"Ako ang fiancée niya, anong appointment ang pinagsasabi mo?!" Dilat na dilat naman ang mga mata nito sa galit. Pinasadahan naman niya ito nang tingin mula ulo hanggang paa. Black fitted dress ang suot nito, na may one side shoulder strap. Hanggang kalahating hita lang ang haba nito—hindi man niya nakikita pa ang suot nitong sapatos alam niyang naka-heels ito May suot itong red shoulder bag na sa braso lang nito nakalagay. Kaya lang naman niya tinititigan ito, dahil sa oras na magka-abutan sila ng kamay, siguradong mas lugi ito. Naka-dress lang ito, samantalang siya ay handang-handa—naka-jump-suit na brown It had a tie around her waist—it was sleeveless, and the aura was professional. Her outfit is not left behind when it comes to high class attire "Bakit ka ba nandito ha?" inis na inis nitong tanong, talagang 100% siyang sinisita Tumaas ang kilay niya at maarte niyang binalik sa stamp pad ang stamp mark habang si Hivo naman ay napabuntong hininga na laman Pinatong niya ang dala
Expectedly, everyone was surprised, murmurs, gasps prevailed, and some who tried not to pay attention to the situation stood up as well. Ang isa sa dalawang sekretarya ni Hivo na kasalukuyang nakatayo sa likuran ng lalaki at nanonood sa kanila ay napatampal sa labi, ang isa naman ay napatingin rito, at sa kaniya. "A-Anong..." Napailing si Samantha, naakawang pa rin ang mga labi, suot ang panlulumong reaction at tinapos nito ang nasimulang tanong, "...sinasabi mo?" "Bingi ka lang ba talaga o baka hindi mo naintindihan?" Humakbang siya palapit pa, umatras ito habang sinasabi niyang, "Akala ko ba mas magaling ka sa akin sa English? Pero bakit parang loading ka yata? Sige ulitin ko na lang. Kasal... ako... sa fiancée mo!" Nangangapa ang kamay nito sa mahahawakan. Imbis na tulungan ito ng isang empleyado ni Hivo na nakatayo lang sa likuran nito ay hindi nito ginawa at umatras lang para hindi maapakan ni Samantha. She let out a mischievous laugh whilst approaching. Huminto lamang siy
"Mas mabuti pang kumain na lang ako ng ihaw-ihaw kaisa sa magpa-hospital ako!" Kanina pa talaga siya putak nang putak sa loob ng sasakyan pero hindi nakikinig itong si Hivo at talagang gusto siyang dalhin sa hospital. "Ano bang ayaw mo—I'll just check your scalp, baka napano na—" She cut him off, "Matibay itong buhok ko. Katulad ko, virgin pa ito, hindi ito nakaranas ng rebond at malusog ito, matibay, hindi katulad ng buhok ng fiancée mong naiiwan sa kamay ko ang mga hibla kapag hinihila!" Habang nagmamaneho, Hivo scoffed. "I'm just worried. Since yesterday, your hair has been pulled by force—" She cut him off again. "So ngayon kasalanan ko!" Napataas pa siya ng kamay habang sarkastikong nagtatanong at sinamaan ito ng tingin. Pinagalaw rin nito ang eye ball upang silipin siya sa peripheral vision. "Wala akong sinabing gano'n," mahinang turan nito. She scoffed at tumingin sa labas. Napakagat na lang siya ng kuko at sinabi ring, "Hindi ba iyon naman ang trabaho ko?" "At ang
