LYNDON POV: At ang titig nito, para akong nalulunod sa ilang segundong pagtitig—ginagayuma ako.Nagsimulang bumayo nang malakas ang puso ko na halos wala na akong ibang naririnig.Ano bang…?Ito ba ang love at first sight na sinasabi nila?Nangatog ang tuhod ko sa sumunod na segundo kaya ang babae na ang umangat mula sa akin at tinitigan din ako ng derekta.“Hi, Summer ang pangalan ko, puede ba akong magtanong?”Lumunok siya, nagpunas ng mga kamay sa maiksing palda at umatras ng isang hakbang palayo sa akin.Kumurap ako. Kinakausap ang sarili ko: Mind your own business, man. You’re here to find a company. Don’t stare at her! Umalis ka na sa harapan niya!Ano ngayon kung siya ang pinakamagandang babae na nakita mo sa balat ng lupa? Papatol ka ba sa may mumurahing make up at may mga basurang suot na alahas at nakasabay mo lang sa mumurahing lugar?Pasok ba ito sa qualification ko bilang pampalipas ng oras? Ano na lang ang sasabihin ng mga flings ko na prominenteng mga tao at kilala s
LYNDON POV: Naglabas ako ng 1000 at agad ko ditong iniabot. Nagsenyas ito sa mga kasamahan, natutuwa, iwinawagayway ang hawak na tip, parang bata.Tumaas ng sulok ng labi ko. Mga tao nga naman. Pare-pareho—-sa kaunting pera, bigla akong naging Dios.Madali talagang mapansin ng kahit sino kapag signature clothes ang suot. Mamahalin pa ang aking relo. Kahit sino, yuyuko at biglang babait, hahalik pa nga sa Oxford shoes ko dahil alam nilang may pera ako.Pwe!Mga walang kuwenta.Nilingon ko uli ang bouncer na kumaway pa, nagbigay galang, sumaludo bago ako humalo sa dilim at sa maraming tao.Masakit sa ilong ang amoy ng lugar na halos nasa 300 square meters ang kabuuan ng main floor. Naghalo-halo na ang mumurahing pabango, amoy ng alak at usok ng sigarilyo at pawis ng mga tao. Kung hindi dahil sa magandang babae na yon, aatras na talaga ako at uuwi na lang sa condo.Isa pa, kung narito ang lolo ko, sasabunin na naman ako. Sisigaw na naman yon at sasabihing gaya ng mga daliri sa kamay at
SUMMER POV:Big Boss?Baka alam niya kung nasaan si Jojo!Magsabi daw lagi ng totoo, sabi ng tatay ko. Dahil walang sigalot o gulo na hindi nadadaan sa mabuting usapan. “Hindi po ako nagtatrabaho dito. Hindi ako GRO. Hinahanap ko lang ang kapatid ko. Si Jojo.”Nagkatinginan si Gold Teeth at ang isa pang kasama nito na nasa likod nito, iba pa sa tatlong lalaking nakapalibot sa akin.Nagtawanan silang dalawa. Tapos nakisali na yong tatlo pa.Naku, gusto ko nang lumipad papunta sa pinto, pero ang mga paa ko parang nakatapak sa ibabaw ng kutsilyo. Natutumba ako. Hindi ako makagalaw, makatakbo pa kaya?Help!“L-Lalabas na lang ako,” bulong ko, nauutal, sumusuko. Iniisip kong maawa naman siguro sila sa akin dahil maamo pa sa puppy na basa sa gitna ng ulan ang mga mata ko.Humarap ako sa kanilang lahat, nagpapaawa at nanginginig ang baba.Malalaman ko kung nagsinungaling ang kapitbahay ko sa probinsya!Pretty eyes muna, baby Summer!“Lalabas? Ganon na lang ba yon?” Humahakbang na palapit sa
