Share

KABANATA 2:

"Oh, my God.Elysia, is that you?"nanlalaking mata na paninigurado ng babae nang makita ako dito resort ng kaibigan kong si Gigi.

Pilit kong inalala kung sino siya pero hindi ko matandaan.Ngumiti ako sa kanya dahil hindi naman gano'n kasama ang ugali ko para mang-snob ng mga taong nakakakilala sa'kin.

"Elysia. Ako 'to si Hera, kaklase mo ko 'nong high school"pagpapakilala niya sa sarili.

Ah, gano'n pala kaya siguro hindi kuna naalala kasi matagal na.

"It's nice to see you"nakangiting sabi ko.

Pinasadahan ako nito ng tingin mula paa hanggang ulo.Sanay naman ako sa mga tao na tingnan ako ng ganyan.

"I'm glad your here. Iyong iba nating ka-batch mate nandito 'din. Kakabukas lang kasi nitong resort kaya ito ang napili nilang place para mag happy-happy"masayang sabi niya.

Ngumiti naman ako at tumango sa sinabi n'ya.

"I'm sorry, Hera. I have to go, may naghihintay kasi sa'kin"

"Okay. Please, punta ka mamaya sa cottage namin, alam kong matutuwa ang mga kaklase natin kapag nakita ka nila"nakangiting sabi niya.

"Sige"nakangiting sabi ko bago umalis.

Kinuha ko mula sa loob ng mini bag ang sun glasses ko. Mabuti na lang talaga nagdala ako nito,confidence akong naglakad sa pool area at hinahanap kung na saan nakapwesto si Gigi.

"Elysia?"nanlalaking ang matang paninigurado ni Gigi kong ako talaga ang kaibigan n'ya.

Hayst. Bakit ba ganito ang mga tao ngayon? Bakit gulat na gulat sila na makita ako?

Tinanggal ko ang sunglasses na suot ko para makilala niya ako.

Nagtatalon siya sa tuwa at mahigpit akong niyakap. Halos lahat ng taong nandito ay napapatingin sa gawi namin.

"Salamat, ah. Sinipot mo ko"anito.

Ngumiti naman ako sa 'kanya. 

"Kahit napaka-ingay mo, sisipotin pa'rin kita"tugon ko sa kanya. 

Hindi kasi ito tumitigil na nagpapadali ng email sa'kin at palaging sinasabi na pumunta aki dito sa resort n'ya kapag umuwi ako ng Pilipinas.

"Grabe. Sobrang ganda at sexy mo"anito habang pinapasadahan ako ng tingin.

"Sikat na sikat ka kaya, girl. Biruin mo ikaw ang first Pilipina na naglakad para sa Victoria's secret fashion show"anito

Tipid na ngiti lang ang isinukli ko sa kanya. Ang totoo, sinuwerte lang ako na maglakad sa victoria's fashion show kasama ang mga supermodel na Gigi Hadid, Adriana Lima, Barbara Palvin at ibang pigating supermodel.

Umupo kami sa bench at pinanood ang mga naliligo sa swimming pool.

"Naka-jackpot ka ata? Sobrang laki nitong resort na ipinagawa mo"komento ko habang inililibot ang mata sa buong lugar.

Humagikhik naman siya sa tawa at tinapik ang braso ko. Napanganga ako sa ginawa nito at hinaplos ang brasong nasaktan, kakaiba talaga ang babaeng 'to! Hanggang ngayon hindi parin s'ya nagbabago.

"Naku. Iyong asawa kong Kano ang may idea nito, hindi ko naman alam na ganito karami ang pupuntang tao"nakangiting sabi niya.

Napatango-tango ako.Hindi ako nakauwi 'nong kasal niya kahit nagmamakaawa na s'ya sa'kin,sobrang hectic ng schedule ko 'non kaya hindi ko talaga kayang umuwi.

"Ay, Oo nga pala. Nandito 'din ang mga kaklase natin 'nong high school, gusto mo bang mag join sa kanila?"tanong n'ya.

"Pwede ka naman mag join sa kanila pero iyon lang.. kung handa kanang makita si Xavi"sabi niya sabay s****p sa strew ng lemon juice na nasa baso niya.

