SUMMER POV:
“Kid?” Hinablot niya ako sa magkabilang balikat mula sa pagkakaluhod, sabay kaming tumayo na hindi niya napansin sa tindi ng kanyang galit na ako na lang ang saklay niya para magawa yon. “I’m not a kid anymore! In fact, I can fuck you senseless—all night— hanggang magsisi ka na nakilala mo ako!” Nag shower sa mukha ko ang laway niya na mabuti na lang at mabango kaya hindi ko na itinikom ang bibig ko. Umangat ako sa lupa nang dumiin pang lalo ang mga daliri niya sa puno ng braso ko na halos mapadaing ako. Nasasaktan ako! “Gagapang ka mula sa kama ko at magmamakaawa ka sa miserable mong buhay na nagtagpo ang landas natin sa mundong ito! Sinisiguro ko sa yo yan!” Natutop ko ang bibig ko kahit halos nakaangat ako sa ere, nakatingkayad dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat. “A-ang…ang bastos….po ninyo…Sir!” Bigla akong naiyak, naawa ako sa sarili ko. Senseless? Hindi ba pakikipagtalik yon na gaya ng hayop na hindi nag iisip? Bakit naman ganon? Personal at pribado ang sex. Pinaghahandaan. Dapat may consent. At kasal muna dahil masama daw yon sabi ng tatay ko. Ito nga tatlong taong nanligaw sa mama ko at sa angkan ng mama ko bago pinayagang pakasalan ang huli. Tapos ako na anak, aangkinin lang sa paraang hindi makatao. Kanina, muntik na akong ma-gang rape. Ngayon naman, ang lalaking ito ganon ang iniisip. Sorry, tay, uuwi na lang ako sa atin. At ipapanalangin ko na lang si Jojo araw-araw. Suminghap ako, umiiyak. Tuloy nagkatitigan kami at parang nagsisi siya sa mga sinabi niya sa akin. Bakit hindi, kinakagat ko na pala ang mga kamay ko at kinakain ko na ang mga kuko ko. Sabay. Pinakawalan niya ako, sumuray, umaatras. “Sorry, hindi ko sinasadya.” Bulong niya, sinabunutan ang sarili. “I think I don’t need a doctor. Tulungan mo na lang akong makauwi kasi…naninigas ang mga paa ko.” Mahabang katahimikan ang dumaan. “Can you drive?” Inihagis agad niya sa akin ang susi na dinukot mula sa coat niya. Hindi pa man ako pumapayag. Pinahid ko ang mga luha ko. “Hindi ko alam kung kaya ko pa kasi matagal na akong nakahawak ng manibela at sa kamag anak namin yon.” Pinulot ko na ang pouch at ang wallet, dahil nasa paanan na pala namin yon. Nanlaki ang butas ng ilong niya, nakatitig na naman sa akin, hindi makapaniwala. “At your age, wala ka pang driver's license? Lintik. Saang planeta ka ba galing?” Nabigla na naman ako, napa atras sa tindi ng galit niya. “Then, move your fucking ass and call a taxi!” Naka-angat na agad ang kamay niya, nakaturo sa kalsada. Parang katana na humiwa sa hangin. Bakit ganito ang mood niya? From zero to 100. May sayad ba siya at bagong labas sa pulang bubong sa Mandaluyong? Hindi ako tuminag. “Ang turo ng tatay ko, huwag akong magpapa-api kahit na kanino. Kaya nga kahit nakulong siya nang walang sapat na ibidensya, nagtitiis siya sa kulungan. Ayaw daw niyang utos-utusan lang ako ng kung sino-sino at sigawan na parang hayop. Itaboy na parang langaw. At tratuhing mababang klase ng tao.” Dinuro ko siya nang malaman niya ang pakiramdam ng binabastos. “Kaya ikaw, sino ka ba, ha? Sino ka sa akala mo! Bakit napakasama ng ugali mo! Wala bang taong nagmahal sa yo!” Nagmura uli siya, sunod-sunod. Malulutong pa sa bagong lutong chicharon. Kahit