Pumunta kami ni Xavi sa sinehan. Bumili siya ng two tickets para sa'ming dalawa. Expandables 4 ang papanoorin namin. Showing daw kasi ngayon. Ang daya nga, e. Iyong part 1 and 3 napanood niya na, samantalang ako walang idea kung ano ang Expandables.Magkatabi kami sa upuan. Bago kami pumasok dito sa loob. Bumili na siya ng popcorn at drinks para hindi na siya lumabas mamaya.Napalinga-linga ako sa buong sulok ng sinehan. Kami lang kasi ni Xavi ang tao dito pero magsisimula kaagad ang palabas."Xavi.Ganito ba ang sinehan dito sa Pilipinas? Nagsisimula kahit hindi pa puno ng tao ang mga upuan?"baling kong tanong sa katabi ko.Hindi ko pa kasi naranasang manood ng sine noon kaya hindi ko talaga ranad kung paano ang sinehan dito sa Pilipinas.Mahina siyang tumawa kaya nagsalubong ang kilay ko.Ano naman kaya ang tinatawanan niya? May nakakatawa ba sa tanong ko?"Hindi baby. Hindi magsisimula ang palabas sa sinehan kong hindi puno ang mga upuan unless you occupied this place"sagot niya sa
Hindi ko namalayan na sa bahay ako ni Lola nakatulog buong magdamag. Naalimpungatan lang ako ng yugyugin ni Xavi ang balikat ko.Bumangon ako mula sa pagkakahiga at bumaba sa kama. Walang maski isang salitang lumabas sa bibig ko. Naglakad ako palabas ng kwarto, nakasunod naman siya sa'kin.Ipinagluto kami ni Lola ng manok na may lemon grass na kasama. Buong-buo ang manok na nilagay niya sa palayok at asin lang ang inilagay niya 'don, walang halong preservative katulad ng magic sarap or any other ingredient."Lola. Kailangan niyo po 'ba ng tulong?"tanong ko sa matanda habang inihahain niya sa hapag ang niluto niya."No. Apo, bisita kita kaya maupo ka lang diyan"tanggi niya.Hindi na ako nagpamulit pa, umupo ako sa kaharap na upuan ni Xavi, hindi ako nag-abalang tingnan ang lalaki. Hindi naman ako galit, medyo nagtatampo lang ako.Paano na lang kong may manyak na nagtangka sa'kin 'don sa sinehan? Tulog pa naman niya akong iniwan. Alam ko naman na ayaw niya sa kasal namin pero hindi pw
Yakap ko ang sarili habang hinihintay si Xavi na dumating. Natuwa ako ng makita ang sasakyan nitong paparating.Huminga ako ng malalim para ihanda ang sariling salubungin siya. Alam kong nagmamasid ang Mama niya sa'min.Sa bahay sana ako namin umuwi kaso ipinagtabuyan ako ni Mama dahil may asawa na daw ako.Nauna akong umuwi kaysa kay Xavi kaya nandito ako sa labas para hintayin s'ya."Hi"bati ko sa kanya ng makalabas siya ng sasakyan.Tila nagulat ata siya sa pagiging anghel ko. Lumapit ako sa 'kanya at hinaplos ang matipunong dibdib niya like a married couple did."Nakamasid sa 'tin ang Mama mo"bulong ko sa kanya.Napapikit ako ng dampian niya ng halik ang noo ko. Nag-angat naman ako ng tingin sa mukha n'ya, kumagat ako sa pang-ibabang labi ko at yumakap sa beywang niya. Niyakap n'ya 'din ako pabalik kaya kung titingnan sobrang sweet naming mag-asawa."Akala ko ba matagal kang mawawala?"tanong nito habang yakap-yakap namin ang isa't-isa."Ipinagtabuyan ako ni Mama kaya dito ako umu
Napamulat ako ng mata ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa matipunong dibdib ni Xavi habang yakap niya naman ako."Good morning, baby"bulong niya.Napapikit ako ng yukuin niya ako at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Nanatili akong nakapikit at nakahilig sa matipunong dibdib niya. Ilang minuto kaming nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa mag-ring ang phone ko. Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone kong nakapatong sa bed side table. Kaagad ko iyong sinagot ng makita ang pangalan ni Joana sa screen."Hello?"bati ko sa kaibigan na nasa New York."Oh, hi dear? Tuloy kapa ba?"excited na tanong niya.Tiningnan ko si Xavi bago sagutin ang tanong niya. Ang totoo hindi ko alam ang isasagot sa kaibigan ko.Bumaba ako sa kama at naglakad papunta sa glass wall saka hinawi ang kurtinang nandon.Matagal kunang pinapangarap na maging mukha ng isang sikat na brand sa New York. Sa puntong ito, ano ang pipiliin ko? Ang asawa ko bang si Xavi Hernan
