Aleya's POVMaaga akong gumising ngayon dahil gusto kong mag-exercise sa mini gym na nasa gilid ng bahay nina Enrique. Magmula nang maging bodyguard ako ni Enrique ay ngayon pa lamang ako gagamit sa kanilang mini gym. Naghilamos lamang ako sa banyo pagkatapos nagpalit ng manipis na T-shirt at tight short na ginagamit pang-sports talaga. Itinali ko ng ponytail style ang aking buhok pagkatapos ay lumabas na ako sa silid ko.Inabot ng halos dalawang oras ang pagwo-work out ko sa mini gym bago ko ipinasyang bumalik na sa aking silid. Tagaktak ang pawis nang lumabas ako sa mini gym. Pagpasok ko sa sala ay isang malakas na sipol ang napagpahinto sa akin. Naroon pala si Enrique sa sala at nakaupo sa couch habang nagkakape. Bakas ang paghanga sa kanyang mga mata habang namamasyal sa kabuuan ng aking katawan. Nakadama ako ng pagkailang sa ginawa niya. Medyo na-conscious din ako dahil naliligo sa pawis ang buong katawan ko. I'm sure, mukha akong gulay na hindi na fresh ang hitsura."Ano ang tin
Aleya's PovNag-stretch ako ng aking mga kamay pagkatapos kong tumayo sa ibabaw ng kama. Katatapos ko pa lamang isulat sa aking laptop ang report ko at isinend ko iyon sa email ni Ninong Zandro. Every two weeks ay nagsisend ako ng aking report sa kanya para may updates siya sa akin at sa trabaho ko. In-exercise ko rin ang aking mga daliri dahil nangalay ito sa kakatipa sa keyboard ng aking laptop. Tumalon ako pababa sa kama at lumabas sa aking silid. "Sa wakas ay lumabas ka na rin sa kuwarto mo, Ate Aleya," may pag-aalala sa boses na salubong sa akin ni Gigi pagbaba ko sa sala."Bakit naman? May hindi ba magandang nangyari?" nagtataka kong tanong sa kanya. "Tinapos ko pa kasi ang report ko dahil kailangan ko nang ipadala iti sa aking boss," dugtong ko. Ang tinutukoy kong boss ay walang iba kundi si Ninong Zandro."Umalis si Kuya Enrique, Ate Aleya. Gusto kong sabihin sa'yo ngunit pinagbantaan niya ako na pauuwiin niya ako sa mismong bahay ng mga magulang namin kapag nagsumbong ako sa
Aleya's PovHalos hindi ko malunok ang nginunguya kong pagkain dahil pakiramdam ko ay may nakaharang na kung anong bagay sa aking lalamunan. Mabigat din ang aking pakiramdam na para bang may nakadagan na mabigat na bagay sa aking dibdib. At isa lamang ang dahilan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Selos. Oo. Nagseselos ako dahil sa nakikita kong closeness ni Enrique at nang babaeng kasama niya. Sobrang sweet ang babae sa kanya kaya hindi na ako magtataka kung iisipin ng lahat ng mga tao sa loob ng restaurant na magkasintahan ang dalawa. Hindi ko ini-expect na makakaramdam ako ng ganito katinding sakit. At mas lalong hindi ko inaasahan na ganito na pala kalalim ang nararamdaman ko para kay Enrique. Paano siya nakapasok sa puso ko ng ganito kalalim?Dahil hindi ko naman magawang lunukin ang kinakain kong pagkain kaya huminto na lamang ako at pilit na kinalma ang aking sarili. Baka kasi kapag hindi ko makontrol ang aking sarili ay lapitan ko silang dalawa at patikimin ng aking malaka
