Home / Romance / THE BEST MISTAKE / Chapter 5-Paghanga

Share

Chapter 5-Paghanga

Author: Yeiron Jee
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Sir, tumatawag pong muli ang ina ni Miss Cheska," pukaw ni Teddy sa biglang pananahimik ng binata.

Naputol ang pagbabalik tanaw ni Travis at marahas na nilingon si Teddy. "Ikaw na ang kumausap."

Napakamot sa batok si Teddy at mukhang biglang dumoble ang edad. No choice siya lalo na at tumalikod na ang dominanting binata. Inihanda na niya ang kaniyang tainga bago sinagot ang tawag ng ina ni Cheska.

"Bakit ang tagal mong sagutin ang tawag ko? Hindi mo ba ako kilala at binabaliwala mo ang aking tawag? Nasaan ang arogante mong amo?"

Bahagyang nailayo ni Teddy ang hawak na aparato sa tainga dahil sa lakas ng boses ng ginang. Sa dami na niyang na encounter sa tawag dahil siya ang sumasagot sa mga tumatawag kay Travis, kakaiba itong ina ni Cheska. Bukod sa feeling VIP ay masakit pa sa tainga ang matinis nitong tinig. Pang-ilang beses na bang tanong nito iyon? Bata pa naman ito para maging ulyanin. Mabuti na lang talaga at hindi matuloy ang kasal, ayaw niyang lagi siyang tawagan para hanapin ang asawa ng anak nito.

"Sabihin mo ito kay Travis, kapag may nangyaring masama sa anak ko dahil sa pagtataksil niya, hinding-hindi ko siya mapapatawad!" pagpatuloy na ani ng ginang.

"As if naman matakot mo ang isang iyon," ani Teddy pero syempre hindi kayang isatinig iyon. Asawa ng mayor ang ginang at baka bigla pa siyang makulong.

"Makararating po, senyora!" magalang na sagot ni Teddy sa ginang.

"Nasaan ba kayo ngayon? Gusto kong makausap ng masinsinan si Travis."

Napailing si Teddy nang biglang huminahon ang tinig ng ginang. Ganito ito kapag may kailangan sa kaniya. "I'm sorry po, senyora, pero mahigpit ang bilin ni Mr. Villanova, na ayaw niya paisturbo sa ngayon. Ang tungkol sa nangyari sa hotel ay pinaimbistigahan pa niya."

"Sabihin mong matutulungan siya ng aking asawa sa paglutas ng kaniyang problema ngayon, hindi na niya kailangang ikansela ang kasal nila ng aking anak." Mahinahon pa rin ang pananalita ng ginang.

"Sasabihin ko po iyan, senyora, pasensya na po kung hindi pa niya kayo makausap dahil tulog pa siya. Pero nagbilin siya kanina na kapag tumawag kayong muli ay hintayin na lang ang pagbabalik niya riyan sa syudad."

Rinig ni Teddy ang paghinga ng malalim ng ginang. Wala rin naman mga ito magawa kahit magalit pa. Walang kinatatakutan ang masungit niyang amo kahit president pa ng bansa. Nagawa niyang magsinungaling para tumigil na ang ginang sa pangungulit sa kaniya. Nang maibaba na ng ginang ang tawag ay hinanap ni Teddy ang binata. Pero nang makitang nakahiga ito sa sofa at tahimik ay hindi na niya inisturbo pa.

Pinilit ni Travis na makatulog kahit kaunting oras lang. Ngunit maging sa panaginip ay binabagabag siya ng isang gabing pakipagtalik sa isang babaeng hindi nakilala o naaninag manlang ang mukha.

"May masakit po ba sa iyo? Halika, kuya, tulungan kitang makaalis dito!"

