Share

Chapter 5

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2024-05-25 20:42:35

Naglalakad si Arielle papunta sa kuwarto nilang mag-asawa. Para bang may malakas na puwersa ang nag-uutos sa kanya na buksan ang pintuan ng kanilang silid.

Binuksan nga niya ang pintuan ng kanilang kuwarto at laging gulat niya nang makita sina Claire at Tyron na parehong walang suot na damit at nagpapakasaya sa makamundong kaligayahan.

Gusto niyang sugurin ang dalawa ngunit tila may mga kamay ang pumipigil sa kanyang mga binti para hindi siya makalakad. Naramdaman ng dalawa ang presensiya niya kaya tumigil sila sa ginagawa nila at humarap sa kanya.

Sa halip na hitsurang guilty ang kanilang expression ay nakangisi pa sila sa kanya. Para bang sinasabi sa kanya ng kanilang ngiti na sobrang tanga siya dahil nagpakasal siya sa lalaking may ibang mahal.

Nagtaka siya kung bakit biglang nag-iba ang sitwasyon ngunit nasa loob pa rin siya ng silid nila. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo na siya sa silya habang nakatali ang kanyang mga paa. Ang mga kamay naman niya ay mahigpit na hawak ni Tyron.

"Lalagyan ko ng tattoo ang mukha mo, Arielle. Tiyak mas lalo kang gaganda sa tattoo na ilalagay ko," nakangising wika ni Claire sa kanya habang hawak sa kamay ang isang matalim na gunting.

"No! Please, no!" malakas niyang sigaw nang unti-unting inilapit ni Claire ang dulo ng gunting sa kanyang pisngi. Napasigaw siya ng malakas sa pagguhit ng matinding hapdi sa kanyang pisngi nang mariing hiniwa ni Claire ang  kanyang balat gamit ang matalim na gunting. "Noooo!!!"

Biglang naimulat ni Arielle ang mga mata niyang nanlalaki at iginala iyon sa kanyang paligid. Agad na sinalat ng kanyang kamay ang pisngi niyang ginuhitan ni Claire ng malaking letter "X". Nakahinga siya ng maluwag nang makitang nag-iisa lamang siya sa kanyang silid at makinis pa rin ang kanyang pisngi.

"Thanks God, it's just a nightmare," hindi napigilang bulalas niya. Dinama ng kanyang kamay ang ibabaw ng kanyang dibdib. Ang bilis ng tibok ng kanyang puso. Kasing-bilis ng tibok ng kanyang puso sa loob ng panaginip niya.

Bumangon siya sa kama, bumaba at nagtungo sa kusina. Kumuha siya ng malamig na tubig at sinaid ang laman. Saka pa lamang kumalma ang kanyang nagwawalang puso matapos niyang makainom ng malamig na tubig.

Sa halip na bumalik agad sa kanyang silid ay naupo muna siya sa sofa na nasa living room. Magmula nang mag-time travel siya six months bago ang wedding day nila ni Tyron ay madalas na siyang dalawin ng bangungot na nangyari sa kanya sa una niyang buhay.

Hindi niya napigilan ang tahimik na lumuha. Kahit wala na siyang sugat sa kanyang mukha ay tila ramdam pa rin niya ang hapdi habang hinihiwa ni Claire ng gunting ang kanyang balat.

Mahigpit na naikuyom niya ang kanyang mga kamao. Ipinapangako niyang magbabayad sila sa ginawa nilang pananakit sa kanya physically at emotionally.

Nang tuluyang kumalma ang pakiramdam niya ay nagpasya siyang magtungo sa maliit na gym na nasa gilid ng bahay niya. Doon palaging nagi-exercise ang Dad niya tuwing umaga. Nagpasya siyang mag-exresice na lamang dahil hindi na rin naman siya makakabalik sa pagtulog. Alas singco na rin ng umaga at kailangan niyang magising ng maaga dahil pupunta siya sa kompanya niya na iniwan sa kanya ng mga magulang niya. Ang kompanya na naging dahilan para pagtangkaan siyang patayin nina Tyron at Claire.

