Share

Chapter 19

Author: NewAuthor
last update Last Updated: 2024-06-02 22:32:50

Pilit na inaalis ni Arielle ang unan na nakatakip sa mukha niya ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya ito magawanga alisin. Masyadong malakas ang mga kamay ng taong tumatakip sa mukha niya kumpara sa kanyang lakas. Nang halos hindi na siya makahinga ay nagpanic na siya ng labis ngunit hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Binigyan siya ng Diyos ng pangalawang buhay kaya hindi niya iyon sasayangin

Inunat niya ang kanyang mga kamay at naghanap ng bagay na malapit sa kanya na maaari niyang magamit laban sa taong nagtatangkang pumatay sa kanya. Naalala niyang malapit lang pala sa ulunan niya ang maliit na mesa na kinalalagyan ng kanyang lampshade na ang holder ay gawa sa bakal. Pilit niya itong inabot ng kanyang kamay at nang sa wakas ay nahawakan niya ang lampshade ay malakas niyang inihataw ang holder na bakal sa taong tumatakip sa kanyang mukha.

Dahil hindi niya nakikita ang ulo nito ay kahit saang bahagi ng katawan na lang niya ito pinalo. Ang mahalaga ay matamaan niya ito at
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 20

    Nakakuyom ng mahigpit ang mga kamao at nagtatagis ang mga ngipin ni Gun habang nakatitig sa mukha ng walang malay na dalaga. Halatado sa mukha nito ang labis na hirap na pinagdaanan makatakas lamang sa taong may kagagawan nito sa kanya.Papunta siya sa bahay nito nang makita niya itong naglalakad sa kalsada ng paika-ika. Balak niya sana itong kausapin tungkol sa nakita niyang marriage proposal ng boyfriend nito habang nasa loob siya ng restaurant kung saan nag-prose sa kanya si Tyron. Gusto niyang tiyakin kung tunay ba talagang magpapakasal ito sa lalaking iyon bago siya magpasya na putulin na ang komunikasyon niya rito.Sa umpisa ay hindi niya agad nakilala si Arielle. Nababalutan kasi ng putik ang katawan at mukha nito. Ngunit nang ilang metro na lamang ang pagitan nila ay doon niya ito namukhaan. Agad siya bumaba sa kotse niya nilapitan ito pagkatapos ay isinugod niya sa pinakamalapiy na hospital.Ang sabi ng doktor na gumamot kay Arielle ay may bali raw ito sa tadyang at na-disloc

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 21

    Dahil bodyguard niya ulit si Gun kaya bumalik ito sa bahay niya para doon tumira habang nagtatrabaho sa kanya. Hindi lamang siya ang natuwa sa pagbabalik nito kundi pati na rin ang dalawang maids niya na mukhang tinubuan yata ng crush sa guwapong bodyguard niya.Lumipas ang tatlong araw pagkatapos niyang ma-discharge ay dinalaw siya ni Claire. Nagulat ito nang makita siyang nakahiga sa kama at hindi pa rin makalakad ng maayos."What the hell happened to you, Arielle? Bakit ganyan ang hitsura mo?" Hindi niya mahulaan kung genuine ba ang pagkagulat na lumarawan sa mukha nito o uma-acting lamang ito. "A devil broke into my house and tried to kill me," sagot niya kay Claire habang nakatitig ng matiim sa mukha nito. Ino-obserbahan niya kung ano ang magiging reaksiyon ng pinsan niya. Ngunit nadismaya siya nang wala siyang nakitang expression ng pagiging guilty sa mukha ng pinsan niya. Ang nakita niya ay concern na alam naman niyang pakitang-tao lamang. Napakagaling talaga ng pinsan niyan

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 22

    Naalarma si Arielle nang makita niyang biglang dumilim ang mukha ni Gun at mahigpit nitong ikinuyom ang mga kamao nang makita si Tyron sa pintuan ng bahay niya. May dala itong bote ng beer at umaalingasaw sa alak ang buong katawan nito.Nang akmang tatayo si Gun para sugurin si Tyron na siyang pinaghihinalaan nilang pumasok sa bahay niya at siyang nagtangkang pumatay sa kanya ay mabilis niyang pinigilan ito sa braso nito. Bahagya siyang umiling kay Gun pagkatapos ay hinila niya ito paupo sa kanyang tabi.Dama niya ang pinipigil na galit ni Gun sa loob nito. Sino ba naman kasi ang hindi magagalit kung nasa harapan niyo ang taong pinaghihinalaan ninyong nagtangkang pumatay sa'yo ngunit hindi niyo ito magawang komprontahin at ipakulong dahil wala kayong hawak na ebidensiya laban sa kanya? "Tyron? What are you doing here in such a state?" Mabilis na nilapitan ni Claire si Tyron at inalalayang makapasok ng tuluyan sa loob ng bahay niya, medyo gumiwang kasi ito at muntik nang matumba kung

