"Alisin niyo na ang piring sa mga mata niya."Rinig ni Natasha na utos ng babae. Nang marinig ang yabag ng nga paa palapit da kaniya ay gusto niyang umurong ngunit hindi magawa. Nakatali ang mga paa at kamay niya sa kinaupuan. Pahaklit na inalis nang hindi kilalang tao ang panyo na nakatabon sa mga mata niya. Ikinurap-kurap niya ang mga mata at nasilaw pa sa liwanag ng ilaw."How are you, bitch?" Nangunot ang noo ni Natasha at napatitig sa babaing hindi kilala. Bakas sa mukha nito ang labis na galit sa kaniya gayong hindi niya ito kilala. "Sino ka? Ano ang kasalanan ko at pinadukot mo ako?"Sa halip na sagutin si Natasha ay isang malakas na sampal ang pinadapo ng babae sa mukha ng dalagita. Napasinghap si Natasha dahil sa gulat at sakit. Sa lakas nang pagkasampal sa kaniya ng babae ay nagsugat ang gilid ng labi niya.Tumawa ang babae at tuwang-tuwa sa nakikitang takot at sakit na nadarama ng dalagita. "Ang ganda nang pagkagawa sa bago kong mukha at hindi mo nakilala."Natatakot si N
"Nasaan si Adrian at Natasha?" tanong ni Travis sa asawa.Nakagat ni Shaina ang loob ng labi at hindi alam kung ano ang isagot sa asawa."Dad, sinusundo po ni Kuy—""What the hell? Paanong sinusundo? Nakikita niyo ba ang oras?" Turo ni Travis sa suot na orasan. Lagpas alas singko na at kaninang umaga pa umalis ng bahay ang bunso niyang anak."Daddy..." naiiyak na tawag ni Trisha sa ama."Honey, huwag mong takutin ang anak natin at baka mabinat." Naiiyak na pakiusap ni Shaina sa asawa upang huminahon ito. Napabuga ng hangin sa bibig si Travis at pilit na nagpakihinahon. Lumakas ang kutob niya na mayroon hindi magandang nangyari sa isa niyang anak. "Ayos lang ako, sabihin niyo na ang totoo."Mabilis na lumapit si Arriana sa ama at niyakap ito. Hindi na rin niya kayang itago sa ama ang katotohanan lalo na at wala pa ring kumukuntak sa kanila na kidnaper."Honey, na-nawala si Natasha!" Nautal si Shaina kasabay ng pag iyak.Pakiramdam ni Travis ay bigla siyang nabingi sa narinig. Parang
Isang lingo na ang lumipas ay hindi pa rin matagpuan si Natasha. Wala ring kumukuntak na kidnaper. Halos hindi na natutulog si Shaina at iba pang mga anak. Si Trisha ay nasa hospital pa rin at naging mabagal ang paglakas dahil inaalala ang kapatid. "Dad, naipasara na po ang cafeteria." Pagbabalita ni Cyril sa beyanan."Good!" Kuyom ang kamao na tumayo si Travis. Lahat ng lugar na involve sa pagkawala ng anak niya ay inalisan niya ng lisensya. Maging ang totoong may ari ng truck ay may parusa din siyang ibinigay. Kahit wala mga ito kinalaman ay dawit pa rin sa galit niya. Maging si Rex ay walang nagawa at pinauwi na niya si Dark. Ang organisasyon nito at nanumpa sa harapan niya na walang kinalaman ngunit hindi pa rin niya pinalampas. "Dumating na rin po si Dark." Dugtong pa ni Cyril."Nasaan si Adrian?" Umikot ang tingin ni Travis sa paligid ng silid. Naroon pa rin siya sa hospital at muling na confine dahil tumaas na naman ang dugo niya."Sinundo niya po si Dark sa airport. " Si Ax
