Share

KABANATA 3:

[XAVI POV's]

"Akala ko nagbago na si Elysia.Hindi pa'rin pala? Akalain mong ginamit pa ang Mommy mo para maipagkasundo kayong ipakasal"iling-iling na sabi ni Gino.

Sunod-sunod naman ang ginawa kung paglagok ng alak na nasa baso ko.

Ikinuwento kuna sa kaniya kong bakit kailangan kong pakasalan si Elysia Samonte.

"She knows na kahinaan ko ang Mommy ko at ginamit niya iyong oppurtunity para makuha ako.Hindi niya ako nakuha seven years ago tapos gumawa siya ng paraan para pakasalanan ko siya ngayon"inis na inis na sabi ko.

"Grabe talaga ang fighting spirit ng babaeng 'yun"saad naman ni Hera na nakaupo sa tabi ko.

Kinuha ko mula sa bulsa ang phone ko ng maramdaman na nag vibrate iyon. Muli akong lumagok ng alak na isinalin ni Hera sa baso ko ng mabasa ang text message ni Mommy.

"Problema 'no?"tanong ni Gino

Tumango ako at isinilid sa bulsa ang phone ko.

"Igotta go"paalam ko sa kanila.

Sunod-sunod ang pagbuga ko ng hangin ng puntahan si Elysia sa opisina n'ya sa Company nila. 

Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpakasal sa'kin? Maimpluwensiya naman ang pamilya nila.

Mabilis akong nag drive papunta sa Company nila Elysia para sunduin siya.

Hindi niya napansin ang pagpasok ko sa opisina niya dahil nakatalikod ang swivel chair na kinauupuan niya mula dito sa direksiyon ko.

"No. Hindi matutuloy ang kasal na 'yan kong wala ang bride di'ba? Yeah. Nagpa-book na ako ng flight pabalik d'yan sa New York at pinag-isipan kuna 'din ang inaalok nila sa king offer"rinig kong sabi ni Elysia sa kausap mula sa kabilang linya.

So, ano 'to? wala siyang balak na pakasalan ako?

Sumandal ako sa pinto at ipinag-krus ang mga braso ko sa dibdib habang nakikinig sa sinasabi niya sa kausap.

"Hindi pwedeng ngayon na ako pumunta d'yan. May bagong bukas kasing resort ang kaibigan ko"saad n'ya

"At ako ang gusto n'yang maging model para sa ipapagawang n'yang malaking tarpuline ng resort n'ya, hindi ako umattend 'nong kasal niya kaya nakakahiya naman kung tatanggihan ko 'yun.Give me a couple of days, promise babalik ako ng d'yan as soon as possible"dagdag pa n'ya pang sabi.

Gulat ang nakita ko sa mukha niya ng iikot niya ang kinauupuan paharap dito sa kinatatayuan ko.

"Tama ang desisyon mong takasan ang kasal na 'to"komento ko

Ngumiti naman siya."I know, right"

"Bakit ka nga pala nandito?"tanong niya.

Napatingin ako sa makinis at mahaba niyang legs ng tumayo siya mula sa pagkakaupo. Kinuha nito ang bag at nagsuot ng eyeglasses. Masasabi kong patok sa panlasa ko ang fashion sense niya.

"Inutusan ako ni Mommy na sunduin ka at sabay tayong kumain sa restaurant"tugon ko.

Tiningnan ko siya nang maglagay siya ng lipstick sa labi pagkuway tumingin sa'kin at nagkibit-balikat.

"Hindi kaba makagawa ng desisyon para sa sarili mo? Nasa 21st century na tayo ngayon Mr. Hernandez"saad n'ya.

Hindi ko maintindihan ang takbo ng utak ng babaeng 'to. Ano ba talaga ang plano niya?

"Huwag kanang mag effort para sa'kin. Maghanap kana lang ng ibang babae dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa'yo"madiing sabi niya at naglakad papalabas ng pinto.

Ginagago niya ba 'ko? Siya ang nag set-up nitong wedding thing na 'to tapos umaarte siya na ayaw niya sa kasalang magaganap? Pinagluluko niya ba ako?

Isa pa, sa tono ng pananalita n'ya ako pa ang may plano ng kasal na 'to?

[ELYSIA POV]

Halos lahat ng inorder ni Xavi na pagkain masarap kaya napadami ang kain ko. Mag jo-jogging na lang ako bukas para hindi ako tumaba.

"Para kang limang taon na hindi kumain"komento ni Xavi habang pinagmamasdan ako nitong ngumuya.

Nagkibit-balikat naman ako habang ngumunguya ng pagkaing nasa bibig ko.

"Yeah. Twice a week lang ako kumakain ng heavy meal and the rest puro na lang ako saging at tubig"tugon ko sa kanya.

Akala ng iba magandang maging model pero hindi nila alam ang sakripisyo na gagawin mo para mapanatili ang figure mo.

Napailing-iling naman siya sa sinabi ko.

"Pinaghandaan mo talaga ang pagbabalik mo 'no? Para maakit ako sa'yo?"aniya.

