NAPANGITI si Ffion nung magmulat siya ng mata. Ang sarap ng gising niya! Kanina lang ay masaya silang nagsasayawan sa sala ni Audric. Napuno pa nila ng halakhakan na para bang walang nangyari kahapon.Hindi niya namalayan na nakatulog siya sa kanilang silid pagkatapos nilang kumain ng almusal. Maliligo na sana siya nung hilain siya ng kama para matulog.Mabilis napatingin ang kaniyang mata sa orasan. Nasapo na lang niya ang noo at mabilis na tinakbo ang banyo para mabilisan maligo. Apat na oras siyang tulog! Kailangan niyang maghanda ng lunch nila mag-asawa.Isang bestidang hanggang tuhod ang kaniyang piniling suotin nung matapos siyang maligo. Tinali niya rin ang buhok kahit basa pa ito matapos suklayin.Kaagad niyang hinagilap ang tsinelas at nagmadaling lumabas ng silid. Nakuha pa niyang sumilip sa dalawang silid na laging pinagkakabaalahan ni Audric. Nakita niyang wala ang asawa sa art room at music room. Marahil, nasa veranda ito at nagpapahangin.Mabilis niyang tinakbo ang hagda
AT sa loob ng isang linggo, sinulit ni Ffion ang lahat. Binalewala niya sandali ang parteng makakasama niya sa isang bahay si Ivony. Hinanda na lamang niya ang kaniyang sarili.Pinaramdam din sa kaniya ni Audric na mahalaga at mahal siya nito tulad na palagi nitong sinasabi. Alam niyang wala siyang karapatan na kwestyunin kung hanggang saan ang pagmamahal nito sa kaniya, kaya sinusulit niya ang oras na kasama ang asawa.Wala naman siyang naramdaman pagbabago sa pakikitungo nito sa kaniya. Gano'n pa rin, sweet at maalalahanin pa rin si Audric. Sweet ito sa kama at sa kusina. Kaya wala siyang dapat ikabahala. Sapat na ang pagmamahal na pinapakita at pinapadama sa kaniya ngayon ng lalaki para lumaban.Hindi nga niya kayang labanan ang angking kagandahan ng babae dahil isa itong modelo. Pero kaya niyang makipagsabayan! Lalo na ngayon alam niyang mahal din siya ni Audric. Pwede niyang gamitin ang pagmamahal ni Adi panlaban sa ex-fiancee nito kahit ilan porsyento lang ang pagmamahal nito.
MALAKI ang villa pero nahirapan si Ffion mag-adjus. Kahit gaano kalaki ito, pakiramdam niya ay napakaliit ng espasyo pagdating sa kanila ni Ivony. Isang linggo na ang nagdaan at hindi niya pa rin matanggap na magkakasama silang tatlo sa bahay. Kaso may magagawa ba siya?Ang dalawang katulong ni Ivony ay kahit papaano, tumutulong sa kaniya sa gawain bahay. Tumutulong din ang nga ito na magluto ng ulam lalo na at mapili at maarte sa pagkain ang babae. Tulad ngayon, sabay silang tatlo na kumain sa may kahabaang mesa. Nasa likuran ni Ivony ang dalawang kasambahay, naghihintay sa iuutos ng babae. Kung si Ffion ang masusunod, gusto niyang sumabay ang dalawang kasambahay sa kanilang kumain.Tahimik lang siya habang panay ang kwento sa kaniya ni Audric. Nakikisali si Ivony sa usapan pero hindi ito pinapansin ng asawa niya. Sa madaling salita, parang hindi nag-exist ang presinsya ni Ivony."Nga pala wife, punta tayo sa planta pagkatapos natin kumain, ha?""Yeah, sure.""All right!" Maganang
