Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 4-Komprontasyon

Share

Chapter 4-Komprontasyon

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2023-03-24 17:07:47

Ipadadala kita sa ibang bansa hindi dahil sa itinatakwil kita, apo. Gusto ko lamang malayo ka sa kahihiyan at magbagong buhay na rin."

Mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Shaina habang mataman na pinagmamasdan ang abuela. Kahit ano ang sabihin nito ay masama pa rin ang kaniyang loob. Kahit ang ama ay ayaw niyang kausapin.

Napabuntonghininga si Cristy nang walang sagot na nakuha mula sa apo. "Balang araw ay maintindihan mo rin ako. Ayaw kong matulad ka sa buhay ng iyong ama. Dahil sa pagiging konsintidor ko noon at ibinibigay ang lahat ng gusto niya, ito na ang kaniyang naging buhay."

Kahit papaano ay nabawasan ang sama ng loob ni Shaina sa matanda. Pero ayaw pa rin niyang magsalita. Hinayaan niya lang itong maglabas ng saloobin at magpaliwanag. Ang akala niya ay nagkaroon ito ng favoritism sa mga anak noon pa man, kaya nagkakaganoon ang ama. Kahit ganito ang matanda ay mahal niya ito. Bata palang kasi siya nang mawala ang ina at ito na ang tumatayo niyang ina.

"Naka book na ang iyong ticket para sa sunod na araw. Huwag ka na ring pumasok sa kompanya o lumabas hanggang sa araw ng iyong pag-alis."

Malungkot na tumanaw si Shaina sa labas ng bintana ng kaniyang silid. Sigurista ang matanda at talagang wala nang tiwala sa kaniya. Iniisip nitong baka tumakas siya at puntahan si Daisy.

"Kung ayaw mong lumabas para sa hapunan mamaya, padalhan na lang kita dito sa katulong ng pagkain," pagpatuloy na ani Cristy kahit ayaw sumagot ng apo.

Nanatiling nakatalikod siya sa abuela. Ramdam niyang tumayo na ang matanda at dahan-dahang humakbang palabas ng kaniyang silid. Nang marinig ang pagbukas at sara ng pintuan ay saka lang siya humarap. Dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang kaibigan.

"Gurl, ano na ang nangyari sa iyo?" nag-aalalang tanong agad ni Daisy pagkasagot sa tawag ni Shaina.

Walang inilihim si Shaina sa kaibigan. Maging ang pag-alis ng bansa ay sinabi niya rito.

"Amg bruhang iyon! Ang sama talaga ng ugali nilang magkapatid!" inis na naibulalas ni Daisy.

"Naniniwala ako sa karma," ani Shaina sa mahinang tinig lamang

"Tama iyan! Kakarmahin din sila at matauhan si Rex na maling tao ang nilandi niya!"

"Baka hindi na tayo magkita pang muli." Nalungkot si Shaina at mapawalay sa mga taong importante sa kaniyang buhay.

May pinsan ang abuela sa Italy at doon siya pansamantalang tutuloy hanggang sa makahanap siya ng mauupahan. Tutulungan siya financial ng matanda hanggang sa makatayo sa sariling mga paa. May restaurant ang kamag-anak nila roon at puwede siyang mamasukan.

Maging si Daisy, ay nalungkot din. Nang maalala ang tungkol sa sinabi ng kaibigan sa hotel ay inungkat niya iyon.

Nakagat ni Shaina ang ibabang labi pagkaalala sa nakatalik kagabi. Sa totoo lang ay parang ramdam pa niya hanggang ngayon ang mapangparusang halik ng lalaki. Maganda ang pangangatawan nito kahit hindi niya nakita. Ang lapad din ng balikat at may abs nang makapa niya iyon. Ang tinig nitong baritone ay nakaka-wet pakinggan. Pero sa paraan ng pag-angkin nito sa kaniya ay mukhang hindi ito marunong maawa kahit sa babae.

Biglang kinilabutan si Shaina sa isiping maaring isang mafia, adik o masamang tao ang unang nakaangkin sa kaniyang pagkababae. Hindi niya naisip iyon bago pa nagpasyang tulungan ito. Dapat lang talaga na hindi siya nakilala ng lalaki at ayaw niya ring makilala. Nang mainip sa pakipag-usap sa sarili ay nagpasya siyang lumabas ng silid. Bago makababa mula sa ikalawang palapag ay madaanan niya ang silid ni Lovely.

"Ang tanga mo! Bakit hinayaan mong mahuli kayo sa akto ng babaeng iyon?"

Nangunot ang noo ni Shaina nang marinig ang galit na boses ni Matilda, ang ina ng mga pinsan. Lumapit pa siya sa pintuang bahagyang nakaawang kaya naririnig ang pag-uusap ng dalawa.