walang sawsawan, kikita ka at magiging milyonaryo. Diyos ko, ayoko sa kanya. Tinalikuran ko siya uli pero nakiusap siya. “Okay, come here, alalayan mo na lang ako. Ako na ang tatawag ng taxi.” Ipinako ko ang sarili ko sa kinatatayuan ko. “Say please. O kung ayaw mo, lalayasan kita. O puede kang tumawag ng bouncers na kanina pa sa atin, nakatingin.” Humakbang na uli ako. “You little bitch!” Paika-ika siyang humabol sa akin. “Sino ka para pagsalitaan ako ng ganyan, ha? Huwag mo akong iwan–you idiot!” Nagmadali akong lumapit sa kanya pero hindi para tumulong. Napuno ako sa sobrang kapal ng nasalo nitong kayabangan sa ibabaw ng lupa. Sorry na lang dahil kahit iniligtas niya ako kanina—wala pa rin siyang karapatang tawagin akong bitch at idiot. Sinipa ko siya sa lulod, sa binti niya na hindi masakit. Dalawang beses. Natumba siya sa semento, dalawang kamay ang ginagamit para hilutin ang parteng sinipa ko. Ngayon ay dalawang binti na niya ang masakit. Tumawa ang mga bouncers sa entrance doon na kanila pa pala nanonood sa amin. Akala siguro, mag jowa sila na kanina pa hindi magkasundo. Nagkabuhol-buhol ang hininga ng lalaki sa tindi ng galit sa akin. “I’ll sue you! I promise! I’ll make you pay for this! Nasa akin ang ID mo magaling na babae! Hahanapin kita kahit saang sulok ng mundo!” Binalikan ko siya uli. Hinablot ko ang mga IDs ko na nasabit sa cord, nakaikot sa kanyang kamay. “Ito ba ang ipinapanakot mo?” Nanggigil na rin talaga ako. “Now you see it,” inilapit ko sa mukha niya ang bagay na yon, saka ko ibinulsa sa back pocket ng mini skirt. “Now you don’t.” Nagmartsa na uli ako sa kalsada palayo, naghahandang tumawid sa kabila. “Please…please…huwag mo akong iwan…” Napahinto ako sa paghakbang sa ikalawang pagkatataon. Nanaig uli ang dalawang bagay sa akin: utang na loob at utang na pera. Naalala ko rin ang sabi ng tatay kong si David: Huwag maging maramot sa iba lalo na kung oras lang ang kailangan ng ating kapwa. Hindi raw tayo nabubuhay para sa sarili lang. “Hindi mo na ako mumurahin at pagsasalitaan ng masama?” Ilang dipa ang layo ko sa kanya. “Yes. I promise not to do that…ever again.” “Hindi mo na ako sisigawan?” Lumapit ako, isang hakbang. “Yes, please. Just help me right away. My legs were killing me. Hindi ako makakauwi.” “Paano kapag inulit mo pa yon, ano ang magiging kapalit?” “Anything. Name it and I will give you anything under my power.” Humakbang ako para alalayan siya. “Saan ka nakatira, Mr. Cuss Lover?”SUMMER POV:“SAGUTIN mo: tagasaan ka?” Tinikman ni Lyndon ang alak bago nagtanong sa akin, pinagmamasdan akong mabuti sa ibabaw ng rim ng wine glass niya. Habang ako, nakatayo pa rin malapit sa front door, nagmamasid sa loob ng condo niya.Marami rin akong nakitang mas grandiosa pa sa bahay niya dahil sa bestfriend kong si Helga. Gusto nitong maging writer kaya naman sangkaterba ang magasin at libro sa bahay nito. At dahil walang internet, kahit balutan ng tinapa, pinapatos nito.Sa mga magasin nito, nakita ko ang bahay sa ‘merika na worth 200 million dollars at higit pa.Yong tipong may helipad sa rooftop at parang diamante na ang mga kagamitan sa bahay, kumikinang lahat sa mata. Ang bahay ni Pogi, bubulaga sa ‘yo ang malaking sala na may malaking seating area. Home office na salamin ang dingding sa unahan at may isang saradong silid sa kaliwa.Maraming built-in cabinets, minimalism style. At prominente ang puti at itim na kulay sa kabuuan.Walang guestroom para sa bisita.Mas maram
