Patungo na si Melody sa kaniyang kuwarto nang marinig niya ang mahinang mga haling-hing at ungól. Hindi dahil sa chismosa siya kaya nakuha nito ang atensyon niya, kundi dahil sa tingin niya ay nangagaling ito sa dulong kuwarto kung saan naroon ang nursery room.Walang ibang magkarelasyon dito bukod kay Athena at Vito. At imposible din namang sila Luhan or Epifanio ang narito dahil hindi nito magagawang bastusin ang mansion— ang sa tingin niya ay pag-aari niya. Mabilis siyang naglakad patungo rito, at pakiramdam niya ay umaakyat ang kaniyang dugo sa kaniyang batok.“Ooohhh. . . Fuck. F–Faster, B–Baby. . . D–Deeper. . . Aaaahhh. . .”Walang katok o kahit salita man lang na binuksan niya ang pintuan. At tama nga siya ng hinala. Naabutan niyang hubo’t-hubad si Athena at Vito, habang nasa ibabaw ito ng kama at gumagawa ng milagro.“What the fuck are you doing here?!” malakas niyang sigaw sa dalawa, dahil kaagad na nilukob siya ng galit.Hindi naman nagulat ang dalawa at dahan-dahan pa ngan
“Dalhin natin siya sa hospital!” sambit ni Atlas nang makalapit si Epifanio at Milandro.“Hindi puwede!” sabay na sagot ng dalawa.Napapunas pa si Atlas sa kaniyang mukha na puro bula, dahil kasalukuyan siyang naliligo nang marinig niya ang malakas na katok mula sa pinto.“Bakit? Anong mayroon? Kung hindi natin siya dadalhin sa hospital, mas maganda siguro kung tawagan mo na si Apollo.”“Mas lalong huwag, dahil malaking gulo na naman ito.” tugon naman ni Milandro.“Dalhin muna natin siya sa kanilang kuwarto, at pagkatapos ay ako na ang bahalang tunawag kay Doctor Izzy.” suhestiyon ni Atlas. “At tatapusin ko na rin ang pagligo ko.”Sinunod naman ni Atlas ang sinabi ni Epifanio. Kahit puno siya ng pag-aalala at takot ay nagawa niya pang mabuhat ito kahit pa paano. Sa katunayan ay gustong-gusto na niyang tawagan si Apollo, pero paulit-ulit naman pinapaalala sa kaniya ni Milandro ang malaking gulo na maaaring maganap.Si Milandro na rin ang nagpaalam sa kanilang Daddy ang nangyari kay Melo
Si Epifanio na ang siyang tumawag kay Apollo. Kasalukuyan silang nasa park ng kaniyang mga anak habang lumakain ng ice cream. Nang sabihin ni Epifanio na may emergency at kailangan na nitong umuwi ay hindi ito nagdalawang isip na umuwi.Ipinaliwanag niya sa kaniyang mga anak ang nangyari. Maingat siyang nagdrive kahit madali-madali na siya at nang makababa sa kotse ay kaagad naman silang sinalubong ni Milandro. Ibinigay niya rito ang susi pati na ang dalawang anak niya.Mabilis siyang nagtungo sa kuwarto nila ni Melody ngunit naka-lock ito sa loob. Mas nanaig ang takot sa kaniyang díbdib. At pakiramdam niya ay may nangyaring hindi maganda habang wala siya rito.“Epifanio?! Where’s Melody anong nangyari?” tanong niya nang salubungin siya nito sa hallway.“Sssh! Huwag kang maingay dahil baka magising siya!” saway nito sa kaniya na siyang ikinakunot ng noon niya.“What do you mean? Tulog lang siya?” parang nakaramdam siya ng inis kay Epifanio. “What are you talking about in an emergency?