"Sir, ano ang gagawin mo?" takot na tanong ni Doke sa binata at itinutok na ang baril sa doorknob."Tabi!" bulyaw ni Dark kasabay nang pagbaril sa doorknob. Huli na para takpan ni Doke ang mga tainga at naiputok na ang baril. Pakiramdam niya ay nasira ang eardrum niya samantalang ang amo ay baliwala lang ang ginawa nito. Agad niyang sinundan ito nang pumasok sa loob. Binuhay ni Dark ang ilaw ngunit sira ang bombilya. Nakalimutan niyang pinutulan na rin ng ilaw ang gusali na iyon. Mabilis niyang binuksan ang flashlight ng cellphone at sinuri ang paligid ng naturang silid.Ginaya na rin ni Doke ang amo at binuksan ang flashlight ng cellphone. Napansin niya ang dumi sa sahig at marahil iyon ang napansin ng binata kanina. Mukhang bagong dumi iyon at marami pa gayong sarado ito ng ilang araw na.Mabilis na kinapa ni Dark ang dingding nang makitang may bakas ng kamay doon. Ang mga gamit na nakatambak sa kung saan ay kaniya ring inalis at naglikha ng ingay. "Sir!" tawag ni Doke sa binata
"Tita, saan po tayo pupunta?" tanong ni Cherry sa tiyahin at hila na naman siya nito sa braso palabas ng bahay."Uuwi na tayo ng probinsya at wala na akong trabaho."Napabuntonghinga si Cherry at walang magawa kundi ang sumunod sa tiyahin. Gamit ang lumang sasakyan ay bumeyahe sila. Hindi niya alam kung saan ang punta nila. Gusto niya rin namang lumayo sila dahil natatakot siya sa lalaking gusto ng tiyahin na pakasalanan niya. Ilang beses na siyang napagtangkaan nang hindi maganda at mabuti na lang ay nakakatakas siya lagi."Shit!" Nagulat si Cherry sa biglang pagmumura ng tiyahin kasabay nang pag-apak sa prino ng sasakyan. Wala siya gaanong nakikita sa paligid dahil gabi at puro kakahuyan pa ang nakikita sa tabing kalsada. "Tita Dalia, ano po ang nangyari?""Ma-may taong biglang tumawid at nabangga ko yata!" Kahit takot ay naglakas loob na bumaba ng sasakyan si Cherry. Ang gusto ng tiyahin ay iwan na nila ang taong nabangga nito at wala namang ibang nakakakita. Pero hindi niya maat
Nakaramdam ng awa si Cherry sa lalaking halatang nadudurog ang puso pagkakita sa kapatid nito. Sobrang nakakaawa naman kasi ang babae at matagal na pala itong nawawala."Sir, Katutulog lang po niya at advice ko na huwag siyang biglain kapag nagising. Wala siyang maalala pero natatakot siya na may ibang tao sa paligid." Kausap ng mangagamot kay Adrian.Mabilis na pinunasan ni Adrian ang luha sa mga mata bago humarap sa mangagamot. "Maraming salamat sa pagligtas sa bunay niya.""Hindi po kayo sa akin dapat nagpapasalamat kundi sa kanila." Turo ng manggagamot kina Dalia at Cherry.Muling napatitig si Adrian sa babaing kaedaran lang ng kapatid, bago sa isang babae na kasama nito."Hindi ko po sinasadyang mabangga ang kapatid mo. Bigla na lang siyang tumawid ng kalsada at hindi rin namin alam kung bakit marami siyang sugat at pasa sa katawan." Paliwanag ni Dalia."Totoo po ang sinasabi ng Tita ko, sir. Please huwag niyo po siyang kasuhan." Pakiusap ni Cherry sa lalaki."Huwag kayong mag aa
"Huwag kang matakot, siya ang fiancee mo." Pakilala ni Adrian kay Dark sa kapatid.Nahihiyang tumingin si Natasha sa lalaki. Ang guwapo nito pero katakot maningin. Para bang inaarok nito pati kaluluwa niya. "Dark, hindi mo ba na miss ang kapatid ko?" tanong ni Adrian sa lalaki. Kahit hindi nito aminin ay alam niyang malaki ang pitak ng kapatid sa puso nito.Muling pinagmasdan ni Dark ang babae. Malaki ang pinagbago ng katawan ng babae. "Pagod lang ako sa mahabang beyahe."Napaawang ang labi ni Natasha, namangha siya sa ugaling ipinapakita ni Dark sa harap ng kapatid. Ang alam niya ay dapat maging magalang ang pakipag usap. Pero si Dark ay parang walang level ang kausap nito."Natasha, maiwan ka muna dito at kakausapin ko lang si Dark."Malungkot na bumitaw si Natasha sa kapatid. Hindi niya alam kung natuwa ba si Dark na makita siyang muli o hindi. Ang lamig kasi ng tingin nito at walang emosyon siyang nakikita kapag tumingin ito sa kaniya. May salo-salo ngang naganap pero pili lamang
