KITANG-KITA ni Redlee ang pagkagulat sa magandang mukha ni Diane, nang makita nito ang kanyang kotse sa loob ng garahe ng kanilang apartment. Awang ang mga labi at nanlalaki ang mga mata na inilinga nito ang paningin para hanapin siya. Dahil hindi siya nito nakitang lumabas sa bandang kaliwa ng side-walk ay dali-dali nitong binuksan ang small gate at pumasok sa loob ng bakuran.
"Diane!" May kalakasang tawag niya rito saka galit na itinulak ang gate para pumasok. "Where have you been?"
"Red... sweetheart..." anas ni Diane na natigilan. "N-namas... yal lang ako..."
Napalingon siya nang makitang tumingin ang babae sa pinanggalingang kotse kanina. Tinalikuran niya ito at isinara ang small gate. Nang humarap siyang muli rito ay pahaklit itong hinawakan sa braso, saka puwersahang hinila papasok sa apartment.
"Red, aray ko," d***g ni Diane. "Nasasaktan ako. Ano ba?"
Patulak niya itong binitiwan ng nasa loob na sila ng bahay kaya napatili ito ng muntik nang madapa. Isinara muna niya ang pintuan at ini-lock. Nang muli niya itong hinarap ay sinigawan. Minura. Kasabay ng paulit-ulit na pagduro.
"Taksil ka, Diane. Niloloko mo na pala ako ay wala akong kaalam-alam. Anong klase kang babae? You're a bitch!"
Umiyak si Diane. Pinagsalikop nito ang dalawang palad sa tapat ng dibdib. "Red, I'm sorry..."
Galit niya itong nilapitan at sinampal. "Shit, Diane! Walang kuwenta sa akin ang sorry mong iyan dahil sa nasaksihan ko. Kitang-kita ko ang kataksilan mo at hindi ko kayang tanggapin iyon!"
Napatili si Diane nang lumapat muli sa pisngi nito ang malakas na unday ng palad niya. Agad nitong nasapo ang sariling mukha at napaurong.
"Patawarin mo ako, Redlee," paghingi nito ng tawad habang malakas na umiiyak. "H-hindi ko sinasadya. Hindi ko gustong lokohin ka..."
"Sinungaling!" Minsan pa niya itong sinampal, na dahilan ng pagbagsak nito. Tumama ang noo nito sa gilid ng bubog na center table at nabagok ang ulo sa sahig. Hindi naman niya nakita ang nangyari dahil tumingala siya para magtimpi ng sobrang galit. "Kitang-kita ko ang kataksilan mo, Diane. May pahalik-halik ka pa sa lalaking iyon..."
Nang mapansin niyang hindi na kumilos si Diane mula sa pagkakalugmok sa sahig ay natigilan siya saglit. Nang makabawi siya sa pagkagulat ay saka umupo at hinaplos ang braso nito.
"Diane," anas niya. Saka bahagya itong inuga. "Diane... b-bumangon ka. Are you okay? Diane..."
Nang hindi pa rin ito kumilos ay napilitan siyang ipihit ang katawan nito. Nanlaki ang mga mata niya nang makitang nagdurugo ang noo nito. Malakas niyang nasambit muli ang pangalan nito.
"Hindi ko sinadya," bulong niya. Nanginig sa takot ang buo niyang katawan. "Hindi ko alam na bumagsak ka..."
Minsan pa niyang inalog ang katawan ni Diane. Umasa siya na magigising ito at babangon. Pero hindi pa rin ito kumilos at nanatiling nakahiga. Kinabahan siya. Napalunok. Mas tumindi ang takot na bumalot sa buo niyang pagkatao nang masaksihan pa ang patuloy na pagtagas ng dugo mula sa noo nito.
Baka napatay mo si Diane, sigaw ng utak niya. Mukhang hindi na siya humihinga. Parang napatay mo talaga siya!
"H-hindi," anas niyang sunud-sunod na umiling. "Hindi pa siya patay!"