SUMMER POV: “Pero sir, hindi po ako babaing—”….kaladkarin.“I’m here to bed a woman.” Singhal niya. “At hindi barya lang ang pinakawalan ko dahil sa ‘yo. 21 thousand pesos yon! Kung hindi mo kayang bayaran ngayon din, ibabalik kita sa loob!”Talaga ba?Over my very delicious body!“Wala kang puso! Isa kang mapagsamantala!” Tinatagan ko ang binti ko at ipinadyak ko gaya ng batang nagrerebelde sa ama. “Sa halagang 21 thousand pesos, tatakutin mo ako nang ganyan? Wala ka bang kapatid na babae? Hindi mo ba nirerespeto ang iyong ina? Anong sasabihin sa yo ng mga abuelas mo ganyang wala kang words of wisdom na nakuha sa mga sinabi nila!”Lumabas ang lalaki ng kotse, galit din. Tumungo sa akin na parang kakainin ako nang buhay.“Bakit naman nadamay na ang ibang tao sa pagitan natin? Siraulo ka ba? It was only between us!”“There’s no us!” Narinig ko lang yon sa movie lines! “Ano ka sinuswerte?”Alam kong maganda ako, nakulele na nga ang tenga ko. At kasakdalang magpakasal ako sa matandang
SUMMER POV: “Kid?” Hinablot niya ako sa magkabilang balikat mula sa pagkakaluhod, sabay kaming tumayo na hindi niya napansin sa tindi ng kanyang galit na ako na lang ang saklay niya para magawa yon. “I’m not a kid anymore! In fact, I can fuck you senseless—all night— hanggang magsisi ka na nakilala mo ako!” Nag shower sa mukha ko ang laway niya na mabuti na lang at mabango kaya hindi ko na itinikom ang bibig ko. Umangat ako sa lupa nang dumiin pang lalo ang mga daliri niya sa puno ng braso ko na halos mapadaing ako. Nasasaktan ako! “Gagapang ka mula sa kama ko at magmamakaawa ka sa miserable mong buhay na nagtagpo ang landas natin sa mundong ito! Sinisiguro ko sa yo yan!”Natutop ko ang bibig ko kahit halos nakaangat ako sa ere, nakatingkayad dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat. “A-ang…ang bastos….po ninyo…Sir!” Bigla akong naiyak, naawa ako sa sarili ko.Senseless? Hindi ba pakikipagtalik yon na gaya ng hayop na hindi nag iisip?Bakit naman ganon?Personal at priba
SUMMER POV:“SAGUTIN mo: tagasaan ka?” Tinikman ni Lyndon ang alak bago nagtanong sa akin, pinagmamasdan akong mabuti sa ibabaw ng rim ng wine glass niya. Habang ako, nakatayo pa rin malapit sa front door, nagmamasid sa loob ng condo niya.Marami rin akong nakitang mas grandiosa pa sa bahay niya dahil sa bestfriend kong si Helga. Gusto nitong maging writer kaya naman sangkaterba ang magasin at libro sa bahay nito. At dahil walang internet, kahit balutan ng tinapa, pinapatos nito.Sa mga magasin nito, nakita ko ang bahay sa ‘merika na worth 200 million dollars at higit pa.Yong tipong may helipad sa rooftop at parang diamante na ang mga kagamitan sa bahay, kumikinang lahat sa mata. Ang bahay ni Pogi, bubulaga sa ‘yo ang malaking sala na may malaking seating area. Home office na salamin ang dingding sa unahan at may isang saradong silid sa kaliwa.Maraming built-in cabinets, minimalism style. At prominente ang puti at itim na kulay sa kabuuan.Walang guestroom para sa bisita.Mas maram
SUMMER POV: “Sorry, hindi ko ma-gets.”“Kausapin mo lang ako gaya ng ginagawa mo.” Halos magkadikit na ang mga katawan namin. At konti na lang lalapat na ako sa dahon ng pintuan. Naku, Sir! “I think I can change. Malaking bagay na may makakausap akong iba ang point of view sa buhay.”Compliment ba yon o insulto?“Hindi ko pa rin maintindihan.” Sinikap kong maging matatag ang mga binti ko. Tiningala ko siya. “Wala ba kayong girlfriend sa guwapo ninyong yan? Mayaman ka pa. Nasa ‘yo na ang lahat, sabi nga ni Daniel Padilla.” Kailangan kong magpatawa. Ang mga mata niya nagbago na naman. Parang…nagnanasa? Nakatitig siya sa labi ko, lumunok. At bumaba sa delicious cleavage ko, naglalaway. Nakupo! “Baka makaabala lang ako sa inyo, Sir. Ayokong maging pabigat kahit kanino.” Quota na ako. Todo na ang lakas ko. Kung di siya titigil sa pagtitig sa akin, baka malusaw na ako na gaya ng ice cream kahit wala namang sikat dito ng araw. Naku, Summer! Run!“Are you talking to a kid?” Kumukumpas na