SUMMER POV: “Sorry, hindi ko ma-gets.”“Kausapin mo lang ako gaya ng ginagawa mo.” Halos magkadikit na ang mga katawan namin. At konti na lang lalapat na ako sa dahon ng pintuan. Naku, Sir! “I think I can change. Malaking bagay na may makakausap akong iba ang point of view sa buhay.”Compliment ba yon o insulto?“Hindi ko pa rin maintindihan.” Sinikap kong maging matatag ang mga binti ko. Tiningala ko siya. “Wala ba kayong girlfriend sa guwapo ninyong yan? Mayaman ka pa. Nasa ‘yo na ang lahat, sabi nga ni Daniel Padilla.” Kailangan kong magpatawa. Ang mga mata niya nagbago na naman. Parang…nagnanasa? Nakatitig siya sa labi ko, lumunok. At bumaba sa delicious cleavage ko, naglalaway. Nakupo! “Baka makaabala lang ako sa inyo, Sir. Ayokong maging pabigat kahit kanino.” Quota na ako. Todo na ang lakas ko. Kung di siya titigil sa pagtitig sa akin, baka malusaw na ako na gaya ng ice cream kahit wala namang sikat dito ng araw. Naku, Summer! Run!“Are you talking to a kid?” Kumukumpas na
LYNDON POV:NABABALIW na yata ako. Inuusig ako ng isip ko dahil hindi ako ng lalaking basta na lang naghahabol sa babae. Oo, meron. Pero socialite, sex goddess, pinag aagawan, mayaman at matalino pero sumama at nagpakasal sa lalaking may mas makapal na fortpolio kaysa sa akin–si Tatiana Lagdameo.At kung nakikita lang nito ngayon si Summer, pagtatawanan ako. Ugali na ng babaing yon na inusultuhin ang sinomang bago na pumapasok sa buhay ko. Bored yata sa pinakasalan kaya ayaw akong patahimikin.Have I lost my mind?Nakakatawa talaga dahil parang ako pa ang naghabol kay Summer gayong sinaktan niya ako ilang beses at muntik pa akong mapa away dahil sa kanya sa loob ng mumurahing bar.At sinong nagsabi na kailangan ko ng kausap? Saan yon galing?To hell with someone’s point of view!Isa lang ang patakaran ko sa buhay: kung hindi pagkakaperahan, hindi dapat pag aksayahan ng panahon.Halata naman. North pole siya at South pole ako. At hindi ba sabi ng marami, nagkakatuluyan daw kapag sobr
SUMMER POV: “Nabigla lang ako kanina,” sabi, seryoso at naging malungkot ang mga mata. “Ang ex-gifriend ko kasi, muntik na ring maaksidente habang kasama ko sa kotse. At kanina nang mawala ako sa focus habang nagmamaneho–siya ang naalala ko.”“Natakot ako sa ‘yo,” singhap ko. Hawak pa rin sa tapat ng aking dibdib ang pouch ko. “Please, huwag mo na yong uulitin.”Nagbuntong-hininga siya, matinding relief pero nang tumingin sa akin, nag aalala pa rin. “So, okay na tayo?”Nilaksan ko na lang ang loob ko. “Tatlong araw." Deklara ko. "Maghihintay ako. Handa akong ibenta ang bahay at lupa namin para mabayaran ko na rin ang gagastusin mo.”Nagtaka ako kung bakit nakatulala pa rin siya sa mukha ko. Ano ba ang iniisip niya?“Sir?” Ako uli ang nagsalita. May sayad ba ang lalaking ito? Habang tumatagal kaming magkasama, palala nang palala ang pamumula niya sa puntong masakit na sa mata ang tingnan siya.Ano ba ang nangyayari sa kanya?“Ah, pasensya ka na." Umatras palayo sa akin. "May iniisip