Nang makapasok si Apollo sa kuwarto nila ay hindi na naka-lock ang pinto. Ang hindi nito alam ay kaya talaga naka-lock kanina ang pintuan ay dahil naroon pa si Atlas. Hindi kasi nito maiwanan si Melody ng mag-isa kanina.“L–Love. . . B–Bakit mo naman itinago sa ’kin na buntis ka?” tanong ni Apollo kay Melody habang tulog ito at hawak niya ang kamay nito. “Mahal na mahal kita, alam kong makakaya mo. . .”Kaya pala ang daming nagbago rito. Mula sa panlasa, pang amoy, at pagkatapos ay bago-bago ng mood. Akala niya ay normal iyon sa babaeng magkakaroon ng buwanang dalaw. Pagkatapos ay napapansin niya rin na umuumbok na ang tiyan nito.Mukhang siya pa ang pinaglilihian ni Melody dahil palaging siya ang gusto nitong kasama, pinagamit pa siya ng feminine wash bilang shampoo, at pati sa pagluluto ay siya pa rin ang pinakilos nito. Hindi niya tuloy maiwasan ang hindi mapangiti. Paniguradong kamukha niya ang magiging qnak niyang ito.Sigurado siya isang daang porsyento!Nang dumating ang kambal
Nagising si Melody nang mabigat ang kaniyang pakiramdam at masakit ang kaniyang ulo. Nang iangat niya ang kaniyang braso ay saka niya naramdaman at napansin niyang may nakatusok doon na diretso sa swero. Halos wala siyang maalala kung paano siyang nagkaroon nito.Ipinalibot niya ang kaniyang paningin kung nasaan siya. Nawala naman ang takot na nadarama nang makitang nasa kuwarto siya nila ni Apollo at wala siya sa hospital. At nakita niya rin sa kaniyang tabi si Apollo na nakaupo at mahimbing na natutulog.Maingat niyang tinanggal ang kamay nito na nakapatong sa kaniyang braso upang hindi magising. Pero ang ending ay naalimpungatan pa rin ito at kaagad siyang tiningnan. Gustong niyang matawa dahil para itong zombie sa laki ng eyebag, ngunit mas nanaig ang pagka-uhaw niya.“Gising ka na pala. Kanina ka pa gising? May masakit na sa ’yo? May gusto kang kainin? Anong gusto mo?” sunod-sunod na tanong ni Apollo na siyang ikinagulat niya.Bahagya siyang umiling. “T–Tubig lang.” pagkasambit ni
“What the fuck is that?!” halos pasigaw na tanong ni Athena habang nakakunot ang noo nito. Ang mga kamay naman ay nakalahad sa harapan ng baka.Napailing ang si Arthur at hindi mawari kung matatawa ba siya o magagalit. This is the first time na mayroong baka as in cow na buhay sa kanilang hardin. If his wife was alive, hindi nito pahihintulutan ang bagay na ito dahil tiyak na masisira ang kaniyang mga halaman.“It’s a cow. Ano ba ang sa tingin mo?” pilosopong tugon ni Atlas.“I know it’s a cow! But what the hell is doing that here?!” nanlalaki pa ang mga mata nito.Napakibit balikat si Atlas. ”I don’t know. Ang sabi ng nag-deliver ay si Kuya Apollo raw ang bumili niyan. Malay mo bago na ang taste niyang alagaan pagdating sa hayop?”“No fucking way! Look at that cow! Ang baho-baho! And besides that’s not a friendly animal! Kinakain ’yan! Ginagawang meat!” inis na sambit ni Athena at umakto na parang nasusuka.“Malay natin baka gawing lechong baka? Huwag ka ng maraming reklamo dahil wal
