Sobrang tagal bago dumating ang pagkakataong ito. 17 years rin si Mark naghintay bago matagpuan ang kapatid niya. Laking pasalamat niyang naging maayos ang buhay nito at hindi lang iyon, talagang may laban ito sa mga Hulterar. Mabait pa rin sa kaniya ang diyos kahit minsan ang ginagawa niya ay labag sa batas nito. Ngunit masyadong mahirap ang pinagdaanan niya. Buong buhay niya lumalaban siya para lamang mabigyan ng hustisya ang nasira niyang pamilya. Kumakapit siya sa pag-asang maipaghiganti niya ang mga ito. Ang nangyari sa kanila ay hindi makatarungan. Wala silang ginagawang masama, ang kasalanan lang nila dahil masyado silang mataas at hinahangad ng karamihan ang antas ng kanilang pamumuhay. Matapos niyang sabihin kay Hivo ang tunay na pagkatao nito, lalo na ang pangalan, nagdesisyon itong magpadala ng pagkain para sa kaniya. Ito na rin ang nag-alaga sa kaniya katulad ng dati nitong ginagawa. Sa ngayon kasama nila si Eloise sa kwarto. Naging alerto ito bawat utos ng amo. Makul
Kasalukuyang nasa kama si Belle at nasa kandungan niya ang laptop. Kakatapos lang din kasi ang usapan nila ni Bella at ayon nga nagsimula na itong mag-aral. Pagdating kay Bella panatag ang loob niya pero pagdating kay Hivo or kay Mark nag-aalala siya. "Wifey!" boses naman iyon ni Hivo galing sa area ng closet. Sumagot naman siya ng, "Hm?" "Na-miss mo ba ako? You were in the hospital for four days, I missed sleeping with you," anito. Napangiti siya since pareho lang silang nararamdaman. Na-miss niya rin itong kayakap kaya sumagot siya, "Sobra." "Talaga? So pwede ka ngayon?" tanong nito. Nangunot naman ang noo niya. "Pwede sa?" Kunwari hindi niya gets. "Alam mo na iyon," anito. Kumagat siya ng labi. "Ang alin ba?" "Diba nga na-miss natin ang isa't isa?" tanong pa nito, tila lalabas na mula sa area na iyon. "Ano kung na-miss natin ang isa't isa?" Tinaasan niya ng kilay ang pader. Hindi ito sumagot, hanggang sa lumabas ito roon. Naka-suot na ito ng sando na makikita a
Ang pagiging CEO ng Solvet ay talagang kambal na ng buhay ni Hivo. Tuwing umaga gigising siya para rito. Muli na naman siyang mapalayo sa mga mahal niya. Nais pa sana niyang makasama si Belle at ang kapatid niya, ganoon na rin ang pamilya niya lalo na ang kaniyang nanay Melissa na dati pala niyang yaya. Umamin na nga itong noon pa man kilala na siya, alam na nito kung sino siya at ang totoo niyan kaya nawalan siya ng ala-ala dahil nang tumakas siya, at nahulog sa bangin, tumama ang ulo niya sa malaking bato. Sa pagkakataong iyon, sinusundan pala siya ng yaya niya, determinado itong iligtas siya dahil naniniwala ang itong mabigyan niya ng hustisya ang nangyari sa pamilya niya pagdating ng araw. Ang masaklap lang dahil naapektuhan ang memorya niya at nang mapagtanto nitong wala siyang naalala kahit pangalan niya nagpanggap itong nanay niya at dinala siya sa probinsya. Gumawa lang ito ng kwento bandang huli na nakita siya sa tabi ng dagat upang maala-ala niya na ang transaction ng mga
"Shít ang sakit!" napapapikit na sabi ni Mark at binaling ang ulo sa gilid sabay bulong, "Kairita." Natawa si Zayn sa pinagsasabi nito. Ayon kasi kay Zayn ang sugat nito sa likod at talagang nagsasara na at tumitigas ang scab nito kaya masakit kahit simpleng kilos lang. Si Belle naman ay nagmaktol na napapikit. "Kasalanan mo kasi may pasalo-salo ka pa ng bala na nalalaman." Pagbukas niya ng kaniyang mga mata sinamaan niya ng tingin ang kaibigan. "Kung hindi ko ginawa iyon edi na-byudo ang kapatid ko." Natawa si Zayn at sinabi na lang, "Ang mahalaga, walang namatay." Tumango-tango naman siya at huminga nang malalim. Zayn added, "For now, iwasan mo ang maging maligalig muna." Si Mark ang kausap nito. "Masakit sa laman ang scab ng sugat kaya ikaw ang mag-adjust." Tumango naman si Mark at bumuntong-hininga. Tinapik lang ito ni Zayn sa balikat at sinabihang, "Isang araw lang iyan, bukas makakakilos ka na." Inayos ni Zayn ang mga gamit nito. Maya-maya tumingin kay Mark, "Oo nga pala,