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 23

    Nakaramdam ng tawag ng kalikasan si Arielle kaya maingat siyang bumangon sa kama niya. Naka-sandig lamang sa gilid ng kama niya ang crutches niya kaya hindi na siya nagtawag pa ng ibang tao para magpaalalay papunta sa banyo. Naisipan niyang maligo na rin para mapreskuhan ang buo niyang katawan. Hindi na masyadong maitim ang kanyang mga pasa sa katawan at mukha. Ang mga baling buto naman niya ay unti-unting naghihilom ngunit hindi pa rin siya maaaring gumalaw ng mabilis at may puwersa. Ang paa naman niya ay nawala na ang pamamaga ngunit nakakaramdam pa rin siya ng sakit kapag itinatapak niya sa sahig ng normal. Ngunit kapag gumagamit siya ng crutches ay hindi gaanong sumasakit ang paa niya pero sumasakit naman ang mga bali niya sa katawan. Ngunit wala siyang choice kundi ang gamitin ang crutches kapag bababa siya sa kama dahil mas hindi kaya ng paa niya ang bigat ng buo niyang katawan.Maingat at dahan-dahan siyang naglakad papunta sa kabinet para kumuha ng pamalit niyang damit pagkat

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 24

    After three weeks ay tuluyan nang gumaling ang mga sakit sa katawan na nararamdaman ni Arielle. Muling nanumbalik ang kanyang normal na lakas. "Malakas ka na ulit gaya ng kalabaw, Arielle. Dapat mas mag-doble ingat ka na ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari sa'yo," paalala sa kanya ng kaibigan niyang doktor. Dinalaw siya nito para siguraduhin kung magaling na nga siya."I know, Kim. At iyan nga ang ginagawa ko ngayon. Ngunit mas panatag lamang ang kalooban ko dahil alam ko na may taong nagpoprotekta na sa akin," nakangiting sagot niya sa doktor."So ano ang status niyong dalawa ngayon?" biglang tanong ni Kim na ikinakakunot ng kanyang noo."Status? With whom?" Kim rolled her eyes. "Sino pa ba kundi ang tinutukoy ko kundi ikaw at ang guwapo mong bodyguard?" Binigyan siya nito ng nanunuksong tingin at bahagya pa nitong binangga ng mahina ang isa niyang braso."Crazy. Ano pa ba ang magiging status namin kundi boss-employee?" naiiling na sagot niya kay Kim. "Iyon lang?" may pang

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 25

    Napatingin kay Arielle sina Tyron at Claire nang makita siyang naglalakad palapit sa kanila."Mabuti naman at nandito ka, Arielle. Sabihin mo nga sa dalawang guard na ito papasukin kami. Ayaw nila kaming papasukin sa loob," nakangiting kausap sa kanya ni Tyron. Kung kausapin siya nito ay parang walang nagbago sa relasyon nila. Ngunit biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin nito si Gun sa kanyang likuran. "Bakit kasama mo ang lalaking iyan?" nakasimangot na sita nito sa kanya."He's my bodyguard, remember?" nakangiting sagot niya rito. "Now tell me what's the problem.""Itong mga tangang guwardiya ay pinipigilan kaming makapasok sa loob ng kompanya. Sisantehin mo nga ang dalawang iyan at ayokong makitang muli ang mga pagmumukha nila," galit na wika ni Claire, kung makapag-utos naman ito sa kanya ay parang nakatataas ito kaysa sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya pinansin ang tono nito sa halip ay hinarap niya ang dalawang guard na karapat-dapat makatanggap ng loyalty

