Hindi maipinta ang mukha ni Reed ng maabutan niya ang kabaong sa harapan ng gate nila, " Itapon nyo ang kabaong na yan, ngayon din!" Dumagundong ang boses niya dahil sa galit. "Sir, nasa underground ang nagdala ng kabaong na yan." Wika ng tauhan niya."Good. Alam nyo na ang gagawin nyo. Iligpit lahat ng kalat! Malinis at walang mantsa!" Sagot niya at iniwan na ang mga ito. Naikuyom niya ang kanyang kamao, at nagpupuyos siya sa galit. Iniiwasan na sana niyang pumatay kung maaari dahil ayaw niyang malaman ni Aliyah ang ganap sa nakaraan niya. His dark past is terrible at hindi niya alam kung matatanggap ito ni Aliyah kung malaman nito. Kaya nga nasaksak siya dahil hindi niya pinatay ang nakasaksak sa kanya. Ngunit dahil inunahan siya nito, wala siyang choice kundi utangin ang buhay nito at muling pumatay.Kinalma niya ang sarili habang pabalik na sa loob ng silid niya. Sumasakit ang batok niya. Ayaw talaga siyang tantanan ng mga kalaban niya.Habang nasa kalagitnaan siya ng hagdan n
Dahan-dahan na minulat niya ang kanyang mga mata. Wala siya sa silid nila at puro puti ang nakikita niya sa apat na sulok ng silid. Ginala niya ang mga mata at hinanap si Reed ngunit wala ito.Nakita niya ang kanyang mga magulang sa sofa na seryosong nag-uusap. Hindi niya naririnig ang pinag-uusapan ng mga ito dahil pabulong lang sila kung magsalita. Pero sa mukha na nakikita niya sa Daddy niya parang may mali. Ang Mommy naman niya ay nagpupunas ng luha sa pisngi habang pinipisil naman ng daddy niya ang kamay nito. Naka- side view ang mga ito sa kanya at hindi siya napansin.Dumako ang mga mata niya sa kabilang side. Nasa isang kama sina Reem at Darlene nakahiga. Mahimbing ang mga ito na natutulog. Pumikit siya ulit dahil naglo-loading pa ang isipan niya. Hindi naman siya napansin ng mga magulang niya na nagising na siya. Nasaan siya? Tanong niya sa isipan.Nakaramdam siya ng pananakit sa puson niya at ramdam niya na may iba sa katawan niya. Sobrang kirot sa pagitan ng mga hita ni
Umabot ng isang linggo sa hospital si Aliyah. Gusto kasi ng mga magulang niya na walang magiging problema sa kalusugan niya at fully recovered siya bago umuwi sa bahay nila.Lahat ng kakilala nila na malapit sa kanilang pamilya ay nakadalaw na sa kanya ngunit ang kaisa-isang taong inaasahan niyang makita at dumamay sa kalungkutan at pighati na nararamdaman niya ay hindi nagparamdam sa kanya. Ang sakit na nararamdaman niya ay domoble. Nawalan na nga siya ng anak, nawalan pa siya ng lalaking pinakamamahal. Last night na niya sa hospital, kinabukasan uuwi na siya sa bahay ng mga magulang niya. Sina Darlene at Reem ang kasama niya ngayon. Tulog na ang mga ito dahil hating-gabi na. Tumulo ang mga luha niya, "Bakit Reed, dito na lang ba talaga matatapos ang lahat sa atin? Kung gaano tayo kadaling nagkagustuhan, ganun din tayo kadaling magkalimutan?" Bulong niya sa isipan. Halos gabi-gabi kapag tulog na ang mga bantay niya, umiiyak siya ng lihim. Labis-labis na ang sakit sa puso niya. An