"O hija, kumusta? Inaapi-api ka ba ng higad diyan?" "Mommy, kailan ba natin palayasin itong si Ffion? Inaagaw niya ang atensyon na para dapat sa 'kin." Kunwari malungkot si Ivony nang sabihin iyon. "Soonest hija. Huwag kang mag-alala, hindi 'yan mahal ng anak ko. Gusto ka lang saktan ni Audric.""Talaga ho?""Of course dear! Ina ako ni Audric at kilalang-kilala ko ang batang iyan. Ikaw lang ang babaeng minahal ng anak ko at natatabunan lang ito ng galit. Ang ginto, kahit ilibing pa sa putik 'yan, ginto pa rin. Ganiyan mahahalintulad ang pagmamahal sa 'yo ni Audric."Napangiti siya. Boto talaga sa kaniya ang Donya. Bakit hindi? Kilalang-kilala ang kaniyang pangalan. Beauty queen at may pangalan sa bawat mga magazine na nilalabas buwan-buwan. Ang dami niyang proyekto bilang isang sikat na modelo at isang malaking puntos ito para kay Donya Vilma. Gusto nito ang mga babaeng tulad niya na may pangalan na sa itaas."Pero mas kakampante lang ako 'pag wala na yan si Ffion. Totoo bang kasal
Nasa kalagitnaan siya ng sementong daan nang mapansin ni Ivony ang isang mamahalin sasakyan sa unahan. Halatang nasiraan dahil binubusisi ito ng may-ari ang makina.Hindi niya ito pinansin. Dere-deretso lang si Ivony pero agad din napahinto nung kumaway ito sa kaniya na parang humihingi ng tulong.Sandali niyang tiningnan ang lalaki. Gwapo ito at mamahalin lahat ng suot. Branded. Pati ang suot nitong relo ay nagkakahalagang milyon.Huminto siya at binaba ang salamin ng kaniyang sasakyan. "Yes?""Sorry to bother you, Ms. Pero may alam ka ba na malapit na nag-aayos dito ng mga sasakyan?""No?" Pabalik na tanong niya rito. Obvious naman wala siyang alam."Oh damn!" Nasapo nito ang noo. "Paano ako makakarating nito sa Villa."Napakunoy siya ng noo. "Villa?""Yeah. Bibisitahin ko ang kapatid kong si Ffion, I mean step sister. I'm Lorenzo by the way." "Hindi ko alam na may step brother siya.""Well now alam mo na ngayon." Bumalik ito sa makina ng kotse nito at binusisi ulit ang makina. "
HINDI mapakali si Ffion nang gabing iyon. Gusto niyang kausapin si Audric laban kay Lorenzo pero lagi siyang nauunahan ng takot. Ang masaklap pa, kasama nila sa iisang mesa kumain ang walang-hiyang step brother niya! Inimbitahan ito ni Audric na sa Villa muna sandali manatili. Dahil ang sabi ni Lorenzo, nasira ang sasakyan nito at sinangayunan agad ito ni Ivony. Wala naman ginawa si Lorenzo. Wala rin itong hint na binigay sa kaniya na may gagawin itong masama. Pero alam niyang may pinaplano na ito. "Adi...""Yes wife?""H-huwag kang magalit sa tanong ko, ha?""Yeah, sure." Natawa ito at naglalambing na yumakap sa kaniya. Magkatabi na sila ngayon sa kama."Paano kung may magtatangkang gumawa ng masama sa 'tin? H-halimbawa, may masasama ang loob na pumasok dito sa villa at—""Shh..." Kaagad na putol nito sa sasabihin niya. "Unang-una, mababait ang nga tao rito sa San Mateo at alam mo na ito. Pangalawa, kaya kitang protektahan kahit bulag ako.""Pero—""Kung itatanong mo sa 'kin, Ffio
Natatawang napailing-iling si Lorenzo habang pinagmamasdan ang mga alagang halaman ni Ffion. Magaganda ang mga bulaklak na nakikita niya at nagmistulang parang paraiso ang bahay dahil sa dami ng mga bulaklak na nakapaligid.Tsk. Tsk. Tsk. Ffion, Ffion... Magpasalamat ito at nandito ang babaeng totoong mahal niya. Dahil kung wala, baka kagabi pa niya pinatay ang lalaking kinababaliwan nito.Alam niyang masasaktan si Ivony kapag pinatay niya si Audric kung kaya't nagbago ang plano niya. Ngayon abot na abot niya na ang babaeng nagpapabaliw sa kaniyang sistema, kaya gagawin niya ang lahat mabaling ang pagmamahal nito sa kaniya.Dito, dito siya sa villa titira. Hindi siya aalis hangga't hindi kasama ang babae! Wala siyang pakialam kung sinong demonyong ama ng batang nasa sinapupunan ni Ivony. Ang mahalaga kay Lorenzo, ay ang babae.Isa pa, masayang paglaruan ang emosyon ni Ffion. Para itong isang paru-paro na nakapatong sa kamay niya. Hindi nito kayang lumipad papalayo dahil nakatali ang k