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 26

    "Hi, Uncle Edgar," bati ni Arielle nang pumasok sa loob ng opisina niya ang isa sa iilang taong pinagkakatiwalaan niya sa mundo."I heard na mas lalo mo pa raw ipinahiya sina Tyron at Claire sa labas ng building," natatawang sabi nito pagkapasok sa loob ng opisina. "Bagay lang iyon sa kanila, Uncle Edgar. Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang ang ginawa ko kumpara sa ginawa nila sa kompanya," may inis sa boses na sagot niya sa kanya. "At alam mo ba na pinaandar nila ang kayabangan nila sa harapan ng dalawang guwardiya? Mabuti na lamang at hindi natinag ang mga guard sa kanila," dugtong pa niya."Sa tingin ko ay hindi papayag ang dalawang iyon na walang gawin para makaganti sa pagkakaalis nila sa trabaho. Kaya mag-iingat ka palagi, Arielle," babala nito sa kanya."You're right, Uncle Edgar. Hindi nga sila ang tipo na basta na lamang mananahimik sa isang tabi. Ngunit sa tingin ko po ay dapat din kayong mag-ingat. Sa pagkakaalam nila ay ikaw talaga ang nagtanggal sa kanila sa trabah

    Last Updated : 2024-06-02
  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 27

    "What's happening here? Bakit hindi kayo tumawag ng guwardiya para paalisin ang mga taong iyan na nag-eeskandalo sa loob ng aking kompanya?" tanong niya sa dalawang employee na siyang kumakausap kina Cynthia at Lucy."Ma'am Arielle! Mabuti po at nandito na kayo." Tila nakahinga ng maluwag ang dalawang empleyado niya nang makita nakabalik na siya mula sa kanyang lunch sa labas.Nang makita naman siya nina Cynthia at Lucy ay agad siyang sinugod ngunit hindi siya nagawang lapitan ng dalawa dahil maagap na naharangan sila ng katawan ni Gun."Anong karapatan mo na tanggalin sa trabaho ang anak ko?" galit na sigaw sa kanya ni Cynthia. Sa lakas ng boses nito ay hindi lamang sampung tao ang nakatingin sa kanila."I'm the owner of the company, remember? Kaya nasa akin ang lahat ng karapatan na tanggalin sa trabaho ang kahit sino na gusto kong tanggalin," nakataas ang kilay na sagot niya sa kanya. "But sad to say, hindi ako ang nagtanggal sa kanila sa trabaho kundi si Uncle Edgar.""Dahil ikaw

    Last Updated : 2024-06-02

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 98-END

    "Yes. I will marry you, Gabriel," naluluhang sagot ni Arielle sa marriage proposal sa kanya ni Gabriel. Bakit pa siya magpapakipot gayong gustong-gusto naman niyang magpakasal at maging asawa si Gabriel?Lumarawan sa mukha ni Gabriel ang labis na saya nang marinig ang sagot niya. Niyakap siya nito ng mahigpit at binuhat pagkatapos ay inikot-ikot sa labis na kasiyahan.Pagkatapos nilang masiguro na hindi na makakawala pa sina Tyron at Claire sa mga kasong isinampa nila laban sa kanila ay saka sila nagdesisyon na magpakasal. Masayang-masaya si Arielle dahil sa wakas ay magiging mag-asawa na sila ni Gabriel. Isang araw bago ang kasal nila ni Gabriel ay bigla niyang naalala ang cellphone ng kanyang mga magulang. Sa dami ng mga nangyari ay nakalimutan na niya ang cellphone na ipina-repair niya. Umalis siya sa bahay niya at nagtungo sa cellphone repair shop. "Akala ko po ay hindi niyo na babalikan ang cellphone ipina-repair mo, Ma'am. Hindi na rin kita nagawang kontakin dahil nawala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 97

    "Gabriel Adamson! Ano ang ginagawa mo rito sa bahay ko?" galit na tanong ni Tyron kay Gabriel na sinagot naman ng huli ng isang malakas na suntok sa sikmura. Naluhod sa sahig si Tyron habang napapaubo. Ang mga tauhan naman nito ay agad na napatulog nina Harold kasama sina Tres, Dos, at Six.Nilapitan siya ni Gabriel at agad na kinalas ang pagkakatali niya sa gilid ng hagdan pagkatapos ay niyakap siya ng mahigpit. "I'm sorry. I'm almost late. I'm almost lost you again."Niyakap din niya ito ng mahigpit. Napaiyak siya dibdib nito ngunit hindi dahil sa takot kundi sa saya na nakita niya itong muli. Miss na miss na niya ito ngunit pinipigilan niya ang kanyang sarili na magpakita sa kanya. Gusto niya kapag muli siyang humarap kay Gabriel ay tapos na siya sa mga dapat niyang gawin."Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap kay Gabriel."It's Mr. Sanchez that told me you're going to come here to chase some dogs inside your house," nakangiting sagot nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 96