LYNDON POV:NABABALIW na yata ako. Inuusig ako ng isip ko dahil hindi ako ng lalaking basta na lang naghahabol sa babae. Oo, meron. Pero socialite, sex goddess, pinag aagawan, mayaman at matalino pero sumama at nagpakasal sa lalaking may mas makapal na fortpolio kaysa sa akin–si Tatiana Lagdameo.At kung nakikita lang nito ngayon si Summer, pagtatawanan ako. Ugali na ng babaing yon na inusultuhin ang sinomang bago na pumapasok sa buhay ko. Bored yata sa pinakasalan kaya ayaw akong patahimikin.Have I lost my mind?Nakakatawa talaga dahil parang ako pa ang naghabol kay Summer gayong sinaktan niya ako ilang beses at muntik pa akong mapa away dahil sa kanya sa loob ng mumurahing bar.At sinong nagsabi na kailangan ko ng kausap? Saan yon galing?To hell with someone’s point of view!Isa lang ang patakaran ko sa buhay: kung hindi pagkakaperahan, hindi dapat pag aksayahan ng panahon.Halata naman. North pole siya at South pole ako. At hindi ba sabi ng marami, nagkakatuluyan daw kapag sobr
SUMMER POV: Mula sa itaas at pababa, hinagod niya ako ng kanyang dila at walang pasabi na umulos iyon sa masikip na butas ng pagkababae ko. Isa, dalawa, tatlo, tapos ay iniwan niya yon at sinipsip ang clit ko.God!Umarko ang katawan ko sa papag at hiningal ako nang malakas. Ang pakiramdam ng dila niya sa laman ko ay malaking kalabisan. Matindi pa sa init ng apoy na dumidikit sa aking laman. Masyadong karnal at makasalanan.Inulit niya uli iyon, ilang beses pa at naramdaman kong bayolenteng nangangatal ang loob ng pagkababae ko. Umuuga ang malakas na puwersa sa loob ko na natatakot ako kung paano yon pakakawalan.“Amp,” ungol ko, kinakagat ko ang damit ko. “Tama na, natatakot ako..." bulong ko sa hangin. Naliligo ako sa pawis at hindi ko alam ang aking.gagawin.Bumibiling ang ulo ko sa kanan at kaliwa, nakapikit nang mariin.Bigla siyang umangat sa akin at kaharap ko na agad siya hindi pa ako nagmumulat ng mata. Hinalikan niya ako sa bibig, mapusok at tila doon bumabawi sa kung ano
SUMMER POV: Kita ninyo na? Ganyan katinik ang bestfriend ko.Bigla itong huminto sa paglalakad. “Hindi na ako sasama sa inyo,” deklara nito. “Hindi ako makikipagplastikan sa mga taong kagaya niya. Linawin mo agad kung ano ang pakay niya sa parteng ito ng kabundukan. Dahil maliban sa gusto ka niyang lahian wala na akong nararamdamang maganda sa agenda niya. Isa siyang masamang espirito na nagkatawang-lupa!”At lahat ng yon, naririnig ni Lyndon. Pumihit siya at tiningnan ang bestfriend ko. Nakipagmatigasan ng titig. Binalikan ako sa layong dalawang dipa at hinatak ako sa kamay nang malakas padikit sa kanya.“Puede kang maglatag ng suggestions, pero sa huli siya pa rin ang magdedesisyon kung gusto niyang malahian ko.”“Aba’t!”Dumipa na ako sa pagitan nila. “Huwag kayong mag away,” una kong hinarap si Lyndon. “Higit pa siya sa isang kapatid para sa akin. Kaya sana huwag mo siyang patulan.” Tapos si Helga, na hinawakan ko sa kamay. “Beastie, nagkape ka na naman ba? Chillax, muna ha? Hind