Aleya's POVWala kaming imikan ni Enrique habang sakay kami ng aking kotse pauwi sa bahay niya. Iniwan na lang namin ang kotse niya sa harapan ng restaurant at tinawagan ko na lamang ang isa sa mga guards sa bahay ni Enrique para iuwi ang kotse ng binata. Nakakailang ang sobrang katahimikan sa loob ng kotse ngunit wala akong balak na unang bumasag sa katahimikang namamagitan sa amin. Mukhang wala namang balak na magsalita si Enrique kaya itinikom ko na lamang ang aking bibig. Pagdating namin sa bahay nila ay tuloy-tuloy lamang siyang pumasok sa loob ng bahay at tila wala talaga itong balak na ipaliwanag sa akin ang tungkol sa babaeng kasama niya sa restaurant. Napabuntong-hininga na lamang ako habang sinusundan siya ng tingin. Ngayon ay klaro na sa akin ang lahat. Hindi siya totoong may gusto sa akin. Dahil kung may gusto siya sa akin ay magi-effort siyang magpaliwanag sa akin dahil baka mag-isip ako ng hindi maganda sa kanya at sa babaeng kasama niya. Muli akong nakaramdam ng pinong
Aleya's PovKatatapos ko pa lamang libutin ang bahay ni Enrique at in-eksamin ang buong paligid dahil baka may bombang nakakabit sa pader o kahit saang bahagi ng bahay niya nang hindi namin nalalaman. Ini-inspeksyon ko rin ang mga guwardiya na nakabantay sa paligid para siguradong safe. Ginagawa ko ito every morning at bago ako matulog. Ngunit kung minsan sa gabi ay nakakalimutan ko ngunit hindi puwedeng hindi ako maglibot isang beses sa isang araw. Ipinaliwanag ko sa mga guwardiya na hindi ko ito ginagawa dahil sa wala ajong tiwala sa kanila kundi ginagawa ko ito para sa dobleng pag-iingat. Mabuti na lamang at naiintindihan ng mga guwardiya ang ginagawa ko kaya walang nagagalit sa akin nag-iinspeksyon ako. Pagkatapos kong mag-inspeksiyon ngayong umaga at nakita ko na wala namang panganib sa paligid ay saka ako pumasok sa loob ng bahay para humigop ng kape. Pagpasok ko sa sala naroon na at nakaupo si Sylvia na nakataas ang mga kilay habang sinusuyod ako ng manuri niyang tingin mula ul
Aleya's Pov"Aleya, sige na. Turuan mo ako ng self-defense para kahit paano ay maipagtanggol ko ang aking sarili. Kapag kasama ko si Kuya Enrique ay makakaya ko rin siyang ipagtanggol lalo na kung wala ka," pangungulit sa akin ni Edzel. Kanina pa niya ako kinukulit na turuan ko siya ng self-defense ngunit hindi ko siya pinapansin. Inilapag ko sa mesa ang baril na nililinisan ko at hinarap ko siya. May point naman siya. Maaari nga niyang maipagtanggol ang kuya niya kapag wala ako sa tabi nito. "Okay. Tuturuan kita pero huwag ngayon. Saka na kapag mahaba-haba ang oras na libre ako sagot ko sa kanya.""Talaga? Sinabi mo iyan ha? Wala nang bawian," tila batang sabi ni Edzel. "Oo nga. Ang kulit," naiiling kong sagot sa kanya at bahagya pa akong napapangiti sa kakulitan niya. Magkaibang-magkaiba ang ugali niya sa nakatatandang kapatid niya na babaero na nga ay may mood swing pa."Yes!" sigaw ni Edzel sa hangin. Sa pagkakataong ito ay hindi lang ako napapangiti kundi natawa na talaga ako.
