Aleya's PovNaramdaman kong huminto sa sa gilid ng kama kung saan banda ako nakahiga ang yabag ng taong pangahas na pumasok sa loob ng aking silid. Naramdaman kong tinitigan ako ng taong nasa tabi ko bago dahan-dahan nitong kinuha ang unan na nasa aking tabi. Sa ginawa niyang ito ay napagtanto ko na masamang tao ang narito sa loob ng aking silid. At kung sino man siya ay balak niya akong patayin.Pabigla kong iminulat ang aking mga mata. At kasabay ng pagmulat ng aking mata ay ang tangkang pagtakip ng unan sa aking mukha ng taong ito. Ngunit mabilis akong nakagulong papunta sa kabilang side ng kama kaya sa unan ko tumama ang unan na ipantatakip sana niya sa aking mukha. Kasabay ng pagharap ko sa taong nakasuot ng itim na bonnet sa mukha ay isang malakas na suntok ang pinakawalan ko sa kanyang tagiliran. Natumba sa sahig ang naka-bonnet na pangahas kaya sinamantala ko ang pagkakataong iyon para tuluyang makabangon at makababa sa kama.Mabilis na nakabangon ang pangahas na intruder at h
Aleya's Pov"Ano ang putok na iyon?" Humahangos at patakbong lumabas si Edzel mula sa kanyang kuwarto at lumapit sa amin para alamin kung ano ang nangyari. Hindi pa ito nakakalapit sa amin ay bigla na akong hinila ni Enrique sa aking kamay at itinago sa kanyang likuran. "Kanino galing ang putok ng baril na narinig ko?" muling tanong nito nang huminto sa harapan ni Enrique."May taong nakapasok sa loob ng bahay at pinagtangkaang patayin si Aleya," mabilis na sagot ni Enrique sa nakababatang kapatid."What? Paano makakapasok ang masamang tao rito,eh, marami tayong guards sa labas?" nagtatakang tanong ni Edzel pagkatapos ay bumadha ang pag-aalala sa mukha nito. "Nasaktan ka ba, Aleya? Hindi ka ba tinamaan ng pumutok na baril?"Akmang iikot si Edzel para kausapin ako ngunit hinarang ito ni Enrique. Siyempre, kung hindi haharangin ni Enrique ang kanyang kapatid ay makikita rin nito ang halos hubad kong katawan. "Ahm...wala kang dapat ipag-alala, Edzel. Ayos lang ako. At saka ako ang nagpa
Aleya's PovWala kaming imikan habang nasa harapan ng mesa at kumakain. Ayaw ko sanang sumabay sa mga Villareal na mananghalian ngunit ipinagpilitan nito na sumabay na ako kaya wala akong nagawa kundi ang sundin siya. Umasim ang mukha ni Sylvia nang makitang makakasabay niya akong kumain sa isang mesa ngunit wala ring nagawa ang pagtutol nito nang hindi pumayag si Enrique na hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain. Halos hindi ko malunok ang kinakain dahil sa matalim na tingin ni Sylvia. Nasa kalagitnaan kami ng aming pananghalian nang biglang dumating si Cloe. "Enrique! Ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba? Nabalitaan ko kasi ang nangyari rito sa bahay mo," ani Cloe na mabilis na lumapit kay Enrique at ipinalibot sa leeg ng binata ang mga braso nito. Hindi ko napigilan ang bahagyang matawa nang muntik nang mabilaukan ang binata dahil sa higpit ng pagkakayapos ng braso nito sa leeg ng binata na para bang sinasakal ito."Okay lang ako, Cloe. Sit down and eat with us. Baka sa sakal mo pa kas
Aleya's PovMula sa mahimbing na pagtulog ay naalimpungatan ako nang maramdaman kong tila may mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan. Inaantok pa ako at tinatamad akong dumilat kaya nakapikit ang mga mata na itinulak ko palayo sa akin ang bagay na iyon. Mabigat na bagay na nakadagan sa aking tiyan? Wala naman akong mabigat na bagay na nakalagay sa aking kama. Bigla kong iminulat ang aking mga mata nang maisip ko na wala namang bagay sa aking kama kundi kumot at unan lamang. Kaya ano ang mabigat na bagay na iyon na inalis ko sa aking tiyan? Pabigla ang ginawa kong paglingon sa aking tabi. At nanlaki ang aking mga mata nang makita ko si Enrique na masarap ang tulog habang nakatihaya sa aking kama. Napatili ako sabay hampas ng malakas sa aking kamay sa kanyang dibdib. Ngunit hindi iyong tili ng babaeng nagulat kundi tila ng isang babaeng umaatake sa kanyang kalaban.Bigla namang nagising si Enrique at napaubo ng malakas habang hinihimas-himas ang nasaktang dibdib."Ano ba ang prob