Gumalaw ang sulok ng labi ko ng maalala ang paghalik sa'kin ni Xavi kagabi.Hindi niya ata ako nakilala na ako ang babaeng ni-reject n'ya?

"Excuse me lang, ha"baling kong sabi kay Gigi ng marinig ang pag-ring ng phone ko. 

Kaagad ko iyong kinuha mula sa loob ng bag na dala ko.

Napabuga ako ng hangin ng mabasa ang pangalan ni Mama sa screen. Ano na naman kaya ang sasabihin niya?

"Hello, Mama?"bungad ko ng sagutin ko ang tawag niya.

"Kiarra, where are you? Puntahan mo ako dito sa cafe malapit lang naman 'to sa resort ni Gigi.May ipapakilala ako sayo"saad niya.

Napairap naman ako sa kawalan dahil sa narinig mula sa Nanay ko. Kailan ba siya titigil sa pagre-reto niya sa'kin?

"Mama. Please stop it.Babalik na talaga ako sa New York kapag ipinilit mo 'yan"nagdadabog na sabi ko.

Tumawa naman siya mula sa kabilang linya kaya mas lalong umusok ang ilong ko sa sobrang inis.

"I don't need your excuses, come to my place. I'm waiting"aniya sabay baba ng linya.

Sunod-sunod ang ginawa kung pagbuga ng hangin bago nagpaalam kay Gigi. 

Napatigil ako ng matanaw ang pwesto nila Hailey. Hindi naman iyon kalayuan mula sa kinatatayuan ko pero hindi ko talaga makilala ang ibang ka-batch mate namin na kasama niya. 

Kumaway sa'kin si Hera ng makita ako kaya naglakad ako papalapit sa kanila.

"Hi, Elsysia"bati nilang lahat sa'kin.

Ngumiti naman ako sa kanila at bumati pabalik.

"Baka nakalimutan mo. Ako si Gino ang matalik na kaibigan ni Xavi"saad ng lalaking inilahad ang kamay sa'kin.

Nag-aalangan akong tanggapin 'yun at nakipagkamay sa kaniya.

"Long time no see. Mukhang sanay na sanay kana sa New York"saad ni Gino, ang nagpakilalang matalik na kaibigan ni Xavi.

Mahina akong natawa at tiningnan ang lalaki."Oo kaya hindi ako magtatagal dito.Aalis 'din ako kaagad"

"Kakadating mo lang pero babalik kana kaagad sa New York?Dito kana mag for good, may negosyo naman kayo dito, e"sabi ni Hera laya nabaling dito ang atensiyon ko.

Hindi ako pwedeng mag stay dito. Kukulitin lang ako ni Mama magpakasal sa mahahanap niyang lalaki na ipapares sa'kin.

"Don't tell me may partner kang naiwan sa New York?"tanong niya.

"Sa ganda n'yang 'yan baka meron nga"sabi naman ng iba kaya natawa ako.

Napailing ako."Naku, wala. Trabaho ang naiwan ko 'don"

"Kailan ko ng umalis. May naghihintay kasi sa'kin. Bye"paalam ko sa kanila. 

"Sige, ingat. See you around"nakangiting sabi ni Hailey bago ako tuluyang umalis

Gusto kung magdabog habang papasok sa cafe pero hindi ko alam kung bakit pang runway 'tong lakad ko. 

Nakasilid ang mga kamay ko sa bulsa at confident na naglalakad. Suot ko 'din ang sunglasses ko na nagkakahalaga ng hundred dollars.

Halos lahat ng tao dito ay napapatingin sa gawi ko.

"Oh, ayan na pala ang anak ko"rinig kong sabi ni Mama sa kausap habang nakatingin sa'kin.

B****o ako sa kanya paglapit ko at bumati sa babaeng kausap niya. Napanatag ang loob ko. Mukhang wala naman siyang irereto sa'king lalaki.

Tinanggal ko ang suot kong shades bago umupo sa tabi ng kinauupuan ni Mama.

"I heard na nagtapos ka sa New Your University?"paninigurado ng babaeng kakilala ni Mama. 

Mukhang pamilyar ito sa'kin pero hindi ko matandaan kung saan ko siya nakita.

"Yes. And I have masteral degree there"nakangiting sagot ko.