"A-Ah..." Zayn shoulder sagged at napabuntong hininga. "Okay fine! Ako at si Nyx..." Tinaas nito ang dalawang daliri at pinag-dikit, si Hivo ang kausap. Ibig sabihin, siya at si Doc Nyx ay may intimate connection sa isa't isa. Hivo lips form an O at tiningnan naman ni Zayn si Nyx. "Si Doc Hivo and Miss..." Diniinan nito ang salitang 'Miss' and went on, "...Belle ay..." Pinagdikit ulit nito ang dalawang daliri. Nanlaki naman ang mga mata ni Doc Nyx at napabulalas, "Really?!" Humakbang ito palapit sa kanila. Zayn added, "And nandito sila kasi tinitingnan ni Doc itong ulo nitong baby girl niya baka may hair and scalp damage." Awkward itong ngumiti at tumingin kay Hivo. Sinamaan ito ng tingin ng kaibigan, napatanong agad si Zayn, "Oh bakit?" "Kailan kayo naging kayo?" tanong ni Hivo. Sasagot na sana si Zayn ngunit sumingit si Doc Nyx. "But wait, how about Sam..." she trailed off. Agad na nagsalita si Hivo. "You know my issue with that girl. Is that still questionable?" Napang
Pinipigilan niyang matawa habang pinagmamasdan ang reaction ni Hivo na natitigilan at napatitig sa mga panindang balut. Wala pa sa sariling sinambit nito, "B-Balut?" Tumingin ito sa kaniya, tinuro ang balut at nagtanong pa, "Ito? Ito ang balut?" Sinamaan niya ito ng tingin pero sa pabirong paraan. "Oo iyan ang balut!" Tumawa siya, napahagikhik rin ang mama. "Bakit hindi mo sinabing hindi mo pala kilala iyan?" "Akala ko itlog ito," animo'y napapahiya nitong pag-amin. Napahigop siya ng sabaw ng balut at sinabing, "Itlog din naman ito, pero may sisiw na sa loob." Natawa ulit nang mahina ang mama. "Sir, kung gusto mo talaga ng itlog," anito at tiningnan naman ito ni Hivo. "Mayroon ako ditong penoy. Ito naman walang sisiw." Napakunot ang noo ni Hivo habang ang mama naman ay kumilos. Sa katabi ng lagayan ng mga balut, may isa pang lagayan at doon kumuha ang mama. "Ito, Sir..." Ipakita nito kay Hivo ang itlog. Pinalipat-lipat naman ang paningin ng asawa niya sa hawak ng mama at sa
Napatitig siya sa lalaki matapos banggitin na dati itong pulubi. Hindi niya ma-imagine na naging batang gusgusin ito noon like...napailing na lang siya at napatanong, "Paano nangyari iyon?" Nasa bulsa nito ang mga kamay. Sandaling pinagmasdan ang batang hinalintulad nito sa sarili at humarap sa kaniya. Sasagot na sana ito pero biglang tumunog ang phone nito sa bulsa. Sabay silang napababa ng tingin roon. Ngumiti naman siya—ramdam ang pagkabitin sa impormasyon na gusto niyang malaman mula rito at sinabing na lang, "Sige sagutin mo muna iyan." Saktong nadukot na nito ang phone at tiningnan saka tumingin agad sa kaniya. "Your dad..." Napangiwi siya sa sinabi nitong, 'your dad.' Tumango lang siya upang bigyan ito ng time na kausapin ang tumatawag. Umalis ito sa harapan niya—lumapit sa may sasakyan. She just crossed her arms across her chest and looked at the street lights that were already lit. Malapit na kasi magdilim, at nagsi-ayos na ang mga nagtitinda. Halos walang natira s
Sunod-sunod ang tunog nang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan na halos sabay-sabay silang tatlo na pumasok. Si Hivo sa driver's seat, siya naman ang katabi nito at si Mark ang nasa likuran. Kanya-kanya rin silang lagay ng seatbelt, at sa pagpapaandar ni Hivo ng makina nito nagsalita siya, "Ano na, Pangit?" Bully talaga siya kay Mark bilang pagtawag rito sa salitang pangit kahit kabaliktaran naman sa salitang iyon ang mukha nito. Gwapong lalaki si Mark, makinis ang kutis na tila anak mayaman. Nagpatuloy siya, "Magkwento ka na! Ano ba ang nangyari sa kambal mo?" Ibinuwelta ni Hivo ang sasakyan. Lumingon naman siya nang bahagya kay Mark, na kasalukuyang inaayos ang nasirang kwintas. Sumulyap ito sa kaniya at tumingin sa likuran ni Hivo tila ba'y nagdadalawang isip na magkwento pero sa huli—dahil nakatingin siya rito, nagsalita na lang ito, "Itong bala kasi na ito. Nanggaling ito sa katawan ko." Umayos siya nang upo habang napakunot ng noo. "Nanggaling sa'yo?" "Sa tagiliran
