KABANATA 41
Bagong Simula, Bagong Mundo Mula sa mansion ng Villafuerte sa Forbes Park, Makati, halos isang oras ang naging biyahe namin patungo sa aming bagong tahanan sa Ayala Westgrove Heights, Silang, Cavite. Sa kabuuan ng biyahe, hindi ko maiwasang mag-isip ng kung anu-anoāang lahat ng nangyari sa amin ni Sebastian, ang mga plano ng aming pamilya, at ang hindi ko pa rin matanggap na ideya tungkol sa "pagpapamilya" na gustong ipilit sa amin. Tahimik lang kami sa loob ng sasakyan. Si Sebastian ay nakatingin sa kanyang telepono, habang ako naman ay nakatanaw sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang unti-unting pagbabago ng tanawin mula sa abalang lungsod patungo sa mas luntiang bahagi ng Cavite. Hanggang sa sa wakas, narating namin ang Ayala Westgrove Heightsāisang eksklusibong subdivision na kilala sa malalawak nitong espasyo, tahimik na paligid, at high-end na amenities. Pagkapasok sa gate, agad akong nakaramdam ng kakaiba---KABANATA 42Mga Tahimik na PagbabagoTahimik ang buong bahay. Ang tanging maririnig ay ang mahina at banayad na ihip ng hangin mula sa bukas na bintana. Sa loob ng master bedroom, nakahiga pa rin si Isabella, mahimbing ang tulog, habang bahagyang nakayakap sa kumot.Ngunit hindi tulad ng dati, hindi siya nagising nang may galit o inis sa dibdib. Sa halip, may kung anong kakaibang init at kapayapaan ang bumabalot sa kanya.Sa kabilang banda, si Sebastian ay nagising nang mas maaga. Hindi niya alam kung ano ang sumagi sa isip niya, pero imbes na manatili sa tabi ni Isabella, bumaba siya ng kama, nag-ayos ng sarili, at lumabas ng kwarto.Bumaba siya sa kusina, tahimik na naglalakad sa malawak na espasyo ng bahay. Hindi niya ito napansin kagabi, pero ngayong mag-isa siya, napagtanto niyang ibang-iba na ang mundong ginagalawan niya. Wala na sila sa mansion, wala na ang dating routine niya.At mas lalong wala na ang distan
KABANATA 43Bagong Simula, Bagong PakiramdamSa nakalipas na limang araw, unti-unting natutunan nina Isabella at Sebastian kung paano magsama nang mas maayos. Wala na ang madalas nilang pagtatalo, at sa halip, napalitan ito ng tahimik na pakikisama. Bagamaāt hindi pa nila tuluyang nauunawaan ang namumuong emosyon sa pagitan nila, hindi na nila maitatanggi na may kakaiba nang nangyayari.Si Sebastian, na datiāy laging abala sa trabaho at bihirang umuwi nang maaga, ngayon ay sinisigurado niyang sa bawat hapon, nakakatapos siya ng trabaho sa tamang oras upang makauwi agad sa kanilang bagong tahanan.Si Isabella naman ay natutong gampanan ang papel ng isang maybahay. Bagamaāt hindi niya inaasahan ang ganitong buhay, nag-eenjoy siya sa tahimik na pamumuhay. Kasama si Sebastian Villafuerte.Ngunit kahit nagkaroon ng katahimikan sa kanilang pagitan, may mga pagkakataong hindi maiwasan ang awkward na sandaliāmga sulyapang tila may ibig sabih
KABANATA 44Galit, Selos, at Lihim na DamdaminNagtagpo ang mga mata nina Isabella at Sebastian. Sa halip na kumalma, lalo pang lumalim ang kunot sa noo ng lalaki. Hindi niya gusto ang ideyang may ibang lalaking nagpapatawa at nagpapasaya kay Isabella. Hindi niya gusto na may ibang lalaking mas malapit sa kanya kaysa sa dapat."Sebastian, please, huwag kang gumawa ng eksena," malamig ngunit mariing sabi ni Isabella habang nakatitig sa asawa. Alam niyang hindi ito titigil hanggaāt hindi niya maipapaliwanag nang maayos ang lahat.Pero hindi na kailangang may ipaliwanag pa. Hindi ba't wala siyang ginawang mali?Napangisi si Sebastian, ngunit halatang iyon ay ngiting puno ng pait. "Eksena? Hindi ako gumagawa ng eksena, Isabella. Gusto ko lang siguraduhin na alam mo kung paano umakto bilang isang babaeng may asawa."Napalunok si Isabella. Lalo na nang maramdaman niyang napatingin na sa kanila ang ibang bisita sa restaurant. Si Ev
KABANATA 45: Usap-usapan at Lihim na InggitIsang maaliwalas na umaga ang bumungad kay Isabella. Matapos ang tensyon kagabi, inaasahan niyang magiging tahimik ang araw niya. Ngunit nagkamali siya.Pagkababa niya sa sala, nadatnan niyang hawak ni Sebastian ang kanyang cellphone, mariing nakatitig sa screen habang masama ang ekspresyon sa mukha."Sebastian?" maingat niyang tawag.Itinaas ng lalaki ang tingin sa kanya, puno ng inis at pag-aalala ang mga mata nito. Ibinaba niya ang cellphone sa mesa at itinulak iyon palapit kay Isabella. "Basahin mo."Napakunot-noo siya at tiningnan ang screen. Isang headline mula sa isang gossip website ang bumungad sa kanya:"Sebastian Villafuerte, Nagwala sa Isang Restaurant Dahil sa Selos? Sino ang Lalaking Kasama ng Asawa Niya?"Kasama sa artikulo ang isang larawanāsi Sebastian, galit na nakatingin kay Mike, habang hawak ni Isabella ang braso niya na para bang pinipigilan siya.
