After three weeks ay tuluyan nang gumaling ang mga sakit sa katawan na nararamdaman ni Arielle. Muling nanumbalik ang kanyang normal na lakas. "Malakas ka na ulit gaya ng kalabaw, Arielle. Dapat mas mag-doble ingat ka na ngayon para hindi na maulit pa ang nangyari sa'yo," paalala sa kanya ng kaibigan niyang doktor. Dinalaw siya nito para siguraduhin kung magaling na nga siya."I know, Kim. At iyan nga ang ginagawa ko ngayon. Ngunit mas panatag lamang ang kalooban ko dahil alam ko na may taong nagpoprotekta na sa akin," nakangiting sagot niya sa doktor."So ano ang status niyong dalawa ngayon?" biglang tanong ni Kim na ikinakakunot ng kanyang noo."Status? With whom?" Kim rolled her eyes. "Sino pa ba kundi ang tinutukoy ko kundi ikaw at ang guwapo mong bodyguard?" Binigyan siya nito ng nanunuksong tingin at bahagya pa nitong binangga ng mahina ang isa niyang braso."Crazy. Ano pa ba ang magiging status namin kundi boss-employee?" naiiling na sagot niya kay Kim. "Iyon lang?" may pang
Napatingin kay Arielle sina Tyron at Claire nang makita siyang naglalakad palapit sa kanila."Mabuti naman at nandito ka, Arielle. Sabihin mo nga sa dalawang guard na ito papasukin kami. Ayaw nila kaming papasukin sa loob," nakangiting kausap sa kanya ni Tyron. Kung kausapin siya nito ay parang walang nagbago sa relasyon nila. Ngunit biglang naglaho ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin nito si Gun sa kanyang likuran. "Bakit kasama mo ang lalaking iyan?" nakasimangot na sita nito sa kanya."He's my bodyguard, remember?" nakangiting sagot niya rito. "Now tell me what's the problem.""Itong mga tangang guwardiya ay pinipigilan kaming makapasok sa loob ng kompanya. Sisantehin mo nga ang dalawang iyan at ayokong makitang muli ang mga pagmumukha nila," galit na wika ni Claire, kung makapag-utos naman ito sa kanya ay parang nakatataas ito kaysa sa kanya. Ngunit hindi na lamang niya pinansin ang tono nito sa halip ay hinarap niya ang dalawang guard na karapat-dapat makatanggap ng loyalty
"Hi, Uncle Edgar," bati ni Arielle nang pumasok sa loob ng opisina niya ang isa sa iilang taong pinagkakatiwalaan niya sa mundo."I heard na mas lalo mo pa raw ipinahiya sina Tyron at Claire sa labas ng building," natatawang sabi nito pagkapasok sa loob ng opisina. "Bagay lang iyon sa kanila, Uncle Edgar. Kung tutuusin ay maliit na bagay lamang ang ginawa ko kumpara sa ginawa nila sa kompanya," may inis sa boses na sagot niya sa kanya. "At alam mo ba na pinaandar nila ang kayabangan nila sa harapan ng dalawang guwardiya? Mabuti na lamang at hindi natinag ang mga guard sa kanila," dugtong pa niya."Sa tingin ko ay hindi papayag ang dalawang iyon na walang gawin para makaganti sa pagkakaalis nila sa trabaho. Kaya mag-iingat ka palagi, Arielle," babala nito sa kanya."You're right, Uncle Edgar. Hindi nga sila ang tipo na basta na lamang mananahimik sa isang tabi. Ngunit sa tingin ko po ay dapat din kayong mag-ingat. Sa pagkakaalam nila ay ikaw talaga ang nagtanggal sa kanila sa trabah
"What's happening here? Bakit hindi kayo tumawag ng guwardiya para paalisin ang mga taong iyan na nag-eeskandalo sa loob ng aking kompanya?" tanong niya sa dalawang employee na siyang kumakausap kina Cynthia at Lucy."Ma'am Arielle! Mabuti po at nandito na kayo." Tila nakahinga ng maluwag ang dalawang empleyado niya nang makita nakabalik na siya mula sa kanyang lunch sa labas.Nang makita naman siya nina Cynthia at Lucy ay agad siyang sinugod ngunit hindi siya nagawang lapitan ng dalawa dahil maagap na naharangan sila ng katawan ni Gun."Anong karapatan mo na tanggalin sa trabaho ang anak ko?" galit na sigaw sa kanya ni Cynthia. Sa lakas ng boses nito ay hindi lamang sampung tao ang nakatingin sa kanila."I'm the owner of the company, remember? Kaya nasa akin ang lahat ng karapatan na tanggalin sa trabaho ang kahit sino na gusto kong tanggalin," nakataas ang kilay na sagot niya sa kanya. "But sad to say, hindi ako ang nagtanggal sa kanila sa trabaho kundi si Uncle Edgar.""Dahil ikaw
