Hindi makapaniwala si Ren sa nakitang screen shot na s-in-end sa kanya ni Leila. Napabuga siya ng isang malalim na buntong hininga habang hawak-hawak ng isang kamay ang sentido.
"Anong problema?" natanong ni Tony na nakaupo malapit sa kinahihigaan ng Chairman. Hindi siya agad sumagot kaya tumayo ito at sinundan siya sa veranda.
"Sigurado ka bang wala kang alam dun sa babaeng 'yun?" tanong ni Ren sa kaibigan nang isara nito ang sliding door.
"Sino?" tanong nitong napakunot ang noo. Binuksan nito ang beer na nakalagay sa lamesa at saka umupo sa tapat ng kaibigan.
"Alam mo bang nakapangalan kay Levy 'yung lupa sa Bora na matagal ko nang hinihingi kay Paps?" tanong ni Ren pagkatapos lumagok ng beer.&
Maraming salamat sa paghihintay ng bawat kabanata. Tuloy lang sa pagsubaybay sa kwenro ni Ren at Roief. 😃
Hawak-hawak ni Levy ang tray ng hinanda niyang hapunan nang may magsalita mula sa dulo ng 14 seater table sa dining room. “May paandar pang nalalaman, simpleng pagkain lang naman pala,” panunuya ni Leila sa kanya nang makita siya nitong palabas ng kitchen. “Hindi ko naman ‘to niluto para sayo,” inis na sagot niya rito. “Inimbitahan ka man lang bang kumain dito?” tanong niya nang irapan pa siya nito. “Feeling may-ari ng bahay? Kung ikaw lang naman ang nagluto nakakawalang gana namang kumain.” “Edi umuwi ka sa bahay mo,” matigas na sagot niya rito. Muntik na niyang sabunutan ito kung hindi lang dumating ang kasambahay. “Ma’am kumpleto na po ba
“Mommy will do it later. How about we play some games?” pag-aalok ni Levy sa bata para sana iwala ang usapan. “Narinig mo naman siguro ‘yung sinabi ng bata?” sabi naman ni Ren na nakangiti. Nagtataka lang siya kung bakit sinasakyan ng lalaki at parang ayos lang dito na kinikilala siyang nanay ng bata. Na-curious tuloy siya kung anong dahilan at hindi nito sabihin sa anak ang totoo. At kung ano ‘yung picture na naging basehan ng bata para masabi nitong kamukha niya ang Mommy nito. May kung ano sa ngiti ni Ren na dahilan para magsitayuan ang mga balahibo niya. Hindi niya alam kung masyado lang siyang nag-iisip at pinagdududahan niyang may kinalaman ang lalaki kung bakit ‘yun nasabi ng bata. Tatayo na dapat sana siya nang hilain siya ni Ren at dampi-an siya ng halik
Nahalata ni Levy ang panginginig ng kamay ni Rosa nang mapagsino ang babaeng nakasuot ng itim na dress na nakatayo sa may pintuan. “Mrs. Belmonte kanina pa po ba kayo rito?” tanong ng batang kasambahay sa babaeng nakatuon ang tingin kay Levy. Ibinaba nito ang suot na graded glass at sinuyod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. “Ano ba namang bahay ‘to ang laki-laki nga kulang naman sa tao,” sambit ng may edad na babae na sadsad sa makapal na make-up ang mukha. “Pakitawag nga si Yvette, may mahalaga kaming pag-uusapan.” “Ay pasensya na po Mrs. Belmonte wala po si Ma’am Yvette ngayon maaga pong umalis kanina,” agad na paliwanag ng batang kasambahay habang pinupunasan nito ang patak ng honey na dumikit sa kanyang apron. “Pasensya na po naghahanda po kasi kami ng agahan.” “Susmio! Saan daw ba nagpupunta?” “H-hindi ko po alam, hindi po kasi siya nagsabi Madam.” Napakamot na lang sa ulo ang kasambahay. “Ano ba ‘yan! Kailangan ko pa nam