Aleya's PovLihim na napakuyom ang aking mga kamao nang makita ko kung sino ang babaeng nagsalita. Ito ay walang iba kundi ang babaeng kausap ni Enrique kahapon. "Cloe? Paano ka nabuhay?" naguguluhan ding tanong ni Edzel sa babae pagkatapos ay sumulyap sa nakatatandang kapatid.Nakangiting naglakad si Cloe palapit kay Enrique at parang tuko na kumapit sa braso ng binata. Napatingin naman sa akin si Enrique ngunit mabilis kong iniiwas ang aking paningin sa kanya. Ayokong makita kung gaano siya ka saya ngayong nagbalik na ang babaeng mahal niya."Mahabang kuwento, Gigi, Edzel. At nasabi ko na rin kahapon kay Enrique ang dahilan kung bakit buhay ako. Pero uulitin ko para sa inyo at papaikliin ko na lamang," sagot ni Cloe pagkatapos ay nag-umpisang magkuwento kung paano ito nabuhay. "Noong maaksidente kami ni Enrique ay hindi naman talaga ako namatay. Nalumpo kasi ako at sinabi ng mga doktor na hindi na ako makakalakad pang muli. Kaya nagpasya si Daddy na itago na lamang sa lahat ang tot
Aleya's PovNapabalikwas ako sa malakas na katok sa pintuan ng aking silid. Saglit na inayos ko ang aking sarili bago tuluyang bumaba sa kama para pagbuksan ang taong kumakatok. Mukha ng nakabusangot na si Gigi ang nabungaran ko sa labas ng pintuan."O bakit? Ba't lukot ang mukha mo? May mangkukulam bang nakapasok sa bahay ninyo? Saka akala ko ay inihatid ka na ni Edzel kagabi papunta sa bahay ng mga magulang ninyo?" nagtataka kong tanong kay Gigi. Pumasok muna ang dalaga sa loob ng aking silid at naupo sa gilid ng aking kama bago sinagot ang aking tanong. "Mamaya pa ako ihahatid ni Kuya sa bahay nina Daddy. At tama ang sinabi mo, Ate Aleya. May mangkukulam ngang nakapasok ulit sa bahay. At hindi lang pala nakapasok kundi dito raw muna pansamantalang titira ang babaeng iyon," nakasimangot na sumbong ni Gigi. At kung hindi ako nagkakamali ay si Cloe ang tinutukoy nitong mangkukulam na nakapasok at dito pa titira sa bahay ng kanyang kapatid."Ayaw mo ba no'n? Magiging straight na ulit
Aleya's PovWalang tigil ang pagpapaputok ko ng baril at walang tigil din ang pagbagsak sa sahig ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Ngunit sa malas ay naubusan na ako ng bala. Inis na initsa ko ang baril sa aking harapan."Wala ka nang bala, Aleya? Heto ako mayroon," nakangising kausap sa akin ni Mr. Sebastian kasabay ng pagtutok ng kanyang baril sa akin."Aleya!" sigaw naman ni Enrique na nakatayo na at lumabas na rin sa pinagtataguan niya. Nang makita nito na kinalabit ni Mr. Sebastian ang gatilyo ng baril ay agad itong napatakbo palapit sa akin para harangan ang bala.Kasabay ng pagyakap sa akin ni Enrique ay ang magkakasunod na dalawang putok mula sa hawak na baril ni Mr. Sebastian. Akala ko si Enrique ang tinamaan ngunit nang tingnan ko sa likuran ng binata ay naroon si Cloe nakatayo at may tama ng dalawang bala sa dibdib nito."Cloe!" nanlalaki ang mga matang sigaw ko. Mabilis ko siyang dinaluhan nang unti-unti na siyang bumagsak. "Wala ka talagang puso, Sebastian! Pati taong kinil
Aleya's PovNaging alerto ang pakiramdam ko habang naglalakad palapit sa amin ang dalawang lalaking nakatutok sa amin ang mga baril at alam ko na ganoon din ngayon si Enrique. Pasimpleng itinaas namin ang aming mga kamay at hinintay na tuluyan silang makalapit sa amin."Gusto niyong makatakas sa amin? Ulol! Hindi mangyayari iyon," singhal ng lalaking sa nakatapat sa akin. Idiniin nito ang dulo ng baril sa aking tagiliran at bahagya akong itinulak. "Sige lakad!" mariing utos niya sa akin.Kunwari ay sinunod ko ang ipinag-uutos sa akin ng tauhan ni Mr. Sebastian ngunit ang totoo ay humahanap lamang ako ng timing para agawin ang baril niya. Lihim akong sumulyap kay Enrique at nakita kong naglalakad na rin siya habang nakatutok din sa likuran niya ang baril ng isa pang tauhan ni Mr. Sebastian. Nagkatitigan kami at bahagyang nag-usap ang mga mata. Nang tumango siya sa akin ay naintindihan ko ang ibig niyang sabihin. Sabay kaming haharap at aagawin ang baril ng mga tauhan ni Mr. Sebastian n
