Napamulat ako ng mata ng maramdamang may humahaplos sa pisngi ko. Nakita ko ang sarili kong nakahiga sa matipunong dibdib ni Xavi habang yakap niya naman ako."Good morning, baby"bulong niya.Napapikit ako ng yukuin niya ako at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Nanatili akong nakapikit at nakahilig sa matipunong dibdib niya. Ilang minuto kaming nanatili sa gano'ng posisyon hanggang sa mag-ring ang phone ko. Mabilis akong bumangon at kinuha ang phone kong nakapatong sa bed side table. Kaagad ko iyong sinagot ng makita ang pangalan ni Joana sa screen."Hello?"bati ko sa kaibigan na nasa New York."Oh, hi dear? Tuloy kapa ba?"excited na tanong niya.Tiningnan ko si Xavi bago sagutin ang tanong niya. Ang totoo hindi ko alam ang isasagot sa kaibigan ko.Bumaba ako sa kama at naglakad papunta sa glass wall saka hinawi ang kurtinang nandon.Matagal kunang pinapangarap na maging mukha ng isang sikat na brand sa New York. Sa puntong ito, ano ang pipiliin ko? Ang asawa ko bang si Xavi Hernan
Maaga akong gumising para ipagluto si Xavi ng sopas. Wala na siyang lagnat, may kunting sipon at ubo na lang siya. Hinala ko natuyuan siya ng pawis kaya siya nilagnat.Nang matapos akong magluto,bumalik ako sa kwarto para gisingin siya."Xavi?"gising ko sa kanya ng makapasok ako sa kwarto.Sumampa ako sa kama. Nagulat ako ng bigla niyang ipulupot ang mga braso sa beywang ko saka ibinaon ang mukha sa leeg ko."Your scent is killing me"bulong niya habang inaamoy ang balat ko sa leeg."Xavi, nagluto na 'ko, kumain kana"saad ko habang nakayakap pa'rin siya sa'kin. Hindi naman siya sumagot."Xavi, sabi ko. Kumain kana"saad ko."Ikaw ang gusto kong kainin, baby"tugon niya.Nasamid naman ako sa sinabi niya saka pilit na tinanggal ang mga brasong nakapalibot sa beywang ko."Tigilan mo nga ako, Xavi"inis na sabi ko."Hindi na 'ba masakit ang ulo mo?"tanong ko saka sinipat ang noo niya."I'm fine, baby. Thank you"aniya saka hinuli ang kamay kong nakahawak sa noo niya."Huwag ka munang pumasok s
Tatlong oras kaming nag biyahe papunta sa rest house na sinabi ni Xavi.Para iyong Hacienda sa dami ng mga kabayo at baka sa malawak na lupain. Nagulat ako ng salubungin kami ni Lola. Kaagad akong nagmano at bumati sa kanya, ipinakilala 'din ako ni Xavi sa mga pinsan niya na halos puro lalaki."Don't stare at my wife"hasik niya sa tatlong pinsan niya na nakatitig sa'kin.Binalingan ko siya ng ilagay niya ang kamay sa beywang ko. Napaka-seloso!"Baka nauto mo lang siya, pinsan"saad ni Joshua na ikinatawa naman ni Jian at Julian. "Hindi ko siya nauto, inlove siya sa'kin"pagtatanggol ni Xavi sa sarili niya sabay tingin sa'kin."Tama na iyan. Hayaan niyo munang pumanhik si Elysia at Xavi sa kwarto nila para magpahinga"komento ni Lola."Let's go, baby"sabi ni Xavi saka ako iginaya patungo sa magiging kwarto naming dalawa.Tumambad sa'kin ang napaka-cozy na room. Sobrang refreshing ng dating kaya tumakbo ako papunta sa kama saka tumalon-talon doon na parang bata."Xavi, come"yaya ko sa ka
