Share

THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )
THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )
Author: NewAuthor

Chapter 1

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Pirmahan mo na ang mga documents na nagpapatunay na kusang loob mong inililipat sa pangalan ko ang lahat ng mga ariarian mo, Arielle," mariing utos ni Tyron sa kanyang asawang si Arielle.

Nakaupo si Arielle sa upuan at sa harapan niya ay ang mga papeles na nais papirmahan sa kanya ni Tyron.

"Walang hiya ka, Tyron! Isa kang demonyo! Pinagsisisihan ko na nagpakasal ako sa'yo!" umiiyak na sigaw niya. Hindi siya makapaniwala na magagawa ito sa kanya ng asawa niya.

It's been three months magmula nang magpakasal siya kay Tyron na naging boyfriend niya ng limang taon bago niya tinanggap ang alok nitong kasal. At sa loob ng five years and three months nilang magkarelasyon ay ngayon lang niya natuklasan na matagal na pala siyang niloloko nito. At kasama nito sa panloloko sa kanya ay ang kanyang pinsan na si Claire.

Matagal na palang may lihim na relasyon ang dalawa at matagal na rin siyan pinapaikot nila sa ibabaw ng kanilang mga palad. Habang siya ay devoted sa kanyang asawa ito naman ay nagpapakasaya sa kandungan ng ibang babae at winawaldas ang kayamanan niya na naiwan sa kanya ng mga magulang niya. At sa dinami-rami ng babae sa mundo ay sa pinsan pa niya ito nakipagrelasyon.

Tatlong buwan na tiniis niya ang hindi magandang pagtrato sa kanya ng mother-in-law at sister-in-law niya para lamang sa huli ay matuklasan niya ang ginagawang panloloko sa kanya nina Tyron at Claire.

Nagpaalam siya kaninang umaga na a-attend siya sa birthday party ng kanyang best friend. Gabi pa naman gaganapin ang party ngunit maaga siyang magtutungo sa bahay ng kaibigan niya para makatulong siya sa pag-prepare ng mga kakailanganin para sa party nito mamaya.

Ngunit habang nagmamaneho siya sa daan ay bigla siyang nakaramdam ulit ng pagkahilo. Kaya sa halip na sa bahay ng kaibigan niya siya dumiretso ay dumaan muna siya sa clinic na kanyang nadaanan para magpa-check up. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nakaramdam ng ganoon kaya nagpasya na siyang magpatingin sa doktor. Doktor din naman ang kaibigan niya ngunit hindi siya maaasikaso nito ngayon dahil busy ito sa paghahanda par sa birthday party nito mamayang gabi.

Pagkatapos siyang suriin ng doktor ay natuklasan nito na unti-unti siyang nilalason. Ang lason ay inihahalo sa liquid na may lasa kaya hindi niya malalaman na may halong lason pala ang iniinom niya.

Biglang pumasok sa isip niya ang gatas na iniinom niya tuwing gabi. Si Tyron mismo ang nagtitimpla ng gatas at iniinom niya sa harapan nito. Akala niya ay sweet at caring lamang ito sa kanya, iyon pala ay sinisigurado nito na iinumin niya ang gatas na may halong lason.

Matapos niyang matuklasan na lihim siyang nilalason ng asawa niya ay agad siyang umuwi sa bahay niya para komprontahin ito. Nasa bahay si Tyron dahil wala itong pasok sa kompanyang pag-aari niya kung saan ito ang tumatayong vice-president at siya ang chairwoman.

Pagdating niya sa bahay niya ay mas nasorpresa siya nang makita si Claire sa loob ng kanilang silid habang n*******d at enjoy na enjoy na gumigiling sa ibabaw ng asawa niya. Sa galit niya ay sinabunutan at pinagsasampal niya ito ngunit bigla siyang pinukpok sa ulo ni Tyron gamit ang babasaging flower vase kaya nawalan siya ng malay. Nang magising siya ay nakaupo na siya sa upuan at nakaharap sa mga dokumentong nasa ibabaw ng mesa.

Inamin ni Tyron na matagal na silang may relasyon ni Claire at pinlano nila ang pagpapakasal nito sa kanya para magkaroon ito ng karapatan sa kompanyang minana niya mula sa kanyang mga magulang bago namatay ang mga ito. Inamin din nito sa kanya na pinlano nilang dalawa ni Claire ang aksidenteng nangyari sa mga magulang niya dahil natuklasan ng mga ito ang lihim nitong relasyon sa kanyang pinsan. At sa pag-aalala na baka sabihin sa kanya ng parents niya ang natuklasan nila kaya pinatay nila ang mga magulang niya at pinalabas na aksidente lamang ang nangyari.