Ang Simpson Real Estate and Development ay pinaghirapang itatag at palakihin ng mga magulang niya. Dugo at pawis ng mga magulang niya ang puhunan para ito mapalago kaya hindi siya papayag na mapunta ito sa kamay ng mga taong ganid at maiitim ang budhi na katulad nina Tyron at Claire. At ipinapangako niya na poprotektahan niya ang kompanya kahit anong mangyari

Maliwanag na ang paligid nang matapos siyang mag-exercise. Umakyat siyang muli sa kanyang silid at naligo. Habang namimili siya ng damit na isusuot sa pagpasok sa trabaho ay napakunot siya ng noo. Medyo old fashion nga ang mga damit niya kaya siua sinasabihan ni Claire na nerd.

Isinarado niya ang kanyang closet at nilapitan ang isa pa niyang closet kung saan naroon ang mas maayos niyang mga damit na hindi pang-old fashion. Kahit na may mga ganoon siyang damit ay hindi niya sila isinusuot. Binili lamang niya ang mga ito dahil nagustuhan niya ngunit wala siyang lakas ng loob na magsuot ng mga ganoong klaseng damit. Ngunit hindi na ngayon. Hindi na siya ang dating Arielle. Kaya na niyang magsuot ngayon ng mga damit na katulad ng isinusuot ni Claire.

Pinili niyang isuot ang damit na simple ngunit sexy pa rin at hindi old fashion ang dating. Paglabas niya sa kanyang silid ay parehong gising na ang dalawang katulong sa bahay niya na sina Emma at Laura. Nagulat at hindi nila napigilan ang kanilang mga sarili na humanga sa kanyang bagong hitsura.

"Wow! Ang ganda mo naman, Ma'am Arielle. Tiyak na mas lalong mai-in love sa'yo si Sir Tyron kapag nakita niya ang hitsura mo ngayon!" bulalas ni Emma. Tuwang-tuwa ito sa nakikitang pagbabago ng kanyang hitsura.

"Totoo ba iyan o binobola mo lang ako?" nakangiting biro ko sa kanya. Hindi na lamang niya pinansin ang huling sinabi nito dahil ayaw niyang masira ang kanyang umaga.

"Nagsasabi siya ng totoo, Ma'am Arielle. Tiyak na maiinggit sa'yo si Ma'am Claire kapag nakita niyang mas maganda ka kaysa sa kanya," nakatawang sabi naman ni Laura.

"Okay. Naniniwala na ako sa inyo. Maghanda na kayo ng almusal dahil kakain na tayo."

Nakangiting tumalikod ang dalawa at naghain ng pagkain sa mesa. Tatlo lamang sila sa bahay kaya sabay-sabay sila kung kumain.

Habang kumakain siya ay dinulutan siya ni Laura ng isang basong gatas. Tuwing umaga kasi ay gatas ang iniinom niya sa halip na tubig. At ang gatas na iyon ay si Tyron ang bumibili. Ibinilin din nito sa mga katulong na siguraduhing umiinom siya ng gatas sa umaga.

"Your milk, Ma'am," sabi ni Laura na pa-English pang nagsalita. Gumagaya kasi ito sa kanya na madalas ay kinakausap sila ng English language.

"I want water, Laura. From now on, I will drink water every morning instead of milk, okay?" Nagsalin siya ng tubig sa baso at ininom iyon bago muling nagsalita. "Kapag magtanong si Tyron kung umiinom pa ba ako ng gatas sa umaga ay sabihin niyo na lang na oo. Every morning ay magtapon na lamang kayo ng isang baso sa sink para mabawasan ang laman ng kahon. At huwag na huwag kayong iinom ng gatas mula sa binibili ni Tyron. Understand?"

Kahit na mukhang naguguluhan ang dalawa sa kanyang ikinikilos ay tumango pa rin ang mga ito at hindi na nagtanong pa kung bakit.

Eksaktong katatapos pa lamang niyang mag-toothbrush nang marinig niya ang busina ng kotse ni Tyron mula sa labas ng bahay niya. Walang pagmamadali na lumabas siya ng banyo at dinampot ang kanyang itim na handbag pagkatapos ay lumabas na siya ng bahay.