"Para saan ito?" Tanong ni Belle hawak ang papel na inabot ni Vilkas. Nakatingin siya sa kaniyang ama, si Hivo naman nararamdaman niyang tumingin din ito sa kaniya. Bumuka ang bibig ni Vilkas, animo'y hindi alam kung paano simulan ang explanation. Bumuntong-hininga si Hivo—marahang hinawakan ang hita niya. Bumaba rin ang paningin niya roon maging si Vilkas. Ngunit nagsalita si Hivo, "You have to understand that you are the sole heiress of Vilkas Nautical." Nangunot ang noo niya. Tumingin siya sa kaniyang ama—nakatitig lang ito sa kaniya animo'y nangingi-usap. Si Hivo naman ay nagpatuloy, "You are the singular individual upon whom he can rely exclusively. It falls solely upon you to effectively oversee and administer your enterprise within your generation." Lumalakas na ang kabog ng dibdib niya. Oo nga't anak siya ni Vilkas at nito lang nila nalaman ngunit hindi niya akalain na magtitiwala ito ng lubos sa kaniya. She smirked, cocking her head to the side. "Nagtitiwala ka sa
7 years later, ipinagdiwang ang ika-60 na taong gulang ni Olivia sa Sansmith Residence na kasalukuyan nang pag-aari ni Mark. Si Belle at Hivo ay mayroon na ring anak na kambal—lalaki at babae na sa anim na taong gulang na rin ngayon; Natalie Vilkas Soulvero, and Noah Vilkas Soulvero. Si Mark naman ay nagkaroon na rin ng pamilya at talagang si Eloise nga ang naging asawa nito. Mayroon na ring anak ang mga ito na si Ace Caleb Reyes Sansmith. Talagang required ang pangalang Ace sa pamilyang Sansmith at si Ace na lang talaga ang tanging magmamana ng Sansmith properties. Limang taong gulang naman ito. Si Nyx and Zayn naman, ay sila din ang nagkatuluyan. Mayroon namang anak ang mga ito, limang taong gulang din, at mas matanda lang si Ace ng ilang buwan. Ang pangalan naman nito ay Si Celeste Garcia Hernandez. Si Levon lang talaga ang wala pang pamilya at naging ninong na lang ng mga bata. Pero hindi pa sigurado kung sa taong ito ay maging single pa rin ito sa hanggang next year lalo na't
Si Belle, nagmula sa isang entertainer, namuhay bilang entertainer, ngunit sa isang iglap lang nakita na lang niya ang sarili niyang kinikilala ng lahat bilang tagapag-mana. Bukod roon, ang akala niyang pangarap niyang sira na ay natutupad na. Nakamit din niya ang inaasam-asam niyang buhay. Ang maranasang maglakad sa binuksang pintuan suot ang wedding gown, tanda na siya ay magpapabasbas upang maging pag-aari ng isang Hivo Soulvero. Hindi na nagpalit ng pangalan si Hivo bilang Ace One Sansmith. Iyon na kasi ang pangalang nakasanayan nito at mananatili talaga itong tagapagmana ng Soulvero properties. Si Mark naman ay nanatiling Mark ngunit niyakap ang apilyedong Sansmith. Kasalukuyan na rin itong nakatayo, sa tabi ng kambal, kasama ng ina ng mga ito na si Olivia at ang matandang Soulvero. Ngunit si Ysabel, kasama ang kaniyang ama nag-aabang sa kaniya sa gitna upang ihatid siya kay Hivo sa Altar. Napakagandang wedding gown ang kaniyang suot. Talagang binigay ni Hivo ang pangarap ni
