Kabanata 48: Paghakbang Pasulong
Muling Pagbangon ni IsabellaMatapos ang matinding tensyon sa board meeting, nanatiling tahimik si Isabella sa loob ng opisina niya. Ramdam pa rin niya ang panghuhusga at malamig na tingin ng ilang empleyado sa paligid, pero hindi siya puwedeng magpatalo. Hindi niya hahayaang sirain ng iskandalo ang pangalan niyaālalo na ang posisyon niya sa Villafuerte Group.Bumuntong-hininga siya at kinuha ang isang folder sa kanyang desk. Alam niyang ito ang tamang oras para ipakita kung bakit siya nararapat sa posisyong ito.Nagdesisyon siyang gumawa ng isang branding strategy para muling buuin ang tiwala ng board at ng publiko sa kanya. Hindi niya kailangang dumaan sa media para itama ang sitwasyonāgagamitin niya ang kakayahan niya sa marketing at brand development.Isang Matapang na HakbangKinabukasan, ipinatawag ni Isabella ang ilang key personnel ng marketing department para ipresenta ang kanyang plano.Kabanata 49 "Isang Oras na Paghihintay"Alas-singko ng hapon ang opisyal na pagtatapos ng oras ng trabaho, ngunit naabutan pa ng alas-siyete si Isabella sa opisina dahil sa sobrang dami ng kanyang kailangang tapusin. Matapos ang buong araw ng pagtatrabaho, isinandal niya saglit ang kanyang likuran sa upuan at ipinikit ang kanyang mga mata. Mula kaninang umaga, halos hindi siya naalis sa harap ng kanyang laptop.Nang matapos na niya ang lahat ng kailangang gawin, lumabas siya ng opisina. Habang naglalakad sa hallway, nadaanan niya ang opisina ni Sebastianāsarado na ito. Tahimik na rin ang buong gusali, senyales na nakaalis na ang lahat ng empleyado. Siya na lang ang natitirang tao sa itaas ng Villafuerte Group.Mag-isa siyang sumakay ng elevator pababa sa ground floor. Pagkabukas ng pinto, nagulat siya nang may isang lalaking nakatalikod, nakatayo malapit sa sasakyan ni Sebastian. Agad niyang napansin na pagmamay-ari ng kanyang asawa ang kotse, kaya napagta
Kabanata 50 - Mga Alaala ng Nakaraang GabiMaagang nagising si Isabella kinabukasan. Ang unang bagay na agad niyang napansin ay ang bigat ng bisig na nakayakap sa kanyaāmainit, mabigat, at pamilyar.Mabilis siyang napatingin sa kanyang tabi at nakita si Sebastian na payapang natutulog, bahagyang nakaakap sa kanyang katawan. Ngunit ang mas ikinagulat niya ay ang estado ng kanyang sariliāwala siyang saplot.Napamulagat siya at napabalikwas ng bangon, dahilan upang mapatid ang mahimbing na tulog ni Sebastian. Dahan-dahan itong dumilat, bahagyang nagunita ang nangyari bago ngumisi nang matamlay."Good morning," bati nito, malalim pa ang boses dahil bagong gising.Hindi siya agad nakasagot. Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabi, ngunit ang huling bagay na malinaw sa kanya ayā¦FlashbackPagkatapos ng isang mahabang araw sa trabaho, nagdesisyon siyang maligo upang mapreskuhan ang sarili. Lumabas siya ng banyo suot lamang an
Kabanata 51 "Bouquet of rosas and Dinner date"Sa loob ng Villafuerte Group, abala si Isabella sa kanyang trabaho nang biglang dumating ang isang delivery man na may dalang malaking bouquet ng mga pulang rosas. Napalingon ang lahat ng empleyado habang inilapag ng delivery man ang mga bulaklak sa mesa ni Isabella."Wow, ang bongga naman!" bulong ng isang empleyada habang ang iba naman ay nagpipigil ng kilig.Nag-aalangan si Isabella habang kinukuha ang maliit na card na nakasabit sa bouquet. Sa sandaling binuksan niya ito, nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa:"I want to be with you tonight."Sebastian.Napansin ng kanyang mga katrabaho ang bahagyang pamumula ng kanyang pisngi at ang hindi niya maitatagong ngiti."Grabe, ang sweet naman ni Sir Sebastian!" ani ng isa, na sinundan ng mahihinang hiyawan ng ilan sa mga empleyado. Ngunit hindi lahat ay natuwa."Hmm, honestly, mas bagay naman talaga si Sir Sebastian