    Pag-alis ni Arielle sa bahay ni Gabriel ay nag-rent muna siya sa isang maliit na condo unit pagkatapos ay inayos niya ang kanyang mga papeles papuntang ibang bansa. Pinakilos niya ang kanyang pera at sa tulong ng kanyang Uncle Edgar ay agad na naayos ang kanyang passport pati na rin US visa. Pagkatapos ng halos isang buwan na paghihintay ay nakalipad siya patungong Amerika para ipabalik ang kanyang mukha sa pamamagitan ng plastic surgery.Sa isang sikat na plastic surgeon siya nagpa-opera ng kanyang mukha. Pagkalipas ng two weeks nang dumating siya sa America ay isinailalim siya sa isang operasyon. Apat na oras ang itinagal ng operasyon sa mukha niya. Nang magising siya ay nababalot na ng benda ang buo niyang mukha.At pagkatapos naman ng dalawang Linggo ay inalis na ng doktor ang benda sa kanyang mukha. Naiyak siya nang makitang naibalik na sa dati ang hitsura ng kanyang mukha. Kahit maliit na bakas ng malaking peklat sa kanyang mukha ay wala na kaya sobrang laki ng pasasalamat niya

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 95

    Nang magising si Arielle ay wala na sa tabi niya si Gabriel. Napangiti siya ng matamis nang maalala ang mainit nilang pagtatalik. Ngunit naglaho ang ngiti niya at napalitan ng pag-aalala dahil baka iniisip ni Gabriel na east to get siya dahil kakakilala pa lamang nila ay ibinigay na niya agad ang kanyang sarili sa kanya. Aaminin niya na ang tingin talaga niya kay Gabriel ay si Gun at hindi lang siya maalala nito. Matagal na silang magkakilala kaya naman hindi siya nagdalawang isip na ibigay ang kanyang sarili sa kanya sa pangalawang pagkakataon. Iniisip kais niya na iisang tao lamang silang dalawa. Huminga siya ng malalim at pilit na inalis sa kanyang isip ang pag-aalalang naramdaman niya. Bumangon siya sa kama at tiningnan ang oras sa wall clock. Alas kuwatro ng hapon pa lang pala. Akala niya ay gabi na pero hindi pa pala.Bumaba siya sa kama at nagtungo sa banyo para maligo. Hindi na siya nag-abala pang isuot ang mga nahubad niyang damit dahil mag-isa lang naman siya sa kanyang s

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 94

    Inamin ni Arielle ang buong katotohanan kay Gabriel tungkol sa itinatago niyang sekreto. Wala siyang itinago maliban sa part na nag-time travel siya papunta ssa nakalipas habang unconscious siya. Akala niya ay magagalit ito sa kanya dahil nagsinungaling siya sa kanya ngunit dumilim lamang ang mukha nito matapos malaman ang lahat at muli siyang kinarga papasok sa kanyang silid. "Don't move. Kukuha lang ako ng ice at gamot para hindi na masyadong mamaga at mawala ang kirot ng paa mo," sabi sa kanya ni Gabriel bago ito lumabas ng silid. Ilang minuto lamang itong nawala at pagbalik ay may dala na itong tray na may laman na isang basong tubig, gamot, at dalawang icepack. "Here. Take this medicine to reduce the pain."Para siyang masunuring bata na sinunod ang sinabi ni Gabriel sa kanya."Hindi mo ba ako palalayasin dahil nagsinungaling ako sa'yo, Boss?" hindi niya napigilang tanong matapos niyang inumin ang gamot.Mula sa paa niyang nilalapatan nito ng icepack ay umangat sa kanyang mukha