Aleya's PovSa pangalawang beses ay muli kaming pinagbalikan ng malay ni Enrique. Ngunit sa pagkakataong ito ay siya ang unang nagising. Nagising na lamang ako nang tapik-tapikin niya ang aking mga balikat. "Aleya. Are you okay?" dinig ko ang pag-aalala sa boses na tanong niya sa akin pagmulat ko sa aking mga mata. Nakagapos ang mga kamay na sinapo ng kanyang mga kamay ang aking mga pisngi at bahagyang hinaplos."Ayos lang ako, Enrique. Ikaw nga itong mas bugbog-sarado kaysa sa akin," naiiyak na sagot ko sa kanya habang nakapatong sa ibabaw ng kanyang kamay ang nakagapos kong mga kamay. Awang-awa ako sa hitsura niya. Mas grabe ang tinamo niyang sugat sa ginawang pambubugbog sa amin ng mga tauhan ni Mr. Sebastian. Putok ang mga labi ng binata, may hiwa sa itaas ng magkabilang pisngi niya at may tumulong dugo mula sa gilid na bahagi ng ulo nito. Maraming pasa ang mukha nito at mga braso. At natitiyak ko na maraming pasa rin ang loob ng damit nito. Hindi na ako magtataka kung marami siy
Aleya's PovHalos magkasabay lamang kami ni Enrique na pinagbalikan ng malay. Nauna lamang ako ng mga ilang minuto bago siya naman ang nagising. Hindi ko napigilan ang bahagyang mapaungol dahil sa naramdaman kong masakit na bahagi ng aking ulo. Siguro ay may bukol ako sa ulo kung saan ako hinampas ng baril ng lalaking iyon. Medyo mabigat at parang nangangapal kasi ang ulo ko na tinamaan ng baril. "Okay ka lang, Aleya? Sinaktan ka ba nila? Nasaan tayo?" dagling tanong ni Enrique nang mahimasmasan na siya. Gusto man nitong hawakan ako para i-check ang katawan ko kung sinaktan ba ako ng mga taong iyon ngunit hindi nito magawa dahil parehong nakatali ang mga kamay at paa namin habang nakahiga kami sa malamig na sahig."Okay lang ako, Enrique. Huwag mo akong alalahanin. Ikaw nga itong may sugat sa ulo dahil malakas ang ginawang pagpalo ng baril sa ulo mo ng taong iyon," mabilis kong sagot sa kanya para hindi na siya mag-alala pa sa akin. "At saka nasa loob yata tayo ng isang lumang wareho
Aleya's PovPagkatapos ng nangyaring pagpatay kay Mr. Juico sa kulungan at ang palpak na tangkang pagpatay sa amin ni Enrique sa loob mismo ng city jail ay sinimulan naming palihim na imbestigahan si Mr. Carlo Sebastian. Malakas ang kutob namin na siya ang tinutukoy ni Mr. Juico sa iniwan niyang clue. At inumpisahan namin ang pag-iimbestiga kung sino ang mga taong nakakausap niya araw-araw. Bagama't wala pa kaming nakikitang kahina-hinala mula sa kanyang mga ikinikilos ay naniniwala ako na mahahanapan din namin siya ng butas. Kahit mahanapan namin siya ng maliit na butas lamang ay hindi namin palalampasin. Dahil alam namin na ang maliit na butas kapag inunat ay lalaki rin.Nang malaman namin na dadalo sa isang charity party si Mr. Sebastian ay gumawa ng paraan si Enrique para makakuha siya ng imbitasyon para sa aming dalawa ng nasabing event. Sa tulong ng kanyang ama ay nakakuha ng dalawang invitation card si Enrique. Kaya heto kami ngayon at nakikipag-plastikan sa mga sosyal na bisit