KABANATA 52 "Istorbo sa sweet moment" Tahimik ang dinner nilang mag-asawa. Ang dating mainit at puno ng kilig na gabing ito ay biglang nagbago matapos ang isang tawag. Si Sebastian, bagamat halatang iritable sa biglaang pagbabago ng mood ni Isabella, ay hindi iniwasan ang sitwasyon. Sa halip, tinitigan niya ito nang mariin bago nagtanong."Isabella, is there something wrong? Tell me. Dahil ba sa tumawag si Andrea?"Hindi sumagot si Isabella agad. Iniwas niya ang tingin sa lalaki, pilit na itinatago ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya alam kung bakit siya naaapektuhan nang ganito. Dapat ba siyang magselos? May karapatan ba siya?Napabuntong-hininga si Sebastian at muling nagsalita, may bahagyang hinanakit sa tinig. "You donāt have anything to worry about. Andrea and I are already done. Iāve told you already."Muling nagtagpo ang kanilang mga mata, ngunit malamig at matigas ang boses ni Isabella nang sumagot, "I don't need your explana
KABANATA 53 "I'm yours and you are mine"āTahimik na BiyaheāTahimik ang loob ng sasakyan habang binabaybay nina Sebastian at Isabella ang daan pauwi. Sa labas ng bintana, kumikislap ang mga ilaw ng siyudad, ngunit sa loob ng sasakyan, ramdam ang bigat ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.Nakatuon ang paningin ni Isabella sa labas, halatang iniiwasan ang anumang pakikipag-usap. Samantalang si Sebastian, mahigpit na nakahawak sa manibela, halatang may gustong sabihin pero hindi malaman kung paano sisimulan.Nang hindi na makatiis, nagsalita si Sebastian, basag ang katahimikan. āHanggang kailan mo ako tratatuhin ng ganito, Isabella?āNapapikit si Isabella sa tanong na iyon. Alam niyang hindi niya maaaring takasan ang usapan nilang dalawa. Huminga siya nang malalim bago marahang sumagot, āSebastian, pagod ako. Pwede bang huwag na nating pag-usapan āto ngayon?āMuling tumahimik si Sebastian. Isang mahabang buntong-hininga ang pinakaw
Kabanata 54 Lumipas ang ilang linggo, at lalong tumindi ang tamis ng pagsasama nina Sebastian at Isabella. Sa bawat araw na magkasama sila, hindi nila maiwasang ipakita ang kanilang pagmamahal sa isa't isa. Mula sa sabay nilang paliligo hanggang sa paghahanda ni Isabella ng almusal para kay Sebastian, lahat ay parang eksena sa isang perpektong pagmamahalan.** Isang umaga, nagising si Sebastian na may nakangiting labi. Napalingon siya sa tabi niya, ngunit wala na roon si Isabella. Bumangon siya at bumaba, alam niyang nasa kusina ito upang ipaghanda siya ng paborito niyang almusal. Lumapit siya mula sa likuran ni Isabella at niyakap ito, sabay bulong, "You're awake early. Lagi mo itong ginagawa, I really appreciate it, honey. Talagang gusto mong busugin ako para makasampung round tayo bawat gabi." "Sira ka, Sebastian! Ang dumi ng utak mo," natatawang sagot ni Isabella. "Ginagawa ko lang ang pagiging wife ko, hindi yang puro kalandian lang a
Kabanata 55 "Lihim na Gabi" "Minsan ang katahimikan ay mas malakas magsalita kaysa anumang paliwanag"Napapikit si Sebastian at huminga nang malalim. Hawak pa rin niya ang cellphone habang nakatingin sa kawalan. Hindi niya maintindihan kung bakit may bumabagabag sa kanya sa desisyong pupunta siya sa ospital para kay Andrea. Kung noon pa ito nangyari, hindi na siya mag-aalangan. Pero ngayon... iba na ang sitwasyon.Napatingin siya sa wedding ring na nasa kanyang daliri. Hindi niya maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ni Isabella kapag nalaman nitong pupunta siya kay Andrea. Hindi ba ito pagtataksil sa tiwalang unti-unti niyang naibabalik? Ngunit sa kabila ng kanyang pag-aalinlangan, alam niyang may responsibilidad siya. Kahit papaano, naging bahagi rin ng buhay niya si Andrea noon.Tumayo siya at kinuha ang coat niya. Tumawag siya sa kanyang secretary. "Ake, cancel my remaining meetings for today. May emergency lang akong aasikasuhin.