“Anong ibig mong sabihin?” sagot ni Levy. Isinuklay niya ang kamay sa buhok dahil sa matinding pagkabalisa."I know you’re not a relative. Kilala ko lahat ng Rossi na wala dito sa Langria. So bakit Rossi ang apelyedo mo?” tanong ng lalaking ibang-iba sa taong nakasama nila ni Luigi kagabi. Hindi niya magawang tingnan ang mga mata nito dahil para siya nitong lalamunin ng buhay. “Kinasal kayo ni Paps? Kailan pa?”“Ha?” tipid na naisagot niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin dahil nahuli na siya ng lalaki. Hindi niya maaaring aminin kung sino siya dahil masisira lahat ng naging usapan nila ni Don Armando. Ngunit pinagbibintangan naman siya nito sa bagay na hindi niya gustong paniwalaan nito.“What? Am I gonna call you G
Unang araw pa lang ni Levy sa Langria Hotel ngunit parang nagsisisi na siyang makatrabaho ang dalawa. Bukod kasi sa masamang pakikitungo sa kanya ni Leila ay dinagdagan pa ito ni Ren. Mukhang kinukunsinti pa nito ang babae at naniwala ito kay Leila samantalang hindi naman nito talaga nakita ang buong nangyari kanina. Ayaw naman nitong I-check pa ang CCTV at abala lang daw sa oras kung titingnan pa ito ng lalaki para lang ma-prove ‘yung punto niya. Ang totoo niyan napansin lang naman niya na nagbago ang pakikitungo nito simula nang mahuli niya itong nagkakalkal kaninang umaga sa kwarto niya. Kung tutuusin siya nga dapat ang magalit dahil pinakialaman nito ang personal na gamit niya. Kung hindi lang ito apo ni Don Armando ay hindi niya ito mapapatawad sa pangingialam nito sa gamit niya. Nagawa pa talaga siya nitong paratangan na hindi naman alam kung ano talagang namamagitan sa kanila ng Chai
Pagkatapos mabawi ang sasakyan na pinaayos ay nagpaalam na si Ren kay Leila. Himalang hindi na ito nagpumilit na sundan siya at hinayaan lang siya nito. Marahil ay narinig nito na ipinapatawag siya ni Yvette.Naguguluhan pa siya kung bakit nasa ospital ito at sa lahat ng taong tatawagan nito ay siya pa.“Are you the guardian?” tanong ng doktor kay Ren nang aktong papasok na siya sa silid. Palabas na rin ang doktor kaya sa labas na sila nito nag-usap.“Immediate family,” nasabi na lang niya para hindi na humaba ang usapan.“Are you aware of her pregnancy?” tanong sa kanya ng lalaking doktor.Napakunot ang noo niya at hindi
Nanindig ang mga balahibo ni Ren nang marinig ang sinabi ng may edad na lalaki. Gusto niyang paniwalaan na sana nga ay buhay pa si Roief. Ngunit sa tuwing makikita niya si Levy ay hindi niya maiwasang mainis rito lalo na at hindi naging maganda ang pagkakakilala niya rito. Isa pang rason ay malayo ang pinagkaiba ng mga ito. Mahinhin ang kilos at mataas ang taste ni Levy padating sa mga gamit nito, ibang-iba kay Roief na simple lang at malakas ang dating. Mukhang mahilig din sa mga mamahaling gamit ang babae at naalala na naman niya ang perang inilipat ng kanyang Lolo sa account nito. Para sa kanya malakas ang dating ni Roief dahil sa kakaibang karisma at kilos nito na hindi niya kailanman nakita sa ibang babae. Hindi pa rin niya makalimutan ang kalyo ng mga kamay nito na hinawakan niya noon. Muli siyang napabuntong hininga dahil malabo ang iniisip ng kausap.
