SUMMER POV:
Big Boss? Baka alam niya kung nasaan si Jojo! Magsabi daw lagi ng totoo, sabi ng tatay ko. Dahil walang sigalot o gulo na hindi nadadaan sa mabuting usapan. “Hindi po ako nagtatrabaho dito. Hindi ako GRO. Hinahanap ko lang ang kapatid ko. Si Jojo.” Nagkatinginan si Gold Teeth at ang isa pang kasama nito na nasa likod nito, iba pa sa tatlong lalaking nakapalibot sa akin. Nagtawanan silang dalawa. Tapos nakisali na yong tatlo pa. Naku, gusto ko nang lumipad papunta sa pinto, pero ang mga paa ko parang nakatapak sa ibabaw ng kutsilyo. Natutumba ako. Hindi ako makagalaw, makatakbo pa kaya? Help! “L-Lalabas na lang ako,” bulong ko, nauutal, sumusuko. Iniisip kong maawa naman siguro sila sa akin dahil maamo pa sa puppy na basa sa gitna ng ulan ang mga mata ko. Humarap ako sa kanilang lahat, nagpapaawa at nanginginig ang baba. Malalaman ko kung nagsinungaling ang kapitbahay ko sa probinsya! Pretty eyes muna, baby Summer! “Lalabas? Ganon na lang ba yon?” Humahakbang na palapit sa akin si Gold Teeth, mukhang demonyo na ito ngayon na para bang may nilabag akong patakaran na hindi ko alam. “Tutal narito ka na, Miss Beautiful, hayaan mong dalhin ka namin sa langit. Siguradong hindi ka magsisi.” Binasa nito ng laway ang labi at dadakmain na ako sa balikat, ilang pulgada na lang. “Anong kaguluhan ito?” Isa pang lalaki ang sumingit. Masikip na sa maliit na pasilyo dahil sa akin. Mas matangkad ito kay Gold Teeth, maraming gold na necklace na kasinglaki ng kadena ng aso namin at nagtatanggal ng tinga sa ngipin gamit ang pinky swear finger. At mas may apat pang kasama sa likuran. Ginapangan na ako ng kilabot sa katawan. Naalala ko ang sabi ng guwapong lalaki sa labas ng bar na kapag nakaharap ko ang Big Boss baka dito na ako mamatay. Oh, hindi. Hindi ito maganda. Umatras na ang mga paa ko, kahit pader na lang pala sa aking likuran. Gusto kong tumakbo sa stage at humingi ng tulong, pero kanino? “Uncle, intruder yan. Hindi raw isa sa GRO natin. Ibalato mo na sa amin, Boss!” Isa pa sa mga lalaking nakapila sa likuran niyon ang gigil na gigil na dambahin ako. Lumingon rin ako sa exit door. Na halos sampung metro ang layo sa akin. Gusto kong lumipad papunta doon pero wala akong power. Nakupo, iligtas mo ako, San Pedro! Promise, magpapakabait pa po ako! Nakita kong sabay sabay silang lumalapit kaya pumikit na lang ako nang mariin nang biglang may sumigaw. “Honey! Sweetheart! My love! Pangga! Nasaan ka na? Naghihintay ang limousine mo sa labas! Galit na si Dad!” Napamulat ako, nakita ko agad si Pogi, yong sumalo sa batok ko kanina, makintab siya higit sa lahat ng lalaking hinahawi niya palapit sa akin. Makapangyarihan ang aura, at parang flowerfields na naglalakad. May hawak na black card na parang ATM at tawsen, tawsen paper bills na ginagawang pamaypay kaya kusang tumatabi sa gilid ang mga kalaban. Inakbayan agad ako at inipit ako sa leeg kaya naamoy kong mas mabango pa siya sa akin. “Sorry, guys. But this girl is mine. Hindi siya nakainom ng gamot kaya nagsasabi-sabi na naman na may hinahanap. Huhulaan ko,” iwinasiwas niya ang may 20 piraso ng paper bills sa gitna ng lahat. “Sinabi ba niya na may hinahanap siya?” “Oo!” Sabay sabay na sigaw ng mga maton. “Kapatid daw niya?” “Oo!” Ginulo