Aleya's PovPagdating namin ni Deo sa ospital ay napag-alaman naming nasa loob pa rin ng Intensive Care Unit o ICU si Terry at patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kalagayan nito. Naabutan namin sa labas sina Cloe, Sylvia, at ang mag-aamang Erman, Enrique at Edzel Villareal. Halo-halo ang reaksiyon nilang lahat nang makita ako ngunit mas nangibabaw ang galit na reaksiyon ni Sylvia. Agad na pinanlisikan niya ako ng mga mata. Galit na nilapitan niya ako para sampalin ngunit mabilis na napigilan ni Deo ang kamay nito sa pagdapo sa mukha ko. Masakit na nga ang mukha ko ay sasampalin pa niya ako. Talagang napakasama ng babaeng ito."Ano ang ginagawa mo rito? Sinisigurado mo ba na hindi makakaligtas si Terry?" nanggagalaiting sigaw sa akin ni Sylvia. "Dahil sa'yo ay masisira ang pangalan ng kapatid ko. Hindi mo ba alam kung gaano kahalaga sa kanya ang kanyang pangalan?"Para sa akin ay OA ang reaksiyon ni Sylvia. Para siyang asawa ni Terry kung umasta. At saka ano ang ginagawa niya ri
Aleya's PovLaking pasasalamat ko na nakaligtas si Terry sa nangyaring food poisoning. Agad akong humingi ng tawad sa kanya dahil sa nangyari. Hindi man ako ang naglagay ng lason sa kanyang kinaing dessert ay may kasalanan pa rin ako dahil ako ang nagbigay sa kanya niyon. Kung nagkataong hindi itinakbo nito ang dessert at lahat sila ay nakakain ay tiyak na mas malaking problema ang aking kakaharapin. Hindi lamang pala ako dahil madadamay rin si Erman Villareal pagkat sa bahay niya naganap ang insidente. Pag nagkataon ay maaaring masira ang malinis nitong pangalan. Balak pa naman nitong kumandidatong muli sa pagiging senador sa darating na botohan next year.Napag-alaman namin na may inihalo sa ginawa kong dessert na dinurog na panglason sa daga. Mabuti nga raw at hindi marami ang nakain ni Terry dahil kung nagkataong marami ang nakain nitong dessert na may lason para sa daga ay tiyak na hindi na raw ito aabot pa sa ospital ng buhay.Habang ipinapaliwanag ng doktor kung anong lason ang
Aleya's PovKahit halos hindi ako pinatulog dahil sa muntikan nang mangyari sa amin ni Enrique ay maaga pa rin akong nagising. Naghilamos at nag-toothbrush lamang ako ng aking mukha at ngipin bago lumabas ng aking silid. Pagbaba ko sa sala ay naroon ang dalawang pinaghihinalaan kong magkasabwat sa tangkang pagpatay kay Enrique. Magkatabi silang nakaupo sa sofa hababg nagkakape at tila may seryosong pinag-uusapan na ewan kung ano. Nang makita nila ako ay parehong tumalim ang kanilang mga tingin na para bang mapapatay nila ako sa pamamagitan lamang ng pagtitig nila sa akin ng nakamamatay."Ang kapal talaga ng mukha mo, Aleya. Pinagtangkaan mo na nga ang buhay ni Cloe pero nakakaya mo pang magpakita sa amin," mariing sabi sa akin ni Sylvia. "Walang hiya ka talaga!""Kapag magpakasal na kami ni Enrique ay titiyakin ko na mawawala ka na ng tuluyan sa paningin niya," naniningkit ang mga matang sabi naman ni Cloe. "Ikaw na ang babaeng kilala na sobrang kapal ang pagmumukha. Ipinagsisiksikan
Aleya's PovNapabalikwas ako ng bangon sa kinahihigaan kong kama nang makarinig ako ng magkakasunod na katok sa labas ng pintuan nang aking kuwarto na tila ba nagmamadali ang nasa labas. Nakahiga lamang ako ngunit hindi naman ako natutulog. Malalim lamang ang iniisip ko. At ang laman ng aking isipan ay walang iba kundi ang binabantayan kong napaka-unpredictable ng pag-uugali. Dalawang araw na niya akong hindi pinapansin pagkatapos ng huli naming pag-uusap. Hindi niya ako pinapansin na para bang hindi ako nag-i-exist sa kanyang harapan at naging extra sweet naman siya kay Cloe na tuwang-tuwa sa nangyayari. Pakiramdam ko ay sinasadya ni Enrique na papagselosin ako. Kung iyon ang kanyang layunin ay nagtagumpay siyang gawin iyon. Dahil halos sumabog ang dibdib ko sa selos kapag nakikita ko silang sobrang sweet na sweet lalo na nang makita ko silang naghahalikan sa ibabaw ng kama ng binata. And everyone knows kung ano ang susunod na mangyayari kung hindi aksidenteng nakita ko sila nang pun