Napabalikwas ng bangon si Travis, kahit sa panaginip ay ang linaw ng boses ng babae. Napakunot ang kaniyang noo nang maanalisa ang sinabi ng babae bago pa niya ito nagalaw. Sigurado siyang lasing ang babae. Sa pananalita nito ay mukhang inosinte at gusto lamang siyang tulungan. Kailangan niyang mahanap ito, bukod sa baka mabuntis ay tiyak na may alam ito sa kung sino ang nagtangkang sirain ang kaniyang pagkatao. Hindi siya basta nakikipagtalik sa babae at naging maingat. Ayaw niya kasing magkaroon ng anak sa kung sinong babae lang.

"Sir, gising na po ba kayo?" biglang nabura ang alanganing ngiting nakapaskil sa labi ni Teddy nang kunutan siya ng noo ng binata. "Sabi ko nga po, gising na kayo at hindi na dapat tinatanong." Kumakamot sa ulo na anito.

"Tawagan mo ang aking abogado at si Detective Cyrus. Ipasundo mo sila sa chopper."

"Right away, sir!" Sumaludo pa si Teddy sa binata bago nag-dial ng numero sa cellphone. Unang tinawagan ay ang abogado bago ang detective.

Hindi na nagtanong pa si Cyrus kung bakit siya gustong makausap ni Travis at sa exclusive resort pa nito. Mapalad siya at may tiwala sa kaniya ang lalaki, hindi lang bilang kaibigan kundi sa mga secrets nito na walang ibang dapat makakaalam. Nang malaman na makasabay niya ang abogado ay naisip niyang mukhang mas seryuso ang case na ipatatrabaho sa kaniya ng kaibigan.

Ilang oras lamang ang pinaghintay ni Travis sa pagdating ng dalawang taong kailangang makausap.

"Sir, ito po ang mga dukumentong ipinahanda mo." Abot ng abogado sa papelis na kailangang pirmahan ni Travis.

Seninyasan ni Travis si Teddy upang basahin nito ang nakasaad sa last will testament.

Napalunok ng sariling laway si Teddy  bago binasa ng malakas ang nakasaad doon. Halos maluha pa siya nang mabasa ang kaniyang pangalan doon. "Si-sir, bakit naman po may paganito? Mahaba pa po ang buhay ninyo at—"

"Hindi ko na hintayin na may mangyaring hindi maganda sa akin bago e secured ang maiiwan kong kayamanan."

"Per—" muling naputol ang iba pang nais sabihin nang muling nagsalita si Travis.

"Isa pa, kapag alam ng taong gustong mawala ako sa mundong ito na mapapunta sa ibang tao ang kayamanang maiwan ko, tiyak na magdalawang isip na silang gawan ako ng masama."

"Pero baka ako naman po ang targetin nila, sir, kapag nalamang may mamanahin ako?"

Napailing si Cyrus habang pinagmamasdan si Teddy. Mayroon din naman bahagi ng kayamanan ng kaibigan ang mapunta sa kaniya. Pero mas malaking bahagi ng kayamanan ang mapunta sa charities.

"Puwede ka nang bumitaw sa iyong trabaho kung takot kang madamay sa aking buhay."

"Sir, naman!" Parang batang lumapit si Teddy sa binata. Mamatay muna ako bago ka nila magalaw!"

Sabay na napailing sina Cyrus at ang abogado habang pinapanood ang dalawa. Tinutulak ni Travis si Teddy palayo rito at ang lalaki naman ay kumakapit sa braso nito.

Humugot ng malalim na hininga si Travis at hinayaan na sa kaniyang tabi si Teddy. Mas may edad siya sa lalaki, bukod sa abogado at kay Cyrus ay ito lang din ang malapit sa kaniya. Mas may tiwala pa siya sa ibang tao kaysa sa sariling pamilya. Ang kapatid sa ama ay halatang mas mahal ang mamanahin kaysa kaniya. Hindi niya rin gusto ang ina nito lalo na nang mamatay ang kanilang ama. Ang kaniyang ama ay magaling na negosyante, malaki rin ang share ng kaniyang ina sa kompanya kaya siya ang namamahala. Maliit pa siya nang mamatay ang ina dahil na kidnap ito kasama siya, ibinuwis ng ina ang buhay nito upang makaligtas siya. Mula noon ay naging mailap siya sa mga taong nakapaligid sa kaniya at hindi basta nagtitiwala.