"Ano ang gusto mong gawin ko? Ang hayaang maikasal muna sila tulad sa plano mo?"

Nagsalubong na ang mga kilay ni Shaina at siguradong siya ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Ma, hindi ko po kaya!" pagpapatuloy na ani Lovely.

"Huwag kang tanga! Gamitin mo ang utak mo para mapunta na sa atin ang lahat ng share sa kompanya! Isipin mo, kapag naikasal sila ni Rex ay makukuha niya ang ten percent share na nasa pangalan ng babaeng iyon."

Lapat ang mga labi at kuyom ang mga kamao upang pigilan ang sariling masugod ang tiyahin. Gusto ni Shaina sumbatan ang asawa ng tiyuhin ngunit nagpigil siya. Ang swapang talaga nito at maging ang mana niya ay gusto nitong makuha. Kaya pala gusto ni Rex na sa ibang bansa sila ikakasal. Kung may hawak lang siya ngayon ay tiyak na durog na dahil sa higpit nang pagkakuyom ng mga palad.

"Natatakot po kasi ako na baka magbago ang isip ni Rex at hindi na niya hiwalayan si Shaina. Isa pa ay delayed ako ng dala—"

Rinig ni Shaina ang pagsampal ni Matilda sa pisngi ng anak nito kaya naputol ang pagsasalita ni Lovely. Sa halip na maawa sa pinsan ay natuwa pa siya. Bagay lang dito ang masaktan ng sariling ina. Umalis na siya mula sa pagkasandal sa dingding na malapit sa pintuan. Sinadya pa niyang bigatan ang bawat hakbang upang ipaalam sa dalawa na may ibang tao sa labas ng silid.

"Kanina ka pa ba riyan?"

Nilingon ni Shaina ang tiyahin at hindi nag-abalang itago ang galit sa kaniyang mga mata. Nakita niya si Lovely sa likod nito at sapo ang sariling mukha. "Masakit ba?" nang-iinsulto niyang tanong sa pinsan.

Nanlaki ang mga mata ni Matilda at nilingon ang anak.

"Mas masakit kapag nasampal ng katotohanan. Well, hindi masama ang humangad. Pero ang maging gahaman ay hindi nakabubuti. Salamat at hindi mo sinunod ang plano ng iyong ina. Salamat at pinaalam mo agad ang kataksilan ng walang kuwenta kong fiancee. Ingat ka lang, ang manloloko ay matalino sa paggawa ng hindi maganda sa kapwa. Hindi ko nga lang alam kung tatalab ba iyan sa parehong cheater."

Parehong napipilan ang mag-ina at hindi alam kung ano ang sasabihin.

Napangisi si Shaina at nang-uuyam ang tinging ipinukol sa dalawa. "Paano ba iyan? Sayang ang ten percent na nasa pangalan ko. At baka sa pagbabalik ko ay dumoble ang porsyentong mapunta sa akin."

"Bitch! she hissed at tinapunan ng nakamamatay na tingin si Shaina. "So ano ngayon kung narinig mo ang lahat? Sa tingin mo ay may maniniwala kapag nagsalita ka?" nanghahamon na tanong ni Matilda.

Kalma lang si Shaina at inayos ang pagkasabit ng buhok sa tainga, "hindi naman po ako kasing sama ng ugali ninyo. Naniniwala akong may karma. Aalis ako ngayon ng tahimik sa pamamahay na ito, pero sa aking pagbabalik ay ibabalik ko sa inyo ang kasamaan ng ugali ninyo!"

Hindi agad nakahuma si Matilda at galit na sinundan ng tingin ang pagtalikod ni Shaina. Hindi siya natatakot sa banta nito. Pero nainis siya na animo'y may maipagyabang para magsalita ng ganoon.

"Mommy, ano na po ang gagawin natin? Baka magsumbong siya kay Lola."

Inis na nilingon ni Matilda ang anak, "bakit kasi hindi mo nai-lock ang pintuan ng silid mo?"

"Kasalanan ko na naman? Sino ba ang pumasok sa aking silid para lang manirmon?" napipikon na rin Lovely sa ina.

Tikom ang bibig at impit na napahiyaw si Matilda dahil sa inis. Kasabay ng pagtaas ng dalawang palad at ikinuyom iyon, at pinanlisikan ng mga mata ang anak. Nagtitimpi siyang saktan itong muli at nagawa pa siyang sagutin at sisihin.

Tinalikuran na ni Lovely ang ina upang hindi na humaba pa ang kanilang pagtatalo.

...

Sa rest house, mainit ang ulo na hinarap ni Travis ang kaniyang personal assistant. Wala pa siyang tulog at doon muna siya tumuloy upang makaiwas sa kaniyang fiancee.