Uminom ito ng inorder niyang kape pagkuway tumingin sa'kin.

"I know it's really hard to study abroad while your family is here"komento niya.

"Kaya nga proud ako sa anak ko kasi talagang tinapos niya ang pag-aaral niya sa prestigous na university while she doing her career as a fashion model"saad ni Mama.

Tumingin ako sa 'kanya at ngumiti. Bago pa makapagsalita ang kaibigan ni Mama may dumating na hindi ko inaasahan.

"He's my son. Xavi Hernandez"pakilala ng kaibigan ni Mama sa anak niya na bagong dating.

Anak? So, it means---oh my....ghad!

"Sorry. I'm late"paghingi ng paumanhin ng lalaking kadadating lang.

Nag-iwas ako ng mukha ng tumingin siya sa gawi ko.

"I'm sorry, Ma. But I need to go"bulong ko kay Mama.

Halos mapasigaw ako ng kurutin niya ang tagiliran ko. At tiningnan ako ng masama. 

"Son, meet your fiance, Elysia"

Napaawang ang bibig ko sa sinabi ng Mama ni Xavi. Hindi ako napakali sa kainauupuan ko lalo na ng tingnan ako ni Xavi sa mga mata. 

"No, Tita. I mean, this is a misunderstanding. I came here to see my Mom and not---"

Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin kay Xavi ng kunin at hawakan niya ang kamay ko. Anong ginagawa ng mokong na 'to?

Nataranta ako ng sabay na tumayo ang Mama at Mommy ni Xavi. Pilit kong binawi ang kamay ko sa lalaking may hawak 'non pero mas lalo n'ya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin.

"Mama. Where are you going?"tarantang tanong ko kay Mama.

Hindi siya sumagot at nginitian ako ng pagkatamis-tamis.

"Xavi. Please take care of my precious daughter"bilin ni Mama sa lalaking may hawak ng kamay ko.

"I will, Tita"sagot naman ng Xavi habang nakatitig sa mukha ko.

"Plano muna naman ba 'to? Hindi ka talaga titigil hangga't hindi ako pumapayag na pakasalan ka?"madiing sabi ni Xavi pagkaalis ng mga magulang namin.

Binitiwan niya na 'din ang kamay ko na parang nandidiring hinawakan ako.

"For your information.Wala akong balak magpakasal sayo at wala akong plano na pakasalan ka. Ang kapal naman ng mukha mo para isipin 'yun!"singhal ko sabay irap ng mata sa 'kanya.

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang kamay kong hinawakan n'ya baka kasi mahawaan n'ya ako ng germs na nasa katawan n'ya.

Napabaling ako sa tatlong babaeng lumapit sa table namin. May dala ang mga itong papel at ballpen. Mukhang magpapa-autograph ang mga ito kay Xavi. 

Gaano ba siya kilala sa lugar na 'to?

"Ah, hello. Ikaw si Elysia Samonte di'ba? Iyong nag runaway sa Victoria's Secret fashion show?"paninigurado nila.

"Yes. I am"tugon ko naman sa kanila.

Napatingin ako sa mga papel at ballpen nila ng ibigay nila sa'kin 'yon.

"Pwede po bang magpa-autograph at magpapicture? Idol na idol ka po kasi namin"kinikilig na sabi nila.

Sinulyapan ko si Xavi na tila nababagot sa kinauupuan niya.

Mabilis kung pinirmahan ang mga papel na nasa ibabaw ng mesa habang wala silang sawa na kunan ako ng picture. 

"Thank you po. Napakaganda niyo po pala sa personal. Hindi po talaga namin akalain na makikita ka namin dito"saad ng isa sa tatlong babaeng lumapit sa'kin.

"Salamat 'din, nagbabakasyon lang ako dito"nakangiting sabi ko.

"Napakabait niyo po talaga, marami pong salamat"saad nila.

Hindi naman sila nagtagal at nagpaalam ng umalis.

Binalingan ko si Xavi. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pagkainip.Ganu'n 'din naman ako kaya nagpaalam na ako sa kaniya na mauuna na akong umuwi pero nag insist s'ya na ihahatid n'ya ako kaya buong biyahe nag-aaway kami.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status