“Aaaah! Sobrang sarap! Tamang-tama lang ang timpla ng bagoong at asim ng mangga!” tila kinikilig na sambit ni Melody. “Ang galing niyong umakyat, ah!”Nakatingin lamang sila Apollo at Epifanio habang sarap na sarap si Melody na kumakain ng mangga at nanunuod kung paano ito akyatin ni Apollo. Kitang-kita sa video kung paano siya kasaya ngunit sa reyalidad ay halos maiyak siya sa hirap ng dinaranas niya. Pilit nilang kapwa itinatago ang benda sa kanilang mga binti upang hindi malaman ni Melody ang kanilang pinagdaanan.Nang matapos kumain si Melody ay nagpaalam na rin silang dalawa ni Epifanio na lalabas muna. Kaagad niyang tinawag si Milandro at saka siya inalalayan nito patungo sa library room. Habang si Epifanio naman ay naiiyak na mag-isang binabagtas ang hallway patungo rin sa library room.They called a private Doctor, dahil hindi nila alam kung pilay ba o naipitan ng ugat ang kanilang mga binti.“This is the last time na sasama ako sa ’yo! Aaaaah!” sabay hiyaw ni Epifanio nang ga
“Who the hell tells Melody that I have an ex-girlfriend?!” iyon ang umalingawngaw na sigaw ni Apollo sa sala ng mansion. Natigil si Athena at Vito sa kanilang paghaharutan. Gayon din ang pag-uusap nila Milandro at ng Daddy niya. Wala kasi siyang ibang maisip na dahilan kung paano nalaman ni Melody ang kaniyang nakaraan.Nang wala siyang makuhang sagot ay inis siyang nagtungo sa katabing mansion kung nasaan si Epifanio. Nadatnan niya pang kamuntik na itong malaglag sa sofa nang makita siya. Kaagad naman siyang tumalikod dahil kasalukuyang nakaluhod sa harap nito si Hope.That fucker. Nagawa pa nitong mapunta sa ganitong sitwasyon habang halos pilay ang binti nito. At isa pa hindi nga sila maayos ni Melody, eh. Ang lagay ba ay siya lang ang magdudusa?“What the fuck are you doing here?!” singhal nito sa kaniya. “May pinto naman ang bahay ko bakit hindi ka muna kumatok?!”Dali-dali namang tumayo si Hope na halos sobrang pula na ang mukha dahil sa kahihiyan. Mabilis siyang tumakbo papalab
Melody's Point Of View.“You may now kiss the bride!” Sigaw ng pari.This is the 10th time na ikinasal kami ni Apollo. Kasalukuyan kaming nasa Maldives kasama ang aming mga anak at nga kaibigan.“I love you, love. Kahit ilang beses pa kitang pakasalan ay gagawin ko, para lang mapasaya kita.” Sambit ni Apollo saka ginawaran ng halik ang aking labi.Nakangiti kong tinanggap ang halik ni Apollo. Pagkatapos ay nagsigawan ang aming mga anak at mga kaibigan daka nagpalakpakan. Kitang-kita ko ang saya sa kanilang mga mata.Kahit maedad na kami ay hindi pa rin nawawala ang sweetness namin sa isa't-isa ni Apollo. Parang kahapon lang nang magkakilala kami, at ngayon ay habang buhay ng magkasama at magkatuwang sa buhay.Minsan dumarating sa puntong araw-araw akong nagbabalik tanaw sa mga alaala at mga pinagdaanan namin bilang isang pamilya. Hindi ko inaakalang darating pa kami sa puntong ngayon na magkasama kaming dalawa kasama ang aming mga anak.Ikinasal na rin si Atlas, Epifanio, at Luhan. Si
“W–Wala na siya, Melody. Hindi niya kinaya. Wala na ang kaibigan namin…” umiiyak na sambit ni Epifanio nang makapasok ako sa kuwarto kung saan naroon si Apollo.Nakahiga ito at natatakpan na ng puting kumot ang kaniyang mukha. Dahan-dahan akong lumapit dito habang sapo ko ang aking dibdíb at umiiyak.“H–Hindi… Hindi siya puwedeng mawala…” umiiyak kong sambit habang nakatitig sa kumot na nagtatakip sa kaniya.Hindi ko akalaing ito ang magiging wakas naming dalawa. Paano na ako? Paano na ang mga anak namin?“L–Love, bumangon ka na riyan. Mahal na mahal kita. Please, huwag mo naman akong iwan. Hindi ko kaya…”Hinawakan ko ang kaniyang braso, dahil hindi ko kayang makita ang kaniyang mukha na wala ng buhay. Pakiramdam ko ay tuluyan akong mawawalan nang malay kapag nakita ko siya sa sitwasyon na hindi na siya babalik pa. Hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang braso habang umiiyak ako.“Aray! Fvck!”Nagulat na lamang ako nang bigla itong sumigaw. Dali-dali akong napatayo dahil sa takot.“S–S