niya ang buhok ko, gigil. “Pero sa totoong buhay, manok lang yon. Manok, as in quack, quack, quack!” Nagpapatawa ito, ma-efffort na ginagaya ang ordinaryong pato. O hindi niya alam ang pagkakaiba? Kinalog ako nang makitang nagdududa ang mga kaharap namin. “Babe, sabihin mo sa kanila, ilan ang manok natin sa farm?” Dumiin sa leeg ko ang braso niya, mas nakakasakal. Yong totoo? “Bente siete.” Totoo ang sagot ko. “Lintek, abala pa rin kayo!” Ang Big Boss. “Lulumpuhin ka namin o may iba ka pang kayang ibigay?” Inilabas ng lalaking naka akbay sa akin ang isang calling card. “My legal team is available anytime or take this money as my payment for her damages and let’s call it a day.” Seryoso na ito. Handa ng makipag basagan ng mukha. Pinakawalan ako, itinago sa likuran niya, humakbang siya sa harap ng Boss at pinagpag ang coat sa pinakamaangas na paraan saka mata sa mata nakipagtitihan sa Big Boss. Uminit ang hangin, huminto ang mundo at naging napakahaba ng pagdaan ng ilang segundo. Parang hihimatayin ako. Sa dami nila, puede kaming tadtarin ng pino at ihalo sa patty ng burgers o siopao. Nangyayari yon sa movies, nakita ko! Hinaklit ng Boss ang cash sa kamay ni Pogi. “Alis. Huwag na kayong babalik. At sa susunod, bantayan mo ang girlfriend mo.” Hinagod uli ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “Sa ganda niya, baryang-barya ang perang ito, ‘pre.” Hinawakan ako sa kamay ni Pogi. Pinisil. Hinigit ako padikit sa kanyang likuran. “Alam ko.” Nlingon niya ang entrance. “You can ask the guards outside. Kasama ko siyang pumasok dito. Gumamit lang ako ng CR sandali.” Sumenyas ito sa bouncers kung nagsasabi kami ng totoo. Hand gestures, na sinagot ng mga yon ng okay. Saka lang ako kinaladkad ng lalaki palabas. Parang galit. Na halos matapilok ako sa bilis. Ano ba ang kasalanan ko? ****** “SALAMAT, Sir!” Nag bow uli ako sa lalaki, naliligo ako sa pawis sa matinding kaba. Nag uuntugan ang tuhod ko sa sobrang takot. Ano kaya ang mangyayari sa akin kung hindi siya dumating? Diyos ko, sinabi ko naman sa Inyo, iparanas Ninyo na pong lahat ng kahirapan at kagipitan sa buhay, huwag lang akong ma-gang rape! Sigurado ako na mangiyak-ngiyak ako ngayon sa harap ng lalaking ito sa tindi at abot-langit na pasasalamat. “Don’t say that,” kinalas ng lalaki ang necktie na parang hirap na hirap siyang huminga. “Hindi porke tinulungan kitang makalabas doon, you can go back to your home unscathed. Hindi ako namimigay ng pera. Ano ako, tanga? ” Ibinukas niya ang kotse sa tabi sa kabilang panig ng manibela matapos sumakay. “Get in.”SUMMER POV: “Pero sir, hindi po ako babaing—”….kaladkarin.“I’m here to bed a woman.” Singhal niya. “At hindi barya lang ang pinakawalan ko dahil sa ‘yo. 21 thousand pesos yon! Kung hindi mo kayang bayaran ngayon din, ibabalik kita sa loob!”Talaga ba?Over my very delicious body!“Wala kang puso! Isa kang mapagsamantala!” Tinatagan ko ang binti ko at ipinadyak ko gaya ng batang nagrerebelde sa ama. “Sa halagang 21 thousand pesos, tatakutin mo ako nang ganyan? Wala ka bang kapatid na babae? Hindi mo ba nirerespeto ang iyong ina? Anong sasabihin sa yo ng mga abuelas mo ganyang wala kang words of wisdom na nakuha sa mga sinabi nila!”Lumabas ang lalaki ng kotse, galit din. Tumungo sa akin na parang kakainin ako nang buhay.“Bakit naman nadamay na ang ibang tao sa pagitan natin? Siraulo ka ba? It was only between us!”“There’s no us!” Narinig ko lang yon sa movie lines! “Ano ka sinuswerte?”Alam kong maganda ako, nakulele na nga ang tenga ko. At kasakdalang magpakasal ako sa matandang