"Cherry, salamat at pumayag kang maging alalay ko." Niyakap ni Natasha ito.Pilit na ngumiti si Cherry sa dalaga. Sa totoo lang ay hindi siya komportableng tumira kasama ito. Sa tuwing napapatitig siya sa mukha nito ay para bang nakikita niya ang sarili dito. Dumagdag pa na naging abnormal ang tibok ng puso niya sa tuwing nasa paligid si Dark gayong kahapon niya lang ito nakilala."Natasha, bakit mukhang malungkot ka?" tanong ni Dalia sa dalaga."Ate Dalia, ang lungkot sa bahay na ito at puro katulong ang kasama." Inilibot ni Natasha ang tingin sa paligid. Kaninang umaga pa siya sa bahay ni Dark ngunit umalis ang lalaki pagkahatid sa kaniya roon."Huwag ka nang malungkot at narito na kami ni Cherry." Hinaplos ni Dalia ang buhok ng dalagita.Ngumiti si Natasha at pilit na pinasigla ang tinig. "Ihatid ko po kayo sa maging silid niyo."Tahimik na sumunod si Cherry sa dalawa na umakyat na sa hagdan. Napatigil siya sa pag apak sa baitang nang lumingon sa kaniya si Natasha."Che, nakalimuta
Hello everyone! First of all po ay salamat sa pagbabasa sa nobelang ito hanggang sa dulong ito. Alam ko po na marami ang naiinis at nagagalit sa akin dito lalo na kung walang update. Pasensya po, tao lang din ako na nagkakasakit, kailangan magpahinga at may ibang gawain sa buhay na kailangang gampanan. Salamat pa rin po dahil kahit naiinis na kayo sa akin ay hindi ninyo binibitiwan ang librong ito. Hanggang dito na lang po ang Kuwentong ito. Pero huwag kayong mag-alala at gagawan ko rin ng libro ang iba pang apo nila Travis at Shaina. Yun nga lang at hindi ko rito idudugtong. Kaya abangan ninyo po ang kuwengo nila sa season 2 at e publish ko soon. Muli, maraming salamat po! Maari niyo ring basahin ang iba ko pang akda, just open my profile at makita po ninyo. Pinaka trending sa ngayon na book ko bukod dito ay PLAYED BY FATE. Sure ako na magustohan ninyo iyan tulad sa pagkagusto sa librong ito. May bagong book din po akong ginagawa na e publish dito kaya winakasan ko na ito. Please supp
Maaga pa lang ay nasa school na sina Lucy at ang anak. Nagmakaawa sa dean na tulungan silang makausap sina Alexander at Ava. Ang asawa kasi ay nagtatago na ngayon dahil nakumpiska ang bawal na gamot sa bodegang pag aari nito. Gusto niyang makiusap na huwag siyang sampahan ng kaso dahil sa ginawang pananakit kay Ava at ganoon din ang anak niya."Linisin mo ang pangalan ng nobya ko dito sa university at baka sakaling maawa ako sa inyong dalawa." Matigas na utos ni Alexander na kararating lang din.Nagkukumahog na lumapit si Lucy sa dalawang bagong dating. "Gagawin ko ang gusto ninyo. Huwag niyo lang idamay ang anak ko."Napatingin si Ava kay Brix na mukhang napilitan lamang sumama sa ina nito. "Misis, tingin ko ay kailangan mong ipa rehab ang anak mo.""No!" Matigas na tutol ni Brix at naglikot ang tingin sa paligid."Tsk, pasalamat ka at binibigyan ka pa ng pagkakataon na makapagbagong buhay. Kung ayaw mong magpagamot ay maglimas ka ng rehas kasama ang ama mo." Aroganteng singhal ni Al
