Hello readers, sorry po natagalan sa update. :<
Kinagabihan ay hindi makatulog si Melody knowing that Apollo is just in another room. Nasa kuwarto siya ngayon ng kambal, habang ang mga ito naman ay nasa kuwarto ng Daddy niya, dahil gusto nila itong makatabi. So, sheʼs alone right now at para siyang mababaliw na dahil kanina niya pa pinipilit na makatulog ngunit nananatiling gising ang diwa niya.Naisip niyang social media will help her to sleep. Ngunit nang kapain niya ang kaniyang cellphone sa kama ay hindi niya ito nahawakan kaya naman kaagad siyang naupo at hinanap ito sa buong kama, kahit sa lamesa ay wala rin ito. Bigla ay pumasok sa kaniyang isipan na nailapag niya ito sa kuwarto ni Apollo nang sunduin niya ang dalawang anak kanina.Napahampas siya sa kaniyang noo. Bakit sa lahat ng araw ay ngayon niya pa ito naiwan at kasalukuyang gabi pa? Wala na siyang nagawa pa kundi ang tumayo at dahan-dahang lumabas sa pintuan ng kuwarto. Kailangan niyang mag-ingat para hindi niya magising ang mga kasama sa bahay.Kaagad siyang nagtungo
Lalabas na sana si Apollo mula sa kaniyang opisina ngunit kaagad naman na dumating si Mr. Aberin. Bakas sa mukha nito ang lungkot at pagkadismayado. Nasasaktan siyang makita na umiiyak ang nag-iisa niyang anak.“D—Dad. . . Magpapaliwanag po ako, this is just a misunderstanding—”“Huwag tayo rito mag-usap, Apollo. Trabaho lamang ang pinag-uusapan sa loob ng kompanya.” pagkasambit nito ng matandang Aberin ay kaagad na itong tumalikod at lumabas ng opisina ni Apollo.Napakuyom ng kamao si Apollo. Hindi niya inaasahan na narito ito ngayon, at sigurado siyang narinig nito ang lahat. Kung hindi niya kayang sabihin kay Melody, kaya niyang ipaliwanag ito sa matandang Aberin.Walang salitang sinundan niya ang matanda hanggang sa groundfloor ng building at pumasok sila sa loob ng kotse. Wala ni isa sa kanila ang gustong magsalita. Hinihintay niyang magalit ito o pagsabihan siya bago sana siya magpaliwanag ngunit hindi iyon nangyari bagkus ay may iniabot ito sa kaniyang papel.“Gumaganda na ang p
Nang makarating si Melody sa bahay ay kaagad siyang nagtungo sa kuwarto ng mga anak niya at iniligpit niya ang mga gamit nito. Hindi na niya kaya pa na makisama kay Apollo. Kung ipagpapatuloy pa niya na makisama rito at ipilit ang nararamdaman niya baka matagpuan niya na lang din na nasisiraan na siya ng ulo.Alam niyang sa huli siya lang din naman ang lubos na masasaktan— worst madamay pati mga anak niya, and she will not allow that happen. Ipinasundo na niya ang mga anak niya kay Manang Gina. Sunod niyang iniligpit ang kaniyang mga gamit. At nang mahawakan niya ang pinakamamahal niyang photo album— na siyang naglalaman ng litrato ng kaniyang munting anghel ay tila ba nanghina siya. Unti-unti siyang umupo sa kama habang hawak ang photo album. Tiningnan niya ang bawat pahina at litrato nito at hindi na niya napigilan pa ang paghagulgol niya ng iyak. Sheʼs now facing this trials, na alam niyang mas malala pa sa kaniyang nakaraan.Niyakap niya ang photo album habang patuloy na umiiyak.