Nagsisiklab sa galit si Zimmer Alfonte dahil sa katangahan ng tauhan niya, "Itapon sa bangin ang mga ugok na yan!" Utos niya sa mga ito. Bumalik ang kabaong sa hideout nila kasama ang dalawang lalaki na tadtad sa bala ang buong katawan. May note pa na nakapaskil sa loob ng kabaong."Kapag hindi ka pa tumigil sa kakapadala ng kabaong, ikaw na ang isusunod na paglalamayan!" Kinuyumos niya ang papel at tinapon sa kabaong at pabagsak na sinara ito."Mga gago! Kayo ang ibabaon ko sa hukay!" Banta niya at gigil na pumasok sa loob ng hideout niya. "Boss, ang Tito nyo tumatawag." Lumapit ang isang tauhan nito at iniabot ang phone.Nagsalubong ang makakapal na kilay nito, "Tsss! Ano na naman kaya ang sasabihin ng demonyong ito!" Bulong niya sa sarili. Lalo siyang nanggigil sa galit. Humugot siya ng malalim na hininga.Kinuha niya ang phone at sinagot ito, "Hello, Tito, napatawag kayo?" Tanong na bungad niya."Hindi ako natutuwa sa mga pinaggagawa mo, Zimmer! Bakit sunod-sunod ang pag-atake
Ilang araw na din nang makauwi sa bahay nila si Aliyah. Para itong walang buhay sa bawat araw. Nagkukulong lang ito sa kwarto niya at ayaw makipag-usap sa kahit na kanino. Sina Darlene at Reem ay walang magawa dahil hindi naman sila nito pinagbubuksan. Wala rin itong maayos na kain at tulog. She's suffering depression, dahil sa nangyari sa kanya. Kapag sasabihin ng mga magulang niya na magpatingin sila ulit sa doctor ay nagagalit ito at lalong nilalayo ang sarili sa kanila."Ate, hindi pa rin nagbubukas ng pintuan si Ate Aliyah. Baka ano na ang nangyari sa kanya sa loob?" Nag-aalala na si Darlene. Kanina pa kasi ito katok ng katok sa pintuan ni Aliyah ngunit hindi pa rin siya pinagbubuksan ni Aliyah."Baka tulog pa siya?" Patanong na sagot ni Reem. "Hindi ko po alam. Tahimik sa loob ng kwarto niya. Wala man lang sign na may tao." Wika nito at nilagay muna sa tabi ang hawak na tray ng pagkain.Nilapit ni Reem ang tainga sa may pintuan at pinakinggan kung may kaluskos sa loob ngunit w
"Ano ba talaga ang plano mo? Ako na ang pinagbubuntunan ng galit ni Reem dahil sa pag-iwan mo kay Aliyah. Bakit hindi mo siya harapin!' Singhal ni Grey kay Reed. Nasa opisina sila ngayon nito dahil maraming mga nakatambak na paperwork.Walang buhay niya itong tiningnan, "Dude it's better to get hurt than to be with each other na hindi natin nasisiguro ang kaligtasan niya." Patuloy lang ito sa pagpirma at hindi nililingon ang kaibigan."Hindi ko talaga magets ang punto mo. Para kang shunga?! Anong silbi ng mga bodyguards mo!" Tumayo ito at namewang."Huwag mo akong sisisihin kapag dumating ang time na wala ka ng babalikan pa." Umalis ito na nababagot.Hindi niya ito masisisi, siguradong siya ang tinatalakan ni Reem. Knowing Aliyah's cousin. Napahilamos siya sa mukha. Pagod na pagod na siya sa mga pangyayari sa buhay niya. Ang negosyo niya sa Mindanao ang pinag-iinitan ngayon ng mga kakompetensya niya sa negosyo. Gusto niyang malaman, bakit ganun na lang ang ginagawa ng mga kalaban ni
Lutang ang isipan ni Reed habang nagsasalita si William, ang isip niya ay nasa asawa niya. Kahit anong gawin niya, ang mukha ni Aliyah ang nakikita niya. "Dude! What the heck!? Get up man!" Iritang singhal sa kanya ni William, "Alalahanin mo, sasabak tayo sa giyera! At hindi basta-basta ang mga makakalaban natin ngayon. Gawin natin 'to, para matapos na ang paghihirap ng kalooban mo!" Umupo ito sa tabi niya at tinapik siya sa balikat."Dude! I'm a jerk! Fuck! Anong ginawa ko sa babaeng mahal ko? She's fucking miserable right now!" Hindi na niya napigilan ang sariling hindi maging emosyonal. Para siyang bata na nawawala at hindi malaman kung anong daan ang tatahakin para makabalik siya sa bahay nila.Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil sa nangyari kay Aliyah. "Fuck, Dude! I didn't think you would cry because of a girl. Fuck that love! Is love really that powerful?" Hindi makapaniwala na napailing ito.Napahilamos siya sa mukha, "I guess so. I don't know what to do anymore. This i
