Sobrang saya ni Aliyah na makasama si Reed sa bagong bahay o mas tamang sabihin Mansyon na pinagawa nito para sa kanya. Wala na siyang mahihiling pa, kahit walang kasal na naganap sa simbahan ngunit ang importante ngayon sa kanya ay kasama na niya si Reed. Ang lalaking pinag-alayan niya ng lahat. Nang makauwi sila, inaantok na naman siya. Madalas talaga siyang antukin mula ng mabuntis siya. "Are you hungry?" Tanong ni Reed nang ihinto nito sa main entrance ang sasakyan."No. I want to take a nap. I feel tired." Napahikab pa siya kaya napangiti sa kanya ang asawa."Then I'll bring you to our room. Take a rest baka kung ano pa ang mangyari sa baby natin." Wika nito at hinaplos pa ang tiyan niya na may maliit na umbok."Thank you, Baby. " Namumungay na ang mga mata niya. Ayaw niyang maglakad papuntang silid nila dahil tinatamad siyang maglakad kaya pinulupot niya ang kamay sa leeg nito."I hope your attitude won't change, you will always be this tender and sweet to me." Hinalikan ni
Nagising si Aliyah sa hospital bed. Nilibot niya ang kanyang mga mata at nakita niya si Darlene na nakahiga sa sofa at mahimbing na natutulog.Bumalik sa alaala niya ang nangyari kagabi. Biglang kumirot ang dibdib niya, kahit saang sulok ng silid ay hindi niya nakita si Reed. Hindi niya na pigil ang mapa- hikbi. "Reed…"Bulong niya sa pangalan ng asawa habang tumutulo ang mga luha niya. Hindi niya akalain, sobrang saya pa niya nang mga nakaraang araw kasama ito. Pero sa isang iglap lang, halos ikamatay niya ang sakit. Ayaw niyang paniwalaan ang mga nakita sa picture at kung totoo man ang lahat ng iyon. Pwede pa niyang palampasin. Obviously, mga past relationship niya o naka-fling lang ang iba doon. Pero ang na receive niyang call kagabi. Yon ang hindi niya kayang tanggapin.Parang hindi kayang ekonsidera ng utak niya. Nilamon siya ng matinding panibugho. Wala si Reed ngayon, it means nasa kandungan pa ng Ex nito. Ang sakit at hapdi na nararamdaman niya kagabi ay domoble dahil sa isip
Nabunutan siya ng tinik nang makita niya ito sa sofa at mahimbing na natutulog. Kaya nilapitan niya ito at hinaplos ang maamong mukha nito, "I'm sorry, Baby." Bulong niya sa puno ng tainga nito at mabilis na hinalikan sa gilid ng leeg nito. Binuhat niya ito ng pa-bridal style at dinala sa silid nila at maayos na pinahiga. Mula ng lumabas ito sa hospital ay madalang na itong makipag-usap sa kanya.Kapag natatagalan naman siya ng uwi, ito ang madadatnan niya. Ganito ang routine nila gabi-gabi. Kahit hindi siya nito kinikibo pero hinihintay parin siya nito hanggang sa makauwi siya.Napapangiti na lang siya sa pagiging moody ngayon ng asawa niya. Kahit galit ito sa kanya magkatabi pa rin sila sa kama at ayaw nito na gigising na wala siya sa tabi nito. Ayaw niyang mag-isip ito ng masama dahil buntis ito baka makasama pa sa kanya.Maingat na nilapag niya ito sa kama at inayos niya ang comforter hanggang sa leeg nito bago niya hinalikan sa noo at sa tiyan, "I'm sorry for hurting you. God
How are you, my sister in law? I heard you are well. Are you ready to see your son?" Nakangising aso ito. Nanlilisik ang mga mata ni Mrs Alfonte nang tingnan ito, "Walang hiya kayo ng kapatid mo! Saan nyo tinago ang anak ko?" "Chill, Relax! Sister in law, I'm not here to your rants. By the way, kahit may edad ka na, maganda ka parin." Humalakhak ito."Ikaw rin kahit matanda ka na at panot! Bastos ka pa rin!" Tumawa siya ng nakakaloko kaya nag-iba ang aura nito. Ang kanina aliw na aliw na pikunin siya. Ngayon naging madilim na.She doesn't care, anyway. Napapangiti siya sa loob-loob niya.Nilapitan siya nito at hinawakan sa panga, "Hoy, baliw huwag na huwag mo akong aasarin kung ayaw mong ilibing kitang buhay dito. Malandi!" Marahas nitong binitiwan ang panga niya.Nang makita niya ang paparating na staff na in-charge sa kanya, umiyak siya at nagsisigaw, "Bad! Bad! Si Panot, bad! Ilayo nyo siya sa akin. Ayoko sa pangit na yan!" Sigaw niya at dinuro-duro ang lalaki."What the!" Sasamp