LYNDON POV: Sabagay, dito sabay na namatay sa sunog ang mga magulang ko.At sa bahay na ito, madalas akong dinadalaw ng mga bangungot. Pero kahit ganon, ano ba ang bago?Kasama ko sina dad and mom sa lahat ng oras. Nagtamo sila ng third degree burns mula ulo hanggang paa at walang emosyon ang mga mukha nila kahit nasaan kami.Habang papalabas ng pintuan, nadaanan ko rin sila. Hinahabol ako ng tingin, wala na ang mga dating damdamin nila para sa akin.Wala na ang pagmamahal na hina-hanap ko hanggang sa sinukuan ko nang hinding-hindi ko na maibabalik pa uli.Halos isang dekada rin akong dumaan sa mga therapy sessions ng pinakasikat na psychiatrist, pero binara ko na hindi naman ako nito napapagaling. Sina mom and dad, kasama ko rin sa loob ng session room at kahit minsan, hindi naitaboy ng pakininig ng doktor na yon sa akin.Naging dependent ako sa sleeping pills sa gabi hanggang sa tinanggap ko na lang ang lahat at nakasanayan ko na.Inagaw sila ng apoy at ang tanging iniwan sa akin
LYNDON POV: Aayawan ako lalo ng babaing yon kung sisiklab na naman ako gaya Vegeta at ni San Goku nang walang kadahi-dahilan.Umatras ako sa swivel chair, kinalas ko na ng tuluyan ang necktie ko, binabatak ko pababa ang dress shirt ko sa halip na kalasin ang mga botones at nang hindi pa rin ako makahinga, tumayo ako at hinubad ko na ang lintik na coat ko.Inihampas ko sa upuan at sa kawalan ng pag asa, tumanaw ako sa labas ng gusali, hinihingal. Madilim ang tingin ko sa skyline at nakatukod ang mga kamay ko doon habang pinagbantaan ko ng masama si Summer Hererra sa loob ng isip ko.Lintik, sino ba siya sa palagay niya? Humanda siya sa akin, magkakasubukan kami mamaya!*****SUMMER POV: “BAGO ka ba dito?” Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig na tuloy-tuloy na nagsasalita mula sa direksyon ng gate. “Ganyan na ganyan ang type ni ‘Sir’ Lyndon.” Hinahagod na ako nang tingin mula ulo hanggang paa. “Ikaw si Summer, tama?”“Hello, kamusta?” Hindi ko alam ang iisipin ko. Paano akong na
SUMMER POV: Natigilan ako. Marami pa akong tanong pero ayokong manghimasok. Kapag nalaman ko ang lahat ng bagay tungkol sa lalaking yon, maaawa ako at siguradong makakalimutan ko ang sarili kong goal sa buhay at isasakripisyo ko ang lahat sa akin kapalit ng pabor na makukuha ko.Kung ganon, tama lang na magpa alam na ako agad at magkanya-kanya na kami ng landas.Sa kaiisip, nakatulog ako nang mahimbing sa silid ko. At lumubog na ang araw sa labas nang dumungaw ako sa pool.Nakita kong nakabalandra sa labas ng gate ang kotse ni Lyndon. Obvious naman na mainit na naman ang ulo. Ang asawa ni Aling Melba, si Mang Emer ang nagmamaniobra ngayon ng kotse mula sa gate papasok sa driveway sa gilid ng bahay. Nakita ko si Aling Melba na parang takot na takot pero may sinasabi kay Lyndon. May ipinaliliwanag ito sa lalaki na nakapamaywang sa una habang nakikinig.Ako ba ang pinag uusapan nila?Bumaba ako ng bahay matapos kong magpalit ng damit. Pinili ko ang long sleeve at pajama kahit na maini