Lalo siyang ginanahan sa pagsubo sa shaft ng binata dahil sa ungol nito. Ang sarap lang hawakan ang matigas at mahaba nitong pagkalalaki."Fuck, enough baby!" Sapilitan niyang inilayo na ang pagkalalaki sa bibig ng dalaga at pinahiga ito sa kama. Pagkadagan ay kinuyumos niya ng halik sa labi ito."Uhmm, Alexander!" Umangat ang katawan niya sa bandang dibdib nang pinagpala na ng bibig ni Alexander ang magkabila niyang dibdib.Mabilis na itinaas ni Alexander ang dalawang binti ng dalaga st nakabuka iyong isinampay sa mga balikat. "Ahhh shit, uhmmm harder!" Halinghing niya habang nakahawak sa mga braso ng binata na nakatukod sa magkabing gilid niya. Pinagbigyan niya ang dalaga at animo'y may hinahabol sa bilis ng paglabas masok sa pagkababae ng dalaga ang shaft niya. Kahit sumabog na ang init sa katawan ay patuloy siya sa pag ulos sa lagusan ng hiyas ng dalaga."Ahhhh ahhhh Alex uhmmmm shit!" Halos mangisay siya sa ilalim ng binata dahil sa sarap. Mukhang hindi nauubusan ng katas ang b
Hindi na nagreklamo si Ava nang dinala siya sa condominium ng binata. Ayaw na nitong pumayag na bumalik siya sa apartment at mag isa lang doon."Mula ngayon ay dito ka na titira. Alam kong ayaw mong magsasama na tayo sa iisang bubong. Huwag kang mag alala at sa kabilang pad ako matutulog." Inayos ni Alexander ang kama upang makahiga na ang dalaga.Nakangiting pinagmasdan ni Ava ang binata. Hindi niya akalaing may alam ito sa ganoong gawain. Maayos naman ang tulugan pero binago ng binata ayun sa gusto nito para sa kaniya. "So, ok ka na ba dito? Kung may kailangan ka ay tawagin mo na lang ako or tawagan sa telepono." Sa halip na sagutin ang binata ay niyakap niya ito. Halatang nagulat ito sa ginawa niya at hindi agad ito nakakilos. "Thank you!""For what?" nakangiting tanong ni Alexander at hinaplos ang likod ng ulo ng dalaga."Sa pag intindi sa akin at pagmamahal."Hinawakan niya sa magkabilang balikat ang dalaga saka bahagyang inilayo sa katawan niya ang ulo nito upang mapagmasdan i
"Kung wala ka nang ibang kailangan, umalis ka na at nakakaabala ka nang husto." Pagtataboy ni Alexander sa lalaki. Kung wala lang si Ava sa tabi niya ah nabigwasan na niya ito ng suntok sa mukha."Fine, gagawin ko na ang gusto mo pero huwag dito." Mukhang napipilitang pakiusap ni Brix.Naiiling na tinalikuran ni Alexander ang lalaki kasama si Ava.Muling hinabol ni Brix sina Ava at humarang sa daraanan. "Ano pa ba ang gusto ninyo? Nagpapakumbaba na nga ako!" "Brix, hindi mapagkumbaba iyang ginagawa mo." Mahinahon na kausap ni Ava sa binata."Ma'am, alam kong mabait ka. Baka naman puwede mo mapakiusapan ang boylet mo?" Tangkang hahawak niya sa kamay ang dalaga ngunit mabilis siyang kinuwelyohan ni Alexander. "Don't you dare to touch her! And also, Watch your mouth at baka ngayon mismo ay masira ang pangalan ng ama mo!"Takot na umurong ng hakbang si Brix at titig pa lang ni Alexander ay nakakamatay na. Hindi na niya nagawang makapagsalita pa o kilos sa kinatayuan nang tumalikod na si
Hindi magawa nang ngumiti ni Ben nang magsalubong ang tingin nila ng binatang minamaliit kanina lang. Kung masamang panaginip lang sana ang ngayon, ayaw na niyang magising muna. "Kaya pala ang lakas ng loob niyang sagot-sagutin kanina ang pamilya ni Vice Mayor." Mukhang gulat ding naibulalas ng isa sa saksi kanina ng ginawa na pamamahiya sa binata."Ang yabang din kasi ng asawa at anak ni Vice Mayor, matapobre pa. Karma sa kaniya ngayon kung matalo ang asawa niya sa election." Nakaismid na kumento ng isa pang babae.Mariing naglapat ang mga labi ni Lucy nang marinig ang malakas na bulungan sa paligid. Kung sa ibang pagkakataon lang ay tiyak na nakalbo na niyat Ayaw niyang bumaba ng stage at kailangan pangatawan ang nais na pakipagkaibigan sa anak ng chairman. "May problema ba kanina?" tanong ng mayor at narinig din ang ingay."Ah kaunting misunderstanding lamang, mayor. Alam mo naman ang kabataan, maiinit ang ulo lalo na pagdating sa babae pareho nilang nagustohan." Pgadadahilan ni