Mahina akong natawa sa sinabi ng kaharap ko. Muli akong sumubo ng pagkain, nginuya ko muna 'yon bago nagsalita.

"Para malaman mo Mr. Hernandez. I'm doing that for my self hindi para akitin ka, pero kung naakit ka sa katawan ko, ikaw ang may problema at hindi ako"ganti kong sabi sa kanya.

Napatingin ako sa buong paligid ng maramdamang uminit. Nag black out ata kaya hindi gumana ang aircon.

Yinuko ko ang zipper sa parteng dibdib ko at walang pag-aalinlangang ibinaba iyon bago itinuloy ang pagkain.

"Hindi na ako magugulat kung marami ng lalaking dumaan sa'yo. You know how to seduce men at alam kung magaling ka 'don gamit ang katawan mo"madiing sabi niya habang nakatitig sa cleavage ko.

Napailing-iling naman ako bago uminom ng tubig kaya napatitig siya sa leeg ko.

Pasimple akong ngumiti dahil papatunayan ko sa kanya na kagaya nga ako ng babaeng iniisip n'ya.

Itinaas ko ang paa ko at pinasadahan ang binti n'ya sa ilalim ng mesa.

"Tama ka d'yan, nagphoto-shoot na 'din akong n*******d, naglakad sa runway na walang bra at natutulog na walang saplot sa katawan, sanay 'din akong tingnan ng mga lalaki na halos hinuhubaran pero alam kung ano ang maipagmamalaki ko sa sarili ko---"

Inilapit ko ang mukha ko sa sa' kanya."I'm still virgin"

Kumindat ako sa kanya bago tumayo sa kinauupuan saka ko kinuha ang bag ko at naglakad palabas ng restaurant.

Hindi ko dala ang kotse ko kaya nag-abang ako ng Taxi.

Sarap niya talagang saktan. Hindi pa ako nabastos ng ganito, kahit halos hubo't hubad akong kinukunan ng picture ng trusted kong photographer hindi niya ako binastos katulad ng ginawa ni Xavi na pati ang buong pagkatao ko ay hinuhusgahan.

Naisipan kong huwag munang umuwi, pumunta ako sa Mall at mag shopping ng mga bagong damit, sandals, at iba pang kailangan ko. 

Iba kasi ang klima dito sa Pilipinas kaysa sa New York kaya hindi bagay sa klima ang mga damit na dala-dala ko.

Naningkit ang mga mata ko nang makita ko si Xavi na may kasamang ibang babae, nakahawak siya sa beywang nito habang namimili ang babae ng bag. 

Iling-iling akong napabuga ng hangin, ang bilis n'ya talaga pagdating sa mga babae.

"Napakababaero"bulong ko sa sarili.

Hindi ako papayag na araw ko lang ang masira. Sisirain ko 'din ang araw mo. 

Confident akong naglakad papunta sa direksiyon nilang dalawa.Inunahan ko ang babaeng kasama ni Xavi sa paghawak ng designer bag kaya sa'kin nabaling ang atensiyon nilang dalawa.

"Opps, sorry. Ako ang naunang humawak dito sa bag"saad ko.

"Miss. Ako ang nauna"giit ng babaeng kasama ni Xavi.

Tumawa naman ako. "No.Honey, ako ang nauna"

"Elysia"saway sa'kin ni Xavi.

Tiningnan ko naman siya at matamis na nginitian. Papatunayan ko sa kaniya ang sinasabi niya na magaling akong mang-akit ng mga lalaki.

"Oh, hi babe?"nakangiting bati ko kay Xavi.

Natawa ako nang tumaas ang kilay n'ya. Lumapit ako kay Xavi at ipinalibot ang mga braso ko sa leeg n'ya saka inilapit ang mukha ko sa kanya.

"Elysia"madiing sambit nito sa pangalan ko.

Nanatili naman akong nakangiti sa kanya. 

"Bakit? Di'ba sabi mo ang galing kong mang-seduce ng mga lalaki? So, papatunayan kuna, at hindi ako natatakot na dito ko 'yun gawin sa public"saad ko.

Ibinaba ko ang kabilang kamay ko papunta sa pagitan ng mga hita n'ya at marahang hinaplos ang parteng iyon.

Inilapit ko ang mukha ko sa tenga n'ya at dinilaan iyon bago s'ya hinarap at nginitian na tila walang nangyari.

"Anong nangyayari?"galit na tanong ng babae kaya nakangiti ko s'yang hinarap.

"He's my fiance"saad ko na labis na ikinagulat ng babae.

Malawak ang ngiti kong pumunta sa cashier para bayaran ang mamahaling bag.

Malakas na sampal ang itinamo ni Xavi mula sa babaeng kasama niya. Minura pa siya nito ng umalis at halos isumpa siya.

Halos umabot sa tenga ang ngiti ko ng balingan si Xavi. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa'kin kaya kumaway ako sa kanya bago naglakad papalayo.

"Bwesit"rinig kong sigaw ni Xavi kaya napahalakhak ako sa sobrang tuwa. 

Ang sarap talaga sa pakiramdam kapag nakakaganti.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status