[ELYSIA's POV]Kaagad kaming sinalubong ng kapitan ng makarating kami sa bahay niya. Hindi naman kalayuan ang bahay niya sa bahay ng Lola ni Xavi kaya mabilis kaming nakarating."Siya si Elysia, ang asawa ko"pagpapakilala sa akin ni Xavi sa Kapitan.Nabaling ang atensiyon nito sa'kin pagkuwa'y ngumiti. Ngumiti 'din ako sa kanya pabalik at bumati."Masaya akong makilala ka, Elysia. Parang anak kuna 'tong si Xavi kaya ituring muna 'din akong Tatay"saad nito.Nanatili akong nakangiti at tumango sa sinabi niya. Tiningnan ko si Xavi ng maramdaman ang kamay niya sa beywang ko."Halina kayo, marami akong ipinahandang pagkain"alok niya sa'min.Gusto ko sanang tumanggi pero pumayag kaagad si Xavi. Marami ngang nakahandang pagkain nang magtungo kami sa kusina. Hindi pamilyar sa'kin ang mga pagkain pero mukhang lahat masarap."Baby. Tikman mo 'to. Puto bongbong ang tawag dito at special 'tong kakanin dito sa'min"saad ni Xavi sabay subo sa'kin ng kulay ube na tinawag niyang puto bongbong.Nginuy
[ELYSIA's POV]Magkasama kami ni Xavi na pumunta sa palengke. Wala kasing malapit na Mall dito. Palengke lang ang meron sila kaya sumama na ako.Napakapit ako sa braso ni Xavi ng biglang gumalaw ang isda. Pinapabili kasi kami ni Lola ng Bangus at Tilapia.Hinila ako ni Xavi at pinatayo sa harapan niya. Madami kasing mga lalaki ang dumadaan sa gilid ko baka mahipuan ako kasi naka-short lang ako.Nilingon ko si Xavi na hawak-hawak ang beywang ko habang nakatayo sa likuran ko. Nginitian ko siya ng tumungin siya sa'kin saka ako bumaling sa Ginang na kinikilo ang bibilhin naming isda."Uuwi na 'ba tayo pagkatapos nating mamamili?"tanong ko kay Xavi."Ikaw? May gusto kabang bilhin?"balik niyang tanong sa'kin sabay abot ng bayad sa babaeng tindera ng isang supot na may lamang isda.Hindi ako nagsalita. Saglit akong nag-isip. Ano ang bibilhin? Oh I remember.Hinarap ko si Xavi na nakatayo sa likuran ko."Malapit na pala akong datnan. Bibili ako ng napkin"mahinang sabi ko para hindi marinig n
[ElYSIA's POV]Yakap-yakap ako ni Xavi ng magising ako. Medyo okay na ang pakiramdam ko. Hindi katulad kanina na para akong mamatay sa sobrang sakit.Tinanggal ko ang mga brasong nakapulupot sa beywang ko bago ako umalis ng kama. Nakita ko ang mga chocolate na nasa ibabaw ng table. Binalingan ko si Xavi na himbing sa pagtulog bago ko kinuha ang isang tobleron. Inalis ko ang balat 'non saka iyon nilantakan. Napapikit ako habang ngumunguya. Heaven!Pumunta ako sa tapat ng malaking bintana. Sobrang dilim pa sa labas. Tiningnan ko ang wrist watch ko.2am palang ng umaga, ang sarap ng ihip ng hangin habang kumakain ako."Baby, okay na 'ba ang pakiramdam mo?"untag sa'kin ni Xavi kaya nilingon ko siya na nakahiga pa'rin sa kama pero gising na."Oo. Medyo okay na ang pakiramdam ko"sagot ko.Muli akong bumaling sa labas ng bintana saka ako kumagat sa hawak ko at ngumuya. Napasinghap ako ng may mga brasong pumalibot sa beywang ko. Ngayon kulang napagtanto na suot ko ang shirt ni Xavi, sino an
Maaga kaming bumiyahe ni Xavi pauwi ng Dasmariñas Cavite. Sa bahay namin kami tumuloy para ibigay kay Mama ang mga pasalubong na binili ko para sa kaniya.Madaming mga gulay si Lola na ipinadala sa'min kaya ang ibang mga gulay ay dinala ko sa bahay para makakain naman si Mama. Mabilis na nakapagluto si Inday ng kare-kare kaya pagdating ni Mama galing sa opisina ay sabay-sabay kaming kumain."I'm very happy to see you both. Hindi talaga akong nagkamali na piliin ka Xavi para sa pinakamamahal kong anak"baling ni Mama sa lalaking katabi ko.Napatingin naman ako kay Xavi ng hawakan niya ang kamay ko."Mom. Please, don't talk about it"nahihiyang sabi ko kay Mama."Ikaw talaga, napaka-arte mo"singhal niya sa'kin.Napanguso ako. At napairap sa kawalan. Mahina namang tumawa si Xavi kaya binawi ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya."Hay naku, bakit ang tagal niyong magka-anak? Hindi na ako bumabata, marami nang kulubot 'tong balat ko kaya dapat bili-bilisan niyo"saad ni Mama.Napayuko na