Kabanata 56: Pagbabalik sa BahayKinabukasan, maagang nagdesisyon si Sebastian na umuwi. Alas-sais pa lang ng umaga, ngunit kailangan na niyang lisanin ang ospital. Alam niyang masyado nang matagal ang pananatili niya roon, at may isang taong nag-aantay sa kanya sa kanilang tahanan.Lumapit siya kay Andrea, na mahina pa rin ngunit mas maayos na ang lagay. "Uuwi na ako, Andrea. Pinagbigyan na kita na samahan kita buong gabi. Kontakin mo na ang pinsan mo para puntahan ka rito sa ospital."Napuno ng lungkot ang mga mata ni Andrea, pero hindi na ito nagawang pigilan si Sebastian. Alam niyang hindi na siya makikiusap pa. "Seb, salamat sa pagsama sa akin..." mahina nitong wika.Tumango lamang si Sebastian, walang ibang sinabi. Ayaw niyang magtagal pa roon. Alam niyang ang bawat minutong lumilipas ay nagpapalayo sa kanya kay Isabella. Nang matiyak niyang nasa maayos na kalagayan si Andrea, tuluyan na siyang lumabas ng ospital at sumakay ng kanyang sasaky
Kabanata 71Tahimik ang biyahe pauwi ng villa.Magkaharap lang ang mga palad nina Isabella at Sebastian sa gitna ng seat, pero wala ni isa sa kanila ang gumalaw para muling maghawakan. Kanina lang, punong-puno ng halik at matamis na salita ang pagitan nila. Ngayon, parang pareho silang hindi alam ang gagawin.āGabi na,ā bulong ni Isabella habang pinagmamasdan ang kalsadang tinatamaan ng ilaw mula sa headlights. āMay work pa tayo bukasā¦āāHmm,ā sagot lang ni Sebastian, bahagyang tumango.Nang makarating sila sa villa, binuksan ni Sebastian ang pinto para sa kanya tulad ng dati. Pero walang usual banter, walang teasing. Tahimik silang pumasok sa loob ng bahay, habang ang mga yapak nila sa marmol na sahig ang tanging ingay sa paligid.Pagkapasok sa kwarto, naunang nagtanggal ng coat si Sebastian at isinabit ito. Si Isabella namaāy dumiretso sa vanity para alisin ang make-up niya.āGusto mo ng tea?ā tanong ni Sebastian
KABANATA 70 "Sa Likod ng Abalang Araw" Araw ng Martes. Maagang dumating si Isabella sa opisina, dala ang determinasyong matapos ang lahat ng nakatambak na reports. Sunod-sunod ang meetings, emails, at tawag mula sa iba't ibang departamento. Ngunit sa kabila ng stress, may kakaibang sigla sa kanyang mga mataāisang bagay na hindi niya maipaliwanag ngunit alam niyang may kinalaman ito kay Sebastian. Bandang alas-onse ng umaga, habang abala siya sa pagbabasa ng marketing brief, biglang kumatok ang receptionist sa kanyang opisina. āMaāam Isabella, may delivery po para sa inyo.ā Napakunot-noo siya. āDelivery? Wala naman akong inorderāā Ngunit naputol ang kanyang sinasabi nang makita ang isang eleganteng bouquet ng pulang rosas, kasama ang isang maliit na card. I love you forever, honey. ā S Napangiti siya, bahagyang napailing. Napaka-sweet talaga ng asawa koā¦