"Kapag may nangyaring masama sa akin, lumayo ka upang hindi madamay." Seryusong bilin ni Travis kay Teddy.

"Wala na po bang babaguhin sa testaminto, sir?" tanong ng abogado.

"May gusto akong idagdag, may nagalaw akong babae kagabi at baka mabuntis siya. Kung sakaling lumitaw sila at napatunayang anak ko ang bata, makukuha nila ang laman ng safety box na naka lagak sa bank. May ilalagay akong password at ito ang salitang huling binitawan ko after naming magkahiwalay."

Hindi na muling nagtanong pa si Ben, talagang tuso si Travis at kahit siya ay hindi alam ang maging password ng safety box. Naka video record ang lahat ng habilin ng binata bukod sa nakasulat sa papelis.

"Kaya mo ba ako pinatawag upang ipahanap ang babaeng nakaniig mo kagabi?" tanong ni Cyrus.

"Yes, walang footage na nakuha mula sa cctv at alam mo na ang ibig sabihin niyan."

Naunawaan ni Cyrus kung bakit nagkaganito ang binata. Halatang planado ang lahat ng ginawa. Naunawaan niya rin kung ang sariling pamilya nito ang pangunahing suspect. Kapag hindi nga naman natuloy ang kasal nito ay walang ibang tagapagmana ang binata kundi ang kapatid. At ngayon ay nagbago ang isip nito sa kasal dahil sa isang babaeng hindi alam kung ano ang hitsura.

Hinayaan na muna ni Travis ang dalawa na manatili pa roon upang makapag relax na rin.

Ang akala ni Teddy ay magtatagal pa sila ng ilang araw sa isla. Ngunit kinabukasan ay biglang nag-alsa baluta naman sila at kailangang pumunta ng ibang bansa ang binata. Sabay na silang apat bumalik sa Manila at nai-book na rin ito ng ticket papuntang Italy.

...

Gabi ang flight ni Shaina at tanging ang kaniyang ama ang naghatid sa kaniya sa airport.

"Mag-ingat ka roon, anak, at huwag na ulitin ang ginawang mali. May isip ka na at matalino kaya huwag mo akong gayahin."

Napairap si Shaina sa ama, mabuti naman at amindado itong mali ang ginagawa nito sa buhay.

"Mula ngayon ay sisikapin kong magbagong buhay para sa iyo."

Napangiti si Shaina at niyakap ang ama. For the first time ay pinili siya nito, "salamat po, dad! Pangako, ibang Shaina na ang makaharap mo sa muli nating pagkikita."

Nakangiting hinaplos ni Gabriel ang ulo ng anak habang tumatango, " that's my girl!"

"Excuse me, please give way!"

Sabay na tumabi sina Shaina at ang ama nang may mga lalaking humawi sa mga taong nakaharang sa daanan ng mga ito. Namukhaan niya ang nagsasalita, ito rin ang lalaking humarang sa kanila nang lumabas sila ng hotel.

"Mukhang makasabay mo pa sa flight ang isang kilalang tao," ani Gabriel sa anak habang tinatanaw ang taong dadaan sa kanilang harapan.

Sinundan ng tingin ni Shaina kung saan nakatutok ang mga mata ng ama. Agad natoon ang kaniyang paningin sa guwapong mukha ng isang lalaki. Malaking tao ito at pangahan ang seryusong mukha. Para itong isang Hollywood star kung lumakad at ang kisig ng pangangatawan. Kahit nakasuot ito ng sunglasses ay nakikinita niyang maganda rin ang mga mata nito.

Ramdam ni Travis na may nakatitig sa kaniya at hinanap niya iyon. Lahat naman ay napatingin sa kaniya pero kakaiba ang kaniyang pakiramdam sa ngayon. Hindi pansin ng babaeng nakatulalang nakakatitig sa kaniya na nakipag-eye to eye na siya rito dahil sa suot niyang dark eyeglasses. Napailing na lamang siya sa hitsura ng babae na mukhang nakakita ng artista habang nakatitig sa kaniya.