LYNDON POV: Hindi na virgin ang mga palad niya!Tangina. Kailangan ko talagang maka-iskor mamaya.Pero paano?“May problema tayo, Sir,” ang babaing pinagpala sa lahat ng secretary ko dahil hindi ko sinisante kahapon, si Georgia. Kumatok, sumilip at sa senyas ko saka lang naglakad papasok. Dahil sa natatanging pribilehiyo, nadagdagan ng 10% ang confidence niya at nagustuhan ko yon. Ganito ba ang feeling ng may regular employee na nag aasikaso sa yo? Ibinigay ko sa kanya ang buong atensyon ko. “Nag-resign daw po sabay-sabay ang mga skilled laborers sa residential project na nasimulan na natin last week. Halos buong team na naka assigned doon, nag back out po kaninang umaga.”“A-Ano?” Para akong tinamaan ng higanteng troll at napisa ang utak ko. “At bakit naman nila yon gagawin? Isa ako sa mataas magpasahod, ‘di ba?”Ah, si Lolo pala. Dahil kung ako ang masusunod—babawasan ko pa.“Sabi ng ilan sa upper management, nag alok daw po ang isa sa kalaban nating company ng parehong salary and
SUMMER POV: Mula sa itaas at pababa, hinagod niya ako ng kanyang dila at walang pasabi na umulos iyon sa masikip na butas ng pagkababae ko. Isa, dalawa, tatlo, tapos ay iniwan niya yon at sinipsip ang clit ko.God!Umarko ang katawan ko sa papag at hiningal ako nang malakas. Ang pakiramdam ng dila niya sa laman ko ay malaking kalabisan. Matindi pa sa init ng apoy na dumidikit sa aking laman. Masyadong karnal at makasalanan.Inulit niya uli iyon, ilang beses pa at naramdaman kong bayolenteng nangangatal ang loob ng pagkababae ko. Umuuga ang malakas na puwersa sa loob ko na natatakot ako kung paano yon pakakawalan.“Amp,” ungol ko, kinakagat ko ang damit ko. “Tama na, natatakot ako..." bulong ko sa hangin. Naliligo ako sa pawis at hindi ko alam ang aking.gagawin.Bumibiling ang ulo ko sa kanan at kaliwa, nakapikit nang mariin.Bigla siyang umangat sa akin at kaharap ko na agad siya hindi pa ako nagmumulat ng mata. Hinalikan niya ako sa bibig, mapusok at tila doon bumabawi sa kung ano
SUMMER POV: Kita ninyo na? Ganyan katinik ang bestfriend ko.Bigla itong huminto sa paglalakad. “Hindi na ako sasama sa inyo,” deklara nito. “Hindi ako makikipagplastikan sa mga taong kagaya niya. Linawin mo agad kung ano ang pakay niya sa parteng ito ng kabundukan. Dahil maliban sa gusto ka niyang lahian wala na akong nararamdamang maganda sa agenda niya. Isa siyang masamang espirito na nagkatawang-lupa!”At lahat ng yon, naririnig ni Lyndon. Pumihit siya at tiningnan ang bestfriend ko. Nakipagmatigasan ng titig. Binalikan ako sa layong dalawang dipa at hinatak ako sa kamay nang malakas padikit sa kanya.“Puede kang maglatag ng suggestions, pero sa huli siya pa rin ang magdedesisyon kung gusto niyang malahian ko.”“Aba’t!”Dumipa na ako sa pagitan nila. “Huwag kayong mag away,” una kong hinarap si Lyndon. “Higit pa siya sa isang kapatid para sa akin. Kaya sana huwag mo siyang patulan.” Tapos si Helga, na hinawakan ko sa kamay. “Beastie, nagkape ka na naman ba? Chillax, muna ha? Hind
Dala ko ang dulos o itak na walang talim.“Saan ka pupunta?”“Maghahanap ako ng herbs na madadala sa lola ng bestfriend ko.”“Herbs?”“Halamang gamot,” sabi ko. “Dito kasi sa amin, bihira ang may pera para makabili ng over the counter drugs. Umaasa lang ang marami sa herbs. At ang lola ni Helga, ang bestfriend ko ang may pinakamalawak na taniman ng mga yon. Ayaw ni lola ng mga pasalubong na hindi naman niya makakain kaya ito ang naisip ko.”“Kailangan mo ba talagang gawin yan?”“Ang ano?”“Na mag abala pa sa mga bagay na walang kinalaman sa yo?”“Paanong wala?” Naguguluhan ako sa mentality niya. “No man is an island. Magkaka-konekta ang lahat ng may buhay sa mundo. Bakit,” tinitigan ko siya, “yong ganitong bagay, hindi mo pa nagawa sa iba?”Nagkamot siya sa batok. “Hindi pa, eh.”“Gusto mo bang malaman ang pakiramdam nang nagagawa mong magbigay ng maliliit na kabutihan para sa iba?”“Hindi…” napangiwi ako nagsisimula pa lang siyang magsalita. Biglang kambiyo nang makitang nadidismaya
SUMMER POV:Hindi ba pinatulog ni Lyndon ang mga taong inutusan niya?.Paano niya ito nagagawa? Apo ba siya ng Presidente ng Pilipinas?Ano kaya ang urgent mission niya ngayon sa buhay?Bakit para siyang nagmamadali?Naalala ko ang sabi ng tatay ko sa loob ng munti. “Summer, sigurado ka ba na mabuting tao ang tumutulong sa yo? Tandaan mong lahat ng pabor ay may kapalit. Ayokong magsinungaling ka sa akin, sigurado ka ba na kilalang-kilala mo ang kaibigan mong ito?”Hinawakan ko ang kamay ng tatay ko at tumitig ako sa mga mata niya: “Nakasama ko na rin po siya sa iisang bubong. Ilang araw na rin,” pero hindi ko kayang sabihin na nasa bahay na rin namin si Lyndon. “Kung sakali naman po na gusto niya akong singilin, ibebenta ko ang rights ng bahay at lupa, makalaya lang po kayo. Hindi na mahalaga kung mangupahan tayo, basta mailabas ko kayo diyan.”“Sabi ng abogadong dumalaw sa akin kanina, ililipat agad ako sa provincial jail. Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng ito? Mabigat ang kas
SUMMER POV: “Paano nila malalaman ang address?”“Itatawag ko bukas sa secretary ko.”“Sasama ka?”“Hindi, may gagawin ako.”“Dito?”“Magsisibak ng kahoy at mag iigib ng tubig.” Kakaiba ang kintab ng mata niya. “Seryoso ka ba?”“Ngayon lang ako nagseryoso nang ganito katindi sa buong buhay ko.” Nakatitig lang kami sa isa’t-isa. “At para lang malaman mo, ako ang tipo ng lalaking hindi nagpipigil pagdating sa sex. I’m sexually active, sweetheart. Pero para sa yo, maghihintay ako.” Pumisil sa abs niya ang mahahabang daliri at nanatili sa parteng mas mababa.Sa pectoral.Namula ako.Sweetheart na raw, agad-agad?“Aw!” Napaso tuloy ako sa segundong hulab ng init ng apoy mula sa mahabang kahoy.Mabilis siyang nakalapit sa akin at hayon na naman, hinihila ako padikit sa kanya ng kakaibang kapangyarihan at hinipan niya ang daliri ko.Napalunok ako. At natiyak kong kahit alam niya na apektado ako sa pagkakalapit namin, siya na ang umiiwas.“Masakit ba?”Ikiniskis ko sa palda ko ang kamay ko
SUMMER POV: “H-hindi ako puedeng humigit pa dito,” idinikit ni Lyndon ang noo sa noo ko, ang dalawang kamay, ikinulong ang mukha ko para siya ang masunod kung gaano ako kalapit o kalayo depende sa natitirang kontrol niya sa sarili. “Masyado akong…baliw sa yo. Marami akong gustong gawin na hindi dapat. Alam mo rin yon, hindi ba?” May bahid ng pagkaganid ang mga daliring bumabaon sa aking mga pisngi.Nagnanasa.Isa siyang matinding nit na buhay na buhay gaya ng apoy na patuloy pang lumalaki at kami lang ang nakakakita.Nakakatakot. At ayokong masunog.Nagbuntong-hininga ako. Wala akong kayang sabihin kundi: “Salamat kanina,” lumayo na ako sa kanya, umaatras. “Karapat-dapat ka sa una kong halik.”Para siyang sinilaban sa huling sinabi ko, kinabig uli ako sa batok. At hindi ko uli natanggihan. Hinapit na niya ako sa bewang at naging mapusok pa ang halik na yon. Nakakulong ako sa mga braso niya at para akong bata sa loob ng makapangyarihan niyang bulto, nagpaparaya. Kinuyumos niya ng ha
SUMMER POV:Kapag mahirap ka, kikilos ka agad base sa responsibilidad kahit ano pa ang sitwasyon. Yong kahit may delubyong naganap, gagawin mo ang dapat gawin.At ang ano mang masakit, itatago mo lang sa sulok ng iyong isip at hahakbang ka uli para magpatuloy.“Sa dami ng karneng yan, huwag ka nang magsaing,” si Lyndon, isa-isang inilalabas sa sako ang mga dala namin. Okay na rin siya at mas kalmado na. Grocery, toiletries at ilang pirasong personal niyang gamit ang nasulyapan kong ipinapatas niya.At wala nga pala siyang dalang damit.Puede na yong kay Jojo.“Kaya mong walang kanin?” Sabi ko, nahihiya akong titigan siya. Napasuong siya sa gulo dahil sa akin.Binuksan niya ang dalawang beer na hindi malamig, tinungga na agad ang isa. Malayo ang tingin sa labas bago sa akin tumingin.Ano ang iniisip niya?“Halika,” hinatak niya ako sa kamay at hindi ako nakatanggi. May utang na loob na naman ako sa kanya laban sa isa na namang rapist. Paano na lang ako kung wala siya? Naupo siya sa pap
SUMMER POV:Ipagtabuyan ba si Lyndon Santiago? Wala pang gumawa no’n na nabuhay sa ibabaw ng lupa!“Nope,” hinga ko, marahas. Naliligo na naman ako sa pawis. Bahala na ang mga pesteng lamok kung gusto akong salinan ng Malaria. “Easy peasy lang ito. Lahat ng niyog na ito.” At sa wakas, kumagat ng tama ang talim ng itak. “Thanks, God! Success!” Sigaw ko.Wagi.“Sir,” ang tinig na mas nag aalala sa akin na para bang sa paningin niya ay nasisiraan na ako ng bait.“Lyndon Santiago, hindi ka ba nakakaintindi!” Nakatingala na agad ako sa kanya. Pero napalunok ako uli. Shit, ang labi niya ang tanging may kulay sa buo kong mundo hindi lang sa paligid. Parang namamaga ang mga yon sa mapusok na halik. At kung hindi yon magiging akin, sigurado akong masisiraan ako ng bait.Shit. Ano bang kalintikan ang tumama sa akin?Lasing ba si Kupido?Hinarap ko na uli ang niyog. Tinaga ko nang mas mabilis o mas tamang sabihin na tinadtad ko na ng literal. Pumapatak sa lupa ang mga pawis ko, sunod-sunod at
SUMMER POV:“Baka manibago ka sa tubig na ininom mo,” sabi ko nang makababa na uli ako. “Pakukuluan ko ang isang takure at igagawa kita ng kapeng barako.” Hindi ko alam kung dala ng kahihiyan na nakikita ako ng isang mayamang lalaki sa miserable kong kalagayan kaya hindi ko namalayang umiiyak na pala ako at naawa sa sarili ko.Wala na yata akong dangal at dignidad na maipagmamalaki kay Lyndon Santiago.“W-What’s wrong? Bakit umiiyak ka?” Bigla siyang nataranta. Umangat sa pagkakaupo sa papag, sa sulok kung saan may haligi sa ilalim para sa bigat niya.Halos hindi mapigilan ang sarili na hawakan ako.Umiling ako. “Hindi,” singhot, pahid ng luha, sabay ngiti. Ayaw ng bestfriend ko ng madrama, nananakal yon. “Naalala ko lang ang dati naming pamumuhay dito noong buo pa ang pamilya ko at sagana kami sa lahat kahit nakatira kami sa kubo.” Inilibot ko sa paligid ang paningin ko.Maayos kami noon at maingay sa bahay na ito. Ang alaga namin, napakarami at may taniman pa ng gulay sa paligid.At