Labis na nadurog ang puso niya sa kanyang nalaman. Dahil pala sa kanya kaya namatay ang mga magulang niya. Humingi na lamang siya ng tawad sa kanyang mga magulang sa isip niya dahil iyon lang ang kaya niyang gawin.

Pinipilit nina Tyron at Claire na pirmahan niya ang mga papeles para mailipat sa pangalan ng una ang lahat ng mga ariarian niya ngunit nagmatigas siya kaya ilang beses siyang nakatanggap ng sampal mula sa kanilang dalawa.

"Pipirmahan mo ba ang mga papeles o papatayin kita ngayon din?" nananakot ang tono na wika ni Tyron. Kinuha nito ang ballpen sa ibabaw ng mesa at nilagay sa kanyang kamay pagkatapos ay pilit siyang pinapirma.

"Sa tingin mo ay hindi magdududa ang abogado ko kapag nakita niyang kakaiba ang pirma ko?"

Huminto sa pagpupumilit si Tyron na pumirma siya sa papeles at binitawan ang kanyang kamay pagkatapos ay malakas na sinuntok ang mesa.

"Gusto mo ba talaga na mas lalo kang masaktan bago mo pirmahan ang mga papeles?" sigaw ni Tyron na tila ba nauubusan na ng pasensiya sa kanya.

Lumapit si Claire at hinawakan sa dibdib si Tyron. "Ako ang bahala sa kanya, Love. Tingnan lang natin kung hindi siya pumirma."

Naglakad si Claire papunta sa drawer at kinuha ang isang matalas na gunting. Pagkatapos ay malademonyo ang ngisi na naglakad ito palapit sa kanya.

"A-Ano ang gagawin mo, Claire?" nanlalaki ang mga matang tanong niya.

Sa halip na sagutin ang kanyang tanong ay biglang hiniwa ni Claire ang kanyang kaliwang pisngi gamit ang gunting. Napasigaw siya ng malakas sa sobrang sakit. Pakiramdaman niya ay hindi pisngi ang hiniwa nito kundi ang puso niya. Saglit kasi na huminto siya sa paghinga dahil sa sobrang sakit na kanyang nararamdaman. Nang akmang tatayo siya sa upuan ay hinuli naman ni Tyron ang mga kamay niya at muli siyang iniupo sa upuan.

Hindi pa nakuntento si Claire dahil ang kabilang pisngi naman niya ang hiniwa nito at ginuhitan ng ekis. Pakiramdaman niya ay mamamatay na siya sa sobrang sakit ng kanyang mukha. Nahiling niya na sana ay lamunin na lamang siya ng sahig para hindi na niya maramdaman ang ginagawang pangto-tortured sa kanya ng dalawa.

"P-Pipirma na ako!" sigaw niya. Hindi niya batid kung makakayanan pa niya kapag patuloy na hiniwa ni Claire ang kanyang mukha.

"Pipirma ka naman pala gusto mo pa na pahirapan ka muna." Napahalakhak si Tyron. Nakikinita na niya ang kanyang sarili na nakaupo sa upuan na tanging ang pinakamataas na posisyon sa kompanya ang puwedeng maupo lamang.

Nanginginig ang mga kamay na pinulot ni Arielle ang ballpen sa ibabaw ng mesa. Pipirmahan na sana niya ang papeles nang biglang pumasok sa kanyang isip na tiyak papatayin din siya ng dalawa kahit na pumirma pa siya. Sa isiping iyon ay nakaisip siya ng ideya. Sa halip na pumirma ay tinusok niya ng ballpen ang likuran ng kamay ni Tyron na nakapatong sa ibabaw ng lamesa

Malakas na napasigaw si Tyron habang hawak ang ballpen na nakatusok pa sa kamay niya. Agad naman siyang dinaluhan ni Claire para tulungang maalis ang ballpen sa kamay niya.

Sinamantala ni Arielle ang pagkakataong iyon at mabilis siyang tumakas palabas ng kanilang silid habang sumisigaw at humihingi ng tulong. Nakita niya ang katulong na si Emma na palabas sa silid nito. Tumakbo siya palapit dito para humingi ng tulong.

"Help me, Emma! Please, help me!" pagmamakaawa ni Arielle.