Nagkikislapang mga ilaw, usok ng sigarilyo, at malakas na musika. Malawak na dance floor, maraming mga mesa at upuan na punong-puno ng kalalakihan na may iba't-ibang personalidad. Mga entertainer na mga minor ang paparoot-parito para mag-entertain ng mga guest."Wow! Ang daming tao, Boss!" Bulalas ni Esmael kay Reed. Nasa loob na sila kasama ang sampung tauhan na nasa ibang table naman. Naghihintay lang sila ng tamang tiyempo. Nilibot ni Reed ang paningin sa paligid. " Tiba-tiba si Watchinanggo ngayong gabi. Pero sorry na lang siya." Dinampot niya ang isang pakete ng sigarilyo at binuksan ito. "There are 30 armed men roaming around now. On the second floor are the women who will be taken to Japan early in the morning. We only need to spend 1 hour here. We will act cautiously and ironically."Wika ni William na sinindihan ang sigarilyo na nasa bibig ni Reed at kumuha din ito ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan.Hithit buga ang ginagawa ng dalawa habang nag-oobserba sa loob at
WARNING: SPGMahimbing na natutulog si Reed nang marinig niya ang sigaw ng asawa, "Reed, manganganak na yata ako. Ang sakit na ng tiyan ko." Napabalikwas siya ng bangon, dahil naalimpungatan siya, "Aliyah, w-wait…" Hindi magkandaugaga na sabi niya. Mabilis na nag soot siya ng pants at nilapitan ang asawa. Naka boxer short at sando lang kasi ito kapag natutulog. Bubuhatin na sana niya ito ngunit pinigilan siya nito, "Lalabas na yata siya, Reed… Ahhh! Ang sakit!" Lalo siyang nalito at nataranta kung ano ang uunahing gawin, hinaplos niya ang tiyan nito, "Pigilan mo muna, wait lang!" Aalis na sana siya ngunit napasigaw ulit ito dahil may lumabas ng tubig sa pwerta nito, "Holly shit!" Nanlaki ang mga mata niya, "Wait, sandali, Aliyah…" "T-Tanggalin mo ang underwear ko, bilis! Lalabas na siya." Utos nito habang nakahawak sa tiyan ang isang kamay nito.Halos manlamig ang buong katawan niya sa narinig. Kung sa ibang sitwasyon pa sila ngayon kahit hindi nito sabihin na hubarin ang un
Hindi maipinta ang mukha ni Aliyah habang nakaupo sa sasakyan na katabi ang asawa.Narinig niya ang sunod-sunod na buntong hininga nito. Alam niyang kanina pa ito naiinis sa kanya. Pagkatapos kase siya nitong ipasok sa sasakyan kanina ay tahimik na ito at hindi na nagsalita pa. Pareho silang nakasimangot.Walang isa na nagsalita sa kanilang tatlo tahimik sila sa buong byahe kaya hindi na natiis pa ni Zimmer ang katahimikan. Kanina pa niya gusto magsalita dahil sa naiisip na senyales sa ipinapakitang pagbabago ng mood ni Aliyah. "Bro, naiisip mo ba ang naiisip ko sa akto ngayon ng katabi mo?" Basag nito sa katahimikan. "Yeah. Tinutupak na naman. " Sagot nito at sinulyapan pa siya pero iningusan niya lang ito. "Lakas ng trip! I can't imagine that she like to eat that fucking…" Hinarap niya ang asawa at pinalo ang braso para matigil sa pagsasalita, "Kung mag-usap kayo parang wala ako sa paligid n'yo!" Humalukipkip siya, "Ikaw Zimmer, hindi na tayo friends. Isa ka din, ang arte mo.