Pagkatama nang bala ng baril sa díbdib ni Apollo ay kaagad siyang tumumba. Nakatingin siya sa kalangitan habang naririnig ang matinis na tunog. Halos mapaubo siya dahil sa sakit sa kaniyang díbdib.Habang si Athena naman ay nasa lapag na rin dahil binaril ng pulis ang taling nagsasakal sa kaniyang leeg. Umuubo rin ito habang nahihirapang huminga. Bahagya pa itong sumilip kay Apollo at nalaglag ang kaniyang luha. “Patay na rin dapat ako…” bulong niya. “Hindi dapat si Apollo lang… magkasama dapat kami… ‘till death do us part…”Mabilis naman na nilapitan ni Epifanio si Apollo.“Hoy! Siraulo ka hindi ka puwedeng mamatay!” umiiyak na sigaw ni Epifanio. “Mawawalan ako ng malaking pera!” dagdag pa nito.Para namang nainis si Apollo sa kaniyang narinig kaya bigla siyang umupo at binatukan ito.“Ang akala ko pa naman ay natatakot kang mawala ako dahil kaibigan mo ako! Iyon pala ay pera lang din ang inisiip mo!” singhal ni Apollo kay Epifanio.“Bu–Buhay ka pa?!” gulat na tanong ni Epifanio. “Sa
“Akala yata ng mga hayop na 'yon ay mahuhuli nila ako!” sigaw ni Athena at sinundan pa iyon ng malakas na tawa. “Sigurado akong lasog-lasog na ang katawan ngayon ni Melody. Susunod-sunurin ko na silang patayin at madali na lang 'yon gawin!”Napakunot naman ng noo si Athena nang mapansin na masyadong marami ang mga tauhan niya na nakasakay sa helicopter.“Hindi ba't sinabi kong dalawa lang ang susundo sa akin? Eh, bakit apat kayong naririto?” kunot noo niyang tanong.Nagtinginan ang tatlong lalaki bago magsalita ang nagmamaneho.“Kinailangan po namin ng dalawa pa incase na kailanganin niyo ng tulong kanina. Inihahanda lang po namin ang aming mga sarili.”Napaisip siya. Alam ng mga tauhan niya kung ano mga dapat na gagawin. Napatingin siya sa nga katawna nito. Hindi niya matandaan na may mga tauhan siyang ganito kalaki ang mga katawan. Halos mga adik, kawatan, at tambay ang kaniyang kinuha dahil mas madali silang mga utuin.Nagkunwari siyang tumango.“Si Vito, naroon na ba sa meeting pl
Hello readers/alabs!Mayroon lamang po sana akong gustong itanong sa inyo bago ko tapusin ang story ni Apollo at Melody.Gusto niyo po ba ng story ng isa sa kambal (Lexus) at dito ko po idurugtong sa story nila Apollo at Melody? Naisip ko lang po kasi since hindi po ako nakabawi sa inyo sa daily update kila Apollo at Melody. Gusto ko pong tuparin sa mga susunod na kabanata pero naisip ko rin po kasi na baka wala ng nagbabasa. Kaya gusto ko po sanang malaman ang opinyon niyo. 🥹🫶Comment YES if GUSTO niyo po at i-upload ko po bukas din kaagad! Maraming salamat po sa inyong pagbabasa! 🤗🫶– Miss Febbyflame/Sashi
“Bitawan niyo 'ko! Ano ba? Saan niyo dinala ang anak ko?!” malakas na sigaw iyon at papalapit sa kanilang puwesto.Pamilyar kay Melody ang boses na iyon ngunit hindi siya sigurado dahil naghehesterical ang babae. Kapwa na lamang na napatingin si Melody at Athena nang biglang pumasok ang dalawang tauhan habang bitbit ng mga ito si Tanny.“T–Tanny?” naiiyak na bulong ni Melody habang may mga pasa at dugo ang labi nito.“Madam, ang lintek na babaeng 'to ay nilaglag tayo!” galit na sambit ng isang lalaking may hawak kay Tanny.Mabilis na tumayo si Athena at kinuha ang buhok ni Tanny.“Punyetà ka talaga! Hindi ba't sinabi ko na sa 'yo na kapag pumalpak ka sa trabaho ay papatayin ko kayo ng anak mo! Talagang wala ka ng takot 'no?!” at malakas na sinampal nito si Tanny.Umiiyak na tumingin sa kaniya si Tanny at bakas na bakas ang sakit na nararamdaman nito.“Stop, Athena! Please, stop!” umiiyak na sigaw ni Melody. “Huwag mo siyang saktan! Maawa ka naman!”“Pati ba naman itong babaeng trumaydo