Napalo ni Levy ang unan at isinampal ito sa mukha dahil hindi pa rin mawaglit sa isipan ang katawan ng lalaki. Nadama niya kasi ang pandesal nito dahil sa pagtulak niya rito kanina. N*******d pa naman ito ng pang-itaas kaya kitang-kita ng dalawang mata niya ang katawan nito. Hindi naman ito ang unang beses na nakita niya ‘yun pero naramdaman niya kanina ang katawan nito. Ramdam niyang matigas ang mga abs nito at hindi rin nakaligtas sa kanya ang matigas na bagay na tumama sa kanya kanina. Hindi pa rin siya makapaniwala sa ginawa ng lalaking pag-amba sa kanya kanina. Simula’t sapul ay hindi na naging maganda ang paraan ng pagtatagpo nila. Para sa kanya si Ren ang klase ng lalaking kailangan niyang iwasan lalo pa at nakita niya kanina ang lantarang paglalandian ng dalawa. Isa itong mapanuksong lalaki na hdapat niyang layuan. Isa pa ang pangit ng ugali nito, hindi pa rin nawawala ang galit niy
"Anong ginagawa mo rito?" Napalunok si Roief at kamuntikan pa niyang makagat ang sariling dila nang makita si Ren na nakatayo sa labas ng pinto."Sinabi sa akin ni Rosa na nandito ka raw sa library, I just didn't expect Dr. Farrah to be here." Sabi ni Ren habang nakatitig pa rin sa mga mata nya. "You two appear to be familiar with one another," dagdag pa nito na ikinabalaha ng dalawa.Bago pa sumagot ay tinitigan ni Roief ng mariin ang doktora. "Magkakilala na kami noon pa ni dok, ipinakilala siya sakin ng isang kaibigan." "Let's grab a coffee soon. It's good to see you once more Levy," agad namang sabat ng doktora at nagpalitan ng yakap ang dalawa. "Dok." Singit naman ni Ren na nagpaangat sa kilay niya. "Can I have a moment with you?" dugtong pa nito at agad naman itong sinundan ng doktora.Napakagat sa labi si Roief nang makitang bumuka ang bibig ni Ren. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng dalawa dahil nagbubulungan ang mga ito. Ngayon lang niya napansin na namawis ang palad n
"Doctora Farrah?" hindi makapaniwalang nasambit ni Roief nang makita ang babaeng psychologist na tumingin sa kanya noon."How have you been? I can't believe it's really you. What are you doing here by the way?" Niyakap siya ni Dra. Farrah at hindi maalis sa mukha nito ang pagkamangha. "You've changed so much! Look at you, muntik na kitang hindi mamukhaan.""Ito alive and kicking dok. Ako nga rin dok nagdalawang isip po ako parang mas bumata po kayo," biro niya rito at nagtawanan naman sila. "For now I am living as Levy. Long story dok," sabi niya at mukhang naintindihan naman agad ito ng babae."I see. Would you like to share?" pabulong na tanong nito sa kanya habang nakatakip ang kamay nito sa bibig."M
"You stay with ate Rosa, Mommy will go downstairs for a while," pakiusap ni Roief kay Luigi. Mabuti na lang at pumayag ito kaya mabilis niyang kinuha ang papel na itinago sa bag at bumaba.. "Good morning!" bati sa kanya ni Earl pagkalabas niya pa lang sa gate. "Good morning! Ito pala 'yung sinasabi ko." Itinaas niya ang papel na naglalaman ng buhok ni Luigi at buhok niya. "Pasensya na pumunta ka pa rito. Hindi kasi ako papasok ngayon dahil may sinat 'yung bata kaya hindi ako makalalabas." "Anything for you," nakangiting sagot nito. "Wala kang pasok ngayon? Sinong bata?" nagtatakang tanong nito. Sumandal ito sa harapan ng sasakyan at inilagay sa ziplock ang inabot niyang papel. "May sakit kasi si Luigi,
Nagulat si Roief nang kaumagahan dahil ngayon lang niya ulit nakasabayan si Yvette na mag-agahan. Habang magtitimpla ng kape ay hindi pa rin mawala sa isip ang sinabi sa kanya ni Ren. Hindi niya alam kung seryoso ito sa sinabi o niloloko lang siya nitong kahawig niya ang taong minahal nito. "Hindi pa ba gising ang mag-ama?" tanong ni Nanay Maggie nang ilapag nito ang toast sa tabi ng kape niya. "Napuyat po 'yung isa kagabi. Hinika kasi si Luigi," sagot niya rito. "Nagtatabi na pala kayo ni Ren? Since when?" tanong bigla ni Yvette na ikinabigla nilang dalawa ni Nanay Maggie. "Hindi naman sa ganun, si Luigi kasi nilalagnat. Alam mo naman 'yung