SUMMER POV: “Kid?” Hinablot niya ako sa magkabilang balikat mula sa pagkakaluhod, sabay kaming tumayo na hindi niya napansin sa tindi ng kanyang galit na ako na lang ang saklay niya para magawa yon. “I’m not a kid anymore! In fact, I can fuck you senseless—all night— hanggang magsisi ka na nakilala mo ako!” Nag shower sa mukha ko ang laway niya na mabuti na lang at mabango kaya hindi ko na itinikom ang bibig ko. Umangat ako sa lupa nang dumiin pang lalo ang mga daliri niya sa puno ng braso ko na halos mapadaing ako. Nasasaktan ako! “Gagapang ka mula sa kama ko at magmamakaawa ka sa miserable mong buhay na nagtagpo ang landas natin sa mundong ito! Sinisiguro ko sa yo yan!”Natutop ko ang bibig ko kahit halos nakaangat ako sa ere, nakatingkayad dahil hawak pa rin niya ako sa magkabilang balikat. “A-ang…ang bastos….po ninyo…Sir!” Bigla akong naiyak, naawa ako sa sarili ko.Senseless? Hindi ba pakikipagtalik yon na gaya ng hayop na hindi nag iisip?Bakit naman ganon?Personal at priba
SUMMER POV:“SAGUTIN mo: tagasaan ka?” Tinikman ni Lyndon ang alak bago nagtanong sa akin, pinagmamasdan akong mabuti sa ibabaw ng rim ng wine glass niya. Habang ako, nakatayo pa rin malapit sa front door, nagmamasid sa loob ng condo niya.Marami rin akong nakitang mas grandiosa pa sa bahay niya dahil sa bestfriend kong si Helga. Gusto nitong maging writer kaya naman sangkaterba ang magasin at libro sa bahay nito. At dahil walang internet, kahit balutan ng tinapa, pinapatos nito.Sa mga magasin nito, nakita ko ang bahay sa ‘merika na worth 200 million dollars at higit pa.Yong tipong may helipad sa rooftop at parang diamante na ang mga kagamitan sa bahay, kumikinang lahat sa mata. Ang bahay ni Pogi, bubulaga sa ‘yo ang malaking sala na may malaking seating area. Home office na salamin ang dingding sa unahan at may isang saradong silid sa kaliwa.Maraming built-in cabinets, minimalism style. At prominente ang puti at itim na kulay sa kabuuan.Walang guestroom para sa bisita.Mas maram
SUMMER POV: “Sorry, hindi ko ma-gets.”“Kausapin mo lang ako gaya ng ginagawa mo.” Halos magkadikit na ang mga katawan namin. At konti na lang lalapat na ako sa dahon ng pintuan. Naku, Sir! “I think I can change. Malaking bagay na may makakausap akong iba ang point of view sa buhay.”Compliment ba yon o insulto?“Hindi ko pa rin maintindihan.” Sinikap kong maging matatag ang mga binti ko. Tiningala ko siya. “Wala ba kayong girlfriend sa guwapo ninyong yan? Mayaman ka pa. Nasa ‘yo na ang lahat, sabi nga ni Daniel Padilla.” Kailangan kong magpatawa. Ang mga mata niya nagbago na naman. Parang…nagnanasa? Nakatitig siya sa labi ko, lumunok. At bumaba sa delicious cleavage ko, naglalaway. Nakupo! “Baka makaabala lang ako sa inyo, Sir. Ayokong maging pabigat kahit kanino.” Quota na ako. Todo na ang lakas ko. Kung di siya titigil sa pagtitig sa akin, baka malusaw na ako na gaya ng ice cream kahit wala namang sikat dito ng araw. Naku, Summer! Run!“Are you talking to a kid?” Kumukumpas na