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 93

    Mabilis na tumakbo si Arielle papunta sa hagdan at habang tumatakbo siya ay isinisilid niya ang cellphone niya sa bulsa ng suot niyang pantalon."Bumalik ka, Arielle!" narinig niyang sigaw ni Tyron sa kanya. Hindi siya lumingon at dere-deretso lamang siyang tumakbo pababa. Ngunit sa malas ay biglang natapilok ang kanang paa niya noong nasa ikalimang baitang ng hagdan siya mula sa baba. Napasigaw siya nang gumulong siya pababa ng hagdan. Kahit na nasaktan siya sa pagkakahulog sa hagdan ay mabilis pa rin siyang tumayo. Ngunit bigla siyang napaupo dahil sumigid ang kirot sa kanang paa niya, iyong nadulas niyang paa. Nag-alala siya na baka malapit na sa kanya si Tyron kaya lumingon siya sa taas ng hagdan. Ngunit paglingon niya ay sinalubong siya ng malakas na sampal mula kay Tyron na nakalapit na pala sa kanya. Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kanya ay napaupo siya sa sahig."Akala mo ay makakatakas ka sa amin, Arielle? Nagkakamali ka. Dahil hindi namin hahayaan na makaalis ka dala ang

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 92

    Maagang nagising si Arielle nang umagang iyon kaya naligo na siya bago lumabas sa silid at bumaba sa sala. Akala niya ay nauna siyang nagising kay Gabriel ngunit hindi pala dahil nasa pangatlong baitang pataas na siya ng hagdan nang makita niyang prenteng nakaupo ang lalaki sa sala at nagbabasa ng diyaryo habang nagkakape. Paikot kasi ang hagdan sa bahay nito kaya hindi niya agad nakita na nakaupo ito sa sala.Dahan-dahan siyang umikot para bumalik sa itaas ngunit nakita na siya ni Gabriel at napakunot ang noo nito nang makitang balak niyang bumalik sa itaas."Did you forget something upstairs?" tanong ni Gabriel sa kanya. Bahagya siyang ngumiti at umiling. "Come here."Kinakabahang naglakad siya palapit kay Gabriel. Mabuti na lamang naglagay na siya ng concealer sa peklat niya bago siya bumaba kaya hindi na ulit nakita nito ang malaki at panget niyang peklat."Ano ba ang magiging trabaho ko, Boss?" tanong niya kay Gabriel nang makalapit siya sa harapan nito "Sit down," kausap nito

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 91

    Isinama si Arielle ni Gabriel sa napakalaki nitong bahay. Pagbaba niya sa kotse nito ay natuklasan niyang hindi lang pala si Harold na driver slash bodyguard nito ang palagi nitong kasama kundi may anim pang lalaking maskulado ang pangangatawan ang bumaba naman sa kotseng nakasunod pala sa kanila."Mga tauhan mo sila?" tanong niya kay Gabriel habang nakatingin sa anim na lalaking nakatayo lamang sa tabi ng kotse at tila hinihintay ang pagpasok ni Grabriel sa loob ng bahay."Kung gusto mong magtrabaho sa bahay ko ay huwag ka na lang marami pang tanong," sagot ni Gabriel sa kanya sa seryosong mukha bago ito naglakad papasok sa loob ng bahay."Ang sungit naman ng boss natin, Harold. Para nagtatanong lang naman ako, nagsungit na kaagad," naiiling na sabi niya sa driver ni Gabriel.Natawa naman si Harold nang marinig ang sinabi niya at maging ang anim na lalaking tauhan ni Gabriel ay hindi rin napigilan ang mapangiti. "Ganyan lang 'yan si Boss pero mabait 'yan at galante pa," nakangiting

  • THE BILLIONAIRE'S RESSURECTED WOMAN(FILIPINO )   Chapter 90

    Pangatlong araw ay binalikan ni Arielle ang cellphone ng mga magulang niya na dinala niya sa cellphone repair shop. Pag-alis niya ay hindi na niya kailangan pang i-check kung nasa bahay ba o wala ang mag-ina dahil magmula nang mangyari ang confrontation nila ay iniiwasan na siya ng dalawang babae. Mas pabor iyon sa kanya para makagalaw siya ng maayos. "Pasensiya na kung nagpunta ako sa shop mo kahit na hindi mo pa ako tinatawagan. Masyado lang akong anxious na malaman kung nagawa na ba ang mga cellphone o hindi pa," paumanhin ni Arielle sa may-ari ng repair shop. "Pasensiya na pero hindi ko pa naaayos ang cellphone mo, Ma'am. Tatawagan ko na lang po kayo kapag okay na," nahihiyang sagot ng may-ari ng shop sa kanya. Nakaramdam siya ng magkahalong lungkot at disappointment nang marinig niya ang sinabi ng lalaki. Wala siyang magagawa ngayon kundi ang maghintay kung kailan maaayos ang cellphone. At sana nga ay maayos iyon para naman makita niya kung ano ang mayroon sa loob ng cellp

DMCA.com Protection Status