Parang natunaw ang puso ni Roief nang makita si Luigi na umiiyak habang tumatakbo papunta sa kanya. Napakunot noo siya dahil may nakatapal ding cool fever sa noo nito "Kanina pang umaga 'yan may lagnat, ayaw magpaawat. Hintayin ka raw namin kaya hindi pa s'ya natutulog," paliwanag agad ni Ren. Tinitigan lang niya si Ren ngunit mabilis namang niyakap niya si Luigi at naramdaman nga niyang mainit ito. "What took you so long, Mommy? I haven't seen you all day," tanong pa sa kanya nito na parang nagtatampo. Pinakiramdaman niya ang noo nito at mainit pa nga ito. Kinarga naman niya agad ito at naglakad na paakyat ng hagdan. "I'm sorry, I didn't know you're sick," sabi niya rito at hinalikan ang noo nito. Parang ay
Hindi alam ni Roief ang gagawin nang lumapit si Earl sa kanya at makita ito ni Ren. “Hi,” tipid na bati niya sa lalaki nang i-beso siya nito sa harapan ng boss. “May date ka pala?” tanong ni Ren sa kanya habang sinusuri ng mga mata nito ang lalaking lumapit sa kanya. Hindi agad siya nakapagsalita dahil inunahan siya ni Earl. “Hi! I’m Earl,” pagpapakilala ng lalaki sa sarili. Nakangiti nitong inilahad ang kamay kay Ren at inabot naman ng boss niya ang kamay nito. Kita niyang mahigpit na nagkamayan ang mga ito. “Ren,” sagot naman ng boss niya at saka siya binalingan nito. “Hindi ko alam na may lakad ka pala, sana sinabi mo ng mas maaga para nalaman ko.”
“Anong ibig sabihin ng mga ipinadala mong litrato?” tanong ni Roief kay Earl nang tawagan niya ito. Hindi kasi niya maintindihan kung bakit ito biglang nagpadala ng litrato ng sanggol sa kanya. “Bakit ngayon ka lang?” tanong agad nito sa kanya. Mukhang tumatakbo ang lalaki kaya pinakiramdaman niya ang kausap. “Sorry, hindi ako nakarating at hindi man lang kita nasabihan na hindi ako matutuloy. Naiwan ko kasi ‘tong phone kaya ngayon lang ako nag-open. Are you okay?” Hindi niya maiwasang mag-alala para sa lalaki dahil parang kinakapos ito ng hininga. “I have a very important news to tell you. I just need to hang up right now,” sabi ni Earl. “Wait, please tell me you’re ok
Sa ginawa ng lalaking muling paggawad ng halik sa labi ni Roief ay hindi napigilan ng babaeng itulak ito. Pinunasan niya ang labi at tinitigan ng masama ang lalaki, “get out!” malakas na sabi niya. Itinuro niya ang pinto para lumabas ang lalaki. Hindi niya alam kung papaano pa sila maghaharap mamaya nito. “I’m sorry,” tanging nasabi lang nito at saka mabilis na lumabas. Napahawak siya sa batok at hinaplos ‘yun dahil sa naramdaman niya kaninang dumaloy na maliliit na boltahe ng kuryente sa parteng ‘yun. Kung bakit naman kasi bigla siyang halikan nito, kamuntikan tuloy siyang mawala sa sarili. Ang malambot na labi nito at ang paghawak pa lang nito sa katawan niya ay sapat na para mawala siya sa katinuan. Mabuti na lang at naalala niya si Leila kaya hindi siya nagpadala sa mapang-akit at pangahas na halik nito. “Bwisit.” Gusto niyang alisin ang bakas ng halik nito sa kanyang bibig kaya nagsipilyo siya. Pagkatapos magpalit ay nagmadali siy
Masakit ang ulo ni Roief na bumangon dahil pinilit siya nila Rosa na uminom ng wine kagabi. Nagising siya gawa nang may dumagan at pumisil sa kanyang d****b na akala niya ay si Luigi. Aalisin niya sana ang kamay nito ngunit napamulat siya nang maramdaman na may umumbok sa may puwetan niya kaya napatalikod siya. Nanlaki ang mga mata niya nang mapagsino ang katabi at natadyakan niya ito. Sumama naman ang nakapulupot na kumot dito at kumalabog ito nang mahulog sa sahig. Mabilis na inikot niya ang mga mata at nakitang nasa loob naman siya ng kanyang silid. “Bastos ka! Bakit nandito ka na naman?” naisigaw niya sa inis. Mabilis na ch-in-eck ang pang-ibaba kung may namagitan ba sa kanila ng lalaki at nakahinga lang siya ng maayos nang makitang maayos ang damit at suot pa naman ng lalaki ang damit nito.