"Diyos ko! A-Anong nangyari sa'yo, Ma'am Arielle?" nahintakutang tanong ng katulong.

"Help me! Papatayin ako nina Tyron at Claire. Tumawag ka ng pulis! Bilisan mo!"

"Mahabaging Diyos!" sambit ng katulong. Akmang tatakbo na ito palapit sa telepono nang biglang lumabas sa silid sina Tyron at Claire

"Subukan mong tumawag ng pulis at pati ikaw ay papatayin ko!" mariing banta ni Tyron sa katulong na biglang namutla ang mukha pagkakita dalawa.

Alam ni Arielle na hindi na magagawang tumawag ng pulis ni Emma kaya tumakbo na lamang siya papunta sa hagdan para iligtas ang kanyang sarili. Ngunit naabutan siya ni Tyron bago pa siya makababa sa unang baitang ng hagdan.

"Akala mo makakatakas ka sa amin?"

Isang malakas na suntok sa sikmura ang ibinigay ni Tyron sa kanya. Bigla siyang napaluhod at tila huminto sa pagtibok ang kanyang puso dahil sa sobrang sakit na kanyang naramdaman.

"How dare you, Arielle! I will kill you, bitch!" galit na sigaw naman ni Claire bago siya sinipa ng malakas.

Napasigaw na lamang siya nang bigla lumipad ang katawan niya sa ere bago bumagsak sa gitna ng hagdan at gumulong pababa. Kahit matindi ang tinamo niyang pinsala sa katawan dahil sa pagkakahulog sa hagdan ay nagawa pa rin niyang makabangon. Ang determinasyong makatakas mula sa mga kamay ng dalawa ang nagbibigay ng lakas sa kanya para makatayo.

Nagdidilim man ang kanyang paningin at masakit na masakit ang kanyang ulo at buong katawan ay nagawa pa rin niyang makatakbo sa palabas ng bahay. Tumakbo siya sa gitna ng kalsada, umaasa na sana ay may dumaan na sasakyan para may mahingan siya ng tulong.

Habang tumatakbo siya sa kalsada ng mabagal ay nakarinig siya ng malakas na busina ng kotse sa likuran niya. Sa pag-asang isa sa mga taong nakatira sa subdivision ang sakay ng kotse ay huminto siya sa pagtakbo at humarap sa kanyang likuran. Ngunit pagharap niya ay sinalubong siya ng kotse ni Claire.

Biglang tumilapon sa malayo ang katawan ni Arielle nang matamaan ng bumper ng kotse ni Claire na minamaneho mismo nito sakay ang asawa niya. Nang bumagsak ang duguan niyang katawan sa kalsada ay alam na niyang katapusan na ng buhay niya. Unti-unting ipinikit niya ang kanyang mga mata at tinanggap na lamang ang kamatayan niya.

Sa walang hanggang kadiliman na kanyang nakikita ay biglang nagkaroon ng maliit na liwanag na kasing-laki lamang ng maliit na bola. Ngunit biglang lumaki ang liwanag hanggang sa sinakop na nito ang buong paligid. Sa sobrang liwanag ay nasilaw siya kaya ipinikit niya ang kanyang mga mata.

Nang mawala ang nakasisilaw na liwanag ay saka pa lamang siya nagmulat ng kanyang mga mata para lamang mabigla sa nakita niyang kapaligiran. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nakaupo na siya sa loob ng mamahaling restaurant. At sa harapan niya ay naroon si Tryon na matamis ang pagkakangiti habang hawak ang maliit na kahita na may laman na wedding ring.

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 2

    Ano ang nangyari? Bakit hindi siya namatay? Bakit bigla siyang ng bumalik six months before her wedding? Ito ang mga panahon na para siyang palaging nakalutang sa alapaap dahil sa sobrang kaligayahan. Siyempre, sa wakas ay nagpropose na sa kanya ang boyfriend niya na matagal na niyang hinihintay na mangyari. Akala niya noon kapag kasal na sila ni Tyron ay magiging mas masaya na siya. Hindi na siya malulungkot dahil magkakaroon na siya ng taong katuwang niya sa buhay. Mag-isa na lang kasi siya dahil sabay na namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang last year ago. Ngunit ang pagpapakasal pala niya kay Tyron ang pinakamaling desisyon na nagawa niya sa tanang buhay niya.Pagkatapos ng kasal nila ni Tyron ay kasama nitong lumipat sa bahay niya para doon na rin manirahan ang ina at kapatid nitong babae. Pumayag siya na makipisan sa kanila ang ina at kapatid nito dahil akala niya ay mas magiging masaya ang pagsasama nila kapag kasama niya ang pamilya nito. The more the merrier, 'ika ng