Melody’s Point Of View.“Kailangan nating bantayan mabuti ang babaeng 'to.”“Oo dahil malaking pera ang makukuha natin dito. Sayang at mukhang masarap din sana itong tikman.”“Oo nga, maputi at makinis pa. At isa pa, hindi pa rin naman ako nakakatikim ng buntis. Kung papalarin sana ay ngayon pa lang.”Nagising ako dahil sa makalas na tawanan. Halos sa aking mga mata ay nanlalabo pa ang aking paningin at tila umiikot pa rin ang paligid ko. Pinilit ko munang pakalmahin ang aking sarili bago muling dumilat.Naaninagan ko ang iilang liawanag lamang ngunit mas nananaig ang kadiliman. Hindi ko maipaliwanag kung anong klaseng amoy ang aking naaamoy— masangsang at mabaho. Nang ipalibot ko ang aking paningin ay doon ko napagtanto na nasa isang abandonadong bahay ako.Puno ng alikabok ang lugar na ito. Pinilit kong gumalaw pero kaagad ko rin na naramdaman na nakatali ang aking dalawang kamay at ganoon din ang aking mga paa. Nagsimula akong matakot at kabahan lalo na nang biglang bumukas ang isa
“Can you fvcking shut up? Hindi ako makapag-focus na pigilan ang luha ko!” inis na bulong ni Apollo.“Bakit ba kasi hindi ka nagdala ng tissue? Alam mo naman na iyakin ka.” natatawang bulong naman ni Epifanio.Bumalik ang atensyon ni Apollo kay Melody nang magpatuloy itong muling maglakad papalapit sa kaniya. Walang mapaglagyan ang saya sa kaniyang puso. At sinong hindi maiiyak kung ganito kaganda ang kaniyang mapapang-asawa?Nangako siya na kahit anong mangyari ay ibibigay niya kay Melody lahat ng pangarap nito. Walang perpektong relasyon, pero kilala niya ang kaniyang sarili at hinding-hindi siya gagawa pa ng ikakasakit ni Melody.Sa isip ni Apollo ay taimtim siyang nagpapasalamat at nagdarasal.“She is absolutely gorgeous. Thank you, God. Thank You, for giving me her as my wife. As we bow to You right now, kasabay nito ang pagbibigay namin sa Iyo ng kung anong nais mo sa amin. I do not deserve her, but yet you gave her to me. And I am forever grateful, God.”Dumating sa kanilang ha
Melody’s Point Of View.Ngayong araw ang itinakda para sa aming wedding ni Apollo. Kahit malakinna ang tiyan ko ay hindi pa rin natinag si Apollo para hindi ituloy ngayon dahil ayaw niyang kasabay niyang ikakasal si Alas. Loko-loko talaga ang lalaking iyon.Habang nakatingin ako sa malaking salamin ay hindi mawala sa akin ang malawak na ngiti sa aking labi. Himas-himas ko ang aking tiyan dahil kitang-kita na rin ang aking baby bump. Ako na lang ang narito sa dress making room, at nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at naroon si Apollo. “What are you doing here?” kunot noo kong tanong.“You’re so gorgeous, love.” he said instead, answering my question. I saw his mesmerizing eyes while looking at me. Lumapit siya sa akin at kaagad hinapit ang aking beywang.“Bawal ka rito, love! Bawal pa tayong magkita!” natatawa kong saad ngunit nananatili itong nakatitig sa aking mga mata.“Eh, gano’n din naman. Magkikita pa rin tayo. Ikakasal pa rin naman tayo. I just want to check something