Aleya's PovPaglabas ko sa aking silid ay nagtaka ako kung bakit ang tahimik naman yata ng buong kabayahan. Nagtungo ako sa kusina ngunit wala roon si Sonia. Wala yata ang mga katulong ni Enrique. Nagtatakang tiningnan ko ang oras ng aking relo. It's ten o'clock in the morning. Sa ganitong oras ay nasa kusina si Sonia at nagluluto ng pananghalian samantalang ang ibang katulong ay busy naman sa kani-kanilang mga ginagawa. Pero ngayon ay nakapagtataka na wala sila. Nasaan kaya sila? Nag-day off? Ngunit hindi naman nagdi-day off ng sabay-sabay ang mga katulong ni Enrique para may mag-asikaso sa kanilang mga amo.Muli akong umakyat sa itaas at pinuntahan si Edzel sa kanyang kuwarto ngunit naka-lock ang kuwarto nito kaya tiyak na wala ito sa loob. Sunod na pinuntahan ko ay ang maid's quarter ngunit walang tao sa loob. Napailing na lamang ako at nagdesisyon na kausapin si Enrique para tanungin kong nasaan ang ibang mga tao sa bahay niya. Lalong nadagdagan ang pagtataka ko nang madaanan ko a
Aleya's PovMalakas na isinuntok ko ang aking kanang kamay sa dingding ng kulungan kung saan ako naroon ngayon. Wala akong balita kung ano ang nangyari kay Terry dahil agad na akong dinampot ng mga pulis. Eksakto kasing nakita nina Cloe at Enrique na nagkataong palabas ng bahay kung ano ang nangyayari kay Terry. Nang malaman ni Cloe na nagkaganoon ang batang guwardiya matapos kainin ang ibinigay kong leche plan ay agad itong tumawag ng pulis sa cellphone nito. At wala pang limang minuto ay dumating na kaagad ang mga pulis na tinawagan nito para arestuhin ako. Sa bilis ng pagdating ng mga pulis ay para bang nasa malapit lamang sila sa bahay ni Enrique na tila ba nakaantabay na at alam ang mangyayari. Ngunit wala na akong time para imbestigahan iyon dahil agad na akong pinusasan ng mga pulis at dinala sa presinto para ikulong samantalang agad namang isinugod ni Enrique sa ospital si Terry. Sana lang ay makaligtas si Terry. Hindi ko mapapatawad ang aking sarili kapag may ibang taong nad
Aleya's PovPagdating namin ni Deo sa ospital ay napag-alaman naming nasa loob pa rin ng Intensive Care Unit o ICU si Terry at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan nito. Naabutan namin sa labas sina Cloe, Sylvia, at ang mag-aamang Erman, Enrique at Edzel Villareal. Halo-halo ang reaksiyon nilang lahat nang makita ako ngunit mas nangibabaw ang galit na reaksiyon ni Sylvia. Agad na pinanlisikan niya ako ng mga mata. Galit na nilapitan niya ako para sampalin ngunit mabilis na napigilan ni Deo ang kamay nito sa pagdapo sa mukha ko. Masakit na nga ang mukha ko ay sasampalin pa niya ako. Talagang napakasama ng babaeng ito."Ano ang ginagawa mo rito? Sinisigurado mo ba na hindi makakaligtas si Terry?" nanggagalaiting sigaw sa akin ni Sylvia. "Dahil sa'yo ay masisira ang pangalan ng kapatid ko. Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang pangalan?"Para sa akin ay OA ang reaksiyon ni Sylvia. Para siyang asawa ni Terry kung umasta. At saka ano ang ginagawa niya ri
Aleya's PovLaking pasasalamat ko na nakaligtas si Terry sa nangyaring food poisoning. Agad akong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nangyari. Hindi man ako ang naglagay ng lason sa kanyang kinaing dessert ay may kasalanan pa rin ako dahil ako ang nagbigay sa kanya niyon. Kung nagkataong hindi itinakbo nito ang dessert at lahat sila ay nakakain ay tiyak na mas malaking problema ang aking kakaharapin. Hindi lamang pala ako dahil madadamay rin si Erman Villareal pagkat sa bahay niya naganap ang insidente. Pag nagkataon ay maaaring masira ang malinis nitong pangalan. Balak pa naman nitong kumandidatong muli sa pagiging senador sa darating na botohan next year.Napag-alaman namin na may inihalo sa ginawa kong dessert na dinurog na panglason sa daga. Mabuti nga raw at hindi marami ang nakain ni Terry dahil kung nagkataong marami ang nakain nitong dessert na may lason para sa daga ay tiyak na hindi na raw ito aabot pa sa ospital ng buhay.Habang ipinapaliwanag ng doktor kung anong lason ang