Ang honeymoon nila ang pinakamasayang sandali na hindi makakalimutan ni Aliyah. Walang araw na hindi siya pinasaya ng asawa. Kaya lalo niya itong minamahal.Sa dalawang buwan na pamamalagi nila sa El Nido na silang dalawa lang ay langit para sa kanya. Pauwi na sila pabalik sa Manila, masayang sinasabayan ni Reed ang kanta ni Dan Hills na I fall all over again sa FM na napili niya, habang nakahawak ito sa kamay niya. Patingin-tingin pa ito sa kanya at tila inaakit siya. May pa halik-halik pa ito sa kamay niya. Kilig na kilig naman siya sa ginagawa nito, para siyang teenager na hinaharanahan ng crush niya. Napapangiti na lang siya sa kalandian nito. Maganda ang boses nito at napakasarap sa pandinig. "I love you Reed." Bigla ay bulalas niya. Basta lumabas na lang ito sa bibig niya ng kusa. Matamis itong ngumiti sa kanya, "I love you too, Baby, more than you love me. It's corny but I'm not ashamed to tell you how much I love you." Malambing na sagot nito. "Eyy! Corny but I love i
WARNING: SPGMahimbing na mahimbing ang tulog ni Aliyah kahit alas nuebe na ng umaga. Nakaligo na at nakapagluto na rin si Reed ng agahan nila ngunit ang babae ay parang tulog mantika. Pagod na pagod ito dahil sa paulit-ulit na pag-angkin sa kanya ng asawa kagabi.Sarap na sarap ito sa pagtulog habang nakayakap sa unan na ginamit ng asawa. Mahinang tinulak ni Reed ang pintuan para hindi ito magising. Napapangiti siya sa ayos ng asawa sa pagkakahiga, kitang-kita niya ang makinis at bilugan nitong hita na nagpagising na naman sa ahas niya na ngayon nagpapasikip ng pants niya. Bagong ligo siya ngunit nagsisimula na naman siyang pagpawisan ng malapot kahit naka aircon pa ang silid nila."Fuck, Aliyah. I'm really addicted to you." Bulong niya sa sarili habang dahan-dahan na naglalakad papunta sa kama. Napapalunok pa siya dahil sa paglalaway. Parang asong ulol."Your fucking hot, baby, kaya ako baliw na baliw sayo." Sambit pa niya. Nasa tapat na siya ng kama ng tumihaya ito at lalo si
Over the landscape, the broad sand is cascading across the land. Ang malamig na hangin ay nagdudulot ng kaginhawaan sa pakiramdam, mula sa mainit at papalubog na araw. Sa di kalayuan, humahampas ang tubig sa mga bato. Tahimik ang buong paligid. Isang enggrandeng kasal ang magaganap ngayon sa rocky outcraft kung saan unang nagkatagpo ang dalawang taong pinagtagpo at tinadhana. Ilang beses man silang sinubok ng panahon ngunit hindi hadlang ang mga iyon para mawala ang pagmamahal sa isa't-isa. Ang red carpet na nilatag sa mas pinalawak na bulwagan ng batuhan ay puno ng mga bulaklak. May mga balloons at string lights din na may iba't-ibang mga hugis na lalong nagpaganda sa venue. Maraming mga paro-paro na lumilipad sa mga bulaklak. Tila mga diyosa at diwata ang mga babae at mga adonis na bumaba sa langit naman ang mga lalaki. Labas ang matitipunong mga dibdib dahil sa mga long sleeve ng mga ito na sinadyang hindi e button ang dalawang butones sa may dibdib ng mga ito.. Masayang mga
Nasa open cottage sina Aliyah, at Reem kinahapunan. Nakatingin sila sa papalubog na araw. "Parang kailan lang, ano? Dati, tayong dalawa lang ang nagbabakasyon tuwing summer. But you can see naman may kambal ka na. At preggy na din ako. May kanya-kanya na tayong pamilya." Nakangiting wika ni Reem habang nakatingin sa malawak na karagatan. "Oo nga eh, ang dami kong napagdaanan. Akala ko nga hindi ko makakayanan. Pero kita mo naman ngayon, I'm still alive and kicking." Napahalakhak na sagot niya. Yong masasakit na mga karanasan paglipas pala ng panahon ay pagtatawanan mo na lang. "Hindi ko rin expected na mala teleserye pala ang magiging lovelife mo with your hubby. But anyways, hindi pa ba nag-aaya sayo si Reed na magpakasal sa simbahan in public?" Sinulyapan siya nito bago tumingin muli sa malayong karagatan. "Wala e, baka wala na siyang balak. Ang rupok ko kasi. Shity! Dapat sana hindi agad ako sumama sa kanya, dapat nagpakipot din ako ng konti." Nakasimangot na sagot niya sabay h