Alam niyang sa front seat  nakaupo si Claire dahil una itong sinusundo ni Tyron bago siya pinupuntahan at palaging sa backseat siya nakaupo ngunit ang pintuan sa front pa rin ang kanyang binuksan.

"Wow! You look gorgeous, Arielle! I never thought na ganyan ka pala kaganda kapag nag-aayos ng mabuti at hindi pang-old fashion ang suot mong damit," papuri ni Tyron sa kanya nang makita nito ang kanyang hitsura pagbukas niya ng pintuan. Sa unang pagkakataon ay totoong nakitaan niya ng paghanga sa kanya ang mukha nito.

Gaya ng inaasahan niya ay sa front seat nga nakaupo si Claire. Alam niyang nabigla ito nang makita ang kanyang hitsura ngunit magaling itong magtago kaya hindi niya nakita ang pagkabigla sa mukha nito.

"Thank you." Binigyan niya ito ng matamis na ngiti pagkatapos ay tumingin siya kay Claire. "Can I sit here, Claire? Noong isang araw kasi ay tinanong ako ng ilang employee ng kompanya tungkol sa ating tatlo. Sino raw ba ang girlfriend ni Tyron sa ating dalawa? Nang sinabi kong ako ay tila hindi sila naniwala. Ikaw raw kasi ang palaging nakaupo sa front seat at ako naman ay sa unahan."

Lihim siyang napangiti nang biglang sumimangot si Claire ngunit agad ding naglaho nang makitang masama ng tingin ni Tyron sa kanya. Walang imik na bumaba si Claire sa kotse at lumipat sa backseat.

"Palagi ka kasing sa backseat umuupo kaya hindi tuloy sila naniniwala na ikaw ang girlfriend ko," ani Tyron nang makaupo na ako sa upuan na inalisan ni Claire.

"Don't worry, Sweetheart. From now on, dito na ako mauupo para hindi nila pag-isipan na may relasyon kayo ni Claire," nakangiting sagot niya kay Tyron. Pagkatapos ay nakangiting nilingon naman niya si Claire. "Is it okay if always sit here, Claire?"

"Yes. Of course," mabilis na sagot ng kanyang pinsan.

Agad niyang ibinalik sa harapan ang kanyang paningin ngunit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niyang pasimpleng tinapunan ni Tyron ng nagbabantang tingin sa rearview mirror si Claire.

Lihim na nagdiwang ang kalooban niya. Batid niya na nagkukulot ngayon ang kalooban ni Claire sa labis na inis sa kanya ngunit hindi ito makapalag sa takot na makahalata siyang peke lamang ang ugaling ipinapakita nito sa kanya.

Mamatay ka sa inis dahil hindi lamang ito ang huling beses na maiinis ka sa akin, Claire. Dahil palagi kitang gagalitin hanggang sa hindi mo na makayanan ang inis mo at ipakita mo sa akin ang tunay mong kulay.

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 6

    Tahimik lamang si Claire habang nakaupo sa backseat samantalang si Tryon naman ay manaka-nakang sumusulyap sa mukha niya at pagkatapos ay sa ibinababa nito ang tingin. Alam niya kung ano ang palihim nitong tinitingnan. Ang kanyang naka-exposed na mga binti. Malapit sa kambiyo ng kotse ang kanyang legs at minsan ay sumasagi ang kamay nito sa kanyang tuhod. Alam niya na sinasadya nitong masagi ang kanyang tuhod dahil nakikita niya sa mga mata nito ang lust na hindi niya nakita sa kanya noon.Ngayon ay lihim na siyang pinagnanasaan ng kanyang ex-husband dahil nakita na nito ang itinatago niyang ganda. Mukhang hindi nakatiis si Tyron dahil nag-landing sa isa niyang hita ang kamay nitong humahawak sa kambiyo."Hey, Love. Puwede bang steady lang iyang kamay mo sa kambiyo at baka madisgrasya tayo. Kung saan-saan nakakarating iyong kamay mo, nakalimutan mo yata na hindi lamang tayo ang nandito sa loob ng kotse mo. Nandito rin si Claire at nakakahiya sa kanya kapag napansin niya iyang ginagawa

    Last Updated : 2024-05-25
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 7

