Share

Chapter 24

Author: Daylan
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Aleya's POV

Mula sa pinapanuod kong palabas sa telebisyon ay lumipad ang tingin ko papunta sa pintuan ng aking silid nang marinig ko ang tatlong makakasunod na katok mula sa labas ng pintuan. Agad akong bumaba sa kama at binuksan ang taong kumakatok.

"It's lunch time, Princess," nakangiting bungad sa akin ni Enrique nang pagbuksan ko siya ng pintuan. Magmula nang bumalik ako sa pagiging bodyguard niya ay nabawasan na ang pagiging pasaway nito. Hindi na ito nagtatangkang tumakas mula sa akin kaya hindi ko na nilagyan ng tracking device ang gamit niya. Hindi rin ito gaanong naglalalabas ng bahay kaya naman laging nasa loob ng bahay lamang din ako at walang ginagawa. Safe naman kasi ang binata sa loob ng bahay nila dahil sa dami ng mga nagbabantay na armadong guwardiya sa loob at labas ng bahay ng mga Villareal ay imposibleng may makapasok na taong magtatangka sa buhay ng binata. Hayahay tuloy ako kapag narito lamang kami sa loob ngunit kapag lumalabas na kami sa bahay nila ay saka nagig
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Margie Olfindo
unlock pls
goodnovel comment avatar
Rosana Barboza
too bad every chapter need to purchased
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 25

    Aleya's POVIt's my day off today. Wala sana akong balak na mag-day off ngayon ngunit kinulit ako ni Ninong para makipag-blind date sa anak daw ng kaibigan nito. Hindi ko siya nahindian dahil hindi niya ako tinigilan sa pangungulit hanggang hindi ako pumapayag. Matutulog na lamang ako ay tatawag pa siya para kulitin ako kaya sa bandang huli ay napapayag din ako ni Ninong na makipag-blind date sa binatang anak ng kaibigan na Riley raw ang pangalan.Ang plano ko ay saglit lamang akong makikipag-usap kay Riley tapos ay paprangkahin ko na siya agad sakaling makitaan ko siya na gusto niyang palawigin pa ang aming pagkikita. Nagpasya akong sa bahay na lamang maligo dahil mamayang gabi pa naman ang aming date. Paglabas ko sa sala ay nadatnan kong nakasimangot si Enrique habang prenteng nakaupo sa couch."Bumalik ka agad ng maaga," kausap sa akin ni Enrique nang makita niya akong bumaba sa hagdan."Baka bukas ng umaga na ako makabalik dito sa bahay ninyo, Mr. Villareal," sagot ko sa kanya.

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 26

    Aleya's POVHindi pa sumisikat ang araw ay nasa tapat na ako ng gate sa bahay ng mga Villareal. Agad akong pinagbuksan ng gate ng mga guwardiya para maipasok ko ang aking kotse sa loob ng garahe. Pagbaba ko ay nilapitan ko si Pido na isa mga tagabukas ng gate."Wala ba kayong napansin na kahina-hinalang tao na umaaligid malapit sa bahay ng boss natin?" tanong ko kay Pido pati na rin sa iba pang guwardiyang naka-duty."Wala, Aleya. Huwag kang mag-aalala dahil tinatalasan namin ang aming mga paningin. At kung sakaling may mapansin kami na kahina-hinalang tao ay agad naming ire-report sa'yo," nakangiting sagot ni Pido."Good," satisfied kong sagot. "Sige. Papasok na ako sa loob," paalam ko sa kanila. Sumaludo sa akin si Pido pati na rin ang mga kasama nito bago ko sila tinalikuran para pumasok sa loob ng bahay.Masyadong maaga pa at siguradong naghihilik pa ngayon si Enrique kaya nagpasya akong mahiga na lang muna saglit pagkapasok ko sa king silid. Ngunit ang saglit na sinabi ko ay huma

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 27

    Aleya's POVMula sa kinahihigaan kong kama ay napabangon ako nang makarinig ako ng magkakasunud-sunod na pagkatok sa labas ng pintuan ng aking silid. Mabilis akong bumangon sa kama para pagbuksan ang kumakatok ngunit bigla akong napahinto sa paglapit sa pintuan at napatitig na lamang doon. Naisip ko na baka si Enrique ang kumakatok. Magmula nang mangyari ang pagkukunwari nitong pagkalunod kahapon ng umaga ay hindi pa kami nagkakausap. Hindi dahil ayokong makipag-usap sa kanya kundi dahil sa siya mismo ang ayaw makipag-usap sa akin. Mukhang nasaktan talaga siya sa mga sinabi ko sa kanya kahapon. Baka nga dinibdib pa nito ang bagay na iyon.Humugot muna ako ng malalim na buntong-hininga bago ipinagpatuloy ang paglapit sa pintuan. Eh, ano naman ngayon kung si Enrique nga ang kumakatok? Alangan namang hindi kami magpansinan gayong palagi kaming magkakasama dahil binabantayan ko ang kaligtasan niya. Nang buksan ko ang pintuan ay nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si Aida pala ang ku