Kabanata 69Huwag making mahina āNasa kalagitnaan ng tahimik na gabi nang biglang tumunog ang cellphone ni Sebastian. Kakatapos lang nilang maghapunan ni Isabella, at kasalukuyan silang nagpapahinga sa sala nang makita niya ang pangalan sa screenāMirachi Monroe Luigi."Napansin ni Isabella ang panandaliang pagbabago sa ekspresyon ni Sebastian. Hindi niya ito tinanong, ngunit ramdam niya na may kinalaman iyon kay Andrea. Pinanood niya lang itong sumagot."Hello, Mrs. Luigi o ahhh Tita?""Sebastian, anak⦠Pasensya ka na kung ginagambala kita ngayong gabi, pero hindi ko na alam ang gagawin kay Andrea. Hindi siya kumakain, hindi siya natutulog, at kanina lang, nagbanta siyang hindi na niya gustong mabuhay kung hindi ka pupunta rito!"Nanlamig si Sebastian sa narinig. Hindi siya kaagad nakasagot. Napansin iyon ni Isabella at bahagyang napakunot ang noo."Sebastian, anak, natatakot ako! Kahit ano'ng pilit kong gawin, hindi si
Kabanata 68 " Tawag ng karibal 'Pauwi na si Isabella gamit ang kanyang sasakyan, habang si Sebastian naman ay sumunod sa kanya. Ayaw niyang tuluyang magka-gulo silang mag-asawa. Habang nagmamaneho siya, biglang tumunog ang kanyang telepono. Tumawag si Roxie."Sebastian, ipinapatawag ka ni Andrea. Gusto niyang malaman kung kailan kayo babalik sa ospital."Matagal na natahimik si Sebastian bago siya sumagot. "Pakisabi kay Andrea na may inaayos lang ako. At please, alam ko ang ginagawa ko. Babalik ako diyan pagkatapos ko sa ginagawa ko. Importante ito."Pagdating nila sa bahay, halos sabay silang nakarating ni Isabella. Agad na lumabas si Sebastian sa kanyang sasakyan at mabilis na nilapitan si Isabella.Papasok na sana ito nang bigla niyang yakapin mula sa likuran at marahang hinalikan sa leeg. "I missed you so much, please calm down, honey. Sa totoo lang, naguguluhan ako. Sana maunawaan mo ako. Nakokonsensya lang ako sa nangyari kay Andre
Kabanata 67 ā Tahimik na DistansyaSa ospital, malungkot na umiiyak si Andrea habang nakahiga sa kama. Halos hindi niya kayang titigan si Sebastian, ngunit pilit niyang ipinaparamdam dito ang sakit na nararamdaman niya.āSeb⦠hindi mo na ba talaga ako mahal?ā mahina niyang tanong, punong-puno ng hinanakit.Napalunok si Sebastian. Alam niyang matagal nang tapos ang kanilang relasyon, pero hindi niya kayang sabihin ito nang harapan ngayon. Hindi ngayon, hindi sa ganitong sitwasyon.āAndrea⦠hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin āyan. Ang mahalaga, gumaling ka muna,ā sagot niya nang maingat.Napaluha si Andrea. āAlam mo bang ikaw lang ang gusto kong makasama ngayon? Kahit saglit lang, pwede bang huwag mo muna akong iwan?āSa kabila ng pangungusap na iyon, nanatili si Sebastian. Hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa awa. Nang mapansin niyang tuluyan nang nakatulog si Andrea, naramdaman niyang pagod na rin siya. Hindi ni
Kabanata 66 - Ang Inaasahan at Ang HindiSa loob ng ospital, nanatili si Sebastian sa tabi ni Andrea. Pinili niyang manatili roon, hindi dahil sa pagmamahal, kundi dahil sa bigat ng kanyang konsensya. Hindi niya kayang talikuran ang babaeng minsan niyang minahal, lalo naāt nasa bingit ito ng kawalan. Alam niyang hindi tama, ngunit nagpa-anod na lamang siya sa sitwasyon.Ilang oras pa ang lumipas at dumating ang ina ni Andreaāsi Meraichi. Isang eleganteng babae, kita sa kilos at tindig nito ang pagiging matatag at may mataas na pinag-aralan. Ito ang pangalawang beses na nagkita sila ni Sebastian, ang una ay noong nasa Amerika pa sila ni Andrea.Lumapit si Meraichi sa kanyang anak at hinaplos ang pisngi nito. āAnak, buti at nagising ka na, nag-alala ako sayo, pasensiya ka na nagising nga na wala ako, my pinuntahan lang ako, "Mom puwde bang umuwi ka na muna bulong ni Andreaā at ito'y agad naintindihan ng kanyang inang si Meraichi okay anak, pahinga ka muna. U
