Magandang lugar nga ang pinagdalhan sa kaniya ni Mark pero hindi niya ma-appreciate. Sa ngayon nasasaksihan niya ang pagtaas ng buwan dahil saktong kakatapos lang ng oras ng alas-sais. She just kept crying sitting on the wide rock, next to Mark who was also watching the waves of the sea—he constantly caressing his arms to ease the coldness. Whilst she, hugging her knees, sobbing, and used her palms to cover both arms as protection against the cold wind. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng mga luha niyang tinititigan ang reflection ng buwan sa karagatan. She never thought she would be surprised like this. All her life she has been asking who her father is, who would think that the person was her boss. Ilang sandali ang lumipas naramdaman na naman niya ang daliri ni Mark na pinupunasan ang mga luha sa pisngi niya. Nagbakasakali na namang kausapin siya, "Gusto mo ng barbecue?" Alam na alam talaga nito kung ano ang paborito niya. Mga simpleng pagkain lang naman pero masarap. Ngunit sa sitwas
"Ate!" Papasok pa lang sila sa mansion located sa Laguna, bumungad agad sa kaniya ang boses ni Bella. Patakbo itong yumakap sa kaniya na tila ba'y isang taon na hindi sila nagkita. Nagtama ang mga mata niya kay Jordan na ngayon ay kakatayo lang mula sa pagkaupo sa couch. Sinikap niyang itago ang namumugto niyang mga mata kahit alam niyang mapapansin siya ng mga ito. "Akala ko aalis na kami na hindi ka na namin makikita," ani Bella at kumalas ng yakap sa kaniya. Kahit iiwas man niya ng mukha niya, makikita pa rin nito ang sitwasyon niya. Katulad ng inaasahan, tinitigan siya nito animo'y pinag-aaralan siya. "Ba..." Bella trailed off at tumingin kay Hivo na nakatayo sa likuran niya, lumipat rin kay Mark na nakatayo sa tabi nito. Si Jordan naman ay lumapit, same ang reaction kay Bella. "Napano ka, ate?" marahan siyang hinawakan ng kapatid sa braso. "Umiyak ka ba?" "Nagkita kayo ng nanay mo?" tanong naman ni Jordan na para bang nanay niya ang iniisip nitong dahilan kung baki
She hasn't really moved on yet, but if she looks at herself in the mirror, she doesn't seem to have come from heartbreaks. She is a powerful beautiful woman judging by her off shoulder red pettiskirt waist dress. Hapit rin ito sa kaniyang dibdib kaya makikita ang makamandag na hubog ng kaniyang cleavage at talagang bumabagay ang kulay ng damit sa kaniyang maputi at makinis na balat. Ito ang pinili ni Hivo para sa kaniya. Ang pag-akto na lang niya ang kulang isa na siyang tagapagmana ng isang mayaman kung tingnan. Her hair was in a messy bun and she was wearing expensive silver gold earrings, and a necklace. One of Solvet's creations and really pricey. Sa kamay niya, may suot rin siyang bracelet na terno sa kaniyang kuwintas at hikaw. Parehong puno ng diamond na talagang bumagay rin sa suot niyang sing-sing. Suot rin niya ang rhinestones silver heels na kasama ng damit na binigay ng asawa niya. Parang paa ng manika ang kaniyang paa sa sandal na iyon, especially since her painted
"Eavesdropping." Ito ang sagot ni Hivo sa tanong niya. Tumataas pa ang sulok ng labi nito habang binabalik sa unahan ang attention. Dumugtong pa, "Bukod doon I have eyes and ears at the mansion. May mga katulong kasi minsan na napupunta kay Ninong and accidentally overhear the conversation between him and Samantha. At isa pa ang pagpunta ni Samantha sa teritoryo niya ay questionable na. Though..." Napailing ito, tila may tinutukoy na sekreto and nagpatuloy, "Ako at si Samantha ang magkakilala, bakit napunta siya kay Ninong?" Tumingin ito sa kaniya. "Alone?" He scoffed. "That's inappropriate, they're not blood related as far as the others know." Naningkit ang mga mata niya. "As far as the others know?" Hindi muna ito sumagot dahil nag-green light na ang traffic light. Nagsimula itong magmaneho at sa pagtakbo ng sasakyan, nagsalita na ito, "I don't know...but base sa pagkikita nila, sa napapansin ng mga kasambahay, mga actions ng dalawa ayon sa description nila masasabi kong may
Dinner went well. Old Soulvero and Vilkas just talked about their past; of grandfather Soulvero and Vilkas's father's life era—bestfriend old days. Ayon sa kwento ng matanda, mabuting tao ang ama ni Vilkas pero sa pagkakilala niya kay Vilkas, base sa mga negosyo at pagkakaroon ng mga armadong tauhan, tila malayo ang ugali ng ama nito rito. Hindi kaya nagmana ito sa ina? Ngunit nabanggit ni Vilkas na minsan nakikita nito sa kaniya ang ugali ng ina nito. Napapatanong na lang siya sa sarili kung alin doon, marami siyang ugali, at puro pagrarason lahat. Ang pagkaintindi niya kasi ang magaspang na ugaling mayroon siya ay nagmula ito kay Bernadette. Pero sa sinabi ni Vilkas tila malinaw na sa ina nga ito nagmana. What if dating sindikato ang nanay nito? "Sigurado ako natutuwa ang iyong ama ngayon, Donovan. Hangad pa naman noon ay maging magbalai kami." Humagikhik ang matandang Soulvero. Tumawa naman si Vilkas. "Pero hindi nangyari..." Vilkas click his tongue at napa-iling. Humin
Mali ang ginawa niya alam niya, pero dahil ganado siyang mang-asar lalo na't kanina pa siya inaangasan nitong si Felicia, wala siyang pakialam. Tinaas lang niya ang kilay niya habang pinagmamasdan niya ang pagbuka ng bibig nito. Linya ng isang immature ang sinabi niya, curious siya sa gagawin nito—nais niyang malaman kung papatol ba ito sa away squatter lalo na't umaasta itong professional na mapagmataas rin. "Anong sabi mo?" Felicia hisses under her breath. Kuhang-kuha nga niya ang inis nito. Kunsabagay, naligo ito, nagpabango, nagsuot nang magandang damit, nag-make up pa at suot ang mamahaling alahas, tapos sasabihin lang niyang mapanghe? Sinong hindi magagalit? Folding her arms across her chest, humakbang siya paglapit, pero hindi huminto sa harap nito. Lumagpas siya habang sinasabing, "Wala..." She feighed pouting. "Ang sabi ko lang ay, mapanghe ka. Gusto mong marinig ulit 'di ba?" She spun facing the woman. Kasalukuyan nang hindi maipinta ang mukha nito; magkahalo an
Tila gusto pang manugod ni Felicia sa kaniya nang akayin na ito ni Vilkas paalis. Sinaway lang ito ng kaniyang ama at tumingin sa kaniya.Makikita niya sa mga mata nito ang pait, at nagdulot rin iyon ng kaunting awang nararamdaman niya. She just huffed and turned her gaze to Felicia whilst glaring. Tinutulak na ito ni Vilkas upang humarap sa harapan nang makaalis na pero para pa rin itong magnet na nakalingon sa kaniya. Upang mas mainis, hinugot niya ang kamay niya mula sa pagkahawak ni Hivo at tinaasan ng gitnang daliri ang asawa ng ama. Mabilis lang hinawakan ni Hivo ang kamay niya at binaba ito. Dahil doon sinamaan niya ng tingin ang kaniyang asawa. Binulungan naman niya nito ng, "Enough." She rolled her eyes, at nanahimik na lang. _ Mukhang lahat ng bahay na pag-aari ng mga Soulvero ay tutulugan niya. Una, sa condo ni Hivo siya nanatili, pangalawa, tumira siya sa mansion nito sa Laguna higit isang linggo, at ngayon, dito sa mansion ng matandang Soulvero. Sobrang laki ng mans
Panay ang iwas nito—salo nang unan—at panay rin ang pagbato niya ng mga gamit sa ibabaw ng kama maliban sa mga matitigas na bagay, hanggang sa nauwi sila sa tawanan na parang mga bata. Hindi niya akalaing may makulit na ugali rin pala itong si Hivo—na para bang komportableng-komportable ito sa kaniya. "Kairita ka!" asik niya at pati kumot ay talagang hinagis niya rito. Nagkalat na sa sahig, ang mga unan at kumot. Pinupulot naman ito nang lalaki at binabato pabalik sa kama. "Tama na woi!" Hindi na rin dolyar ang mga salita nito. Kinuha pa niya ang isa pang-unan na kakabato lang nito sa kama at hinagis sa mukha nito. Nasalo naman nito ang unan na iyon at hindi niya inasahang binato nito iyon sa mukha niya. Sa lakas ng pwersa nito halos mawalan siya ng balanse. Pakiramdam niya tumalbog palabas sa ulo niya ang utak niya—buo. "Aray ko ah! Ang sama ang ugali mo!" "Ikaw ang nanguna ah!" Mukhang sasakyan na talaga nito ang trip niya. Ipinilig lang niya ang ulo niya at hindi na niya di
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."