    Matamis na napangiti si Arielle habang sinisipat niya ang kanyang sarili sa harapan ng full-sized na salamin na nasa loob ng kanyang silid. Satisfied siya sa kinalabasan ng kanyang hitsura.Ngayong gabi ay a-attend siya sa anniversary party ng isang kilalang politiko. Kilala niya ng personal sina Mr. and Mrs. Chua dahil ilang beses na rin siyang dumalo kapag may party sa bahay nila. Palagi kasi siyang isinasama ng mga magulang niya sa mga parties para ma-exposed siya sa mundo ng alta-sosyedad bilang. Bilang tagapagmana ng kompanya ng kanyang ama ay maaga pa lamang ay ipinapakilala na siya ng mga magulang niya sa mga kaibigan at kakilala nila sa business world. Para kapag siya na ang pumalit sa kanyang ama bilang CEO ng kompanya ay may mga kakilala na siyang businessman sa business world.Isang strapless silk gown na may habang aabot sa kanyang talampakan ang kanyang suot. Kulay rose pink ang gown at makintab ang malambot na tela na humahakab sa kanyang katawan na lately lang niya natu

    Last Updated : 2024-05-25
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 8

    "Get away from my girlfriend!" May pagka-possessive ang tono na hinila si Arielle ng kantang boyfriend palayo sa katawan ng lalaking sumalo sa kanya."Now you're claiming that she is your girlfriend but you just let the other girl with you push your girlfriend. Kung hindi ko siya nasalo ay natitiyak ko na maliligo siya sa wine at mapapahiya sa harapan ng maraming tao. And instead of thanking me for saving your girlfriend's face, you sounded like I'm going to snatch her away from you," nakataas ang kilay na sagot ng lalaki. Mukhang hindi ito apektado sa nakikitang galit sa mukha ni Tyron dahil sa selos.For sure, hindi nagagalit si Tyron dahil nagseselos ito kundi nagagalit ang boyfriend niya dahil baka maakit siya sa estrangherong lalaki at mabulilyaso pa ang pinaplano nila ni Claire laban sa kanya."What are you talking about? Hindi sinasadya ni Claire ang nangyari," singhal ni Tyron sa lalaking kaharap na nananatiling kalmado lamang ang anyo."Yes. Tama si Tyron. Hindi ko sinasadya

    Last Updated : 2024-05-25
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 9

    Early in the morning ay galit na sinugod si Arielle ng kanyang boyfriend. Hindi na niya kailangan pang tanungin ang dahilan kung ano ang ikinagagalit nito dahil batid niya kung ano iyon. Ngunit nagkunwari pa rin siyang walang alam sa dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon nito nang magtungo sa bahay niya."What's wrong, Tyron? May nakaaway ka ba habang papunta ka sa bahay ko?" inosenteng tanong niya rito."Bakit mo ibinigay ang posisyon mo bilang CEO sa kompanya mo sa iyong abogado? Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo iyon?" namumula sa galit ang mukha na tanong ni Tyron sa kanya."Iyon ba ang dahilan kung bakit galit na nagtungo ka rito?" Seryoso ang mukha na tinitigan niya ito. "Ako ang may-ari ng kompanya kaya may karapatan ako kung kanino ko gusto pansamantalang ibigay ang pamumuno sa kompanya ko."Biglang nag-iba ang anyo ni Tyron. Nabawasan ang galit at madilim na ekspresyon nito sa mukha. Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tangkang yakapin siya ngunit mabilis siyang

    Last Updated : 2024-05-25
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 10

    Hindi alam ni Arielle kung paano niya makukuntak si Gun. Hindi naman kasi ito nag-iwan sa kanya ng calling card or kahit number nito na puwede niyang tawagan. Sabagay, siguradong wala itong calling card dahil isa lamang itong driver. At bakit naman ito mag-iiwan ng number sa kanya para kontakin niya?Gusto niyang tawagan si Mrs. Chua at itanong ang address ng kaibigan nito na siyang boss ni Gun ngunit pinipigilan siya ng kanyang hiya. Nahihiya siyang magtanong kay Mrs. Chua ng tungkol kay Gun dahil baka kung ano ang isipin nitong hindi maganda sa motibo ng kanyang pagtatanong. Nahihiya rin siya dahil balak niyang piratahin si Gun para magtrabaho sa kanya.Dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ay nagpasya na lamang siyang umalis ng bahay at mag-shopping para mabawasan ang nararamdaman niyang stress sa katawan.Habang nasa daan ay hindi sinasadyang napasulyap siya sa likuran ng kanyang kotse. Nakita niya ang isang pulang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Kung hindi siya n