Pinuntahan ko sa hospital si Gigi dahil nabalitaan kong dinugo ito. Baka wala siyang kasama at magbabantay sa kanya dahil umuwi ang asawa niya sa Canada.Bumili ako ng prutas at bulaklak bago siya pinuntahan sa hospital."Okay na 'ba ang pakiramdam mo? How's the baby?"kaagad kong tanong pagdating ko.Umupo ako sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan niya. Kinuha ko ang kamay niya at hinaplos iyon. "Pasensiya kana, Gigi. Nasa resort ako pero hindi kita binabantayan"saad ko.Ngumiti naman siya."Huwag kang mag-alala, okay na okay ako. Mabuti na lang nandon si Crane kaya siya ang nagdala sa'kin dito sa hospital"Salamat naman dahil walang nangyaring masama sa kanilang mag-ina."Nagugutom kaba o may kailangan ka?"tanong ko.Umiling naman siya."Don't worry about me. Sa dami nang prutas na dinala mo hindi na ako niyan maghahanap pa ng iba"Natawa naman ako sa sinabi niya."Hindi kapa ba umuuwi sa'inyo? Baka hinahanap kana ng asawa mo"aniya."Tinataboy muna ba ko?"nakasimangot saad ko."Sye
Gumalaw ang talukap ng mga mata ko ng maramdamang namamanhid ang mga kamay at paa ko. Sinubukan ko iyong igalaw pero parang nakagapos ako.Unti-unti kung iminulat ang mata ko. Nasaan ako? Tiningnan ko ang posisyon ko. Mahigpit na nakagapos ang kamay ko sa likod ng upuang kinauupuan ko. Ganu'n 'din mga paa ko."A-Ano 'to?"bulong ko sa sarili.Inilibot ko ang mata sa paligid ko. Saang lugar 'to? Bakit ako nandito?Naka-upo ako sa gitna ng pool na walang lamang tubig. Kaya hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari? Bigla kong naalala ang dumukot sa'kin kagabi kaya bigla akong nagpanic.Napatingala ako ng lumabas si Mayor galing sa lumang bahay na nasa harapan.Tumayo ito sa dulo ng pool. Nakangisi, nakapamulsahan at humihithit sa hawak niyang vape. Walanghiya siya! Kung ganu'n siya ang may pakana nitong lahat?"Sayang, hindi kita mapapakinabangan"rinig kung sabi nito.Dumura naman ako. "Mas pipiliin ko pang mamatay kaysa magawa mo sa'kin ang nakakadiring bagay na 'yan"Nakita kung tu
Kakalabas lang namin ni Joana sa simbahan. Nag attend kami ng mass, ipinagdasal ko 'din na sana maipanalo ni Xavi ang kaso ni Angelica bukas para maparusahan ang totoong may kasalanan."Thank you, Joana,sa pagsama sa'kin"pagpapasalamat ko sa kaibigan habang sabay kaming naglalakad."Basta ikaw, walang problema"nakangiting sabi niya."Tara. Kain muna tayo, sa sobrang aga ng simba hindi na tuloy tayo nakapag-almusal"alok niya."Sige"pagpayag ko. Hindi naman ako nagugutom pero sasamahan kuna siyang pumunta ng restaurant. Malapit lang naman dito ang kainan kaya nilalakad na lang namin."Ba't parang namumutla ka?"komento niya habang nakatingin sa mukha ko.Umiling naman ako. Ang totoo, hindi talaga maganda ang pakiramdam ko. Nasusuka ako at nahihilo nitong mga nakaraang araw kaya hinang-hina ang katawan ko.Hinawakan niya ang noo ko kaya napahinto kami sa paglalakad. Kinuha ko naman ang kamay niyang nasa noo ko at hinawakan 'yun."I'm fine"nakangiting sabi ko para hindi na s'ya sa'kin mag-