"Anak, sumunod ka na sa kanila sa pila at baka ma late ka!" pukaw ni Gabriel sa anak mula sa pagkatulala sa kinatayuan nito.

Mabilis na naitikom ni Shaina ang bahagyang nakaawang na bibig at nakaramdam ng hiya. Nakalampas na ang lalaking hinangaan pero tulala pa rin siya. Agad siyang nagpaalam sa ama at pumali na rin upang mag-check in.

Tama ang ama, bigatin nga ang lalaking makakasabay sa flight. Nakasunod siya rito ngunit may isa pang bantay na nakaharang sa likuran nito. Ang akala niya ay kasama hanggang eroplano ang mga guard ng lalaki. Hinatid lang pala hanggang sa masigurong ligtas itong makasakay sa eroplano.

Pagkapasok sa loob ng eroplano ay hindi na muling nakita ni Shaina ang lalaki. Mukhang nasa VIP seat ito at may harang iyon na makapal na kurtina. Natulog na lamang siya upang hindi mainip sa beyahe.

Comments (45)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
magkasabay pa kayo ganda rin po ng story na ito
goodnovel comment avatar
Adora Miano
oh yeah,,Ang Tadhana talaga kapag magbigay may kalagyan,,
goodnovel comment avatar
junalyn Lucenesio
Mag kikita sila soon pag may Anak nah
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 6-Imbistigasyon

    Naging malungkutin si Shaina kahit lagi silang lumalabas ng pinsan ng abuela. Lumipas ang ilang lingo at nakalipat na siya ng sariling bahay. Nagsimula na rin siya ng trabaho bilang isang graphics designer sa isang nag-uumpisa palang na kompanya. Naisip niyang magandang simula ito sa kaniyang buhay roon at ayaw niyang umasa sa mga kamag-anak. Hilig niya ang mag-creat, edit, design at mag- analysis. Hindi niya nagamit ang talinto sa kanilang kompanya dahil sinasapawan siya ng mga pinsan."You did an excellent job!" Tuwang-tuwa ang president ng kompanya kay Shaina. Isang buwan mahigit pa lang ito mula nang tanggapin sa trabaho pero malaki na agad naging profit ng kompanya dahil sa husay nito. Dumami agad ang kanilang client from commercial company at iba pa.Nahihiyang ngumiti si Shaina sa lalaki. Bigla siyang nahiya sa papuri nito. Pinoy din ang lalaki at karamihan sa mga kasama niya ay kabayan lang din nila."Mula ngayon ay ikaw na ang italaga ko sa position ng creative director!"Napa

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 7-Aksidente

    "Ano ang ibig sabihin nito, Lovely?" Galit na isinaboy ni Cristy ang larawan sa harapan ng apo.Nanlaki ang nga mata ng dalaga pagkakita sa larawan, kasama si Rex. Hindi niya alam paano sila nakuhanan ng larawan ng hindi pa niya kilalang tao. Naging maingat naman sila ni Rex at bihira na nga lang lumabas ng patago. Hindi niya maitanggi ngayon ang kanilang relasyon dahil naghahalikan pa sila ng binata. Ilang buwan na ang lumipas ngunit hindi pa nila nasasabi sa matanda ang tungkol sa lihim nilang relasyon ni Rex."Kung ganoon ay totoo ang sinasabi ni Shaina noon?!"Mabilis na umiling si Lovely at ginagap ang palad ng matanda na nanginginig dahil sa galit."Lola, mali po kayo ng iniisip. Patawad kung nahulog ang loob namin sa isa't isa ni Rex, pero ngayong buwan lamang po kami nagkaroon ng relasyon. Nasaktan ng husto noon si Rex dahil sa ginawa ni Shaina at tinutulungan ko siyang makalimot."Marahang napailing si Cristy at nanghihinang napaupo sa upuan. Iwinaksi niya ang kamay ng apo ta