    Last Updated : 2024-05-25
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 11

    Medyo tinanghali ng gising si Arielle nang araw na iyon. Mataas na ang araw nang bumangon siya sa kama. Agad siyang naligo at pagkatapos ay lumabas para bumaba sa kusina at tingnan kung ano ang pagkaing iniluluto ni Emma. Medyo nakakaramdam na kasi siya ng gutom dahil hindi siya masyadong nakakain last night.Until now ay hindi pa rin nawawala ang disappointment at panghihinayang niya dahil hindi niya nakuha bilang driver-bodyguard si Gun. Ayaw niyang kumuha ng ibang tao lalo pa at hindi niya pa kilala. Wala siyang tiwala sa taong makukuha niya para protektahan siya. Baka masilaw lamang ito sa sa pera kapag inalok ito ng malaking halaga nina Claire at Tyron at sa halip na protektahan siya ay ito pa ang pumatay sa kanya.Although hindi rin niya gaanong kakilala si Gun ay malakas ang pakiramdam niya na kaya siya nitong protektahan sa panganib. At malakas din ang pakiramdam niya na hindi ito kayang suhulan ni Tyron lalo pa at hindi maganda ang pagtatagpo ng dalawa.Nasa hagdan pa lamang

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 12

    "Here is your favorite milk, Love." Nakangiting inilapit ni Tyron ang isang baso ng gatas sa kanya. Sa paningin niya ay parang ngisi ng isnag demonyo ang hitsura nito. Nakakatakot."Ipatong mo na lang muna sa ibabaw ng mesa at mamaya ko na lamang iinumin pagkatapos kong kumain," sagot niya rito, pilit niyang hindi ipinapahalata sa kaharap na lalaki ang nararamdaman niyang kaba.Umiinom siya ng gamot na inireseta sa kanya ng kaibigan niyang doktor kaya hindi siya puwedeng uminom ng gatas na ibinibigay sa kaya ni Tyron. Kabilin-bilinan pa naman sa kanya ni Kim na huwag siyang iinom ng gatas na iyon habang umiinom siya ng gamot pampaalis ng lason na nasa katawan niya. Kapag uminom daw siya ng gatas habang nagti-take pa siya ng gamot ay magka-clash ang gamot at lason na nasa katawan niya. Malalagay raw sa panganib ang buhay niya kapag hindi siya maagapang maisugod sa hospital."No. I want you to drink this milk right now and after that, I promise I will leave," pagpupumilit ni Tyron. "I w

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 13

    Nakadama ng kaligayahan si Arielle nang marinig ang sinabi ni Gun sa mga taong nasa loob ng silid. Sabi ni Gun ay bodyguard niya ito? Ibig sabihin ba ay pumapayag ito na maging bodyguard niya? Paano na iyong magandang babaeng kasama nito noon? Pinayagan kaya ito na umalis sa pinagtatrabahuhan nito? Mukhang hindi ang babaeng iyon ang tipo na basta-basta na lamang pakakawalan ang isang katulad ni Gun.Gustong-gusto na niyang masagot ang mga katanungang iyon sa kanyang isipan ngunit batid niyang hindi ito ang tamang oras para rito. Kailangan pa niyang ipaliwanag kay Tyron ang tungkol kay Gun dahil natitiyak niya na hindi ito papayag na maging bodyguard niya si Gun dahil makakasira ito mga plano nila ni Claire laban sa akin."What is this, Arielle? Bakit sinasabi ng lalaking ito na bodyguard mo raw siya? Kailan ka pa nagkaroon ng bodyguard at bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito?" galit na sita sa kanya ni Tyron. "Calm down, Tyron. I hired him because I need a bodyguard who ca

    Last Updated : 2024-06-02

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

DMCA.com Protection Status