Share

Chapter 82

Author: Daylan
last update Last Updated: 2023-07-26 18:30:18

Aleya's Pov

Napamulagat ako nang marinig ko ang sinabi sa akin ni Enrique Villareal. Ako? Bodyguard niya? Ano ang nangyari at naging bodyguard ako ng isang playboy? Bakit ko naman tinanggap ang trabahong iyon? O baka naman hindi siya nagsasabi ng totoo?

"Hindi. Hindi ako naniniwala na bodyguard mo ako, Mr. Villareal," masama ang tingin na sagot ko sa kanya. Biglang tumikhim ng malakas si Ninong kaya nabaling sa kanya ang aking mga paningin.

"Totoo ang sinabi ni Enrique, Aleya. Nagtatrabaho ka nga bilang bodyguard niya. At ako mismo ang nagtalaga sa'yo bilang kanyang bodyguard," ani Ninong Zandro.

Hindi ko napigilan ang mapasimangot sa aking narinig. Alam naman ni Ninong Zandro na hate ko ang mga katulad ni Enrique pero bakit niya ako binigyan ng ganoong klaseng trabaho. Pero bakit ko naman tinanggap. At saka nasa narcotic ang linya ko at hindi pagbabantay ng mga mayayamang tao kaya bakit sa akin ibinigay ni Ninong ang trabaho bodyguard ni Enrique. Ngunit propesyunal si Ninong pagdati
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 83

    Aleya's PovPagkatapos kong ma-discharge sa ospital ay halos isang buwan din akong nagpagaling sa bahay ko. Maraming maliliit na gasgas ang mukha ko kaya nagpabili ako sa nakababata kong kapatid ng mamahaling ointment na nakakaalis ng mga fresh scar sa balat. At sa isang mamahaling derma clinic na sikat sa ibang bansa iyon binili ng kapatid ko. Ang sabi ko lang sa kanya ay tinubuan kasi ako ng maraming pimples sa mukha at naging scars kaya ako nagpapabili sa kanya ng ointment na nakakatanggal ng fresh scars. Hindi ko sinabi ang totoo ay alam ko na ora-oradang lilipad sila pabalik dito sa Pilipinas kapag malaman nila ang nangyari sa akin. Ayokong bigyan sila ng alalahanin kaya itinago ko sa kanila ang totoo. At isa pa ay nakaligtas naman ako at nagpapagaling na lamang kaya hindi na kailangan pa na ipaalam ko sa kanila ang nangyari.Sa tulong ng ointment na pinabili ko sa kapatid ko ay mabilis na gumaling ang mga sugat ko sa mukha pagkatapos ay nagpa-facial wash ako. Bumalik ang kinis n

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 84

    Aleya's PovPagkapasok namin sa loob ng kuwarto ni Enrique ay sabay silang napatingin sa amin ng kasama niya PT. Magkaiba ng expression ang nakita ko sa dalawa. Kung ang expression ng binata ay biglang sumaya nang makita ako ay sumimangot naman ang PT nito. Tila pa nga inirapan niya ako ng mabilis. Obvious na hindi niya nagustuhan ang aking pagdating."Nakakaistorbo ba kami? Mamaya na lang ako papasok kapag tapos na kayong mag-usap ng PT mo," nakataas ang kilay na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tinapunan ko ng tingin ang babaeng PT na hindi na itinago sa akin ang pagsimangot. "Of course not! Hindi ka nakakaistorbo, Aleya. At never kang makakaistorbo sa akin," ani Enrique na may matamis na ngiti sa mga labi. "Saka tapos naman na kami ni Vilma.""Tama si Sir Enrique, Aleya. Tapos na kami kaya hindi ka na makakaistorbo pa," sabat naman ng PT na Vilma pala ang pangalan. Feeling ko ay sinadya niyang diinan ang salitang makakaistorbo para iparating niya sa akin na talagang makakaistorbo ng

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 85

    Aleya's PovKasalukuyan akong nakadapa sa ibabaw ng kama at binabasa sa aking laptop ang files na kinalalagyan ng mga details ni Enrique na hindi ko pinagtuunan ng pansin. Hindi ko kasi masyadong pinansin ang bahagi ng mga detalye tungkol sa pagiging playboy niya. Ngunit kung binasa ko lamang pala ay malalaman ko na hindi naman pala totoong playboy ang binata. Ginawa lang pala niya iyon para hindi maisip ng kalaban nitong nagtatago sa dilim na may ginagawa itong paraan para mahanap ang nawawala nitong tiyahin. At ang pagiging playboy ang pinaka-magandang front para gawin iyon. Nagtagumpay naman itong sa image na nais ipakita sa kalaban iyon nga lang ay hindi lang sa mga mata ng kalaban nito naging playboy ito kundi maging sa buong bansa. Pero ngayon na natagpuan na ang tiyahin nito ay nagtapos na rin ang playboy image niya. Now I understand kung bakit tila nagagalit siya at hindi nagugustuhan kapag nagsasalita ako dati tungkol sa pagiging playboy niya. Dahil iyon pala ay nagpapanggap

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 86

    Aleya's PovTahimik lamang ako habang nagmamaneho ng kotse ni Enrique pauwi sa bahay niya. Kagagaling pa lamang namin mula sa campaign meeting ng ama nitong si Erman Villareal na kumakandidato bilang vice-president sa bansa. Wala sanang balak um-attend si Enrique dahil may appointment ito sa PT ng isang ospital ngunit mas pinili nitong i-cancel ang lakad nito at puntahan ang ama na nakikipagmeeting sa mga supporters nito. May mga balita kasi sa television at pahayagan na hindi raw maganda ang relasyon ng mag-ama. Na ang dahilan daw ng pagkakapilay ng binata ay dahil sa kanyang ama na siyang nagtatangka raw sa buhay nito. At ang dahilan di umano ng pagtatangka ni Mr. Villareal sa buhay ng kanyang anak ay ang malaking kayamanan na iniwan ng ama nito kay Enrique. Nagalit daw si Mr. Villareal at hindi nito matanggap na sa apo at hindi sa kanya na anak ipinamana ng ama nito ang kompanya at ang malaking kayamanan ng namayapa nitong ama. Kaya para mawala ang hindi magandang tsismis na kumaka

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 87

    Aleya's Pov"Uhmm..." ungol ko habang unti-unti akong pinagbabalikan ng aking malay. Kasabay ng pagbabalik ng aking malay ay ang pagbabalik din ng mga nakalimutan kong alaala. "Uhmm..." muli akong umungol at kahit nakapikit ang aking mga mata ay napakunot ang aking noo. Medyo nakaramdam kasi ako ng pagsakit ng aking ulo ngunit sa pagkakataong ito ay saglit lamang. Mabilis na nawala ang sakit kaya naging maayos na ang pakiramdam ko."Aleya! Thank God, you're finally awake," boses ng nag-aalalang si Enrique sa aking tagiliran. Kilalang-kilala ko na talaga ang boses niya kahit na hindi ko pa man siya nakikita. Ang bilis siyang nakilala ng puso ko."Enrique," mahinang sambit ko sa pangalan niya nang imulat ko ang aking mga mata. "I'm glad you're awake. Kumusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ang ulo mo?" nakangiting tanong niya sa akin habang marahang hinahaplos ng kanyang palad ang aking noo."Maayos na ang pakiramdam ko," sagot ko sa kanya habang may nakapaskil na munting ngiti sa

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 88

    Aleya's Pov"A-Anong ibig mong sabihin, A-Aleya? A-are you rejecting my proposal?" tila aatakehin sa puso na tanong sa akin ni Enrique na may bahagyang nginig sa kanyang boses. Gusto ko sanang patagalin pa ang suspense para makaganti ako sa mga pasakit ng dibdib na ibinigay niya sa akin ngunit kinukurot ang puso ko sa nakikita kong pagkabigo sa kanyang mukha. Kaya sa halip na mas patagalin at ibitin pa ang aking sinagot ay diniretso ko na siya."Hindi ko pinangarap na magpakasal sa isang playboy. Ngunit hindi naman playboy ang pakakasalan ko kundi nagpanggap lamang na playboy," nakangiting sagot ko sa kanya. Hindi ko mapigilan ang matawa nang saka pa lamang nakahinga ang apat na lalaki sa harapan ko na tila biglang huminto ang paghinga matapos marinig ang sinabi ko."My God! Kinabahan ako do'n, Aleya. Masyado ka talagang pasaway," nakangiti nang wika ni Enrique. "Dapat sa'yo ay turuan ng leksiyon," pagkasabi niyon ay tumayo si Enrique mula sa pagkakaluhod at nilapitan ako pagkatapos a

    Last Updated : 2023-07-27
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 89

    Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang

    Last Updated : 2023-07-30
  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 90

    Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti

    Last Updated : 2023-07-30

Latest chapter

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 97

    Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 96

    Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 95

    Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 94

    Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 93

    Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 92

    Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 91

    Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 90

    Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 89

    Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang

DMCA.com Protection Status