KABANATA 46: Masamang Balita at Lihim na BantaTahimik na tinignan ni Isabella ang kanyang cellphone habang binabasa ang sunod-sunod na artikulo tungkol sa kanila ni Sebastian. Hindi pa rin siya makapaniwala kung gaano kabilis kumalat ang balita. Ang mas nakakainis? Hindi naman totoo ang mga haka-haka ng mga tao.Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Kaninang umaga pa siya nakakulong sa bahay gaya ng bilin ni Sebastian, pero hindi ibig sabihin ay wala siyang ginagawa. Gusto niyang malaman kung sino ang naglabas ng litrato at kung paano ito kumalat.Biglang may kumatok sa pinto."Maāam Isabella, may bisita po kayo."Napakunot ang noo niya. "Sino?""Si Ginoong Mike po."Halos mapatalon siya sa gulat. Hindi niya inaasahan na darating ito. Lalo na sa ganitong sitwasyon.āMasinsinang Pag-uusap"Are you okay?" untag ni Mike nang makapasok siya sa loob ng bahay. "Kaya ako nandito, pa
KABANATA 47: BABALA AT LABAN Mga Bulungan at Mapanuring Mata Isang tensyonadong araw ang sumalubong kay Isabella sa Villafuerte Group. Hindi pa man siya nakakarating sa opisina, ramdam na niya ang bigat ng mga matang nakatuon sa kanya. Sa hallway, marahang huminto ang ilang empleyado nang makita siya. May mga pabulong-bulong, may mga nag-aalanganing bumati, at ang ilan ay diretsong iniwasan siya. Habang naglalakad papunta sa elevator, narinig niya ang mahihinang usapan ng dalawang empleyado malapit sa pantry. "Si Maāam Isabella 'yan, diba?" "Oo, siya nga. Akala ko pa naman, mabait at classy." "Grabe, hindi ko inasahan na may ibang lalaki pala siya!" "Hindi pa nga sigurado kung totoo 'yon, eh. Pero bakit hindi siya nagde-deny?" "Eh kasi siguro, totoo naman!" Napalunok si Isabella, pero hindi niya pinansin ang usapan. Hindi siya magpapatalo. Pagpasok niya sa opisina, nagulat siya nang madatnan si Valerie, ang secretary ni Sebastian, na abala sa pagtanggap ng tawag.
Kabanata 48: Paghakbang PasulongMuling Pagbangon ni IsabellaMatapos ang matinding tensyon sa board meeting, nanatiling tahimik si Isabella sa loob ng opisina niya. Ramdam pa rin niya ang panghuhusga at malamig na tingin ng ilang empleyado sa paligid, pero hindi siya puwedeng magpatalo. Hindi niya hahayaang sirain ng iskandalo ang pangalan niyaālalo na ang posisyon niya sa Villafuerte Group.Bumuntong-hininga siya at kinuha ang isang folder sa kanyang desk. Alam niyang ito ang tamang oras para ipakita kung bakit siya nararapat sa posisyong ito.Nagdesisyon siyang gumawa ng isang branding strategy para muling buuin ang tiwala ng board at ng publiko sa kanya. Hindi niya kailangang dumaan sa media para itama ang sitwasyonāgagamitin niya ang kakayahan niya sa marketing at brand development.Isang Matapang na HakbangKinabukasan, ipinatawag ni Isabella ang ilang key personnel ng marketing department para ipresenta ang kanyang plano.
Kabanata 49 "Isang Oras na Paghihintay"Alas-singko ng hapon ang opisyal na pagtatapos ng oras ng trabaho, ngunit naabutan pa ng alas-siyete si Isabella sa opisina dahil sa sobrang dami ng kanyang kailangang tapusin. Matapos ang buong araw ng pagtatrabaho, isinandal niya saglit ang kanyang likuran sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Mula kaninang umaga, halos hindi siya naalis sa harap ng kanyang laptop.Nang matapos na niya ang lahat ng kailangang gawin, lumabas siya ng opisina. Habang naglalakad sa hallway, nadaanan niya ang opisina ni Sebastianāsarado na ito. Tahimik na rin ang buong gusali, senyales na nakaalis na ang lahat ng empleyado. Siya na lang ang natitirang tao sa itaas ng Villafuerte Group.Mag-isa siyang sumakay ng elevator pababa sa ground floor. Pagkabukas ng pinto, nagulat siya nang may isang lalaking nakatalikod, nakatayo malapit sa sasakyan ni Sebastian. Agad niyang napansin na pagmamay-ari ng kanyang asawa ang kotse, kaya napagta
Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.āGabi na,ā bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. āMay work pa tayo bukasā¦āāHmm,ā sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella namaāy dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.āGusto mo ng tea?ā tanong ni Sebastian
KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mataāisang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. āMaāam Isabella, may delivery po para sa inyo.ā Napakunot-noo siya. āDelivery? Wala naman akong inorderāā Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. ā S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa koā¦
Kabanata 69Huwag making mahina āNasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screenāMirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak⦠Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si
Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre
Kabanata 67 ā Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.āSeb⦠hindi mo na ba talaga ako mahal?ā mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.āAndrea⦠hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin āyan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,ā sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. āAlam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?āSa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni
Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo naāt nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andreaāsi Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. āAnak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andreaā at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U
Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. āSebastianā¦ā mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. āAkala ko⦠hindi na kita makikita ulit,ā dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanyaāsi Isabella. --- āBakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?ā tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na
Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi
Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mataāy nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasokāsi Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce