Aleya's PovNgayong nakita ko na si Enrique at nasabi ko na sa kanya ang tunay kong nararamdaman ay puwede na akong mamatay. Atleast matatahimik na ang kaluluwa ko dahil nakita ko na siya at nasabi ang aking damdamin na matagal kong itinago sa kaloob-looban ko. "Can you walk?" tanong niya nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin.Mahina akong umiling. "Sinubukan kong tumayo kanina ngunit bigla akong nahilo. Siguro dahil sa taas ng aking lagnat," hinihingal ang boses na sagot ko sa kanya. Dahil sa taas ng lagnat ko at sa sobrang pagod ng katawan sa inabot kong pambubugbog mula kay Mr. Juico at sa mga tauhan niya kaya para akong tumakbo ng mabilis na hinihingal. Mainit na mainit ang aking hininga at pati na rin ang mga talukap ng aking mata."Aleya, kai— nandito na pala ang kaibigan mo," naudlot ang sasabihin sana ni Aling Aldelfa nang bigla siyang pumasok sa kinaroroonan kong silid at makita si Enrique. Natutuwa lumapit siya sa amin ngunit dagli rin iyong nabura at napalitan ng pag-a
Aleya's PovPagmulat ko ng aking mga mata ay nagtaka ako kung bakit nasa loob ako ng ospital. Bakit tila wala akong maalala sa mga nangyari? Naaksidente ba ako kung kaya't narito ako sa ospital? Pero bakit hindi ko maalala ang pangyayaring naaksidente ako? Napaungol ako nang maramdaman ko ang matinding kirot sa loob ng aking ulo dahil sa pagpupumilit kong alalahanin ang mga bagay na hindi ko maalala. Paghawak ko sa ulo ko ay saka ko napansin na nakasuot pala ako ng neck brace. Mukhang naaksidente nga ako at tila grabe ang aking natamong damage kaya may ganito ako sa aking leeg at saka parang nabugbog masyado ang katawan ko. Dahan-dahan kong pinilit na bumangon mula sa pagkakahiga sa kama. Sa aktong iyon ako naabutan ng papasok sa pintuan na sina Deo at Tito Zandro na parehong biglang napalapit sa akin nang makita nila akong gising na."Aleya, bakit ka bumangon? Kakagising mo pa lang kaya hindi ka pa maaaring bumangon," nag-aalalang kausap sa akik ni Tito Zandro."Bakit ako narito sa
Aleya's PovNapamulagat ako nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Enrique Villareal. Ako? Bodyguard niya? Ano ang nangyari at naging bodyguard ako ng isang playboy? Bakit ko naman tinanggap ang trabahong iyon? O baka naman hindi siya nagsasabi ng totoo?"Hindi. Hindi ako naniniwala na bodyguard mo ako, Mr. Villareal," masama ang tingin na sagot ko sa kanya. Biglang tumikhim ng malakas si Ninong kaya nabaling sa kanya ang aking mga paningin."Totoo ang sinabi ni Enrique, Aleya. Nagtatrabaho ka nga bilang bodyguard niya. At ako mismo ang nagtalaga sa'yo bilang kanyang bodyguard," ani Ninong Zandro. Hindi ko napigilan ang mapasimangot sa aking narinig. Alam naman ni Ninong Zandro na hate ko ang mga katulad ni Enrique pero bakit niya ako binigyan ng ganoong klaseng trabaho. Pero bakit ko naman tinanggap. At saka nasa narcotic ang linya ko at hindi pagbabantay ng mga mayayamang tao kaya bakit sa akin ibinigay ni Ninong ang trabaho bodyguard ni Enrique. Ngunit propesyunal si Ninong pagdati
Aleya's PovPagkatapos kong ma-discharge sa ospital ay halos isang buwan din akong nagpagaling sa bahay ko. Maraming maliliit na gasgas ang mukha ko kaya nagpabili ako sa nakababata kong kapatid ng mamahaling ointment na nakakaalis ng mga fresh scar sa balat. At sa isang mamahaling derma clinic na sikat sa ibang bansa iyon binili ng kapatid ko. Ang sabi ko lang sa kanya ay tinubuan kasi ako ng maraming pimples sa mukha at naging scars kaya ako nagpapabili sa kanya ng ointment na nakakatanggal ng fresh scars. Hindi ko sinabi ang totoo ay alam ko na ora-oradang lilipad sila pabalik dito sa Pilipinas kapag malaman nila ang nangyari sa akin. Ayokong bigyan sila ng alalahanin kaya itinago ko sa kanila ang totoo. At isa pa ay nakaligtas naman ako at nagpapagaling na lamang kaya hindi na kailangan pa na ipaalam ko sa kanila ang nangyari.Sa tulong ng ointment na pinabili ko sa kapatid ko ay mabilis na gumaling ang mga sugat ko sa mukha pagkatapos ay nagpa-facial wash ako. Bumalik ang kinis n
Aleya's PovPagkapasok namin sa loob ng kuwarto ni Enrique ay sabay silang napatingin sa amin ng kasama niya PT. Magkaiba ng expression ang nakita ko sa dalawa. Kung ang expression ng binata ay biglang sumaya nang makita ako ay sumimangot naman ang PT nito. Tila pa nga inirapan niya ako ng mabilis. Obvious na hindi niya nagustuhan ang aking pagdating."Nakakaistorbo ba kami? Mamaya na lang ako papasok kapag tapos na kayong mag-usap ng PT mo," nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin ang babaeng PT na hindi na itinago sa akin ang pagsimangot. "Of course not! Hindi ka nakakaistorbo, Aleya. At never kang makakaistorbo sa akin," ani Enrique na may matamis na ngiti sa mga labi. "Saka tapos naman na kami ni Vilma.""Tama si Sir Enrique, Aleya. Tapos na kami kaya hindi ka na makakaistorbo pa," sabat naman ng PT na Vilma pala ang pangalan. Feeling ko ay sinadya niyang diinan ang salitang makakaistorbo para iparating niya sa akin na talagang makakaistorbo ng
Aleya's PovKasalukuyan akong nakadapa sa ibabaw ng kama at binabasa sa aking laptop ang files na kinalalagyan ng mga details ni Enrique na hindi ko pinagtuunan ng pansin. Hindi ko kasi masyadong pinansin ang bahagi ng mga detalye tungkol sa pagiging playboy niya. Ngunit kung binasa ko lamang pala ay malalaman ko na hindi naman pala totoong playboy ang binata. Ginawa lang pala niya iyon para hindi maisip ng kalaban nitong nagtatago sa dilim na may ginagawa itong paraan para mahanap ang nawawala nitong tiyahin. At ang pagiging playboy ang pinaka-magandang front para gawin iyon. Nagtagumpay naman itong sa image na nais ipakita sa kalaban iyon nga lang ay hindi lang sa mga mata ng kalaban nito naging playboy ito kundi maging sa buong bansa. Pero ngayon na natagpuan na ang tiyahin nito ay nagtapos na rin ang playboy image niya. Now I understand kung bakit tila nagagalit siya at hindi nagugustuhan kapag nagsasalita ako dati tungkol sa pagiging playboy niya. Dahil iyon pala ay nagpapanggap
Aleya's PovTahimik lamang ako habang nagmamaneho ng kotse ni Enrique pauwi sa bahay niya. Kagagaling pa lamang namin mula sa campaign meeting ng ama nitong si Erman Villareal na kumakandidato bilang vice-president sa bansa. Wala sanang balak um-attend si Enrique dahil may appointment ito sa PT ng isang ospital ngunit mas pinili nitong i-cancel ang lakad nito at puntahan ang ama na nakikipagmeeting sa mga supporters nito. May mga balita kasi sa television at pahayagan na hindi raw maganda ang relasyon ng mag-ama. Na ang dahilan daw ng pagkakapilay ng binata ay dahil sa kanyang ama na siyang nagtatangka raw sa buhay nito. At ang dahilan di umano ng pagtatangka ni Mr. Villareal sa buhay ng kanyang anak ay ang malaking kayamanan na iniwan ng ama nito kay Enrique. Nagalit daw si Mr. Villareal at hindi nito matanggap na sa apo at hindi sa kanya na anak ipinamana ng ama nito ang kompanya at ang malaking kayamanan ng namayapa nitong ama. Kaya para mawala ang hindi magandang tsismis na kumaka
Aleya's Pov"Uhmm..." ungol ko habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking malay. Kasabay ng pagbabalik ng aking malay ay ang pagbabalik din ng mga nakalimutan kong alaala. "Uhmm..." muli akong umungol at kahit nakapikit ang aking mga mata ay napakunot ang aking noo. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagsakit ng aking ulo ngunit sa pagkakataong ito ay saglit lamang. Mabilis na nawala ang sakit kaya naging maayos na ang pakiramdam ko."Aleya! Thank God, you're finally awake," boses ng nag-aalalang si Enrique sa aking tagiliran. Kilalang-kilala ko na talaga ang boses niya kahit na hindi ko pa man siya nakikita. Ang bilis siyang nakilala ng puso ko."Enrique," mahinang sambit ko sa pangalan niya nang imulat ko ang aking mga mata. "I'm glad you're awake. Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" nakangiting tanong niya sa akin habang marahang hinahaplos ng kanyang palad ang aking noo."Maayos na ang pakiramdam ko," sagot ko sa kanya habang may nakapaskil na munting ngiti sa