In the Hulterar mansion. Kasalukuyang nasa terasa si Lyndon Hulterar, ina ni Samantha Hulterar, kasalukuyang CEO Sansmith Innovation. Ang disenyo ng mansion ay tila pinakapal na crystal walls, kahit ang sahig nito ay nangungulay asul na halos walang pinagkaiba sa kulay ng dagat. Hawak niya ang isang baso ng alak at kasalukuyan itong ini-ikot-ikot ang laman habang nakatingin sa malayo. Masyadong malaki ang mansion at mapalibutan ito ng concrete wall na halos kasing taas rin ng mansion. Bilog ito kung titingnan mula sa taas na mayroon lang bahay sa gitna. Mayroon lang itong butas na nagsisilbing malaking gate—kung baga sa isang baso na walang hawakan, may bahay sa loob at sa ilalim na bahagi ng baso naroon ang kwadradong butas bilang labasan. Iyon ang gate ng mansion at ang pader ay may mga bintana lang upang hindi nakaka-suffocate tingnan ngunit gawa ito sa mga matitibay na materyales. Secured na ang lugar—punong-puno ng gwardya ang buong paligid, ngunit nagtataka pa rin siya ku
Butterfly tasks ngayon ang inaatupag ni Hivo. Magkasama silang nagbabantay ni Belle sa hospital at kinaumagahan tumungo muna siya sa bahay niya sa Laguna upang kamustahin ang kaniyang pamilya. Maayos na ang naging buhay ng mga ito ngayon, lalo na ang kaniyang bunsong kapatid na tila nagugustuhan na nito ang buhay na binigay niya. Nakapagpahinga na rin ang mga ito sa takas nang takas, lalo na si Robelyn na may bakas na operasyon sa dibdib—mas nararapat siyang ingatan pero natuto pa itong makipagbakbakan imbis na magpahinga. Inamin na rin ng mga ito na hindi siya tunay na kadugo na natagpuan lamang siya sa tabi ng dagat kasama ang sirang maliit na bangka, na tila sinakyan niya noong bata pa siya. Masakit malaman na ang minahal niyang pamilya ay hindi pala niya kamag-anak pero nagpapasalamat pa rin siya dahil tinaya na ng mga ito ang sariling mga buhay maprotektahan lamang siya. At dahil sa ginawa ng mga ito, muli niyang nakita ang kambal niya kahit hindi niya ito maalala maliban
Nanatiling tahimik ang bawat sulok ng kwarto at tanging tunog lang ng oxygen ni Mark ang nagbibigay ng ingay. Nakatanggap si Belle ng pagkain at mga gagamitin niya mula sa mansion. Ayon kay Harian na naghatid ng mga ito, hinatid ni Hivo ang lolo nito sa eskwelahan. Kakatapos lang din niyang kumain, at naglinis ng katawan. Bawat oras hinihiling niya na sana, magising na ang kaibigan niya. Masyadong matagal ang tulog nito at habang lumilipas ang mga araw mas lalo siyang kinakabahan. Ayon kay Zayn nasa katawan ni Mark nakasalalay ang buhay nito. Kailangan nitong lumaban. Nang okay na sa kaniya ang lahat bumalik siya sa pagkaupo sa tabi ni Mark. Pinagmamasdan ang mukha nitong tulog na tulog, napaka-amo tila ba'y hindi makagawa ng kasalanan. Hinahanap niya ang resemblance ng mukha nito kay Hivo at oo nga, ngayon lang niya napagtanto sa kulay ng balat ng mga ito, ay walang pinagkaiba. Pareho ng mata ang mga ito pero magkaiba ang hugis ng mukha. Mas ma-panga si Hivo samantalang si Mar
Napahawak na lamang siya sa noo, habang iniisip kung halimbawa hind siya tángá, edi sana nawalan na siya ng kaibigan nang tuluyan. Lumapit si Alex kay Mark at sinabing, "Ang tagal naman kasi magising nito. Pinupuntirya na eh." Huminga siya nang malalim at nagtanong rin si Caspian, "Nagtagpi-tagpi ba sila? Paano nila nalaman na mayroon pang siya?" Palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at nagtanong pa, "Alam niyo?" Nagkatinginan naman ang mga ito. "Ang sekreto niya?" balik tanong ni Alex. "Totoo ngang may sekreto siya, alam niyo?" ulit niyang tanong. Awkward na tumawa si Alex at sinabing, "Oo naman, sabay kaming lumaki eh. Bata pa lang kami magkasama na kami bilang ampon ng daddy mo. Kami ang mga batang nakatakas na sinagip niya noon. Lahat ng mga lumaki sa puder niya ay mga batang hawak ng sindikato noon." Napanganga siya. Lumapit sa dalawang nakatayo sa gilid ng kama ni Alex. "Ang sindikato rati—sinabi sa akin ni Hivo na naging isa rin siya sa mga batang bihag nila noon,"