Dahil weekend ngayon,naisip naming mag-asawa na magkasamang mamasyal sa beach. Maaga kaming umalis bahay at halos tatlong oras ang biyahe namin papunta sa pantalan kung saan merong yate ang naghihintay sa'min."Saan tayo pupunta?Akala ko sa beach?"tanong ko kay Xavi ng makasakay kami sa Yate."Nag-iba ang plano, baby. I'm sure mag-e-enjoy ka dito"sagot niya sabay kindat sa'kin.Inilagay niya ang kamay sa beywang ko habang sabay naming tinitingnan ang malawak at asul na asul na karagatan."Nag-eenjoy kaba?"tanong niya pagkuwa'y ipinalibot ang braso sa tiyan ko."Babe. Di'ba dapat mas lalo kang mag focus sa kaso? Bukas na ang hearing"sabi ko sabay lingon sa kaniya na nasa likuran ko."I want to spend my time with you, baby. Sabi ko naman sa'yo na babawi ako di'ba?"aniya.Hindi ako umimik. Tahimik kong pinagmasdan ang karagatan.Napapikit ako ng halik-halikan niya ang gilid ng leeg ko. Hinayaan ko naman siya, I know he miss me. Halos tatlong araw siyang hindi umuwi sa bahay pero palagi n
[ELYSIA's POV]Isinama ko si Joana sa resort ni Gigi para ipakilala siya sa kaibigan ko."This place is nice"komento ni Joana habang inililibot ang paningin dito sa resort.Sinalubong naman kami ni Gigi. Napangiti ako ng malawak ng makitang malaki na ang baby bump niya. Malapit na siguro siyang manganak? Lumapit ako sa 'kanya at b****o."Balita ko, lumipat na daw kayo ng bahay ni Xavi,pasensiya na hindi ako makabisita. Bukod kasi sa buntis ako, hindi ko naman maiwan 'tong resort kay hubby ng mag-isa"pahayag niya.Ngumiti naman ako."No, its okay""Heto nga pala si Joana. Naging kaibigan ko sa New York"pakilala ko sa kasama ko."Hello, dear?"nakangiting bati sa kanya ni Gigi."Hi" bati naman ni Joana sa kaniya pabalik. Lumapit si Joana kay Gigi at b****o dito.Nakangiti ako habang nakikitang nag-uusap silang dalawa. Masaya ako dahil, nagkagaanan kaagad sila ng loob, kahit unang kita palang nila."Nakita ko nga 'yong tarpuline 'don sa entrace kaya pala ang bruhang 'to ayaw ng bumalik sa
Nagising ako mula sa kasarapan ng tulog 'nang maramdamang humiga sa tabi ko si Xavi.Hinawakan niya ang puson at hinaplos iyon kaya nagmulat ako ng mata."Hey, baby"mahinang usal niya.Ngumiti ako at yumakap sa kaniya. Ikinulong naman ng mga braso niya ang beywang ko.Hinatid niya ako dito sa bahay pagkatapos naming kumain sa restaurant tapos bumalik siya sa trabaho."Anong oras na 'ba? Masyado ka atang busy sa trabaho mo"saad ko habang nakayakap pa'rin sa kaniya.Hinalikan niya ang sentido at hinaplos ang likuran ko. That makes me feel good."Yeah. Sobrang busy, nag-iimbestiga ang team ko para makakuha kami ng solid evidence na magdidiin kay Mayor"paliwanag niya.Mas lalo namang humigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya at ganon 'din naman siya sa'kin."I'm proud of you, baby"bulong ko saka siya hinalikan sa pisngi.Inihiga niya naman ako sa kama pagkuwa'y pumatong siya ibabaw ko."Thank you, baby"pagpapasalamat niya. "Kumain kana ba?"tanong ko sa kaniya."Ikaw ang gusto kong kainin, b
"Ma'am. Nasa labas po si Atty. Hernandez, may date daw po kayo"saad ng assistant ko ng pumasok siya dito sa opisina ko.Nagsalubong ang dalawang kilay ko ng mag-angat ako ng tingin sa kaniya."Nasa labas siya? Bakit hindi siya pumasok dito?"tanong ko."Baka daw po kasi busy kayo kaya sa labas kana lang daw niya hihintay"tugon nito sa'kin.Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at inayos ang kalat na nasa ibabaw ng desk ko bago ako naglakad papalabas. Hindi naman ako ngayon busy dahil natapos kunang maaga ang trabaho ko.Napako ang mga mata ko sa lalaking nakasandal sa pader. Naka-cross ang mga braso nito sa dibdib ganon 'din ang mga binti niya. Nagwala ang puso ko ng magtagpo ang mga mata namin. I love him."How are you, baby?"tanong niya sa'kin.Naglakad siya papalapit sa'kin. Hinawakan niya ang magkabilaan kong braso at masuyo iyong hinaplos. Yinuko niya ako at mabilis na inangkin ang mga labi ko. Kaagad naman akong tumugod sa kaniya, kinagat niya ang labi ko bago iyon pinakawalan."I'm