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 8-Critical condition

    Ikinuha na rin ni Joshua ng private room ang abuelo at pina admit upang masiguro ang kalusugan nito. Alam naman kasi niyang hindi ito uuwi at kailangan nito nang may mapahingahan. Doon na rin nagpasyang mag-usap-usap kasama ang abogado at detective."Don Lauro, kailangan niyo pong malaman na may iniwang last will and testament si Mr. Travis bago pa nangyari ang aksidenteng ito." Unang naglahad na si Ben.Lahat ay sinabi ni Ben ang tungkol sa habilin ni Travis maliban sa tungkol sa babaeng nagalaw nito. Walang ibang dapat makakaalam niyon sa ngayon at baka ipahanap naman ng kaaway at gawan ng masama."What? Paano nangyari iyan?" gulat at hindi makapaniwalang tanong ni Martha sa abogado.Pinukol ng makahulugang tingin ni Joshua ang ina upang patahimikin ito. Nakuha naman nito ang lihim niyang mensahe at iniba ang tanong."Ang ibig kong sabihin ay, wala naman siyang ibang tagapagmana upa—""Marahil ay isa iyan sa dahilan kung bakit nagpagawa ng last will and testament si Kuya, ma." Pinut

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 9- Five years later

    Galit na naibato ni Travis ang kutsarang hawak sa dingding at hindi nagustohan ang lasa ng pagkain. Ilang buwan na rin siyang nagising mula sa pagka comatose at walang maalala kahit pangalan. Pakiramdam niya ay walang improvement sa kaniyang katawan. Nagsasawa na rin siya sa pag-inum ng gamot."Sir, ka-kailangan niyo pong kainin ito at inumin ang gamot." Nauutal na pakiusap ng nurse na siyang nag-aalaga kay Travis."Get out!" bulyaw ni Travis sa babae.Agad na bumukas ang pintuan at pumasok si Joshua, "kuya, ano na namam ang problema?""Gusto ko nang umuwi!"Bumuntonhininga si Joshua at seninyasan ang nurse na lumabas na muna. Naroon sila ngayon sa isang private resort upang maiba ang environment ng kapatid. Ngunit kahit may amnesia ito ay talagang hindi nawawala ang pagiging dominante sa ugali nito. Kung puwede lang lasunin ito ay ginawa na niya. Pero kailangan pa niya ito at hindi pa napapirma sa gusto niyang kasulatan.Natuwa sila ng ina nang magising ito at walang maalala. Ngunit

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 10-Pagpapanggap

    "TULOG na po ba siya, ma?" paanas na tanong ni Joshua sa ina.Isinara muna ni Martha ang pintuan ng silid ni Travis bago seninyasan ang anak na sumunod. Nakauwi na rin ang mga bisita kaya wala nang isturbo.Sinundan ni Joshua ang ina hanggang makapasok sa silid nito. Pagkasara ng pintuan ay agad nagsalita ang ina."Kailangan na nating baguhin ang plano at hindi tayo puwedeng maging kampanti sa gamot na pinaiinum sa kaniya.""Pansin ko nga pong bumabalik ang tunay niyang ugali." Sang-ayon ni Joshua sa ina."Kailangan nating mapaniwala siya na may babae siyang kailangang pakasalan. Gagamitin na natin ang dukumentong nakuha mula kay Teddy."Napangisi si Joshua pagkaalala sa tinutukoy ng ina. Talagang itinabi nila iyon nang makita dahil sa kanilang plano. At may babae na siyang puwedeng gamitin upang pakasalan ng kaniyang kapatid.Nagkaroon ng tunog ang tawa ni Martha matapos mapulido ang plano nila ng anak. Walang maaring makahadlang sa kanila dahil nakaratay na rin si Lauro sa hospital