LYNDON POV:NABABALIW na yata ako. Inuusig ako ng isip ko dahil hindi ako ng lalaking basta na lang naghahabol sa babae. Oo, meron. Pero socialite, sex goddess, pinag aagawan, mayaman at matalino pero sumama at nagpakasal sa lalaking may mas makapal na fortpolio kaysa sa akin–si Tatiana Lagdameo.At kung nakikita lang nito ngayon si Summer, pagtatawanan ako. Ugali na ng babaing yon na inusultuhin ang sinomang bago na pumapasok sa buhay ko. Bored yata sa pinakasalan kaya ayaw akong patahimikin.Have I lost my mind?Nakakatawa talaga dahil parang ako pa ang naghabol kay Summer gayong sinaktan niya ako ilang beses at muntik pa akong mapa away dahil sa kanya sa loob ng mumurahing bar.At sinong nagsabi na kailangan ko ng kausap? Saan yon galing?To hell with someone’s point of view!Isa lang ang patakaran ko sa buhay: kung hindi pagkakaperahan, hindi dapat pag aksayahan ng panahon.Halata naman. North pole siya at South pole ako. At hindi ba sabi ng marami, nagkakatuluyan daw kapag sobr
SUMMER POV: “Nabigla lang ako kanina,” sabi, seryoso at naging malungkot ang mga mata. “Ang ex-gifriend ko kasi, muntik na ring maaksidente habang kasama ko sa kotse. At kanina nang mawala ako sa focus habang nagmamaneho–siya ang naalala ko.”“Natakot ako sa ‘yo,” singhap ko. Hawak pa rin sa tapat ng aking dibdib ang pouch ko. “Please, huwag mo na yong uulitin.”Nagbuntong-hininga siya, matinding relief pero nang tumingin sa akin, nag aalala pa rin. “So, okay na tayo?”Nilaksan ko na lang ang loob ko. “Tatlong araw." Deklara ko. "Maghihintay ako. Handa akong ibenta ang bahay at lupa namin para mabayaran ko na rin ang gagastusin mo.”Nagtaka ako kung bakit nakatulala pa rin siya sa mukha ko. Ano ba ang iniisip niya?“Sir?” Ako uli ang nagsalita. May sayad ba ang lalaking ito? Habang tumatagal kaming magkasama, palala nang palala ang pamumula niya sa puntong masakit na sa mata ang tingnan siya.Ano ba ang nangyayari sa kanya?“Ah, pasensya ka na." Umatras palayo sa akin. "May iniisip
LYNDON POV: Sabagay, dito sabay na namatay sa sunog ang mga magulang ko.At sa bahay na ito, madalas akong dinadalaw ng mga bangungot. Pero kahit ganon, ano ba ang bago?Kasama ko sina dad and mom sa lahat ng oras. Nagtamo sila ng third degree burns mula ulo hanggang paa at walang emosyon ang mga mukha nila kahit nasaan kami.Habang papalabas ng pintuan, nadaanan ko rin sila. Hinahabol ako ng tingin, wala na ang mga dating damdamin nila para sa akin.Wala na ang pagmamahal na hina-hanap ko hanggang sa sinukuan ko nang hinding-hindi ko na maibabalik pa uli.Halos isang dekada rin akong dumaan sa mga therapy sessions ng pinakasikat na psychiatrist, pero binara ko na hindi naman ako nito napapagaling. Sina mom and dad, kasama ko rin sa loob ng session room at kahit minsan, hindi naitaboy ng pakininig ng doktor na yon sa akin.Naging dependent ako sa sleeping pills sa gabi hanggang sa tinanggap ko na lang ang lahat at nakasanayan ko na.Inagaw sila ng apoy at ang tanging iniwan sa akin