Muli niyang inuga ang katawan ng babae habang binabanggit ang pangalan nito. Mas tumindi pa ang takot na bumalot sa buo niyang pagkatao. Bunga niyon ay higit pang tumindi ang tila pananakot ng utak niya.
Pinatay mo si Diane, Redlee! Pinatay mo siya!
Napapalunok siyang tumungo para ilapat sana sa may dibdib nito ang teynga. Pero dahil sa malakas na kabog ng dibdib niya bunga ng takot ay hindi niya nagawa. Hindi kasi niya kayang mabatid na hindi na nga ito humihinga.
"Baka patay na nga si Diane," bulong niya. "Kailangang hindi siya mamalagi rito. Hindi puwedeng makita rito sa apartment ang bangkay niya!"
Dali-dali niyang binuksan ang pintuan ng apartment at lumabas. Dumiretso siya sa kanyang kotse para buksan din ang compartment nito. Nang bumalik siya sa loob ng bahay ay saka binuhat ang katawan ni Diane, sa pag-aakalang patay na nga ito.
Itatapon ko siya, sabi ng utak niya. Dadalhin ko sa malayo ang bangkay para walang makaalam na ako ang pumatay sa kanya.
LINGID sa kaalaman ni Redlee ay may isang kotse ang lihim na sumusunod sa kanyang sariling sasakyan. Ang totoo ay parang wala na siya sa sarili dahil sa iba't-ibang emosyong umaalipin sa kanya ng sandaling iyon.
Wala sa plano niyang mauwi sa ganito ang sitwasyon. Hindi sumagi sa utak niya na mapapatay ang isa pang babaing kinakasama dahil sa selos. Pero naganap. Nangyari. Kaya ito siya ngayon... hindi alam ang tamang gagawin.
"I'm sorry, Diane," he whispered with shedding tears. "I don't want this to happen. Nadala lang ako ng aking galit."
God, hiyaw pa ng utak niya, please forgive me for what I did. I don't plan to kill anyone pero nangyari po. Nagawa ko na!
Bahagya niyang iniumpog ang ulo sa sandalan ng upuan ng kotse. Tuluyan nang nalaglag isa-isa ang mga luha niya dahil sa sobrang pagsisisi. Saka inihinto ang sariling sasakyan sa gilid ng kalsada. Sandali niyang hinayaan ang sarili sa tahimik na pagluha habang nakasubsob sa manibela ang mukha.
Nang mahimasmasan siya ay saka tumunghay. Pinalis niya ang mga luha at inayos ang sarili.
Kailangan niyang magpakatatag.
Kailangan niyang matanggap na ang nangyari.
Inilinga niya ang paningin. Tahimik ang madilim na paligid. Walang nagdaraang ibang sasakyan. Naisip niyang dito na ibaba ang bangkay ni Diane habang naghuhumiyaw ang magandang pagkakataon. Walang makakakita sa kanyang gagawin kaya ligtas siya sa ginawang krimen.
Mabilis siyang bumaba mula sa kotse at pumunta sa likuran niyon. Dahil sanay na sa dilim ang mga mata niya ay nakadama siya ng awa kay Diane, nang makita ang katawan nito matapos iangat ang takip ng compartment.
He sighed. "Patawad talaga, Diane. Hindi ko gustong mangyari ito..."
Binuhat niya ang katawan nito at ibinaba sa gilid ng madamong kalsada. Hindi rin madali sa kanya na iwanan ito pero kailangan niyang gawin. Napatingala siya saka natapik ang sariling noo. Pagkuwa'y umiling at muling tinunghayan ang nakahandusay na katawan ng babae.
Minsan pa siyang humingi ng tawad kay Diane saka dali-dali nang sumakay sa kotse at mabilis na umalis.