Aleya's PovKasabay ng paghila ko kay Enrique para makapagtago sa nakaparadang kotse sa tapat namin ay maliksing hinugot ko ang aking baril at gumanti ng tatlong magkakasumod na putok ng baril. Sa tatlong putok na iyon ay isa ang tinamaan ko ngunit sa balikat lamang."Dito lang kayo magtago at huwag na huwag kayong aalis," mariin kong utos kay Enrique at Cloe na nakatakip ang mga kamay sa magkabilang tainga na tila takot na takot. Nakahawak ito kay Enrique kanina kaya nang hinila ko ang binata para makapagtago ay kasama rin ito. Naniningkit ang mga mata na sinulyapan ko ng tingin ang babae. May demonyong nagbubukong sa likuran ng aking tainga na hilahin siya at itulak palabas para subukin kung hindi ba nito mga kakampi ang bumabaril sa amin. Kung mga tauhan nito at ni Sylvia ang mga bumabaril sa amin ay natitiyak ko na hindi nila babarilin ang babae. Ngunit agad ko ring pinalis ang masamang ideya na pumasok sa aking utak. Hindi ako ganoon kasama. Paano na lamang kung hindi ito kilala
Aleya's PovNang pagbalikan ako ng aking malay ay nasa loob na ako ng ospital at nakahiga sa hospital bed. Nagtaka ako kung bakit kailangan pa akong isugod sa ospital gayong daplis lang naman ang aking tama? Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ngunit eksakto namang bumukas ang pintuan ng kinaroroonan kong silid at pumasok si Enrique na may bitbit na dalawang plastic bag. Agad siyang napalapit sa akin para pigilan ako sa tangka kong pagbangon."Huwag ka munang bumangon at baka makasama sa katawan mo, Aleya," pigil niya sa akin nang makalapit na siya. Hinawakan niya ang dalawa kong balikat at akmang ibabalik niya ako sa pagkakahiga ngunit inalis ko lamang ang mga kamay niya at tuluyang bumangon saka bumaba sa kama."Bakit mo pa ako dinala rito sa ospital, Enrique? Hindi naman malala ang tama ko?" tanong ko sa kanya na hinayaan lamang akong makaalis sa kama. Nakatingin lamang siya sa akin habang namimilog ang mga mata na tila ba may nakitang kakaiba at kaaya-aya sa kanyang paningin
Aleya's PovNakasimangot si Enrique habang nagmamaneho siya sa kanyang kotse pabalik sa bahay niya. Wala sana akong balak na usisain kong bakit siya nakasimangot ngunit hindi ko na matiis ang makitang nakausli ang kanyang nguso at pabara-bara pa ang kanyang pagmamaneho kaya napilitan din akong kausapin siya at tanungin."Ano ba ang problema mo, Enrique? Kanina pa nanunulis iyang nguso mo," may halong inis na tanong ko sa kanya. Para kasi siyang bata na hindi napagbigyan ng kanyang gustong bagay."I thought you hates playboy? Pero bakit ang dami mo yatang kaibigan at kakilalang lalaki na close sa'yo?" hindi sumusulyap na tanong niya sa akin habang seryoso ang anyo.Tumaas ang kilay ko sa tila wala sa hulog na kanyang pagtatanong sa bagay na iyon."Tama ka, Enrique. I hate playboy, ngunit hindi ko sinabing hate ko lahat ng mga lalaki. Hindi naman kasi playboy iyang mga lalaking tinutukoy mo," pagtatanggol ko sa kung sino mang mga lalaki na tinutukoy niya. Lalo namang napasimangot ito n
Aleya's PovKahit paano ay magaling na ang aking sugat sa aking tagiliran. Hindi na ito dudugo basta huwag lang maunat. Lihim ko na lamang nahiling na sana ay walang kalaban kaming makasagupa hangga't hindi pa tuluyang gumagaling ang aking sugat para walang sagabal sa pagliligtas ko kay Enrique. At sana mamaya ay wala rin kaming kalaban na maka-engkuwentro. Ngayong araw na kasi ang birthday ng ina ng binata at mayamaya lamang ay pupunta na kami sa bahay ng mga magulang niya."Aleya? Ipinapatanong ni Sir Enrique kung ready ka na raw ba?" tanong ni Sonia na biglang sumilip sa aking silid na bahagyang nakabukas."Pakisabing lalabas na ako," mabilis kong tugon. Agad akong tumayo sa kinauupuan kong kama at isinukbit sa aking baywang ang aking baril na loaded ng bala. Sa suot ko namang pantalon ay nakalagay sa loob ng dalawang bulsa ang dalawang magazine na may lamang bala incase maubusan ulit ako ng bala habang nakikipagbarilan. Pagbaba ko sa sala ay sinalubong ako ng nakasimangot na mukha