LYNDON POV: Aayawan ako lalo ng babaing yon kung sisiklab na naman ako gaya Vegeta at ni San Goku nang walang kadahi-dahilan.Umatras ako sa swivel chair, kinalas ko na ng tuluyan ang necktie ko, binabatak ko pababa ang dress shirt ko sa halip na kalasin ang mga botones at nang hindi pa rin ako makahinga, tumayo ako at hinubad ko na ang lintik na coat ko.Inihampas ko sa upuan at sa kawalan ng pag asa, tumanaw ako sa labas ng gusali, hinihingal. Madilim ang tingin ko sa skyline at nakatukod ang mga kamay ko doon habang pinagbantaan ko ng masama si Summer Hererra sa loob ng isip ko.Lintik, sino ba siya sa palagay niya? Humanda siya sa akin, magkakasubukan kami mamaya!*****SUMMER POV: “BAGO ka ba dito?” Napalingon ako sa pinagmulan ng tinig na tuloy-tuloy na nagsasalita mula sa direksyon ng gate. “Ganyan na ganyan ang type ni ‘Sir’ Lyndon.” Hinahagod na ako nang tingin mula ulo hanggang paa. “Ikaw si Summer, tama?”“Hello, kamusta?” Hindi ko alam ang iisipin ko. Paano akong na
SUMMER POV: Parang hindi ako matutunawan dahil hindi ko alam kung alin sa mga kubyertos ang dapat kong hawakan.Ang mga ganitong sandali, nagpapakaba sa dibdib ko dahil iba ito sa aking mundo.“Anong nagustuhan mo sa apo ko?” Parang dart ang tanong ng Don, bull’s eye sa puso ko gayong hindi na nga ako makahinga sa kinauupuan ko. Ang daming paru-paro sa silmura ko pero nagwawala. Parang may delubyo. Ang puso ko, tumalon na sa lalamunan ko. Huminto ang tinidor ko sa steak, at dumulas ang stainless knife na ginagamit kong panghiwa. Tumalsik ang piraso ng karne kay—lolo na nasa tapat ko at tumama sa kurbata niya.Puting-puti pa naman ang suit niya at blue ang kurbata at dinumihan ko agad sa aming paghaharap.Huminto ang mundo ko.Napatitig ako sa kanyang mga mata na halatang marami nang alam at nakitang mga magaganda at pangit na mga bagay sa mundo. Matalino ang kislap niyon, pinag aaralan kahit ang paghinga ko.Guwapo siya sa personal, kaysa sa litrato kaya hindi ko agad nakilala. P
LYNDON POV:Narito ba si Don Hugo Santiago?Bumilis ang tibok ng puso ko. Damn, ang doble-karang matanda, posibleng gugulatin si Summer gaya ng ginawa nito noon kay Tatiana!Tumayo agad ako at sinundan ko si Summer na nagpaalam papuntang powder room.Pero isang guest ang biglang tumayo at natapilok ako sa paa ng bangko na biglang humarang sa daraanan. “Aw, shit!” Iniwasan ko na lang pero parang sinasadya ng waiter na nasalubong ko na makipag patintero sa akin sa kanan at kaliwa. At nang hawiin ko, halata na ang ginawang pagharang sa akin. Kumpirmado, may binabalak ang Lolo ko.Oh, hindi.Summer!****SUMMER POV:PARA akong lumulutang sa saya. Ganito pala ang totoong kahulugan ng honeymoon. Totoong pulot-gata. Walang oras na hindi ka lalanggamin dahil busog na busog ka sa pag ibig.Ang ganda ng pakiramdam ko sa lahat.Ito ang totoong paraiso sa lupa.Hinagod ko nang tingin pababa ang sarili ko habang naglalakad. Suot ko ang terno ng blouse na puti at kulay apricot na pants. Binili