"ANG sama mo," bulong ni Khian James nang makitang umalis na ang kotse ni Redlee. "Bakit nagawa mong patayin si Diane? At nasikmura mo pa siyang itapon sa lugar na ito."Mula sa kinahihimpilan ng kanyang kotse ay pina-start na niya ang ignition. Pupuntahan na niya kung nasaan ang bangkay, na nakita niyang itinapon ng lalaki. Madilim man ang paligid ay nasaksihan niya ang nangyari dahil sanay na sa dilim ang mga mata niya.Ang totoo ay naawa siya kay Diane dahil sa sinapit nito sa lalaking kinakasama. Hindi sumagi sa isip niya na may masamang mangyayari dito pagkatapos nilang magkita ngayon. Tuwang-tuwa pa naman ito at humiling pa na magkita silang muli sa isang araw, na hindi niya tinanggihan at napagkasunduan pa nila kung kailan.Napailing siya. Naisip niya na baka kaya naging masaya si Diane ngayon ay ito na talaga ang huling gabi nito sa mundo. Nakakalungkot pero baka totoong kapalaran na nitong mamatay kaya nangyari ang ganito."Kung alam ko lang na mangyayari ang ganito ay hindi
"WHERE are you from, sweetheart?" Kriza asked Redlee after he entered in the front door of his house. She immediately got up from sitting on the sofa and kissed him. "Why you looked like that?"Nanlaki ang mga mata niya saka tiningnan ang sarili. "W-what do I look like?" he asked. "Is there something wrong with me? Do I looked weird, Kriza?"Tumawa ito ng mahina. Umiling. Inayos ang kuwelyo ng suot niyang longsleeve."Para kasing iba ang dating mo," tugon ng original live-in partner niya. "Pagpasok mo palang ay halatang aburido ka. Yes, sweetheart, you looked so weird. Is there any problem?""Nothing, sweetheart," tugon niyang pinilit ngumiti. Sinadya niya iyon para hindi mahalata ni Kriza ang pagiging aburido. Niyakap niya ito. "Ang totoo ay na-miss kita."Napatili si Kriza nang halikan niya ito sa leeg. Tuluyan na niya itong nilambing. Kailangan kasi niyang itago ang totoong isipin, na may kinalaman sa isa pang live-in partner na ang paniniwala niya ay talagang napatay niya."Ano b
KINILABUTAN si Redlee habang nanonood ng television ng umagang iyon. Bale ba'y maaga siyang nagising at agad na lumabas mula sa kuwarto nila Kriza. Hindi niya ito inabala sa pagtulog at nagpasya ngang libangin muna ang sarili. Ang totoo kasi ay apektado pa rin ang utak niya ng masamang ginawa kay Diane kaya ginugulo siya ng sariling kunsensiya. Kaya nga kanina ay minabuti niyang buksan muna ang television habang nasa salas. Dahil gising na ang isa nilang kasambahay ay nagpatimpla ng hot coffee. Pero habang tutok nga ang mga mata niya sa pinapanood ay bigla na lamang nagkaroon ng breaking news, na labis niyang ikinabigla.My God! hiyaw ng utak niya. Napasandal siya sa sofa at bahagyang nanginig ang katawan. Bangkay ba ni Diane ang natagpuang ng mga pulis?Ayon sa balita ay isang bangkay ng babae ang natagpuan sa gilid ng madamong kalsada. Hindi niya tiyak kung si Diane ito pero sinaklaw na siya ng matinding takot. Agad niyang kinuha ang remote control at ini-off ang television. Napat
DIANE stares at her own face in front of the mirror on the vanity dresser inside the guest room of Khian James' house, where she is staying now. "Magpaparetoke ako," sabi niya nang hinaplos ang may gasang sugat sa noo. "Magkakaroon nang pagbabago sa aking mukha. Mawawala ang pilat na ito..." Mapait siyang ngumiti. Nanatili siyang nakatitig sa sariling mukha. Wala sa plano niya ang magparetoke dahil hindi naman kalakihan ang sugat sa noo niya. Oo nga at magkakapilat ito pero puwede pang matakpan ng buhok para hindi makita. Pero dahil nga sa gagawin niyang paghihiganti sa live-in partner ay desidido na siyang magkaroon ng pagbabago sa kanyang mukha. Diane was serious about that plan. She would do it because of Redlee. Yes, because of Redlee and she will try to succeed. She will do everything until the day comes that he cries because of the pain he will experience. She would be very happy if he would kneel before her in repentance. "Hindi ako papayag na mabigo," bulong pa niya nang tu