Dala ko ang dulos o itak na walang talim.“Saan ka pupunta?”“Maghahanap ako ng herbs na madadala sa lola ng bestfriend ko.”“Herbs?”“Halamang gamot,” sabi ko. “Dito kasi sa amin, bihira ang may pera para makabili ng over the counter drugs. Umaasa lang ang marami sa herbs. At ang lola ni Helga, ang bestfriend ko ang may pinakamalawak na taniman ng mga yon. Ayaw ni lola ng mga pasalubong na hindi naman niya makakain kaya ito ang naisip ko.”“Kailangan mo ba talagang gawin yan?”“Ang ano?”“Na mag abala pa sa mga bagay na walang kinalaman sa yo?”“Paanong wala?” Naguguluhan ako sa mentality niya. “No man is an island. Magkaka-konekta ang lahat ng may buhay sa mundo. Bakit,” tinitigan ko siya, “yong ganitong bagay, hindi mo pa nagawa sa iba?”Nagkamot siya sa batok. “Hindi pa, eh.”“Gusto mo bang malaman ang pakiramdam nang nagagawa mong magbigay ng maliliit na kabutihan para sa iba?”“Hindi…” napangiwi ako nagsisimula pa lang siyang magsalita. Biglang kambiyo nang makitang nadidismaya
SUMMER POV:Hindi ba pinatulog ni Lyndon ang mga taong inutusan niya?.Paano niya ito nagagawa? Apo ba siya ng Presidente ng Pilipinas?Ano kaya ang urgent mission niya ngayon sa buhay?Bakit para siyang nagmamadali?Naalala ko ang sabi ng tatay ko sa loob ng munti. “Summer, sigurado ka ba na mabuting tao ang tumutulong sa yo? Tandaan mong lahat ng pabor ay may kapalit. Ayokong magsinungaling ka sa akin, sigurado ka ba na kilalang-kilala mo ang kaibigan mong ito?”Hinawakan ko ang kamay ng tatay ko at tumitig ako sa mga mata niya: “Nakasama ko na rin po siya sa iisang bubong. Ilang araw na rin,” pero hindi ko kayang sabihin na nasa bahay na rin namin si Lyndon. “Kung sakali naman po na gusto niya akong singilin, ibebenta ko ang rights ng bahay at lupa, makalaya lang po kayo. Hindi na mahalaga kung mangupahan tayo, basta mailabas ko kayo diyan.”“Sabi ng abogadong dumalaw sa akin kanina, ililipat agad ako sa provincial jail. Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito? Mabigat ang kas
SUMMER POV: “Paano nila malalaman ang address?”“Itatawag ko bukas sa secretary ko.”“Sasama ka?”“Hindi, may gagawin ako.”“Dito?”“Magsisibak ng kahoy at mag iigib ng tubig.” Kakaiba ang kintab ng mata niya. “Seryoso ka ba?”“Ngayon lang ako nagseryoso nang ganito katindi sa buong buhay ko.” Nakatitig lang kami sa isa’t-isa. “At para lang malaman mo, ako ang tipo ng lalaking hindi nagpipigil pagdating sa sex. I’m sexually active, sweetheart. Pero para sa yo, maghihintay ako.” Pumisil sa abs niya ang mahahabang daliri at nanatili sa parteng mas mababa.Sa pectoral.Namula ako.Sweetheart na raw, agad-agad?“Aw!” Napaso tuloy ako sa segundong hulab ng init ng apoy mula sa mahabang kahoy.Mabilis siyang nakalapit sa akin at hayon na naman, hinihila ako padikit sa kanya ng kakaibang kapangyarihan at hinipan niya ang daliri ko.Napalunok ako. At natiyak kong kahit alam niya na apektado ako sa pagkakalapit namin, siya na ang umiiwas.“Masakit ba?”Ikiniskis ko sa palda ko ang kamay ko
SUMMER POV: “H-hindi ako puedeng humigit pa dito,” idinikit ni Lyndon ang noo sa noo ko, ang dalawang kamay, ikinulong ang mukha ko para siya ang masunod kung gaano ako kalapit o kalayo depende sa natitirang kontrol niya sa sarili. “Masyado akong…baliw sa yo. Marami akong gustong gawin na hindi dapat. Alam mo rin yon, hindi ba?” May bahid ng pagkaganid ang mga daliring bumabaon sa aking mga pisngi.Nagnanasa.Isa siyang matinding nit na buhay na buhay gaya ng apoy na patuloy pang lumalaki at kami lang ang nakakakita.Nakakatakot. At ayokong masunog.Nagbuntong-hininga ako. Wala akong kayang sabihin kundi: “Salamat kanina,” lumayo na ako sa kanya, umaatras. “Karapat-dapat ka sa una kong halik.”Para siyang sinilaban sa huling sinabi ko, kinabig uli ako sa batok. At hindi ko uli natanggihan. Hinapit na niya ako sa bewang at naging mapusok pa ang halik na yon. Nakakulong ako sa mga braso niya at para akong bata sa loob ng makapangyarihan niyang bulto, nagpaparaya. Kinuyumos niya ng ha