"But before anything else!" Agaw eksina ni Ben. "Kunin ko na rin itong opportunity upang makilala ng apo ninyo ang anak ko. Kung puwede ay gusto kong mahawaan ng kasipagan ng apo ninyo ang anak ko, kung okay lang po?" nakangiting tanong pa niya sa chairman. Umangat ang isang sulok ng labi ni Alexander nang makitang nagmamadali sa pag akyat su Brix sa stage kahit wala pa naman ang approve. Napaghalataang mga uhaw sa fame ang pamilya nito at lahat ay gagawin upang makuha ang gusto. Sumunod na rin si Lucy sa anak at gustong maging applle of the eye din kasama ang tinitingalang pamilyang negosyante ng mga tao. Pinigilan ni Arriana ang umikot ang mga mata nang makipag beso sa kaniya si Lucy. Mas ok na nakaharap ang mga ito sa lahat ngayon upang makita kung ano ang maging rection kapag ipinakilala na ang anak niya.Tumikhim si Travis bago nagsalita. "You can ask my grandson." Sinundan ng tingin nila Brix, Bem at Lucy kung saan nakaturo ang chairman. Mukhang mga namalikmata sila at ang
"Ano ang nangyari?" tanong ni Ava sa binata habang sinusundan ng tingin sina Brix at mga magulang nito. Halatang excited ang mga ito sa kung sino ang babatiin at parang walang nangyaring gulo kanina lamang."Bakit hindi mo sinabi na dito ang punta mo ngayong gabi?" Napalabi si Ava at hindi siya sinagot ng binata bagkus ay tinanong din. Gusto siyang isama nito kanina ngunit tumanggi siya dahil sa ina nito. Ayaw rin ipasabi ng ina at surprise sana pero gulo naman ang naabutan niya.Mataman na pinagmasdan ni Alexander ang mukha ng dalaga saka sinuri ang suot nito. Agad niyang hinubad ang coat at ipinatong sa balikat nito dahil walang manggas ang suot ng dalaga. Nakakaakit ang maganda nitong mukha lalo na at may lipstick ang labi. Ang suot na dress na hanggang taas lang ng tuhod ang haba ay fit na fit sa makurba nitong katawan. Ang sexy nitong tingnan at nang tumingin sa paligid at parang gusto na niyang iuwi ang dalaga. Halata ang paghanga sa tingin ng kalalakihang naroon kay Ava."Baby
"Ikaw ang biktima at ang anak mo? Sa anong dahilan?" kalmadong tanong ni Arriana kay Lucy.Biglang nag alinlangan si Lucy na sagutin ang tanong ng babae. Marami ang nakikinig at nakatingin na taga media. Kapag sinabi niya ang totoo ay mas maapiktohan ang pangalan ng kaniyang asawa.Tumikhim si Ben at iniba ang paksa nang hindi na nakapagsalita ang asawa. "Mrs. Aragon, nice to see you again. Pagpasensyahan mo na ang asawa ko at naging selosa lamang. Huwag kayong mag alala ay aayusin ko bukas ang gulo at panagutin ang dapat managot." Pinukol ni Ben ng nagbabantang tingin si Alexander. Ngumiti si Arriana sa mag asawa. "Siya ba ang tinutukoy mong panagutin bukas?" Turo niya sa anak na tahimik lang nakatayo sa tabi niya."Mrs. Aragon, hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa ganitong pagtitipon. Huwag kayong mag alala at hindi ako magdedemanda laban sa university kung alisin ninyo sa trabaho ang professor na iyon at ang lalaking iyan." Ngumiti pa si Lucy sa ginang."Kilala niyo ba siya