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 3

    "Bakit hindi tinanggap ng babaeng iyon ang marriage proposal mo, Tyron? Hindi ba't patay na patay sa'yo si Arielle? Bakit biglang nagbago ang isip niya?" tanong ni Claire kay Tyron habang magkayakap silang dalawa sa loob ng ladies' room."I don't know. Pero pagkatapos niyang magbabang-luksa sa mga magulang niya ay pipilitin ko siyang pakasalan ako," sagot naman ni Tyron sa mahinang boses."Mabuti nga na hindi niya tinanggap ang marriage proposal mo dahil ayoko naman talaga na magpakasal ka sa kanya. Ayokong maging kabit mo, okay?" may inis ang boses na wika naman ni Claire."Hindi puwedeng hindi ako ikasal kay Arielle, Claire. Masisira ang mga plano ko na matagal kong pinaghandaan. Kahit naman ikasal ako sa kanya ay ikaw pa rin ang mahal ko. At ipinapangako ko sa'yo na hinding-hindi ako makikipagtalik sa kanya kahit kasal na kaming dalawa. Dahil ikaw lamang ang babaeng gusto kong makasama sa kama," pangungumbinsi ni Tyron sa kanyang nobya."Talaga? Promise mo sa akin na pagkatapos ng

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 4

    Pagkatapos nilang kumain sa restaurant ay agad na nagpahatid si Arielle kay Tyron sa bahay niya. Gusto na niyang umuwi at makapagpahinga. Bigla kasing sumakit ang kanyang ulo. Siguro napagod lamang siya sa pakikipagplastikan niya sa dalawang taong kinamumuhian niya. Hindi pala dalawa kundi apat na tao. Dahil kasamang kinamumuhian din niya ang ina at nakababatang kapatid ni Tyron na labis na nagpahirap at nang-alila sa kanya."Are you sure ayaw mong pumasok ako sa loob ng bahay mo para magkape?" tanong ni Tyron nang makababa na siya sa kotse nito."Yes, I'm sure. Medyo sumakit ang ulo ko kaya gusto kong magpahinga." Hindi naman siya nagsisinungaling ngayon dahil totoong masakit ang kanyang ulo. Nakita niya ang pagpapalitan ng makahulugang mensahe sa mata ng dalawa kaya bigla niyang naalala ang natuklasan niya bago siya nila pinatay. Naalala niyang natuklasan pala niya na unti-unti pala siyang nilalason ni Tyron. Siguro ay hindi lang nag-umpisa si Tyron na lasunin siya ng dahan-dahan n

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )    Chapter 5

    Naglalakad si Arielle papunta sa kuwarto nilang mag-asawa. Para bang may malakas na puwersa ang nag-uutos sa kanya na buksan ang pintuan ng kanilang silid. Binuksan nga niya ang pintuan ng kanilang kuwarto at laging gulat niya nang makita sina Claire at Tyron na parehong walang suot na damit at nagpapakasaya sa makamundong kaligayahan.Gusto niyang sugurin ang dalawa ngunit tila may mga kamay ang pumipigil sa kanyang mga binti para hindi siya makalakad. Naramdaman ng dalawa ang presensiya niya kaya tumigil sila sa ginagawa nila at humarap sa kanya. Sa halip na hitsurang guilty ang kanilang expression ay nakangisi pa sila sa kanya. Para bang sinasabi sa kanya ng kanilang ngiti na sobrang tanga siya dahil nagpakasal siya sa lalaking may ibang mahal.Nagtaka siya kung bakit biglang nag-iba ang sitwasyon ngunit nasa loob pa rin siya ng silid nila. Ang kaibahan nga lang ay nakaupo na siya sa silya habang nakatali ang kanyang mga paa. Ang mga kamay naman niya ay mahigpit na hawak ni Tyron