Nagising ako ng yakapin ni Xavi ang maliit kong beywang. Papasok pala ako ngayon sa trabaho, naka-ilan na 'ba akong absent?"Babe, wake-up. Hindi kaba papasok sa trabaho?"gising ko sa kaniya.Hinila ko ang kumot pang-takip sa hubad kong katawan.I feel the pain on my thighs, nakailang sex na kami pero nararamdaman ko pa'rin ang hapdi at kirot after that."Xavi. Pakawalan mo nga ako, papasok ako sa trabaho"saad ko.Napailing-iling ako habang nakatitig sa gwapo niyang mukha. He still fell asleep, halatang pagod na pagod siya.Dahan-dahan kong tinanggal ang mga braso niyang nasa beywang ko. At bumaba sa kama. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa banyo para hindi siya magising."Baby"tawag niya sa'kin.Nilingon ko naman siya bago ako tuluyang pumasok sa banyo. Napaawang ang bibig ko ng bumangon siya mula sa pagkakahiga ng naka-hubo't hubad kong katawan."Xavi. Ano bang ginagawa mo? Takpan mo nga 'yan"tukoy ko sa pagkalalaki niya. Lumapit siya sa'kin kaya tiningala ko siya."Sabay na tay
Napakasimple lang ng suot kong mini dress, hindi naman 'yun ganu'n kaiksi.Silver ang kulay 'non kaya lantad ang kaputian ko kaya bantay sarado ako kay Xavi kulang na lang lagyan niya ang noo ko ng "wife of Xavi Hernandez"Revealing dress naman ang suot ni Joana, wala naman s'yang boyfriend dito na magbabawal sa kanya kaya okay lang 'yon.Kumuha kami ng VIP table para sa'ming apat. Mabuti na lang nagustong sumama sa'min si Gino dahil mukhang hindi ito party person.Napatingin ako sa kamay ni Xavi ng hawakan niya ang laylayan ng suot ko at marahan iyong hinila pababa ng umupo kami sa couch.Hinawakan ko ang kamay ni Xavi at nilaro-laro ang mga daliri niya habang inililibot ang mata sa buong lugar. Hindi kasi ito ang Night Club na pinuntahan ko 'nong una kaya hindi ako masyadong pamilyar."Wala naman bang bastos na mga lalaki dito?"baling kong tanong kay Xavi.Sinundan ko ang tinitingnan niya. Hindi kuna pala namamalayan na gumagawa na ako ng circle sa palad ng kamay niya at doon siya n
Maski isa sa'min ni Xavi walang pumasok sa trabaho matapos naming bayaran ang halaga ng bahay at makapagpirma ng mga papeles na sa pagkatotoo na kaming dalawa na ngayon ang nag mamay-ari ng bahay.Hands-on kaming dalawa sa paglilinis ng buong bahay. May ilan siyang tao na binayaran para linisan ang bakuran. Medyo mataas na kasi ang tubo ng damo 'dun. Hindi namin kakayanin ng isang araw lang 'tong linisan.Tagaktak ang pawis sa noo at leeg ko habang naglalampaso ng sahig. Pinagkukumpuni naman niya ang masirang tubo at kung ano-ano pa."Pagod kana ba?"tanong niya.Umiling ako at ipinagpatuloy ang pagkuskos ng sahig. "Ouch!"daing ko. Kanina pa kasi namumula ang kamay ko sa kakakuskos ng sahig kaya napakahapdi ng kamay ko ngayon."Anong nangyari?"nag-aalalang tanong ni Xavi ng lapitan ako.Umupo siya sa harapan ko at kinuha ang namumulang kamay ko. Hinihipan niya ang kamay ko at hinalikan iyon.Napatitig naman ako sa'kanya na pawisan na 'din. Ngayon ko lang 'din napansin na naka toples