REDLEE'S forehead was wrinkled when he noticed the suspicious direction of the oncoming car. He immediately suspected that he was going to hit while he was standing on the side of his own car."Hindi biro ito," bulong niya na inihanda ang sarili. Kung totoo man o hindi ang naisip niya ay dapat siyang maging handa. "Kailangan kong mag-ingat!"Hindi siya nagkamali ng hinala. Siya talaga ang pakay ng kung sinong estrangharong nagmamaneho ng kotse. Tinumbok siya nito. Mabuti na lang at mabilis siyang tumakbo papunta sa harap ng kanyang sasakyan, kaya hindi siya nasagasaan."Shit!" usal niyang hinabol ng tingin ang sasakyang mabilis na tumalilis. "Anong problema ng taong iyon? Sagasaan ba ako?"Mabilis siyang nilapitan ng security guard na naka-assign sa parking area. Nakita nito ang nangyari kaya inusisa siya. Naging prangka ito at sinabi ang sariling saloobin kaya bumuhay sa masama niyang hinala."Mag-ingat ka, sir Rivera," babala nito. "Halatang may masamang pakay sa iyo ang taong iyon
SUMAILALIM na si Diane sa facial operation at habang nasa loob ito ng surgery room ay hindi mapakali si Khian James. Wala siyang ginawa kundi ang magpabalik-balik sa paglalakad sa labas ng pintuan nito.Nag-aalala siya para sa babae. Pero hindi sa posibleng ikapahamak nito kundi sa ibubunga ng facial surgery. Oo nga at nakatitiyak siyang mahusay na plastic surgeon ang doktorang kinuha niya ay hindi niya maiwasang kabahan. Gusto kasi niyang makatiyak na hindi mabigo si Diane sa inaasam na kagandahan.God, ikaw na po ang bahala kay Diane, dalangin niya sa isip nang makaupo sa bench na naroon. Ipahintulot Mo pong maging maayos ang resulta ng operasyon.He helps his friend truly from his heart. Out of concern, he really tried to put her at ease and be fully prepared for the upcoming surgery. That's why he approached Dra. Helen Yulo, who is a board-certified plastic surgeon that have completed eight years of specific training by an accredited plastic surgery training program, that is regul
"DAPAT kang mag-ingat, sir Redlee," ani Rex nang magkita silang tatlo sa Bachelor's Bar. Naka-order na sila ng paborito nilang wine at hinihintay na lang na mai-serve iyon. "Hindi biro ang kinakaharap mo ngayon." Ipinagpaliban nila kagabi ang pagpunta sa lugar na iyon dahil sa hindi nila inaasahang nangyari. At iyon ay ang muntik na pagsagasa sa kanya ng isang humaharurot na kotse, na dahilan ng pagkakaroon ng sugat ni David. Gayunpaman ay napagkasunduan nila na saturday night na sila magkikita at ngayon na nga ang oras na ito. "Oo, sir," salo ni David, "nanganganib ang buhay mo. Padalawang beses na palang nangyayari ang insidenteng iyon. Huwag naman sanang mangyari pero ang sabi nila ay mas delikado kapag patatlo na. Mas mapanganib." Hindi niya naiwasang bumuntonghininga. Talagang apektado siya ng hindi magandang sitwasyon na kinakaharap. Dahil nga kahapon habang nasa parking area sila ay minsan pang naganap ang pagsagasa sa kanya ng isang kotse, na hindi niya alam kung sino ang na
