ito sa takas nang takas, lalo na si Robelyn na may bakas na operasyon sa dibdib—mas nararapat siyang ingatan pero natuto pa itong makipagbakbakan imbis na magpahinga. Inamin na rin ng mga ito na hindi siya tunay na kadugo na natagpuan lamang siya sa tabi ng dagat kasama ang sirang maliit na bangka, na tila sinakyan niya noong bata pa siya. Masakit malaman na ang minahal niyang pamilya ay hindi pala niya kamag-anak pero nagpapasalamat pa rin siya dahil tinaya na ng mga ito ang sariling mga buhay maprotektahan lamang siya. At dahil sa ginawa ng mga ito, muli niyang nakita ang kambal niya kahit hindi niya ito maalala maliban
Nanatiling tahimik ang bawat sulok ng kwarto at tanging tunog lang ng oxygen ni Mark ang nagbibigay ng ingay. Nakatanggap si Belle ng pagkain at mga gagamitin niya mula sa mansion. Ayon kay Harian na naghatid ng mga ito, hinatid ni Hivo ang lolo nito sa eskwelahan. Kakatapos lang din niyang kumain, at naglinis ng katawan. Bawat oras hinihiling niya na sana, magising na ang kaibigan niya. Masyadong matagal ang tulog nito at habang lumilipas ang mga araw mas lalo siyang kinakabahan. Ayon kay Zayn nasa katawan ni Mark nakasalalay ang buhay nito. Kailangan nitong lumaban. Nang okay na sa kaniya ang lahat bumalik siya sa pagkaupo sa tabi ni Mark. Pinagmamasdan ang mukha nitong tulog na tulog, napaka-amo tila ba'y hindi makagawa ng kasalanan. Hinahanap niya ang resemblance ng mukha nito kay Hivo at oo nga, ngayon lang niya napagtanto sa kulay ng balat ng mga ito, ay walang pinagkaiba. Pareho ng mata ang mga ito pero magkaiba ang hugis ng mukha. Mas ma-panga si Hivo samantalang si Mar
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."