“M—Mom? I thought you are not here yet?” mabilis na naglakad si Lexus patungo kay Melody at kaagad na inagaw ang hawak nitong papel at tinago sa likuran nito.“L—Lexus, what is that? K—Kaninong paternity test ʼyan?” kunot-noong tanong ni Melody, at bakas sa boses nito ang pagkakaba.Naglakad si Lexus patungo sa bag nito at ipinasok ang papel. “Mom, this is just a copy of a PDF file na nakuha ko po sa internet. I want to explain this to my classmate since she wanted to be a doctor. I hope you wouldnʼt mind?” nakatalikod nitong tugon. Ngunit ang kamay nito ay nanginginig dahil ayaw niyang malaman o mahalata ng kaniyang Mommy na nagsisinungaling siya.“Oh, okay.” para bang na-relief si Melody.Hindi na iyon pinansin pa ni Melody at laking pasasamalamat naman ni Lexus iyon. Nang lumabas si Melody ay kaagad na kinuha ni Lexus ang original copy at inipit nito sa kaniyang premium car collection. Sigurado siyang hindi ito pakikielaman ng kahit na sino dahil ayaw niyang ginagalaw ng ibang tao
“What the hell are you doing here? Ang sabi ko ay sa akin siya!” sigaw ni Lander at kaagad na sinuntok si Apollo.Mabilis na binitawan ni Apollo si Melody at kaagad itong sinalo ni Epifanio. Hindi na nakaiwas pa sa suntok si Apollo. At wala naman siyang balak iwasan iyon dahil gusto rin naman niyang makaganti rito kung paano nito hawakan at bastusin si Melody.He saw everything from the beginning. Nakita niya kung paano dumating si Melody. She was so stunning and mesmirizing. He canʼt help, but to look at her all the time. Hindi niya ito nilapitan kaagad dahil alam niyang kailangam ni Melody ng space. Maybe, this is good for the both of them.Not until, his friend– Lander, make a move. Well, nabahala siya ng bahagya, lalo pa nang makita niya kung paano nito napapangiti at napapatawa si Melody saka pasimpleng paghipo nito sa balat ng kaniyang asawa. Gusto niya itong patayín, gusto niya itong ilibing sa sarili nitong hukay.But he tried to ignored them, not until Hector found Lander, an
Nagising si Melody sa isang hindi pamilyar na kuwarto. Malaki at malawak ang hinihigaan niyang kama. Nang bumangon ay doon niya lamang nakita na wala na si Apollo sa tabi niya. Kaagad siyang nilukob ng takot.Hindi niya matukoy kung totoo ba ang nangyari kagabi o panaginip lang ang lahat? Nang tumayo siya ay nakita niyang nakasuot na rin siya ng pantulog. Seems like after that happened ay hindi na sila nagkaroon pa ng oras ni Apollo na magkasalo muli rito sa higaan.Iyon lamang ang natatandaan niya. Ang parteng nasa swimming pool sila. Hindi na niya maalala pa ang mga sumunod na nangyari. Napasabunot siya sa kaniyang buhok.“Bakit ba kasi halos nagpakalasing ako?”Ilang sandali pa ay napapitlag siya nang biglang may kumatok sa pintuan. Tumingin siya sa pinto at sa cabinet. Naghahanap siya ng puwesto kung saan siya puwedeng magtago. Hindi niya talaga kasi alam kung nasaan siya.Mabilis siyang tumakbo at binuksan ang malaking cabinet na kahoy at pinagsisikan ang kaniyang sarili sa loob.
Hindi na nagawa pang buksan ni Melody ang pintuan lalo pa at lumapit sa kaniyang puwesto si Milandro. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa at nakaramdam siya ng konting hiya. She felt nervous also, sa hindi niya malamang dahilan.“Napakaganda niyo po, Miss Melody.” papuri nito sa kaniya.Lihim na napangiti si Milandro. Tunay ngang maganda ang napang-asawa ng kanilang amo. At nawala ang pagdududa niya sa ugali nito, dahil kitang kita niya sa awra nito na mabuti ito gaya ng naging nobya ni Apollo noon.“M—Maraming salamat po, at pasensya na rin at hindi ko po alam na pribado pala ang kuwartong ito.” sabay tingin muli ni Melody sa pintuan. “Ang akala ko ay simpleng kuwarto lang.” dagdag pa niya.“Halina na po kayo, at ihahatid na po kita sa library room.” pagsawalang bahala ni Milandro sa sinabi ni Melody.Ayaw na niyang mapatagal ang kanilang pag-uusap dahil may mga bagay siyang hindi niya nais masambit dito lalo naʼt maraming sikreto ang pamilyang Luxerio.“Sige po.” tugon ni Melo
Tumango si Apollo. Handa naman na siyang aminin kay Melody ang lahat tungkol sa kaniyang pamilya. Upang maintindihan nito kung bakit niya ito nagawang iwasan nitong mga nakaraang linggo.Gusto niyang ipaalam dito lahat bago sila muling maging isang pamilya. Iyong walang tinatagong sikreto. At isa pa sa dahilan kung bakit niya mas piniling maging open ay para matutunan din nitong sabihin sa kaniya mismo ang mga pinagdaanan nito.“But the worst part is— my Dad is not doing anything about her, but instead he helps her to escape. He said, sheʼs sick at walang alam sa nangyayari. And now sheʼs hunting me! Fuck! She wants to hurt you, and I donʼt want that to happen— I will not allow her to hurt you and our sons.”May takot na naramdaman si Melody. Kung nagawa nitong patayin ang Mommy nila sa kabila ng pagpapalaki nito sa kaniya, ay kayang kaya silang saktan nito lalo pa at sila ngayon ang kasama ni Apollo. Siguradong gagawin nito ang lahat mawala lang siya sa buhay ni Apollo.“Sheʼs a psyc