"Mr. Villanova, pina-double check ko na po ang surveillance camera ngunit wala po talagang footage na nakuha kagabi upang makilala ang babaeng pumasok sa iyong silid." Paliwanag muli ni Teddy sa binata na mukhang mangangain na ng buhay kung maningin.

"Bullshit! Kung sino man ang may kagagawan nito ay walang kapatawaran ang kaniyang ginawa!"

Napaigtad si Teddy mula sa kinatayuan nang punitin ng binata ang folder na inabot niya dito. Hindi pa iyon nabasa kung sino-sino ang nasa list kaya tiyak siya na naman itong mahirapan.

"How about, Cheska?" naalala niyang itanong ang kaniyang fiancee.

"Kanina pa tumatawag ang kaniyang ina at hinahanap po kayo, Sir."

Marahas na napabuga ng hangin sa bibig si Travis. Lalo lamang sumakit ang kaniyang ulo ngayon dahil nagdrama na rin si Cheska. Naabutan siya nito kagabi sa silid na inuukupa. Mariing ipinikit ang mga mata at inalala ang nangyari kagabi.

"Ano ang ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Travis sa nobya nang paglabas niya ng banyo ay ito ang nakita. Inilibot niya ang paningin sa paligid, bukas na ang ilaw kaya malinaw na nakikita ang hitsura ng silid. Ang gulo at may mantsa pa ng dugo ang kobre kama.

"Kung ganoon ay hindi ako nagkamali kanina ng inakala," kausap ni Travis sa sarili habang nagkatingin sa kama.

"What the hell, Travis? Nadismaya ka ba at ako ang nakita mo sa halip ang babaeng dinala mo rito?" galit na tanong ni Cheska sa nobyo habang itinataas ang isang cycling short na nakita sa sahig.

Naihilamos ni Travis ang isang malapad na palad sa sariling mukha nang makita ang hawak ni Cheska. Sigurado siyang sa babaeng nakaniig ang damit na iyon. Pero nasaan na ang babae?

Tuluyan nang pumatak ang mga luhang kanina pa pinipigilan ni Cheska na kumawala. Ang pananahimik ni Travis ay tanda lamang na totoong may babaeng dinala doon. Mahal niya ito, at kahit alam niyang hindi masuklian ng binata ang kaniyang damdamin ay masaya pa rin nang alukin siya nito ng kasal.

"Anak ang kailangan mo 'di ba? Kaya ko iyong ibigay kapag kasal na tayo. Pero bakit kailangan mo pa ng ibang babae?"

Lalo lamang nairita si Travis sa pag-iyak ni Cheska. Naintindihan niya kung sumama ang loob nito sa maling iniisip sa nangyari. Pero wala siyang panahon magpaliwanag dito. Mabilis niyang dinampot ang cellphone at tinawagan ang personal assistant. Inutusan itong ipahanda ang chopper para sa kaniya. Sa rooftop mismo ng hotel ay maaring lumanding ang kaniyang chopper.

"Travis, hindi mo puwedeng gawin ito sa akin! Nagwala na si Cheska nang makumpirmang walang balak magpaliwanag sa kaniya ang binata.

"I'm sorry, Cheska, pero ipagliban na muna natin ang ating kasal dahil may importante akong asikasuhin."

Awang ang bibig na pinakatitigan ni Cheska ang nobyo. Para itong nakipag-usap lang sa isa nitong kasosyo. Na para bang wala siyang halaga dito bilang nobya. Hindi manlang siya tinatanong or kinukunsidira ang kaniyang damdamin.

Comments (20)
goodnovel comment avatar
Lyn Garcia Alcaraz
hindi manlang inalam exciting ang estorya nila...
goodnovel comment avatar
Adora Miano
lagot na umattas na Ang nakanaiig ni Shaina,, hahaha
goodnovel comment avatar
junalyn Lucenesio
nag Iwan pa talaga ng remembrance
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 5-Paghanga

    "Sir, tumatawag pong muli ang ina ni Miss Cheska," pukaw ni Teddy sa biglang pananahimik ng binata.Naputol ang pagbabalik tanaw ni Travis at marahas na nilingon si Teddy. "Ikaw na ang kumausap."Napakamot sa batok si Teddy at mukhang biglang dumoble ang edad. No choice siya lalo na at tumalikod na ang dominanting binata. Inihanda na niya ang kaniyang tainga bago sinagot ang tawag ng ina ni Cheska."Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako kilala at binabaliwala mo ang aking tawag? Nasaan ang arogante mong amo?"Bahagyang nailayo ni Teddy ang hawak na aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses ng ginang. Sa dami na niyang na encounter sa tawag dahil siya ang sumasagot sa mga tumatawag kay Travis, kakaiba itong ina ni Cheska. Bukod sa feeling VIP ay masakit pa sa tainga ang matinis nitong tinig. Pang-ilang beses na bang tanong nito iyon? Bata pa naman ito para maging ulyanin. Mabuti na lang talaga at hindi matuloy ang kasal, ayaw niyang lagi siyang tawagan para hanapin