Mabigat ang mga hakbang na pumasok si Arielle sa loob ng bahay niya at kasunod si Gun na seryoso naman ang mukha."Good evening, Ma'am Arielle. Ready ko na po ba ang dinner?" nakangiting tanong sa kanya ni Emma nang makasalubong niya ito sa sala.Wala siya sa mood kaya hindi niya sinagot ang tanong ng maid niya. Nagtatakang sinundan na lamang siya ng tingin nito habang umaakyat siya sa hagdan."Anong nangyari kay Ma'am Arielle? May LQ na naman ba sila ni Gun?" narinig niya na tanong ni Laura kay Emma. Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdan kaya niya narinig ang sinabing iyon ni Laura. Huminto siya sa pag-akyat at nilingon ang dalawang."Bodyguard ko lamang si Gun at never kaming magkakaroon ng relasyon kayo hindi mangyayari ang LQ na sinasabi ninyo, okay?" pinandilatan niya ang dalawang na parehong natahimik. Si Gun naman ay nakita niyang nakatayo malapit sa dalawang maid at nakatingin din sa kanya. Ngunit blangko pa rin ang mukha nito kaya hindi niya alam kung ano ang nasa isip n
Habang kumakain sila ng breakfast ay walang kibuan sina Arielle at Gun sa harapan ng mesa. Nakaramdam tuloy ng pagkailang ang dalawang maid kaya mabilis na natapos kumain ang dalawa. Naiwan sina Arielle at Gun na parehong nagpapakiramdaman. Si Gun ang unang hindi nakatiis na huwag kibuin si Arielle kaya siya na ang nagpakumbaba."Look, Arielle. I'm sorry sa mga sinabi ko sa'yo kahapon. I am just worried about your safety," ani Gun matapos humugot ng malalim na buntong-hininga.Napatingin naman sa mukha ni Gun si Arielle. Ramdam niya ang sinseridad sa boses nito kaya hindi na siya nagmatigas pa. Isa pa, hindi magandang tingnan na hindi sila nagkikibuan gayong nasa iisang bahay lamang sil at palagi pa silang magkasama. Hindi lamang sila ang naaapektuhan kundi maging ang mga taong nakapalibot sa kanila."I'm sorry too. Naging sensitive ako, siguro dahil name-menopause na ako," biro niya para gumaan ang paligid. Wala rin naman siyang dahilan na puwede niyang sabihin kay Gun kung bakit big
Kakagising lang ni Arielle nang makatanggap siya ng panic call mula sa kanyang secretary na si Mely. Ipinaalam sa kanya ng kanyang secretary na lahat ng shareholder ay nasa meeting room at may emergency meeting na nagaganap. Nasa loob din ng meeting room sina Tyron at Claire. Gusto ng board na gawing CEO si Tyron at si Claire ang Bise presidente.Hindi alam ni Mely ang gagawin, kaya agad niyang tinawagan si Arielle para ipaalam sa kanya ang nangyayari sa kanilang kompanya. Sinabi rin ni Mely sa kanya na hindi siya pinapayagang pumasok sa meeting para makinig sa kanilang usapan.Nang marinig ni Arielle ang balita, hindi na siya nag abala na maligo at mabilis na nagbihis ng kanyang damit pang-opisina at saka agad na tinawagan si Gun kung handa na ba itong umalis. Buti na lang at laging early riser si Gun at nakaligo na kaya agad silang umalis paglabas ni Arielle sa kanyang kwarto."Ano ba ang dahilan at nagmamadali kang makapasok sa opisina, Arielle? Hindi ka pa nga nag aalmusal o nali
"Arielle! Stop humiliating the board members! You should respect what decision they made," hindi nakatiis na saway ni Tyron sa kanya."Stop humiliating them? Respect their decision? Am I fool in your eyes, Tyron?" Binigyan niya ng nakakainsultong tawa ang kanyang ex-boyfriend. "I can see that your face is much thicker than those members of the board who were trying to place you in a sit that doesn't fit on you, Tyron."Biglang namula ang mukha ni Tyron sa galit at tumalim ang tingin nito sa kanya. "It's their decision and nit mine, Arielle. Sa loob ng ilang taon na pagiging CEO mo ay sa akin ka rin umasa. Kaya hindi mo sila masisisi kung mas piliin nila na ako ang maging CEO kaysa sa'yo," mariin ang boses na sagot ni Tyron at may halong pang-iinsulto sa tono ng pagsasalita nito."Tyron was right, Arielle. Sa kanya ka pa rin tumatakbo pagdating s amga decision sa kompanya kahit na ikaw ang CEO. At saka mas mapapabuti ang kompanya kapag si Tyron ang naging CEO," sabat naman ni Claire na