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 6

    Tahimik lamang si Claire habang nakaupo sa backseat samantalang si Tryon naman ay manaka-nakang sumusulyap sa mukha niya at pagkatapos ay sa ibinababa nito ang tingin. Alam niya kung ano ang palihim nitong tinitingnan. Ang kanyang naka-exposed na mga binti. Malapit sa kambiyo ng kotse ang kanyang legs at minsan ay sumasagi ang kamay nito sa kanyang tuhod. Alam niya na sinasadya nitong masagi ang kanyang tuhod dahil nakikita niya sa mga mata nito ang lust na hindi niya nakita sa kanya noon.Ngayon ay lihim na siyang pinagnanasaan ng kanyang ex-husband dahil nakita na nito ang itinatago niyang ganda. Mukhang hindi nakatiis si Tyron dahil nag-landing sa isa niyang hita ang kamay nitong humahawak sa kambiyo."Hey, Love. Puwede bang steady lang iyang kamay mo sa kambiyo at baka madisgrasya tayo. Kung saan-saan nakakarating iyong kamay mo, nakalimutan mo yata na hindi lamang tayo ang nandito sa loob ng kotse mo. Nandito rin si Claire at nakakahiya sa kanya kapag napansin niya iyang ginagawa

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 7

    Matamis na napangiti si Arielle habang sinisipat niya ang kanyang sarili sa harapan ng full-sized na salamin na nasa loob ng kanyang silid. Satisfied siya sa kinalabasan ng kanyang hitsura.Ngayong gabi ay a-attend siya sa anniversary party ng isang kilalang politiko. Kilala niya ng personal sina Mr. and Mrs. Chua dahil ilang beses na rin siyang dumalo kapag may party sa bahay nila. Palagi kasi siyang isinasama ng mga magulang niya sa mga parties para ma-exposed siya sa mundo ng alta-sosyedad bilang. Bilang tagapagmana ng kompanya ng kanyang ama ay maaga pa lamang ay ipinapakilala na siya ng mga magulang niya sa mga kaibigan at kakilala nila sa business world. Para kapag siya na ang pumalit sa kanyang ama bilang CEO ng kompanya ay may mga kakilala na siyang businessman sa business world.Isang strapless silk gown na may habang aabot sa kanyang talampakan ang kanyang suot. Kulay rose pink ang gown at makintab ang malambot na tela na humahakab sa kanyang katawan na lately lang niya natu

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 8

    "Get away from my girlfriend!" May pagka-possessive ang tono na hinila si Arielle ng kantang boyfriend palayo sa katawan ng lalaking sumalo sa kanya."Now you're claiming that she is your girlfriend but you just let the other girl with you push your girlfriend. Kung hindi ko siya nasalo ay natitiyak ko na maliligo siya sa wine at mapapahiya sa harapan ng maraming tao. And instead of thanking me for saving your girlfriend's face, you sounded like I'm going to snatch her away from you," nakataas ang kilay na sagot ng lalaki. Mukhang hindi ito apektado sa nakikitang galit sa mukha ni Tyron dahil sa selos.For sure, hindi nagagalit si Tyron dahil nagseselos ito kundi nagagalit ang boyfriend niya dahil baka maakit siya sa estrangherong lalaki at mabulilyaso pa ang pinaplano nila ni Claire laban sa kanya."What are you talking about? Hindi sinasadya ni Claire ang nangyari," singhal ni Tyron sa lalaking kaharap na nananatiling kalmado lamang ang anyo."Yes. Tama si Tyron. Hindi ko sinasadya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 9

    Early in the morning ay galit na sinugod si Arielle ng kanyang boyfriend. Hindi na niya kailangan pang tanungin ang dahilan kung ano ang ikinagagalit nito dahil batid niya kung ano iyon. Ngunit nagkunwari pa rin siyang walang alam sa dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon nito nang magtungo sa bahay niya."What's wrong, Tyron? May nakaaway ka ba habang papunta ka sa bahay ko?" inosenteng tanong niya rito."Bakit mo ibinigay ang posisyon mo bilang CEO sa kompanya mo sa iyong abogado? Ano ba ang pumasok diyan sa utak mo at ginawa mo iyon?" namumula sa galit ang mukha na tanong ni Tyron sa kanya."Iyon ba ang dahilan kung bakit galit na nagtungo ka rito?" Seryoso ang mukha na tinitigan niya ito. "Ako ang may-ari ng kompanya kaya may karapatan ako kung kanino ko gusto pansamantalang ibigay ang pamumuno sa kompanya ko."Biglang nag-iba ang anyo ni Tyron. Nabawasan ang galit at madilim na ekspresyon nito sa mukha. Ngumiti ito at lumapit sa kanya, tangkang yakapin siya ngunit mabilis siyang

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

DMCA.com Protection Status