Nasa music room si Audric. Kanina pa nasa keyboard ang kaniyang kamay pero hindi niya magawang tugtugin ang piano sa dami ng iniisip. Isa na rito ang pagbabalik ni Ivony sa buhay niya."Bakit niya kailangan bumalik?" Napakuyom siya ng kamao.Nagsimula siyang malito. Ang puso niya, nagsimula itong malito. Sampung taon silang may relasyon ni Ivony at magpahanggang ngayon, nasa puso niya pa rin ito pero hindi pwede. Alam niyang masasaktan si Ffion. Nung una, naniniwala siyang isang babae lang ang kayang mahalin ng puso niya. Pero ngayon, dalawang pangalan ang nandoon. Mahal niya ang dalawa.Naawa siya kay Ffion. Siya na lamang ang nag-iisang pamilya ng babaeng natutunan din niyang mahalin. Hindi mahirap mahalin si Ffion pero mahirap kalimutan agad si Ivony.Nagsimulang tumugtog ang kamay niya ng naayon sa galit ng kaniyang puso. Nagagalit siya sa sitwasyon.Alam ni Audric na totoong buntis si Ivony at alam din niya kung gaano kaimportante rito ang kasikatan.Kailangan na ba niyang magpa
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"KUMUSTA ang pagsama mo hija sa anak ko?" Napangisi si Marriame nang salubungin siya nang gano'n tanong ng senyor kinabukasan nung nakabalik na sila ni Lucas.Deretso lang si Lucas sa silid nito habang siya ay tinawag naman ng senyor sa may terrace para kausapin. 'Naks naman! Muntikan ko na nga gapangin kagabi, buti nakapagpigil pa ako!' Gusto niyang sabihin ang mga salitang 'yon pero 'di niya ginawa, ano! Baka marinig siya ni Lucas, magalit pa 'yon."Okay na okay, senyor! Do'n kami natulog sa 'min dahil naabutan kami ng ulan—""At tapos?" Biglang kumislap-kislap ang mga mata ng matanda. Binaba nito ang iniinom na kape. "Magkakaapo na ba ako ngayon taon?""Senyor nemen! Enebe keye!" Napahagikhik siya. Bigla tuloy siyang kinilig. Ang lakas tuloy nang halakhak ng matanda. "Biro lang, hindi gano'n ang anak ko."Kaagad nawala ang kilig na naramdaman niya. "Kaya nga po, eh. Tingin niya sa 'kin isang mangkukulam. Kuhh, kung mangkukulam ako, uunahin ko na agad kayo.""Ano kamo?""Hehe. W
Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran."Ungaaaaa!""Baweeeeengggg!"Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas. "Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda. Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
KUNG hindi lang siguro sanay si Marriame maglakad, baka kanina pa nangisay ang mga binti niya. Ang bilis ba naman ng hakbang ni Lucas, panay habol siya rito. Kulang na lang tumakbo siya habang nakasunod.Feel na feel din niya ang kaniyang kagandahan lalo na at lahat napapalingon sa kagwapuhan ng binata. Kahit matatanda, napapa-sign of the cross!"Senyorito! Jusko naman. Baka naman dahan-dahan sa paglalakad. Isang hakbang niyo, tatlo sa 'kin! Mawawalan ako ng pekpek sa inyo, eh." Mahabang lintanya niya pero parang walang narinig ang binata. Dedma ang kaniyang sinabi.Hindi niya rin ma-gets kung ano ba talaga ang sadya nito sa bayan. Pagkain ba o ano? Kung pagkain, sarili niya na ang pinakamasarap sa lahat! Aba, mag-iinarte pa ba ito dapat? Pre teyst pa nga siya."Hay salamat!" Sa wakas, huminto rin si Lucas sa isang tindahan.Hindi niya na tiningnan ang binili nito, panay punas na lang siya ng pawis niya. Ngayon pa lang, pakiramdam niya ay hapung-hapo na siya sa kakasunod. Ano pa kaya