Ang ambag lang ni Belle sa sitwasyon ay tumalon at minamadali ang asawang hindi rin alam ang gagawin. Doctor ito, pero ganito ang reaction nito ngayon at napahawak pa sa ulo sabay sabing, "Shít wala akong gamit!" Kumaripas ito nang takbo palabas ng pintuan. Siya naman ay pabalik-balik ang lakas habang si Eloise ay napapa-igik sa higpit na paghawak ni Mark sa kamay nito. Sa pagmulat ng mga mata ni Mark mas lalo siyang nataranta nang biglang hindi naging normal ang tunog nang machine. Naging deretso ito, minsan naman ay bumabalik sa pagkulot. Labis na ang kaba na kaniyang nararamdaman dahil nanlalaki ang mga mata ni Mark na para bang kinukumbulsyon. "Mark!" Pumalahaw na siya ng iyak sa takot habang si Eloise at tumayo na at hinihimas na lang ang kamay nitong mahigpit na nakahawak sa isa pang kamay ng babae."Relax, Mark! Relax!" Mabuti pa si Eloise hindi nagpapanic at hindi nagtagal, pumasok si Zayn, kasama si Hivo at isa pang nurse. "Shít! The shock!" Mabilis na lumapit si Hivo sa
Masyado pang sensitibo ang katawan ni Mark kahit sa pagkain. Kaya nag-provide na lang si Hivo ng nilagang manok, sinigurado lang nitong malambot ang karne at tama lang ang lasa ng sabay. May kasama lang itong kanin bilang alalay. Hinayaan na rin nilang si Eloise ang nagpapakain rito. Sa una ay nahihiya pa si Mark dahil pakiramdam niya naging yaya niya si Eloise pero dahil mapagbiro ang babae pumayag na lang ito at during sa pagkain nito ay sinasabayan ng mga ito nang mga nakakatawang biro. Siya naman, humarap sa kaniyang asawa at ngumiti, lubos na nagpapasalamat sa effort nito para sa kaibigan niya at ganoon na rin sa burol ng kaniyang ina. Hindi na siya dumalo dahil halos hindi na niya naalala na namatayan pala siya ng kadugo. Yumakap na lang siya sa kaniyang asawa at dinamdam ang init ng presensya nito. Mahigpit rin siyang niyakap pabalik, at hinalikan siya sa ulo. Tumingala siya rito at sinalubong nito ng halik ang labi niya. Pagkatapos ng halik nagsalita siya, "Nandito ang
"Ang batang kasama mo...ako ito." Matapos sabihin ni Hivo iyon, saksi siya sa pagpula ng ilong ni Mark. Sunod ang pangingilid ng mga luha nito and when he cocked his head to the side, tumulo na ito nang tuluyan. "A-Anong..." Yumuko si Hivo, naglalabas na rin ng emotion. Napapisil ito ng mata, napatinghol at tumingin sa kapatid. "Wala akong maalala. Ang sabi sa akin ni Nanay, may amnesia ako at hindi ko rin narealize—I mean nawala sa isipan ko na may ganoon pala akong issue," paliwanag nito. Tumayo siya, hinayaan niya si Hivo na makaharap ang kapatid at umikot siya sa kabilang gilid ng kama, at umupo rin sa tabi ni Mark.Magkahalo ang tawa at iyak sa reaction ng kaniyang kaibigan. "Kaya pala..." Napailing ito at nagpatulo, "Ang tagal kong naghanap, nandiyan ka lang pala. Kaya pala matagal..." Umiyak na ito nang umiyak at nag-angat ng isang braso—ang brasong walang dextrose sa kamay na nag-aalok yakap. Lumapit din ang asawa niya at yumakap sa kapatid. Hindi niya nakayanan ang emoti
Sobrang tagal bago dumating ang pagkakataong ito. 17 years rin si Mark naghintay bago matagpuan ang kapatid niya. Laking pasalamat niyang naging maayos ang buhay nito at hindi lang iyon, talagang may laban ito sa mga Hulterar. Mabait pa rin sa kaniya ang diyos kahit minsan ang ginagawa niya ay labag sa batas nito. Ngunit masyadong mahirap ang pinagdaanan niya. Buong buhay niya lumalaban siya para lamang mabigyan ng hustisya ang nasira niyang pamilya. Kumakapit siya sa pag-asang maipaghiganti niya ang mga ito. Ang nangyari sa kanila ay hindi makatarungan. Wala silang ginagawang masama, ang kasalanan lang nila dahil masyado silang mataas at hinahangad ng karamihan ang antas ng kanilang pamumuhay. Matapos niyang sabihin kay Hivo ang tunay na pagkatao nito, lalo na ang pangalan, nagdesisyon itong magpadala ng pagkain para sa kaniya. Ito na rin ang nag-alaga sa kaniya katulad ng dati nitong ginagawa. Sa ngayon kasama nila si Eloise sa kwarto. Naging alerto ito bawat utos ng amo. Makul
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."