Aleya's PovPakiramdam ko ay tila may literal na pintuan ng pag-asa ang biglang nagbukas sa dinding ng banyo kung saan nakasulat ang letters na "C at S" na isinulat pa mula sa dugo ni Mr. Juico. Halatado sa pagkakasulat nito na pinilit lamang nitong maisulat ang dalawang letrang iyon para siguro bigyan ng clue ang mga pulis sa kung sino man ang nagpapatay sa kanya.Dahil sa clue na ito ay hindi maisasara agad ang kaso sa pagpatay sa pulitiko. At iisa lamang ang taong nagtataglay ng ganyang initial na pangalan na malapit kay Mr. Juico. Siya ay walang iba kundi si Mr. Carlo Sebastian. Ngayon ay maaari na namin siyang imbestigahan pagkat naiuugnay na ang pangalan niya sa huli."CS," mahinang sambit din ni Enrique sa letrang nakasulat sa pader. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata na biglang napatingin sa akin ang binata. Mukhang naisip din niya ang aking naiisip. Tumango ako para kumpirmahin sa kanya na pareho kami ng iniisip."Pero hindi sapat ang ebidensiyang iyan para sampahan natin si
Aleya's PovMagkasama kaming naliligo ni Enrique sa swimming pool ng bahay nang araw ito. Wala siyang lakad kaya niyaya niya akong mag-swimming. Para kaming mga bata nq naghahabulan sa tubig at kapag naaabutan niya ako ay pinaparusahan niya ako. At siympre, ano pa ba ang ibibigay niyang parusa sa akin kundi isang matamis na halik. Para mahalikan niya ako ay sinasadya kong magpaabot sa kanya kaya tawa siya ng tawa dahil alam niyang sinasadya ko na maabutan niya ako. Nang mapagod kami sa paglangoy at paglalaro sa tubig ay lumangoy kami papunta sa may hagdanan ng pool at nahiga."Sana lagi tayong ganito. Masaya at parang walang problema," ani Enrique habang magkayakap kami sa may hagdanan ng swimming pool. "Alam mo ba na matagal ko nang gustong mangyari ito? Ang maligo sa swimming pool kasama ka.""Huwag kang mag-alala dahil hindi magtatagal ay mangyayari iyan. Palagi na tayong magkasamang maliligo rito sa pool pagkatapos ng kinakaharap nating problemang ito," paninigurado ko sa kanya. P
Aleya"Sa tingin mo ay talagang sasabihin sa atin ni Tito Abner ang impormasyon na gusto nating malaman pagbalik natin sa kulungan?" tanong ni Enrique habang nagmamaneho ito papunta sa isang restaurant kung saan kami kakain ng hapunan."Don't worry, Enrique. Malakas ang kutob ko na sasabihin na niya sa atin ang totoo," kumpiyansang sagot ko sa kanya."Sana nga, Aleya. Sana nga ay makipagtulungan na ang hayop na iyon para matapos na ang problemang ito para naman maasikaso natin ang kasal natin," umaasang saad ni Enrique."Bakit? Nag-oo na ba ako sa proposal mo?" nakangiting biro ko sa kanya."Hindi pa ba sapat na ilang beses na tayong nag-honeymoon bilang sagot mo sa aking proposal?" pilyo ang ngiting tanong niya sa akin. Pinamulahan ako ng mukha nang maalala ko ang maiinit na sandali na pinagsaluhan naming dalawa. Para kaming newley wed na ayaw mapaghiwalay nang araw na iyon. At kinabukasan din ay nanatili pa rin siya sa bahay ko. Maghapon lang din kaming nagkulong sa kuwarto ko at ti
Aleya's PovMagkasamang pinuntahan namin ni Enrique si Mr. Juico sa kulungan para bisitahin. Gustong subukan ulit ng binata na paaminin ang lalaki kung sino ba talaga ang taong nagtatangka sa buhay niya. Sa pagkakatanda ko kasi ay sinabi ni Mr. Juico sa akin habang bihag niya ako na hindi siya ang tunay na nasa likod ng pagtatangka sa buhay ng binata. At tinutukoy niya na "taong iyon" ang tiyak na nasa likuran ng lahat. Kung buhay lang sana ang pekeng Sylvia Villareal ay maaari rin namin siyang tanungin kung sino ang nagpapapatay kay Enrique. Tiyak na alam iyon ng babaeng iyon. Kaso bigla na lamang natagpuan ng nga tao ang bangkay nito na palutang-lutang sa ilog. Lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang babae at pagkalunod ang ikinamatay nito. Walang nakakita kung paano ito namatay at napunta sa ilog ang katawan. Ngunit alam namin na sadyang pinatahimik ito para hindi nito maisiwalat ang lihim ng amo nito. Si Cloe naman ay nagtungo na sa ibang bansa matapos nitong ituro kay Enrique ang