Sa hospital, isang malaking kwarto ang inihanda para sa kanilang tatlo. Tatlong higaan rin ang naroon at higit na mas inaasikaso ay si Olivia. Mas matindi ang damage nito sa katawan, si Ysabel naman nangangailangan ng recovery dahil nga naging malnourished ito dulot ng pagkakulong ng mahabang panahon. Habang siya, bugbog sa katawan lang ang kailangan asikasuhin sa kaniya at ang sugat niya sa ulo. Obligado ang kanilang pamilya—priority ng mga doctor at kasama na si Nyx at Zayn na nag-aasikaso. Ang daddy niya ang nasa loob para sa kaniya, dumating rin agad ang matandang Soulvero at hindi makapaniwalang buhay pa ang anak. Si Nana Meli ang nagbantay para kay Olivia. Ngunit kahit alam niyang ligtas na sila, hindi pa rin niya maiwasang mag-alala. Hindi pa kasi bumabalik ang asawa niya at si Mark. May dalawang oras na silang nanatili sa hospital at kakabitaw lang sa kaniya ni Nyx, wala pa ring Hivo at Mark na bumabalik. "Huwag kang bumangon, Belle," matigas na suway ng kaniyang ama. Iya
Kung titingnan niya'y hindi malalaman kung saan nakatayo talaga ang mga kalaban. Ngunit dahil kabisado ni Hivo at bihasa siyang mag-connect the dot, paniguradong ganoon din si Mark, alam nila kung saan banda ang mga ito.Alam niya si Alex at Caspian ay nahihirapan maging ang ninong niya. Kaya ang pagkapanalo ay nakasalalay sa kanilang magkambal. "Nahihilo ka na ba, boi?" asar na tanong pa ni Mark kay Lyndon. Maririnig niya sa iyak ni Felicia na talagang takot na takot na ito. "Mananalo kayo ngayon, sige, pero babalik ako, tandaan niyo iyan!" sigaw pa ni Lyndon na mas ikinatawa niya. Pagtingin niya sa kaniyang ninong na sunod-sunod na lang sa likuran niya ang nagagawa ay tumaas ang kilay nito. Nagtanong siya, "Saan ka nga ulit dadaan?" Narinig niya ang nag-aalburotong paghinga ni Lyndon. "Oo nga pala, nakalimutan niya, nasa atin pala ang access at tayo lang ang makakapagbukas ng daanan," pamimilosopo pa ni Mark. Hindi niya ito kasama sa iisang pwesto at ang dalawang kaibigan nito a
Nakayakap sa kaniya si Robelyn, binitawan naman siya ni Dreor at lumapit kay Olivia na kasalukuyang inaalalayan ni Nana Meli at iba pang tauhan ng kaniyang ama. Iyak nang iyak si Ysabel na nagsusumbong sa kaniyang ama kung ano ang ginawa ni Felicia. Pero mas malakas ang iyak ni Nana Meli. "Anong ginawa nila sa'yo ma'am? Bakit...bakit ka lumpo?" Si Olivia ang kausap nito. Dahil sa tanong nito tumingin sa mga ito ang lahat. Nagpunas ng luha si Ysabel at sumagot sa tanong. "Dahil sa mga orihinal na dokumento at hindi niya sinabi kung saan, tinorture siya. Binasag ang mga buto niya sa paa." Dumaloy lang din ang luha niya. Lumapit siya kay Ysabel at sa kaniyang ama. Lumong-lumo naman ang daddy niyang sinalubong siya ng yakap at bumulong sa kaniya. "I'm sorry...anong ginawa ni Felicia sa'yo?" Nagpunas siya ng luha at nagsumbong, "Ginapos saka binugbog. Hindi naman niya magagawa iyon kung hindi ako nakagapos. Duwag eh," aniya, hindi pa rin talaga nawawala ang yabang. Humarap sa kanila s
"What's going on?!" litong-lito na sigaw ni Lyndon at agad na binulyawan ang mga tauhan. "Ano pang hinihintay niyo?! Kilos!" Maliban kay Alex at Caspian, pati kay Gordon, kumilos ang mga tauhan nito at pinaulanan ng bala ang mga chamber na umangat pataas. Napahiyaw siya sa takot at napapikit ngunit napagtanto niya bandang huli walang kahit isang balang tumagos sa katawan niya. Napaawang ang nga labi niyang tumingin sa katabi ng chamber na kinaroroonan niya. Makikita niya si Ysabel na nagtataka sa nangyayari pero ang ina ng kambal tawa pa rin ito nang tawa na ang ibig sabihin, naisahan nila ang mga Hulterar. Sarado ang chamber, dapat wala siyang maririnig sa kapal ng crystal nito pero hindi, dahil mula sa taas maririnig niya ang boses ng mga ito. Tila ba'y connection ng buong paligid.Pati ang boses ni Olivia, naging malapit sa pandinig niya. "Nice to see you again, Lyndon. Mukhang nauto ka ng mga anak ko." Kitang-kita niya mula sa kinaroroonan niya ang pagbuka ng bibig ni Felicia