Maaga akong gumising para ipagluto si Xavi ng sopas. Wala na siyang lagnat, may kunting sipon at ubo na lang siya. Hinala ko natuyuan siya ng pawis kaya siya nilagnat.Nang matapos akong magluto,bumalik ako sa kwarto para gisingin siya."Xavi?"gising ko sa kanya ng makapasok ako sa kwarto.Sumampa ako sa kama. Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot ang mga braso sa beywang ko saka ibinaon ang mukha sa leeg ko."Your scent is killing me"bulong niya habang inaamoy ang balat ko sa leeg."Xavi, nagluto na 'ko, kumain kana"saad ko habang nakayakap pa'rin siya sa'kin. Hindi naman siya sumagot."Xavi, sabi ko. Kumain kana"saad ko."Ikaw ang gusto kong kainin, baby"tugon niya.Nasamid naman ako sa sinabi niya saka pilit na tinanggal ang mga brasong nakapalibot sa beywang ko."Tigilan mo nga ako, Xavi"inis na sabi ko."Hindi na 'ba masakit ang ulo mo?"tanong ko saka sinipat ang noo niya."I'm fine, baby. Thank you"aniya saka hinuli ang kamay kong nakahawak sa noo niya."Huwag ka munang pumasok s
Tatlong oras kaming nag biyahe papunta sa rest house na sinabi ni Xavi.Para iyong Hacienda sa dami ng mga kabayo at baka sa malawak na lupain. Nagulat ako ng salubungin kami ni Lola. Kaagad akong nagmano at bumati sa kanya, ipinakilala 'din ako ni Xavi sa mga pinsan niya na halos puro lalaki."Don't stare at my wife"hasik niya sa tatlong pinsan niya na nakatitig sa'kin.Binalingan ko siya ng ilagay niya ang kamay sa beywang ko. Napaka-seloso!"Baka nauto mo lang siya, pinsan"saad ni Joshua na ikinatawa naman ni Jian at Julian. "Hindi ko siya nauto, inlove siya sa'kin"pagtatanggol ni Xavi sa sarili niya sabay tingin sa'kin."Tama na iyan. Hayaan niyo munang pumanhik si Elysia at Xavi sa kwarto nila para magpahinga"komento ni Lola."Let's go, baby"sabi ni Xavi saka ako iginaya patungo sa magiging kwarto naming dalawa.Tumambad sa'kin ang napaka-cozy na room. Sobrang refreshing ng dating kaya tumakbo ako papunta sa kama saka tumalon-talon doon na parang bata."Xavi, come"yaya ko sa ka
[ELYSIA's POV]Kaagad kaming sinalubong ng kapitan ng makarating kami sa bahay niya. Hindi naman kalayuan ang bahay niya sa bahay ng Lola ni Xavi kaya mabilis kaming nakarating."Siya si Elysia, ang asawa ko"pagpapakilala sa akin ni Xavi sa Kapitan.Nabaling ang atensiyon nito sa'kin pagkuwa'y ngumiti. Ngumiti 'din ako sa kanya pabalik at bumati."Masaya akong makilala ka, Elysia. Parang anak kuna 'tong si Xavi kaya ituring muna 'din akong Tatay"saad nito.Nanatili akong nakangiti at tumango sa sinabi niya. Tiningnan ko si Xavi ng maramdaman ang kamay niya sa beywang ko."Halina kayo, marami akong ipinahandang pagkain"alok niya sa'min.Gusto ko sanang tumanggi pero pumayag kaagad si Xavi. Marami ngang nakahandang pagkain nang magtungo kami sa kusina. Hindi pamilyar sa'kin ang mga pagkain pero mukhang lahat masarap."Baby. Tikman mo 'to. Puto bongbong ang tawag dito at special 'tong kakanin dito sa'min"saad ni Xavi sabay subo sa'kin ng kulay ube na tinawag niyang puto bongbong.Nginuy
[ELYSIA's POV]Magkasama kami ni Xavi na pumunta sa palengke. Wala kasing malapit na Mall dito. Palengke lang ang meron sila kaya sumama na ako.Napakapit ako sa braso ni Xavi ng biglang gumalaw ang isda. Pinapabili kasi kami ni Lola ng Bangus at Tilapia.Hinila ako ni Xavi at pinatayo sa harapan niya. Madami kasing mga lalaki ang dumadaan sa gilid ko baka mahipuan ako kasi naka-short lang ako.Nilingon ko si Xavi na hawak-hawak ang beywang ko habang nakatayo sa likuran ko. Nginitian ko siya ng tumungin siya sa'kin saka ako bumaling sa Ginang na kinikilo ang bibilhin naming isda."Uuwi na 'ba tayo pagkatapos nating mamamili?"tanong ko kay Xavi."Ikaw? May gusto kabang bilhin?"balik niyang tanong sa'kin sabay abot ng bayad sa babaeng tindera ng isang supot na may lamang isda.Hindi ako nagsalita. Saglit akong nag-isip. Ano ang bibilhin? Oh I remember.Hinarap ko si Xavi na nakatayo sa likuran ko."Malapit na pala akong datnan. Bibili ako ng napkin"mahinang sabi ko para hindi marinig n