WARNING: SPGNaglakad-lakad siya ngayon sa dalampasigan. Ang bahagyang simoy ng hangin ay nagsimulang umihip sa kanya habang patuloy siyang naglalakad. Feeling niya dinuduyan siya sa alapaap habang nilalanghap ang sariwang hangin. Ang bilis talagang lumipas ng panahon, parang kailan lang ang gulo ng buhay niya. Napatingin siya sa malawak na karagatan. Maraming masasayang ala-ala ang bumalik sa isipan niya kasama ang asawa niya. Hindi niya maiwasang mapaluha kapag sumasagi sa isipan niya ang nangyaring pagsagip sa kanya nito ilang buwan na ang nakaraan. Halos panawan siya ng ulirat ng mga sandaling iyon. Nagpatuloy siya sa paglalakad sa dalampasigan, gumagaan ang pakiramdam niya sa tuwing nasa Beach resort siya, ang lahat ng kanyang mga problema, pag-aalala at mga alalahanin ay nakakalimutan niya kapag nakikita niya ang malawak na karagatan. Palubog na ang haring araw at malamig na ang simoy ng hangin na dumadampi sa balat niya. Nasa El Nido sila ngayon at kasalukuyang nagbaba
"Reed, akin ka lang! Ang tagal kung naghintay sayo, hindi ako papayag na mapunta ka sa babaeng yan!" Sigaw ni Avery at mabilis na kinuha ang baril sa sahig at itinutok kay Reed ng akmang bubuhatin na ang asawa na walang malay. "Damn you, woman! Umalis ka na hangga't nakakapagtimpi pa ako sayo." Madilim ang aura niya nang humarap siya sa babae. Kanina pa siya gigil na gigil dito. Kahit malalakas ang pagsabog sa labas at pagpapalitan ng baril, tila silang tatlo lang ang nasa lugar at walang pakialam sa maaaring mangyari kapag nagtagal pa sila sa silid na iyon. "No. Kung hindi ka magiging akin, mas mabuti pa na mamatay ka na lang! Papatayin kita at pagkatapos, magbabaril din ako sa sarili ko." Umiiyak na wika nito. Nanginginig ang kamay nito habang mahigpit na hawak ang baril. "Put down your gun, Avery. I'm warning you!" Dahan-dahan niya itong nilapitan. "No. Huwag kang lalapit! D'yan ka lang!" Sigaw nito habang umaatras at nanlilisik ang mga mata. Huminto siya, "Then, give me your
SAMANTALA, nakarating ang grupo nina Reed sa lugar na pinagdalhan kina Aliyah, Dianne at mga bata."Ready to ramble!" Darren smirked and wink sa mga kasama. Ito ngayon ang leader ng mga sniper kasama ang limang tauhan nila na galing din sa LA, kasama niyang umuwi sa bansa. Naka-posisyon na ngayon ang mga backup nila na nauna na sa kanila. Sinulyapan ni William ang wristwatch, "Time to play. Kailangan na uuwi tayong walang kahit anong latay sa katawan. Dahil kung sino man ang masusugatan ngayon, may punishment para magtanda." Wika nito."What? Iba ka din, Dude! Pero ano ba ang punishment?" Tanong ni Darren habang nakakunot ang noo."Kapag nasugatan kayong mga lalaki kayo, itatago ko lahat ng mga babaeng kinahuhumalingan ninyo. Kaya huwag palampa-lampa. Puro lang kayo papogi!" Isang seryosong boses ang sumagot sa tanong ni Darren na nagmumula sa earpiece na soot nila. May mga mahihinang tawa din ng mga babae sa background nito."What the!? Baby ko?" Hindi makapaniwala na bulalas ni Dar