Hindi maipinta ang mukha ni Reed ng maabutan niya ang kabaong sa harapan ng gate nila, " Itapon nyo ang kabaong na yan, ngayon din!" Dumagundong ang boses niya dahil sa galit. "Sir, nasa underground ang nagdala ng kabaong na yan." Wika ng tauhan niya."Good. Alam nyo na ang gagawin nyo. Iligpit lahat ng kalat! Malinis at walang mantsa!" Sagot niya at iniwan na ang mga ito. Naikuyom niya ang kanyang kamao, at nagpupuyos siya sa galit. Iniiwasan na sana niyang pumatay kung maaari dahil ayaw niyang malaman ni Aliyah ang ganap sa nakaraan niya. His dark past is terrible at hindi niya alam kung matatanggap ito ni Aliyah kung malaman nito. Kaya nga nasaksak siya dahil hindi niya pinatay ang nakasaksak sa kanya. Ngunit dahil inunahan siya nito, wala siyang choice kundi utangin ang buhay nito at muling pumatay.Kinalma niya ang sarili habang pabalik na sa loob ng silid niya. Sumasakit ang batok niya. Ayaw talaga siyang tantanan ng mga kalaban niya.Habang nasa kalagitnaan siya ng hagdan n
Dahan-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata. Wala siya sa silid nila at puro puti ang nakikita niya sa apat na sulok ng silid. Ginala niya ang mga mata at hinanap si Reed ngunit wala ito.Nakita niya ang kanyang mga magulang sa sofa na seryosong nag-uusap. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito dahil pabulong lang sila kung magsalita. Pero sa mukha na nakikita niya sa Daddy niya parang may mali. Ang Mommy naman niya ay nagpupunas ng luha sa pisngi habang pinipisil naman ng daddy niya ang kamay nito. Naka- side view ang mga ito sa kanya at hindi siya napansin.Dumako ang mga mata niya sa kabilang side. Nasa isang kama sina Reem at Darlene nakahiga. Mahimbing ang mga ito na natutulog. Pumikit siya ulit dahil naglo-loading pa ang isipan niya. Hindi naman siya napansin ng mga magulang niya na nagising na siya. Nasaan siya? Tanong niya sa isipan.Nakaramdam siya ng pananakit sa puson niya at ramdam niya na may iba sa katawan niya. Sobrang kirot sa pagitan ng mga hita ni
Umabot ng isang linggo sa hospital si Aliyah. Gusto kasi ng mga magulang niya na walang magiging problema sa kalusugan niya at fully recovered siya bago umuwi sa bahay nila.Lahat ng kakilala nila na malapit sa kanilang pamilya ay nakadalaw na sa kanya ngunit ang kaisa-isang taong inaasahan niyang makita at dumamay sa kalungkutan at pighati na nararamdaman niya ay hindi nagparamdam sa kanya. Ang sakit na nararamdaman niya ay domoble. Nawalan na nga siya ng anak, nawalan pa siya ng lalaking pinakamamahal. Last night na niya sa hospital, kinabukasan uuwi na siya sa bahay ng mga magulang niya. Sina Darlene at Reem ang kasama niya ngayon. Tulog na ang mga ito dahil hating-gabi na. Tumulo ang mga luha niya, "Bakit Reed, dito na lang ba talaga matatapos ang lahat sa atin? Kung gaano tayo kadaling nagkagustuhan, ganun din tayo kadaling magkalimutan?" Bulong niya sa isipan. Halos gabi-gabi kapag tulog na ang mga bantay niya, umiiyak siya ng lihim. Labis-labis na ang sakit sa puso niya. An
Nagsisiklab sa galit si Zimmer Alfonte dahil sa katangahan ng tauhan niya, "Itapon sa bangin ang mga ugok na yan!" Utos niya sa mga ito. Bumalik ang kabaong sa hideout nila kasama ang dalawang lalaki na tadtad sa bala ang buong katawan. May note pa na nakapaskil sa loob ng kabaong."Kapag hindi ka pa tumigil sa kakapadala ng kabaong, ikaw na ang isusunod na paglalamayan!" Kinuyumos niya ang papel at tinapon sa kabaong at pabagsak na sinara ito."Mga gago! Kayo ang ibabaon ko sa hukay!" Banta niya at gigil na pumasok sa loob ng hideout niya. "Boss, ang Tito nyo tumatawag." Lumapit ang isang tauhan nito at iniabot ang phone.Nagsalubong ang makakapal na kilay nito, "Tsss! Ano na naman kaya ang sasabihin ng demonyong ito!" Bulong niya sa sarili. Lalo siyang nanggigil sa galit. Humugot siya ng malalim na hininga.Kinuha niya ang phone at sinagot ito, "Hello, Tito, napatawag kayo?" Tanong na bungad niya."Hindi ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo, Zimmer! Bakit sunod-sunod ang pag-atake