KABANATA 38
Pagbabalik sa KatotohananGusto kong isipin na normal lang ang lahat—na isa lang itong simpleng umaga matapos ang isang gabing puno ng damdamin. Pero hindi.Iba ang bigat na bumabalot sa dibdib ko.Bagama’t magulo pa rin ang isip ko, hindi ko maitatangging iba ang aura niya ngayon. Wala na ang mapanuksong ngiti, wala na ang dating malamig at walang pakialam na Sebastian. Ang nasa harapan ko ngayon ay isang lalaking tila ba hindi sigurado kung paano ako kakausapin."Tara, balik tayo sa kama," aniya, inaabot ang kamay ko.Umiling ako. "Kailangan kong mag-isip, Sebastian.""Bakit? May pinagsisisihan ka ba?"Pinid kong ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Pagsisisi ba ito? O takot lang sa mga maaaring mangyari?Marahan siyang lumapit at hinawakan ang baba ko, pinapaharap ako sa kanya. "Tumingin ka sa akin, Isabella."Ayaw ko, pero ginawa ko pa rin.KABANATA 39Bagong Simula o Isa Pang Gapang ng Kapalaran? POV IsabellaPagpasok namin sa study room ni Don Victor, bumungad sa akin ang malawak at eleganteng silid na tila laging pinaghaharian ng katahimikan at kapangyarihan. Sa gitna ng silid, nakaupo siya sa likod ng kanyang napakalaking mesa, hawak ang isang baso ng alak. Sa kanyang tabi, naroon ang aking mga magulang—si Papa, seryoso ang ekspresyon, at si Mama, mukhang masaya pero may kung anong bahid ng kaba sa kanyang mga mata.Sa di kalayuan, si Mercedes ay nakaupo sa isang silyang may mataas na sandalan, nakataas ang isang kilay at tila ba may hinahandang masasakit na salita.Si Sebastian naman ay tahimik lang sa tabi ko, pero ramdam ko ang bahagyang pagpisil niya sa kamay ko."Umupo kayo," malamig ngunit puno ng awtoridad na utos ni Don Victor.Umupo kami ni Sebastian sa harap ng mesa. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Alam kong may mahalagang pag-uusapan.
KABANATA 40Isang Bahay, Isang Bagong MundoHindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa study room na iyon, pero pakiramdam ko’y para akong ikinulong sa isang kahon na puno ng presyon. Nang makalabas kami, tahimik lang akong naglakad sa tabi ni Sebastian. Wala ni isa sa amin ang gustong magsalita tungkol sa nangyari kanina.Bahay. Villa. Pribadong buhay. At ang pinaka-hindi ko matanggap—apo.Para bang gusto nilang gawing totoo ang kasal namin, isang bagay na dapat ay panlabas lamang.Nang makarating kami sa kwarto namin, agad akong naupo sa gilid ng kama, nag-iisip."Ano sa tingin mo?" basag ni Sebastian sa katahimikan.Napatingin ako sa kanya. Nakapamulsa siya, nakasandal sa pinto, at may seryosong tingin sa akin."Hindi ko alam," sagot ko nang tapat. "Parang... masyadong mabilis ang lahat."Hindi agad siya sumagot. Sa halip, naglakad siya papunta sa may bintana at tumingin sa labas. "Hindi ako
KABANATA 41 Bagong Simula, Bagong Mundo Mula sa mansion ng Villafuerte sa Forbes Park, Makati, halos isang oras ang naging biyahe namin patungo sa aming bagong tahanan sa Ayala Westgrove Heights, Silang, Cavite. Sa kabuuan ng biyahe, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-ano—ang lahat ng nangyari sa amin ni Sebastian, ang mga plano ng aming pamilya, at ang hindi ko pa rin matanggap na ideya tungkol sa "pagpapamilya" na gustong ipilit sa amin. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Si Sebastian ay nakatingin sa kanyang telepono, habang ako naman ay nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang unti-unting pagbabago ng tanawin mula sa abalang lungsod patungo sa mas luntiang bahagi ng Cavite. Hanggang sa sa wakas, narating namin ang Ayala Westgrove Heights—isang eksklusibong subdivision na kilala sa malalawak nitong espasyo, tahimik na paligid, at high-end na amenities. Pagkapasok sa gate, agad akong nakaramdam ng kakaiba
---KABANATA 42Mga Tahimik na PagbabagoTahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig ay ang mahina at banayad na ihip ng hangin mula sa bukas na bintana. Sa loob ng master bedroom, nakahiga pa rin si Isabella, mahimbing ang tulog, habang bahagyang nakayakap sa kumot.Ngunit hindi tulad ng dati, hindi siya nagising nang may galit o inis sa dibdib. Sa halip, may kung anong kakaibang init at kapayapaan ang bumabalot sa kanya.Sa kabilang banda, si Sebastian ay nagising nang mas maaga. Hindi niya alam kung ano ang sumagi sa isip niya, pero imbes na manatili sa tabi ni Isabella, bumaba siya ng kama, nag-ayos ng sarili, at lumabas ng kwarto.Bumaba siya sa kusina, tahimik na naglalakad sa malawak na espasyo ng bahay. Hindi niya ito napansin kagabi, pero ngayong mag-isa siya, napagtanto niyang ibang-iba na ang mundong ginagalawan niya. Wala na sila sa mansion, wala na ang dating routine niya.At mas lalong wala na ang distan
KABANATA 43Bagong Simula, Bagong PakiramdamSa nakalipas na limang araw, unti-unting natutunan nina Isabella at Sebastian kung paano magsama nang mas maayos. Wala na ang madalas nilang pagtatalo, at sa halip, napalitan ito ng tahimik na pakikisama. Bagama’t hindi pa nila tuluyang nauunawaan ang namumuong emosyon sa pagitan nila, hindi na nila maitatanggi na may kakaiba nang nangyayari.Si Sebastian, na dati’y laging abala sa trabaho at bihirang umuwi nang maaga, ngayon ay sinisigurado niyang sa bawat hapon, nakakatapos siya ng trabaho sa tamang oras upang makauwi agad sa kanilang bagong tahanan.Si Isabella naman ay natutong gampanan ang papel ng isang maybahay. Bagama’t hindi niya inaasahan ang ganitong buhay, nag-eenjoy siya sa tahimik na pamumuhay. Kasama si Sebastian Villafuerte.Ngunit kahit nagkaroon ng katahimikan sa kanilang pagitan, may mga pagkakataong hindi maiwasan ang awkward na sandali—mga sulyapang tila may ibig sabih