"Kunin sila!" utos ni Felicia at agad na pumasok ang mga kalalakihan. Habang hinahawakan sa braso si Ysabel takot itong nagtanong, "Anong gagawin niyo sa amin?" Siya ang sumagot na may kasamang pagpiglas mula sa hawak ng isang lalaki. "Eh ano pa nga ba, edi ipapain kay Hivo. Ganoon naman gawain ng mga duwag!"Masama niyang tinitigan si Felicia at umismid ito at sinabing, "Matalino ka nga Berhin, tama ka, ipapain namin kayo sa asawa mo para magsalita, bawat refused, isang buhay ang kapalit." Nagsimula nang magsisigaw si Ysabel ng, "Háyop ka!" Ngunit upang bigyan ito ng pag-asa nagsalita siya. "Ikaw na ang nagsabi, matalino ako. Ingat ka sa talinong ito, dahil baka ang akala mong savage ka na na-one hit ka pa!" Si Olivia naman habang inaatras na ng mga ito ang wheelchair na inuupuan wala itong tingin sa pagsasabi ng, "Bullet Gun, Ace One, Ace Two. Bullet, Gun, Ace One, Ace Two." Kung baga sa isang baliw ito ang huli niyang naalala. Kasama nito si Ace One at Ace Two at ang mga kal
Abot langit ang hugalpak ng tawa ni Lyndon nang masilayan ang naglalakihang mga robot sa ilalim ng kwarto ng kaniyang anak. Lahat ay namangha sa nakita. Tatlong robot nga ang naroon at ang lalaki nito. Nang hawakan niya ang bawat bahagi ng mga ito ramdam niya ang milyones na halaga. "Ako pa rin ang palaging panalo, Adrian!" dumadagundong sa bawat sulok ng lugar ang pagtawa niya. "Natagpuan ko na ang sekreto mo. Wala kasi itong anak mo, ang galing magtiwala sa tinatawag na kaibigan." Nakangisi siyang tumingin kay Alex na umiwas rin ng tingin. Bumuntong hininga na lang din si Caspian halatang labag sa loob ang ginagawa. Maririnig din niya ang tawa ni Gordon, halatang tuwang-tuwa sa nakikita. Malawak ang lugar, tanging robot lang ang nandito at mga pader na makikita, may dalawang upuan lang sa harapan—upuang naka-fix sa sahig. Bukod sa upuan ng mga robot. Ngunit ayon kay Alex, isa sa bahagi ng walls ay taguan ng mga orihinal na dokumento. Ngunit si Mark at Hivo lamang ang makakabukas.
"Si Hivo pa rin ang may alam kung saan ang mga original na dukomento! Anong silbi ng Ace Two na iyan?!" singhal ni Lyndon kay Gordon, nang sabihin nitong walang naibigay na impormasyon si Ace Two. "At bakit ganiyan ang mukha mo?" Dinuro niya ang mukha nitong puno ng pasa. Huminga ito nang malalim at sinabing, "Mabilis kasi masyado itong si Vilkas. Hindi ako nakailag. Patay na sana ako kung hindi ko sinabing buhay pa ang anak niya at alam ko kung sino ang may hawak." He huffed at napasinghal ng pabulong, "Ano?" Hindi niya akalaing mahuli ito ni Vilkas. Alam niyang madulas itong si Gordon, pero nagsalita ito, "Nahuli man niya ako, pero nakawala pa rin. Huwag kang mag-alala, hindi niya alam kung nasaan ang anak niya. Sinabi ko naman na alam ko lang kung sino ang may hawak. Kaya niya ako binitawan para manmanan." Dahil sa sinabi ito natawa siya. "At sa tingin niya malalaman niya kung na saan ang anak niya sa pagmanman niya sa'yo?" Umismid ito at mayabang na sinabi, "Malamang hindi."