SUMMER POV:Kapag mahirap ka, kikilos ka agad base sa responsibilidad kahit ano pa ang sitwasyon. Yong kahit may delubyong naganap, gagawin mo ang dapat gawin.At ang ano mang masakit, itatago mo lang sa sulok ng iyong isip at hahakbang ka uli para magpatuloy.“Sa dami ng karneng yan, huwag ka nang magsaing,” si Lyndon, isa-isang inilalabas sa sako ang mga dala namin. Okay na rin siya at mas kalmado na. Grocery, toiletries at ilang pirasong personal niyang gamit ang nasulyapan kong ipinapatas niya.At wala nga pala siyang dalang damit.Puede na yong kay Jojo.“Kaya mong walang kanin?” Sabi ko, nahihiya akong titigan siya. Napasuong siya sa gulo dahil sa akin.Binuksan niya ang dalawang beer na hindi malamig, tinungga na agad ang isa. Malayo ang tingin sa labas bago sa akin tumingin.Ano ang iniisip niya?“Halika,” hinatak niya ako sa kamay at hindi ako nakatanggi. May utang na loob na naman ako sa kanya laban sa isa na namang rapist. Paano na lang ako kung wala siya? Naupo siya sa pap
SUMMER POV:Ipagtabuyan ba si Lyndon Santiago? Wala pang gumawa no’n na nabuhay sa ibabaw ng lupa!“Nope,” hinga ko, marahas. Naliligo na naman ako sa pawis. Bahala na ang mga pesteng lamok kung gusto akong salinan ng Malaria. “Easy peasy lang ito. Lahat ng niyog na ito.” At sa wakas, kumagat ng tama ang talim ng itak. “Thanks, God! Success!” Sigaw ko.Wagi.“Sir,” ang tinig na mas nag aalala sa akin na para bang sa paningin niya ay nasisiraan na ako ng bait.“Lyndon Santiago, hindi ka ba nakakaintindi!” Nakatingala na agad ako sa kanya. Pero napalunok ako uli. Shit, ang labi niya ang tanging may kulay sa buo kong mundo hindi lang sa paligid. Parang namamaga ang mga yon sa mapusok na halik. At kung hindi yon magiging akin, sigurado akong masisiraan ako ng bait.Shit. Ano bang kalintikan ang tumama sa akin?Lasing ba si Kupido?Hinarap ko na uli ang niyog. Tinaga ko nang mas mabilis o mas tamang sabihin na tinadtad ko na ng literal. Pumapatak sa lupa ang mga pawis ko, sunod-sunod at
SUMMER POV:“Baka manibago ka sa tubig na ininom mo,” sabi ko nang makababa na uli ako. “Pakukuluan ko ang isang takure at igagawa kita ng kapeng barako.” Hindi ko alam kung dala ng kahihiyan na nakikita ako ng isang mayamang lalaki sa miserable kong kalagayan kaya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at naawa sa sarili ko.Wala na yata akong dangal at dignidad na maipagmamalaki kay Lyndon Santiago.“W-What’s wrong? Bakit umiiyak ka?” Bigla siyang nataranta. Umangat sa pagkakaupo sa papag, sa sulok kung saan may haligi sa ilalim para sa bigat niya.Halos hindi mapigilan ang sarili na hawakan ako.Umiling ako. “Hindi,” singhot, pahid ng luha, sabay ngiti. Ayaw ng bestfriend ko ng madrama, nananakal yon. “Naalala ko lang ang dati naming pamumuhay dito noong buo pa ang pamilya ko at sagana kami sa lahat kahit nakatira kami sa kubo.” Inilibot ko sa paligid ang paningin ko.Maayos kami noon at maingay sa bahay na ito. Ang alaga namin, napakarami at may taniman pa ng gulay sa paligid.At