Kabanata 65 - Gising na Nakaraan Dahan-dahang pumasok si Sebastian sa silid ni Andrea. Muling bumungad sa kanya ang manipis na katawan nito, ang maputlang mukha, at ang bahagyang gumagalaw na mga daliri. Nang mapansin siyang pumasok, bumaling ang tingin ni Andrea sa kanya, may bahagyang luha sa mga mata. āSebastianā¦ā mahina nitong tawag. Hindi siya agad nakasagot. Sa halip, lumapit siya sa kama at marahang naupo sa gilid. Kita niya ang sakit at panghihinayang sa mga mata ni Andrea, ngunit hindi niya alam kung paano iyon sasagutin. āAkala ko⦠hindi na kita makikita ulit,ā dagdag nito, tinig na punong-puno ng emosyon. Napakuyom ng kamao si Sebastian. Hindi niya kayang balewalain ang lahat ng nangyari. Alam niyang may utang siyang paliwanag kay Andrea, pero alam din niyang may isang taong naghihintay sa kanyaāsi Isabella. --- āBakit mo naman pinagtangkaan ang buhay mo? Ano ba ang nasa isip mo?ā tanong ni Sebastian, ang tinig ay puno ng pagkabahala. Hindi siya makapaniwala na
Kabanata 64 " TUNGKULIN O PUSOSebastian, si Andrea nasa loob. Hindi pa rin siya nagigising," seryosong sabi ni Roxie habang nakatingin kay Sebastian. "Sabi ng doktor, 24 hours daw bago siya magkamalay. Sa panahong ito, kailangan ka niya. Simula nung naghiwalay kayo, nawalan na siya ng gana sa lahat. Ikaw lang talaga ang kailangan niya, alam mo naman 'yan."Napakuyom ng kamao si Sebastian. Alam niyang may pinagdadaanan si Andrea, pero hindi niya inasahan na hahantong ito sa ganito. May bahagyang kirot sa kanyang dibdib, hindi dahil sa pagmamahal na akala ng lahat ay naroon pa rin, kundi dahil sa responsibilidad na matagal na niyang tinakasan."Dapat ba akong manatili dito?" tanong niya, hindi sigurado kung ano ang tamang gawin."Ikaw ang dahilan kung bakit siya umabot sa ganito," tugon ni Roxie, diretsong tumingin sa kanya. "Kung may natitira ka pang malasakit sa kanya, kahit konti, dapat kang manatili."Napatingin si Sebastian sa pi
Kabanata 63: "Pagkikita ng mga Lihim"Sa isang tahimik na coffee shop, ang malamig na hangin mula sa air conditioning ay nagbibigay ng bahagyang ginhawa sa kabila ng tensyong namamagitan sa dalawang babaeng nagkita sa unang pagkakataon. Sa isang sulok, tahimik na naghihintay si Meraichi Luigi, ang mga mataāy nagmamasid sa bawat dumaraan. Isang mahirap na paghihintay na puno ng katanungan at alalahanin.Makalipas ang ilang minuto, bumukas ang pinto ng coffee shop. Isang matangkad at eleganteng babae ang pumasokāsi Mercedes Villafuerte. Tumigil ito sandali at luminga-linga, waring naghahanap ng isang pamilyar na mukha. Nag-ring ang cellphone ni Meraichi, at nang tingnan niya ang screen, pangalan ni Mercedes ang lumitaw. Kaagad niya itong sinagot."Hello," bati ni Meraichi habang pinagmamasdan ang babaeng ngayo'y papalapit na sa kanya."Hi, nice meeting you, Mrs. Villafuerte," magalang niyang bati."Nice meeting you too," sagot ni Merce