SUMMER POV;Relief ang dumaan sa mga mata niya. Hinapit niya ako nang mas mahigpit na yakap para ikulong sa dibdib niya. “Sapat na yon. Alam kong malalampasan natin ang lahat nang ito. At ipinapangako ko na hindi kita iiwan at mananatili ako sa tabi mo.”Nang gabing yon, naligo kami sa private jacuzzi sa loob ng aming suite. Nagtalik kami nang dalawang beses. Nakatulog ako sa pagod at nagisnan ko siya na tutok na tutok sa laptop niya. Ang oras sa bedside table: alas dos ng madaling araw.“Akala ko ba hindi ka muna magtatrabaho?” Yumakap ako sa bewang niya sa pagkakasandal niya sa headboard ng kama. Hinila ko ang unan ko palapit sa kanya at sumiksik ako sa kanyang tagiliran. Nakisilip ako sa pinagkakaabalahan niya. At nakita ko kung ano yon: 3D blueprint ng bagong bahay na base sa location ay yon mismong kinatatayuan ng container house base sa terrains at hugis ng mga concrete roads mula sa ereal view. Kapansin-pansin ang napakaraming plano ng security measures na na inilalatag sa b
SUMMER POV:Sa labas ng silid, umihip ang malakas na hangin sa dagat. Humampas ang mga alon sa mga batuhan at sinalpok ng mga yon ang dalampasigan, kasing tindi ng aming pagtatalik.Na tila walang katapusan.—---------------NAGING highlight ng staycation namin sa resort ang sabay naming pag aalaga sa sarili: couple massage, skin care treatments at sinubukan ko ang Brazilian waxing nang hindi alam ng asawa ko. Kaya gulat na gulat siya sa mas makinis na version ng flower ko na lagi niyang kinababaliwan.Sa loob ng resort, sinubukan namin ang ilang water activities.Namasyal din kami sa bayan at nag shopping ng ilang pirasong damit para sa aming all week honeymoon. At dahil madaling magpadeliver ng kahit ano dahil magkakakilala halos ang mga tao sa San Luis, nagpadala ako sa bahay ng 2 bilao na kakanin at iba pang meryenda mula sa aming pamamasyal.Dapat lahat ay masaya, hindi lang kaming mag asawa. Nang mga sumunod pang oras, umikot ang buhay namin sa sex, kain, tulog, recreation at
SUMMER POV: Isinukat ko ang bracelet mula sa oval velvet box. At medyo nagulat ako sa presyo. 15k para sa 1mm dancing chain na may isang rose quarts na bato sa gitna. Mahigit isang gramo lang ang timbang ng metal na ginto.Kung 5k per gram ang yellow gold ngayon, triple ang presyo ng bracelet na ito dahil lang sa isang pirasong bato ng gemstone na base sa clarity dahil meron nito ang nanay ko noon—mababa ang halaga.Itinapat ko sa ilaw ng stante ang nag iisang gemstone sa sentro ng design at nakita ko ang mga crack niyon sa loob. Chip. At hindi rin pare-pareho ang clarity ng bato sa iba’t-ibang bahagi nito.May panahong nauso ang gemstone hunting dito at may ilang tao ang nag invest sa pagminina. Hindi nakaligtas ang mga ilog at sapa. May ilang bundok na nasira. Sa huli, ang mga bato o gemstone na ganito, wala palang value kapag isinanla mo na. Bumili ang tatay ko para sa nanay ko, nakapalawit sa isang necklace gold chain na manipis. Pero nang kailanganin namin ang pera nang marat
LYNDON POV: Jesus. Kulay rosas ang pisngi niya at napakabango.Kailangan?Kailan ba wala?“I will tell you outside.”Nagtataka ang titig na ibinigay niya sa akin. “Bakit, wala ka bang trabaho ngayon sa opisina mo?”Umiling ako. “Wala pa sa plano ko ang magtrabaho. Ikaw lang ang gusto kong trabahuhin.” Ibinulong no sa kanya ang huling linya. At nakita kong namula siya. Mahigit isang dekada akong walang R and R malibang si lolo na ang nagyayaya at sapilitan pa. Gaano ako kalupit sa sarili ko?At ang bagay na yon, kailangan ko na ring baguhin. Happy husband, happy wife.I can't pour from an empty cup. “May pupuntahan tayo ngayon.” Sumulyap ako sa wristwatch ko: pasado alas onse ng umaga.Hinila ko siya sa kamay pero hindi papasok ng bahay, dumeretso kami sa parking lot, isinakay ko siya sa sasakyan at tahimik kaming umalis sakay ng SUV.Sa daang palabas na ng bayan, tumawag ako kay Berta na sa labas na kami magtatanghalian. At nag text ako ng ilang bagay para sa lakad naming mag a
LYNDON POV: “Malinis.” Mabigat ang buntong-hininga ni Reed sa kabilang linya. “Iniisip ko nga na baka inside job talaga kaya nakalusot din sa gate at sinasabi nila na dinahas ang guards. Wala rin kasing recorded surveillance ang security department nila sa loob ng ilang araw sakto sa panahong nangyayari yon sa yo. Something is really off, isn’t?”“Kung ganoon, sinasabi mo ba na posible na pinagkakaisahan ako sa lugar na yon kaya walang nakialam at walang may pakialam?”Hell. Puede. Kasi ilang araw na may mga tao sa loob ng bahay ko at labas-masok ang sasakyan. Kung dinahas ang mga bantay sa gate, paano nilang nagawa yon gayong walang ibang exit at entry point maliban sa main gate?“Mismo,” tahimik na tugon ni Reed. “At posibleng naging madali kay Jace Alastair ang problema dahil nagkusang loob sila na magbigay ng mga detalye at kopya ng CCTV na hindi natin makuha hanggang ngayon.”Gusto kong magmura nang sunod-sunod pero walang dahilan na mas palakihin pa ang gulo.Kasalanan ko
SUMMER POV: Isang lugar na maunlad, walang nagugutom at tahimik. Isang lugar kung saan ko palalakihin ang magiging mga anak namin ni Lyndon gaya ng sinabi ko sa kanya bago kami ikasal.Isang lugar kung saan puno ng pagmamahal, pag asa at may takot sa Dios.Isang lugar kung saan gugustuhin ng asawa ko na tumanda kasama kami ng mga anak niya.At isang lugar kung saan gusto kong maging mabuting asawa na marunong kumita ng sariling pera para alagaan ang pamilya ko nang hindi umaasa sa pera at mana niya.At isang simpleng lugar para sa mga pangarap na hindi ko pa natutuklasan at mga inaabot ko pa.Isang lugar para kay Lyndon na magbibigay sa kanya ng ikalawang pagkakataon anoman ang kanyang nakaraan.“Nagliliwanag ang mukha mo,” sabi ni Helga nang magsimulang magpa ulan ng shot gamit ang camera niya. Para siyang professional photographer sa suot na t-shirt na puti, jeans at naka headcap na nakikilala kong regalo ni Craig sa kanya. “Ganyan pala sa personal yong sinasabi nilang aftersex glo
SUMMER POV:Inikot niya ang katawan ko paharap sa kanya, natagalan sa pagliliko ng isang tuhod ko patawid sa kanyang tagiliran dahil magka ugnay pa rin ang mga katawan namin. Pero pagkatapos, isinaklang ang mga binti at hita ko sa kanyang pagkakaupo, niyakap ako nang mahigpit sapat lang para makahinga ako saka umulos sa loob ko pataas, binabayo ako ng kanyang pagkalalaki.Kumapit ako sa kanyang leeg at buong pagmamahal kong ibinulong habang pinupuno niya ako: “Mahal na mahal kita, Mr. Santiago.”Halik ang iginanti niya sa akin, hinila ang labi ko, hinigit sa pagitan ng ngipin niya at hiningi ang dila ko sa pagkakatungo ko sa kanya. Matagal. “And I love you more.” Bulong niya, hinawi sandali ng isang kamay ang mahaba kong buhok palayo sa aking mukha. Buong pagmamahal akong tinitigan. Nang ibalik niya sa pagkakasalo sa pang upo ko ang kamay niya, humigpit yon sa aking laman, dumiin at mas pinabilis ang ginawang pag angkin sa akin, sinasalpok ako ng kanyang pagkalalaki.“Oh, God!” Su