    Last Updated : 2023-03-25
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 6-Imbistigasyon

    Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan."You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napa

    Last Updated : 2023-03-26
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 7-Aksidente

    "Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta

    Last Updated : 2023-03-27
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 8-Critical condition

    Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut

    Last Updated : 2023-03-28
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 9- Five years later

    Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit

    Last Updated : 2023-03-29
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 10-Pagpapanggap

    "TULOG na po ba siya, ma?" paanas na tanong ni Joshua sa ina.Isinara muna ni Martha ang pintuan ng silid ni Travis bago seninyasan ang anak na sumunod. Nakauwi na rin ang mga bisita kaya wala nang isturbo.Sinundan ni Joshua ang ina hanggang makapasok sa silid nito. Pagkasara ng pintuan ay agad nagsalita ang ina."Kailangan na nating baguhin ang plano at hindi tayo puwedeng maging kampanti sa gamot na pinaiinum sa kaniya.""Pansin ko nga pong bumabalik ang tunay niyang ugali." Sang-ayon ni Joshua sa ina."Kailangan nating mapaniwala siya na may babae siyang kailangang pakasalan. Gagamitin na natin ang dukumentong nakuha mula kay Teddy."Napangisi si Joshua pagkaalala sa tinutukoy ng ina. Talagang itinabi nila iyon nang makita dahil sa kanilang plano. At may babae na siyang puwedeng gamitin upang pakasalan ng kaniyang kapatid.Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Martha matapos mapulido ang plano nila ng anak. Walang maaring makahadlang sa kanila dahil nakaratay na rin si Lauro sa hospital

    Last Updated : 2023-03-30
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 11- Welcome back

    "Mga anak, maintindihan niyo ba si Mommy kung sasabihin kong hindi ko kilala ang inyong ama?" tanong ni Shaina sa dalawang anak.Pakiramdam niya ay oras ang lumipas na pinaghintay niya sa sagot ng mga ito. Nagpalitan pa ng tingin ang dalawa bago sabay na tumango sa kaniya. Napangiti siya at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Ayaw niya kasing maglihim sa mga anak. Isa pa ay hindi rin naman siya titigilan ng tanong hangga't hindi nakukuha ang tamang sagot."Don't worry, mommy, we can help you to find our father!" Liyad pa ang dibdib na humarap si Adrian sa ina."Yes, Kuya Adrian was right, mommy. I'm so excited to go home and find our daddy!Biglang natahimik ang dalawa nang walang tugon nakuha mula sa ina. Napatitig sila sa ina na mukhang biglang natulalang nakatingin sa kanilang magkapatid. Nagkapalitan ng nagtatanong na tingin ang kambal, tinatanong sa isa't isa kung may nasabi ba silang nakakamangha para sa ina?Napatikhim si Shaina makalipas ang isang minuto. Minsan talaga ay n

    Last Updated : 2023-03-31
  • THE BEST MISTAKE   Chapter 12-Pagkumbinsi

    Ang balak ni Shaina na pagbisita sa bauela ay naudlot dahil sa problema sa kompanya. Halos lahat ng client nila ay gustong mag-break contract at lumipat sa kompanyang kilala niya."Hindi natin sila masisi, mas gustohin nga naman nilang maging business partner ay ang kompanyang may pangalan na at may kapit sa higanting kompanya," nalulumong turan ni Ralph.Naaawang tinitigan ni Shaina ang binata. Parang biglang dumoble ang edad nito ngayon dahil sa problema. Naikuyom niya ang kaniyang kamao, ayun sa imbistigasyon ay panunulot ang ginawa ng kalaban. Ngayon niya lang din nalaman na bukod kay Rex, ang isa niyang pinsan ay malapit na rin sa higanting pamilyang Villanova.Nang mapabalita na si Angeline ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Mr. Travis Villanova, lalong bumango ang kompanya ng kaniyang pamilya. Maraming negosyong hawak ang kaniyang pamilya at isa na roon ang linyang kinabilangan niya ang pinamamahalaan ng pinsan na si Angeline. Pero businesses is business at na kay Ralph ang k

    Last Updated : 2023-04-01

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE   Mahalagang mensahe ng Author para sa mambabasa

    Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 558-Pagwawakas

    Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 557-Pangako

    Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 556-Pleasure

    Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 555-Pakiusap

    "Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 554-Hostageg

    Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 553-Pagkabala

    "But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 552-Excitement

    "Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 551-Katanungan

    "Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status