Sa loob ng sasakyan na minamaneho ni Alex kausap ni Belle ang kaniyang ama habang umiiyak. Sinabi niya rito ang balitang natanggap niya. Papunta sila sa location na sinabi ni Eloise at alam niyang sa pagkakataong ito, papunta na rin doon ang sekretarya."Belle, huwag kang lumabas mag-isa, hintayin mo ako, susunduin kita," ani ng kaniyang ama. Ngunit umiling siya. "Papunta na ako, Dad. Sundan mo na lang ako doon." Iyak siya nang iyak, hindi lubos maisip ang sitwasyon ng asawa niya. Sa pagkakataong ito palang, ayaw na niyang isipin na nasaktan ito—na maging katulad ito ni Mark. "Belle, delikado! Sinong kasama mo?" Halata sa boses nito ang takot. Sumagot siya, "Si Alex!" "Bakit mo iniwan si Mark? Alam niya ito?" tanong pa nito. Umiling siya nasa tenga pa rin ang phone. "Hindi ko sinabi, baka pilitin niyang bumangon. Iniwan ko siya kay Zayn at Caspian." "Ibigay mo ang cellphone kay Alex, kausapin ko," maawtoridad na sabi nito. Bago niya ibigay ang phone sinabi niya, "Dad ako ang n
Naging pala-isipan sa kaniya ang nangyari at pagdating ng kaniyang ama ganoon rin ang tanong nito. Lalo na't nalaman nito kay Eloise na wala pang kahit isang appointment na hinarap si Hivo. Sa ngayon, kasalukuyang yakap siya ng kaniyang ama at sinabi nito sa kaniya. "Hivo is not here, he was not involved in the accident, only his car at siguradong may gumawang iba nito—sa ngayon hindi ko maipaliwanag..." he trailed off at iginala ang kaniyang paningin. Hinawakan nito sa balikat ang matandang Soulvero. "We need to talk in private, Uncle." Tumango ang matanda, magkahalo ang pag-alala at pagkalito sa mukha. Siya naman ay nagdadalawang isip na umalis sa lugar na iyon. Pinanood lamang niya ang mga pulis na ngayon ay binubusisi na ang loob ng sasakyan matapos itong mahatak ng kaunti.Kumalas sa yakap ang kaniyang ama at tumingin kay Eloise. "Sumama ka sa amin may itatanong ako." Napansin niya ang takot nito sa mukha pero tumango. Kahit sino namang hindi sanay sa aura ng kaniyang ama ay h
Tahimik lamang siyang lumabas mula sa sasakyan. Tumahan na ang pag-iyak niya pero naroon pa rin ang sikip ng dibdib niya. Bumalik sila sa Laguna at habang paakyat siya sa hagdan mabilis siyang sinalubong ng nanay-nanayan ni Hivo. "Nak..." Mabilis siya nitong hinawakan sa braso. "Nasaan si Hivo? Kamusta siya? Okay lang ba siya?" Napatingin ito sa baba, kung saan nakasunod si Eloise at inalalayan nito ang matandang Soulvero. Muli niyang tiningnan si Nana Meli, at umiling, "Hindi pa nakikita ang katawan niya eh." Nanlulumo itong bumitaw sa braso niya at humikbi. Umiling para ibahin ang topic at sinabing, "Pero.. mabuti namana't nandito kayo. Si Ace Two kasi...I mean si Mark." Napaawang ang mga labi niyang titig na titig sa mukha nitong nanlulumo. "Alam na niya...gusto niyang bumangon at nahihirapan ang doctor sa kaniya." Rumagasa na ang mga luha nito. Napatingin siya kay Eloise at sa matandang Soulvero na kumikibot-kibot ang mga labi. Tumango siya kay Nana Meli at mabilis na humakba
Tatlong araw ang nakalipas matapos makatanggap si Lyndon ng napakagandang balita mula kay Gordon tungkol sa pagkuha nito kay Hivo, isang nakakawindang na namang pangyayari ang natuklasan nila sa mansion.Pangyayaring hindi maipaliwanag; nawawala ang kama sa loob ng kwarto ng kaniyang anak na nagdulot rito ng matinding takot. "Pinasok kayo ng magnanakaw na hindi niyo man lang nakikita kung paano nila inilabas ang kama sa loob ng kwarto ni Samantha?!" hindi makapaniwalang tanong ng kaniyang asawa. Nanatiling naka-yoko ang mga katulong at gwardyang nagbabantay at ang isa sa mga katulong ay sumagot, "Wala po talaga kaming nakita, ma'am." "At hindi po madali ilabas ang kama sa kwarto ni Miss Samantha, ma'am, sir. Kaya imposible pong nilabas iyon, makikita po talaga namin lahat iyon," sagot naman ng isang gwardiya.He huffed at sinabi pang, "Hindi ko alam kung maniniwala ako sa inyo. Totoo ngang hindi madaling ilabas ang kama. Pero bakit walang kama dito sa loob ng kwarto? Nasaan ang kam
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."