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 11- Welcome back

    "Mga anak, maintindihan niyo ba si Mommy kung sasabihin kong hindi ko kilala ang inyong ama?" tanong ni Shaina sa dalawang anak.Pakiramdam niya ay oras ang lumipas na pinaghintay niya sa sagot ng mga ito. Nagpalitan pa ng tingin ang dalawa bago sabay na tumango sa kaniya. Napangiti siya at kahit papaano ay nakahinga ng maluwag. Ayaw niya kasing maglihim sa mga anak. Isa pa ay hindi rin naman siya titigilan ng tanong hangga't hindi nakukuha ang tamang sagot."Don't worry, mommy, we can help you to find our father!" Liyad pa ang dibdib na humarap si Adrian sa ina."Yes, Kuya Adrian was right, mommy. I'm so excited to go home and find our daddy!Biglang natahimik ang dalawa nang walang tugon nakuha mula sa ina. Napatitig sila sa ina na mukhang biglang natulalang nakatingin sa kanilang magkapatid. Nagkapalitan ng nagtatanong na tingin ang kambal, tinatanong sa isa't isa kung may nasabi ba silang nakakamangha para sa ina?Napatikhim si Shaina makalipas ang isang minuto. Minsan talaga ay n

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 12-Pagkumbinsi

    Ang balak ni Shaina na pagbisita sa bauela ay naudlot dahil sa problema sa kompanya. Halos lahat ng client nila ay gustong mag-break contract at lumipat sa kompanyang kilala niya."Hindi natin sila masisi, mas gustohin nga naman nilang maging business partner ay ang kompanyang may pangalan na at may kapit sa higanting kompanya," nalulumong turan ni Ralph.Naaawang tinitigan ni Shaina ang binata. Parang biglang dumoble ang edad nito ngayon dahil sa problema. Naikuyom niya ang kaniyang kamao, ayun sa imbistigasyon ay panunulot ang ginawa ng kalaban. Ngayon niya lang din nalaman na bukod kay Rex, ang isa niyang pinsan ay malapit na rin sa higanting pamilyang Villanova.Nang mapabalita na si Angeline ang babaeng nakatakdang pakasalan ni Mr. Travis Villanova, lalong bumango ang kompanya ng kaniyang pamilya. Maraming negosyong hawak ang kaniyang pamilya at isa na roon ang linyang kinabilangan niya ang pinamamahalaan ng pinsan na si Angeline. Pero businesses is business at na kay Ralph ang k

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 13-Muling paghaharap

    Nanatili si Shaina sa kinaupuan kahit wala na ang mga ka-meeting. Si Ralph ay matyagang naghihintay sa kaniyang pasya.Ayaw ni Ralph pilitin ang dalaga kahit trabaho nito ang bagay na iyon. Malaki ang mabago sa buhay nito once humarap na in public at makasalamuha ang mga taong nakakilala na dito.Ilang minuto pa ang lumipas ay bumuntonhininga si Shaina bago nagsalita. "Tinatanggap ko ang hamon nila.""Are you sure?" nag-aalalang tanong ni Ralph pero nasa mukha ang kasiyahan sa naging pasya ng dalaga.Matipid na ngumiti si Shaina at tumango. Hindi niya rin kayang panooring lumubog ang negosyo ng kaibigan. Isa pa ay isa siya sa shareholder ng kompanyang itinayo nito. Malaki na ang naitulong nito sa kaniya at gusto niya iyong suklian.Sa mansyon ng pamilyang Villanova, nagpumilit muling makatayong mag-isa si Travis. Wala sina Joshua at ang ina nito dahil abala sa kompanya. Sa kaniyang pag-aaral sa dukumento sa kompanya, maayos namang napapatakbo iyon ni Joshua. Sa nakikita niya ay may ti

Latest chapter

  • THE BEST MISTAKE   Mahalagang mensahe ng Author para sa mambabasa

    Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 558-Pagwawakas

    Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 557-Pangako

    Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 556-Pleasure

    Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 555-Pakiusap

    "Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 554-Hostageg

    Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 553-Pagkabala

    "But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 552-Excitement

    "Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby

  • THE BEST MISTAKE   Chapter 551-Katanungan

    "Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya

DMCA.com Protection Status