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 28

    Aleya's POVNanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang time bomb na nasa likuran ng inuupuan ni Enrique. Ilang seconds na lamang ay sasabog na ang bomba."Labas! May bomba!" malakas kong sigaw kay Enrique. Nagulat man sa aking sinabi ay walang tanong na binuksan nito ang pintuan ng kotse para lumabas. Halos sabay kaming lumabas ng kotse ni Enrique at mabilis na tumakbo palayo sa kotse nito. Halos kasabay ng pagdapa naming dalawa ang malakas na pagsabog ng bomba. Pakiramdam ko ay nabingi ako sa sobrang lakas ng naganap na pagsabog. Halos isang minuto ang lumipas bago ko nakuhang tumayo mula sa pagkakadapa sa kalsada. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may tama ba ako ng mga lumipad na shrapnel mula sa sumabog na bomba. Nakahinga ako ng maluwag nang wala naman akong naramdamang masakit sa katawan ko kaya natitiyak ko na wala akong tama. Biglang pumasok sa isip ko si Enrique at kinabahan ako nang hindi pa rin siya tumitinag sa pagkakadapa sa kalsada. Agad ko siyabg nilapitan at itin

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 29

    Aleya's POVWalang kibo si Enrique habang pauwi kami sa bahay nila gamit ang kotse ni Deo na hiniram ko. Nakasimangot lamang siya at madalas ay humuhugot ng malalim na buntong-hininga. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya dahil hindi naman siya nagsasalita. Tila naglaho ang pagiging playful nito. Pagkarating namin sa bahay nila ay tila wala pa rin siyang balak na kausapin ako. Hindi ako sanay na ganito siya katahimik. Kahit madalas ay nakakainis siya kapag kinakausap ako ay mas gusto ko pa rin na nagsasalita siya kaysa ang ganito na sobrang tahimik niya. Nakakailang. Kaya pagkapasok namin sa loob ng bahay nila ay hindi ako nakatiis na huwag siyang kausapin."Enrique, may problema ka ba? Kanina ka pa walang kibo?" pigil ko sa kanya nang akmang papasok na siya sa silid niya.Hinarap ako ni Enrique at seryosong tinitigan. "Tell me honestly, Aleya. What is your relationship with Deo? Talaga bang magkaibigan lamang kayo o higit pa roon ang pagtitinginan ninyong dalawa? May relasyon ba k

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 30

    Aleya's POVMaaga akong gumising ngayon dahil gusto kong mag-exercise sa mini gym na nasa gilid ng bahay nina Enrique. Magmula nang maging bodyguard ako ni Enrique ay ngayon pa lamang ako gagamit sa kanilang mini gym. Naghilamos lamang ako sa banyo pagkatapos nagpalit ng manipis na T-shirt at tight short na ginagamit pang-sports talaga. Itinali ko ng ponytail style ang aking buhok pagkatapos ay lumabas na ako sa silid ko.Inabot ng halos dalawang oras ang pagwo-work out ko sa mini gym bago ko ipinasyang bumalik na sa aking silid. Tagaktak ang pawis nang lumabas ako sa mini gym. Pagpasok ko sa sala ay isang malakas na sipol ang napagpahinto sa akin. Naroon pala si Enrique sa sala at nakaupo sa couch habang nagkakape. Bakas ang paghanga sa kanyang mga mata habang namamasyal sa kabuuan ng aking katawan. Nakadama ako ng pagkailang sa ginawa niya. Medyo na-conscious din ako dahil naliligo sa pawis ang buong katawan ko. I'm sure, mukha akong gulay na hindi na fresh ang hitsura."Ano ang tin

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 31

    Aleya's PovNag-stretch ako ng aking mga kamay pagkatapos kong tumayo sa ibabaw ng kama. Katatapos ko pa lamang isulat sa aking laptop ang report ko at isinend ko iyon sa email ni Ninong Zandro. Every two weeks ay nagsisend ako ng aking report sa kanya para may updates siya sa akin at sa trabaho ko. In-exercise ko rin ang aking mga daliri dahil nangalay ito sa kakatipa sa keyboard ng aking laptop. Tumalon ako pababa sa kama at lumabas sa aking silid. "Sa wakas ay lumabas ka na rin sa kuwarto mo, Ate Aleya," may pag-aalala sa boses na salubong sa akin ni Gigi pagbaba ko sa sala."Bakit naman? May hindi ba magandang nangyari?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Tinapos ko pa kasi ang report ko dahil kailangan ko nang ipadala iti sa aking boss," dugtong ko. Ang tinutukoy kong boss ay walang iba kundi si Ninong Zandro."Umalis si Kuya Enrique, Ate Aleya. Gusto kong sabihin sa'yo ngunit pinagbantaan niya ako na pauuwiin niya ako sa mismong bahay ng mga magulang namin kapag nagsumbong ako sa

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 32

    Aleya's PovHalos hindi ko malunok ang nginunguya kong pagkain dahil pakiramdam ko ay may nakaharang na kung anong bagay sa aking lalamunan. Mabigat din ang aking pakiramdam na para bang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. At isa lamang ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Selos. Oo. Nagseselos ako dahil sa nakikita kong closeness ni Enrique at nang babaeng kasama niya. Sobrang sweet ang babae sa kanya kaya hindi na ako magtataka kung iisipin ng lahat ng mga tao sa loob ng restaurant na magkasintahan ang dalawa. Hindi ko ini-expect na makakaramdam ako ng ganito katinding sakit. At mas lalong hindi ko inaasahan na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko para kay Enrique. Paano siya nakapasok sa puso ko ng ganito kalalim?Dahil hindi ko naman magawang lunukin ang kinakain kong pagkain kaya huminto na lamang ako at pilit na kinalma ang aking sarili. Baka kasi kapag hindi ko makontrol ang aking sarili ay lapitan ko silang dalawa at patikimin ng aking malaka

Latest chapter

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 97

    Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 96

    Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 95

    Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 94

    Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 93

    Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 92

    Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 91

    Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 90

    Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti

  • THE BEAUTIFUL BODYGUARD   Chapter 89

    Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang

DMCA.com Protection Status