KHIAN James shut the door of his room with his foot and never breaking their kiss. It seemed that the man was very eager for that opportunity. He really forgotten his plan to leave to unwind.Minutes later, Diane's heart was racing when his kiss down to her neck and licked it. She couldn't stop the moans from slipping out as she gasped for air."Khian," anas niya pagdaka habang hinahagod ng kanyang palad ang likod nito. "Nakikiliti ako... ang sarap... huwag kang tumigil, Khian James. Huwag... please!"Ipinagpatuloy nga nito ang paghalik sa kanyang leeg at bahagya pang bumaba sa may dibdib niya. Sanhi para lalo pa siyang humalinghing dahil sa kiliti.But the man suddenly stopped for what he was doing. He looked at her with a smile and started to undress her. Hindi naman siya tumutol bagkus ay nagpaubaya pa. Kaya tuluyan siyang nahubaran nito hanggang sa lumantad ang itim niyang bra, na kakulay din at katulad ng kanyang lace na panty.Bigla niyang naramdamang tila nilamig siya. Para nam
"YOU must leave to your work next week, sweetheart," Redlee opened up to Kriza after she came out to the bathroom from bath. At this moment, he remained lying on the bed because he was just waking up. "Is it okay with you?""But why, sweetheart?" tanong nito habang sapo ang towel na nakabalot sa katawan. "Is there an important reason that needs to be fixed?""Yap," tugon niyang bumangon at lumapit dito. Saka ito malambing na niyakap. "It's very important and you shouldn't refuse."Nahawakan ni Kriza ang towel na nakapulapol sa basang buhok dahil muntik na iyong matanggal bunga nang pagkakayakap niya mula sa likuran nito."Next week..?""Yap. Next week.""Do I have a lot of work to do next week?" she said thoughtfully. "Hmm... I don't know... maybe."Tuluyan nang nalaglag ang towel ni Kriza sa ulo dahil iniikot niya ang katawan nito paharap sa kanya. Nagtataka itong napatingala, na nagtatanong ang mga mata."You're so beautiful, Kriza," he said and giving her a smack kiss. He was telli
HINDI naiwasan ni Redlee na pag-aralan ang mga likos ng mga kaibigang sina Rex at David. Dahil sa sinabi ni Kriza ay napaisip talaga siya at nagkaroon ng pagdududa sa mga ito. Kaya nga lihim siyang nagmasid para matiyak na walang kinalaman ang mga ito sa pinagdadaanan niya.Lalo siyang naging maingat. Kailangan niyang mas maging handa dahil kung sakaling may kinalaman nga ang mga kaibigan ay totoong mapanganib. Nasa tabi lang niya ang mga ito at alam na alam ang mga aktibidad niya."Sir Redlee, ilang araw ko nang napapansin na parang aburido ka," sabi sa kanya ni Rex ng magkasabay sila sa elevator ng umagang iyon habang papasok sa trabaho. "Dahil ba sa pinagdadaanan mo ngayon?"He sighed and looked to him. "Yes, Rex. Ang totoo ay hindi ako matahimik dahil sa nangyayari. Ang hirap ng nasa ganitong sitwasyon."Rex patted him on the back and spoke seriously. "Don't worry, sir. David and I are here to help you. Gagawin namin ang lahat para proteksiyonan ka. That's a promise, sir."Napangi
NANG maalimpungatan si Diane ay nalamang wala na sa tabi niya si Khian James. Noong una ay kinapa-kapa muna ito ng kanyang kamay habang nanatiling nakapikit. Nang maramdaman niyang wala na siyang katabi ay saka iminulat ang mga mata. At napabangon na nga siya nang mabatid na nag-iisa na siya sa kuwarto."Khian?" anas niya habang inililinga ang paningin. Nasaan na kaya ang lalaking iyon?Dahil hubo't hubad siya ay kinuha ang kumot at ibinalot iyon sa katawan. Saka siya tumayo at lumapit sa pintuan. Binuksan niya ang dahon niyon at sumilip sa labas."Khian," tawag niya rito. "Are you there? Are you out there, Khian?"Nang walang tumugon sa kanya ay bumalik siya sa may kama. Nang makita niya ang nagkalat na damit at mga panloob sa sahig ay pinulot ang mga iyon.Nagbihis siya. Nakadama ng lungkot. Naisip kasi niyang wala talagang namamagitang pag-ibig sa kanilang dalawa at pinanghinayangan niya iyon. Kung mahal kasi siya ni Khian James ay hindi ito basta na lang aalis at baka hanggang nga