KABANATA 44Galit, Selos, at Lihim na DamdaminNagtagpo ang mga mata nina Isabella at Sebastian. Sa halip na kumalma, lalo pang lumalim ang kunot sa noo ng lalaki. Hindi niya gusto ang ideyang may ibang lalaking nagpapatawa at nagpapasaya kay Isabella. Hindi niya gusto na may ibang lalaking mas malapit sa kanya kaysa sa dapat."Sebastian, please, huwag kang gumawa ng eksena," malamig ngunit mariing sabi ni Isabella habang nakatitig sa asawa. Alam niyang hindi ito titigil hangga’t hindi niya maipapaliwanag nang maayos ang lahat.Pero hindi na kailangang may ipaliwanag pa. Hindi ba't wala siyang ginawang mali?Napangisi si Sebastian, ngunit halatang iyon ay ngiting puno ng pait. "Eksena? Hindi ako gumagawa ng eksena, Isabella. Gusto ko lang siguraduhin na alam mo kung paano umakto bilang isang babaeng may asawa."Napalunok si Isabella. Lalo na nang maramdaman niyang napatingin na sa kanila ang ibang bisita sa restaurant. Si Ev
KABANATA 45: Usap-usapan at Lihim na InggitIsang maaliwalas na umaga ang bumungad kay Isabella. Matapos ang tensyon kagabi, inaasahan niyang magiging tahimik ang araw niya. Ngunit nagkamali siya.Pagkababa niya sa sala, nadatnan niyang hawak ni Sebastian ang kanyang cellphone, mariing nakatitig sa screen habang masama ang ekspresyon sa mukha."Sebastian?" maingat niyang tawag.Itinaas ng lalaki ang tingin sa kanya, puno ng inis at pag-aalala ang mga mata nito. Ibinaba niya ang cellphone sa mesa at itinulak iyon palapit kay Isabella. "Basahin mo."Napakunot-noo siya at tiningnan ang screen. Isang headline mula sa isang gossip website ang bumungad sa kanya:"Sebastian Villafuerte, Nagwala sa Isang Restaurant Dahil sa Selos? Sino ang Lalaking Kasama ng Asawa Niya?"Kasama sa artikulo ang isang larawan—si Sebastian, galit na nakatingin kay Mike, habang hawak ni Isabella ang braso niya na para bang pinipigilan siya.
KABANATA 46: Masamang Balita at Lihim na BantaTahimik na tinignan ni Isabella ang kanyang cellphone habang binabasa ang sunod-sunod na artikulo tungkol sa kanila ni Sebastian. Hindi pa rin siya makapaniwala kung gaano kabilis kumalat ang balita. Ang mas nakakainis? Hindi naman totoo ang mga haka-haka ng mga tao.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kaninang umaga pa siya nakakulong sa bahay gaya ng bilin ni Sebastian, pero hindi ibig sabihin ay wala siyang ginagawa. Gusto niyang malaman kung sino ang naglabas ng litrato at kung paano ito kumalat.Biglang may kumatok sa pinto."Ma’am Isabella, may bisita po kayo."Napakunot ang noo niya. "Sino?""Si Ginoong Mike po."Halos mapatalon siya sa gulat. Hindi niya inaasahan na darating ito. Lalo na sa ganitong sitwasyon.—Masinsinang Pag-uusap"Are you okay?" untag ni Mike nang makapasok siya sa loob ng bahay. "Kaya ako nandito, pa
Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.“Gabi na,” bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. “May work pa tayo bukas…”“Hmm,” sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella nama’y dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.“Gusto mo ng tea?” tanong ni Sebastian
KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mata—isang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. “Ma’am Isabella, may delivery po para sa inyo.” Napakunot-noo siya. “Delivery? Wala naman akong inorder—” Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. – S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa ko…
Kabanata 69Huwag making mahina —Nasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screen—Mirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak… Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si
Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre
Kabanata 67 – Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.“Seb… hindi mo na ba talaga ako mahal?” mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.“Andrea… hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin ’yan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,” sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. “Alam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?”Sa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni
Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo na’t nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andrea—si Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. “Anak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andrea— at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U
Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. “Sebastian…” mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. “Akala ko… hindi na kita makikita ulit,” dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanya—si Isabella. --- “Bakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?” tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na
Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi
Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mata’y nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasok—si Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce