Share

CHAPTER 2

ALEJANDRO FERNANDEZ

Naghintay ako ng ilang minuto habang nakapikit pa rin ang aking mata, pero wala pa rin akong nararamdaman na sakit kaya nakaramdam na ko ng pagtataka.

I open my eyes to see what really happened but to my surprise, the girl I saw before is now standing in front of me facing the three man that was fighting before.

Shocked is written all over their face as they looking at the woman in front of me. My eyebrows met with confusion.

Bakit parang natatakot sila sa babaeng nasa harapan ko ngayon?

"Can I take him? You see, he's new to my eyes and I think he's my type."

Mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi ng babae at pagkatapos ay nagawa pa niyang kumindat sa tatlong lalake. Hindi na ko nakagawa ng ano mang reaksiyon nang hawakan ng babae 'yong kamay ko at hinila niya ko palabas ng bar na kinalalagyan ko ngayon.

Hindi na lang ako nagsalita hanggang sa tuluyan na kaming nakalabas ng bar. Agad kong binawi ang kamay ko na hawak pa rin ng babae at tinitigan ko siya ng masama.

Even if she did save my life, how dare she to hold my hand without my permission? Tss. I deeply sighed to calm myself.

"Thanks for saving me." Tumalikod na ko sa babae at hindi ko na siya binalingan ng tingin.

Maglalakad na sana ako pabalik sa kotse na iniwan ko, pero bigla na namang hinawakan ng babae ang kamay ko.

"Niffa Santiago ang pangalan ko. Ang cold mo naman. Hindi mo man lang tinanong ang pangalan ko. Ang ganda ko kaya." Tumawa siya pagkatapos niyang magsalita at kahit na lalaki ako ay nagawa pa rin niya kong iharap sa kaniya ulit.

Isang malalim na buntong hininga ulit ang napakawalan ko at tinitigan ng masama si Niffa.

"Why do I need to ask your name? I already said thank you. Isn't that enough?"

Mas lalo akong nakakaramdam ng irita sa tuwing nakikita ko ang ngiti sa labi ni Niffa. Parang hindi kasi siya nakakaramdam ng hiya sa akin kahit na alam naman niyang nakita ko ang ginawa niya at ng bartender kanina.

"Ano ka ba? Siguro wala kang nakakausap na babae kaya gan'yan ang ugali mo." Tumawa na naman si Niffa bago niya muling pinagpatuloy ang kaniyang pananalita. "Sayang. Guwapo ka pa naman."

Hinawakan ko ang noo ko na kanina pa nakakunot dahil sa babae na kaharap ko. Baka kasi hindi na ko makapagtimpi sa kaharap ko ngayon.

Why do I even mind talking with her, anyway? She's just wasting my time.

Tumalikod na lang ulit ako sa babae at maglalakad na sana ulit, pero bigla akong natigilan nang bigla na lang bumulong si Niffa malapit sa tainga ko.

"Sandali, handsome man. P'wede ba kong makitulog muna sa inyo? Wala ka naman girlfriend, hindi ba? May mga tao kasi na humahabol sa akin."

May gana pa talagang magsinungaling sa akin ang babaeng 'to. Dapat pala ay hindi na lang ako nagpasalamat sa kaniya. Tss. Ang kapal pa ng mukha niya para sabihin ang mga katagang 'yon sa akin.

Humarap ako sa kaniya at magsasalita na sana, pero bigla naman niya kong hinila sa tabi ng mga basura. Sa lagay namin ngayon ay parang nagtatago kami.

I tried to look at the place where she's looking right now and my eyes widened when I saw three men in black suit that keep looking around as if they are looking for someone. Other than that, they are holding guns.

What's happening to this place? Tss.

"Tsk. Pati ba naman ang lugar na 'to ay natunton na rin nila? Mr. Handsome, umalis na tayo rito hangga't hindi pa nila tayo nakikita."

"And why do I need to follow you or bring you with me?"

Bumuntong hininga ng malalim si Niffa at nagulat na lang ako nang pitikin niya bigla ang aking noo. Hindi na ko nakaiwas sa ginawa niya dahil sa bilis ng pangyayari.

"Listen well, Mr Handsome. Niligtas kita kanina kaya sana ay iligtas mo rin ako ngayon. Wala lang talaga kong mapupuntahan. Aalis din naman ako agad sa inyo e. Okay na ba?" Ngumiti sa akin si Niffa.

Bago pa ko makapag-react sa sinabi niya ay may pumutok ng bala ng baril na tumama sa aming direksiyon. Mabuti na lang at mabilis din ako na iniwas ni Niffa. Hinawakan na naman niya ang kanang kamay ko at pagkatapos ay sabay kaming tumakbo habang patuloy ang pagputok ng baril sa aming direksiyon. Hinayaan ko na lang siya sa kaniyang ginagawa dahil natatakot din akong maabutan kami ng bala ng baril sa aming likuran ngayon.

"May sasakyan ka ba, Mr Handsome? Saan mo 'yon iniwan? Bilisan na 'tin at baka maabutan nila tayo!"

Hindi na ko nag-abala na lumingon sa direksiyon ni Niffa dahil baka bigla pa kaming matalisod. Sinagot ko siya habang patuloy pa rin kami sa pagtakbo.

"Lumiko tayo sa kanan. Nandoon ang sasakyan ko. Tsk. Hindi kita mapapatawad kapag natamaan ng baril ang sasakyan ko."

Seryoso ang tono ng pananalita ko, pero tinawanan lang ako ni Niffa. Tss. She's always think that I'm always joking.

"Babayaran na lang kita kapag nangyari 'yon, okay?"

Napataas ang isang kilay ko dahil sa sinabi ni Niffa? Mayaman ba ang babaeng 'to para sabihin ang gano'ng bagay?

However, we finally reached the corner of the pathway. She get a gun inside her pocket and fire it at our back before we could reach the car that I've said to her.

Habang binubuksan ko ang engine ng sasakyan ko ay nagpapaputok din ng baril si Niffa sa mga taong humahabol sa amin ngayon.

"Pumasok ka na bago pa magbago ang isip ko at iwan kita."

Mabilis na umupo si Niffa sa passenger seat. Binuksan niya ang bintana ng kotse sa kaniyang tabi at pinaputukuan pa rin ang direksiyon ng mga tao na humahabol sa amin. Nagpapaputok din ang mga ito ng baril kahit med'yo malayo na kami sa kanila. Panay tuloy ang iwas ko sa kanila dahil baka matamaan ang sasakyan ko.

Tsk. What kind of business did I find this time? Curse you, Blue!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status