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa likuran ng sasakyan nito na bukas ang likod. Wrangler truck ang tawag kung 'di siya nagkakamali. Ang tanga naman kasi ni Lucas, hindi napansin ang pagbiglang akyat niya sa likuran nung nakapasok ito sa loob. Masyado itong busy sa katawag nito kaya nakasampa siya nang walang kahirap-hirap.Nag-wave pa siya sa matandang senyor na malaking thumbs up ang binigay sa kaniya. Naks naman, pinapakilig siya ng kaniyang putyur dade talaga! Napaka-suportib nito sa pag-ibig niya kay Lucas.'Buti na lang 'di ako nakita ni Tiyang. Kundi isang malutong na mura makukuha ko sa kaniya.' Bigla siyang natawa nang maisip ang mukha ng tiyahin. 'Ang panget talaga ni Tiyang.' saka niya inayos ang suot na damit. Naka-suot pa rin siya ng uniporme ng katulong pero wala siyang paki! Kahit anong isuot niya, maganda pa rin siya, ano."Ang sarap naman ng hangin! Ganito pala ang feeling na makasakay ng sasakyan." Kinilig na naman siya habang hinahampas-hamp
"GOODMORNING senyorito!" Bigla siyang sumulpot sa tabi ni Lucas na seryusong nagbabasa. Nasa balcony ito.Nabuga naman ni Lucas ang iniinom na kape sa napakaganda niyang mukha. Naku naman! Ginawa pa yata siyang mugmugan. Pero okay lang, si Lucas naman ito, eh, at mahal na mahal niya ito."Ikaw?""Ay, kilala ako ni senyorito! Hindi mo 'ko makalimutan 'no? Sabi na sa 'yong mahihirapan ka na kalimutan ako." Saka siya humahikhik. Pinunasan niya ang mukha gamit ang uniporme. "Ano ba 'yan, dapat sa bibig ko binuga 'yong kape para 'di sayang.""Pinagsasabi ng bruhang ito?"Kaagad naman siyang nagtaas ng kilay at nameywang sa harapan nito. "Anong bruhang pinagsasabi mo? Hindi ako bruha, senyorito. Pwede mo akong ihalintulad sa isang prinsesang napakaganda. Saka ano ka ba, walang bruha na kasing-ganda ko. Tandaan niyo ho 'ya— ay saan kayo pupunta?!" Mabilis naman siyang napasunod sa lalaki. Malalaki ang hakbang nito pero mas malaki yata ang hakbang niya.Kulang na nga lang ay habulin niya ito
"Marriame, nakikinig ka ba kay Aling Donna?" Sita ng tiyahin niya nung nasa kusina na sila. Naghihiwa ito ng mga rekados habang nakaupo siya sa isang tabi."Oo naman.""At saka next time naman, mahiya-hiya ka naman sa katawan mong bata ka! Amo natin 'yon tapos lantaran kang nagpapa-cute? Bukas na bukas rin ay bumalik ka na sa bukid. Mas doon ka nababagay!""Tiyang naman!""At bakit? May reklamo ka? Dalawang araw mo pa lang dito, ang landi-landi mo ng bata ka! Isumbong talaga kita kay itay."Napalabi na lang siya at hindi pinansin ang sinabi ng tiyahin. Wala siyang oras makipagsagutan sa mga pandak. Nakaka-karma 'yon.Saka okay lang din na tanggalin siya. Dahil uuwi na rin si Lucas sa Maynila, eh, kaya ano pang saysay manatili rito sa Hasyenda 'no? Alangan naman si Senyor mahabang pangalan ang kaniyang aakitin? Future dade niya 'yon!Pinagalitan din siya ni Aling Donna pero humingi lang siya ng paumanhin tapos gora ulit! Walang makakapaghinto sa nararamdaman niya para kay Lucas.Teka!