Share

KABANATA 5:

"Ikinagagalak kung makatrabaho at makilala ka Ms. Elysia.You're very professional and talented"bati sa'kin ng videographer at photographer na si Crane.

"Same here. Ikinagagalak ko 'ding makatrabaho ka"nakangiting sabi ko sa lalaki.

"Thank you, Elysia"pagpapasalamat sa'kin ni Gigi ng matapos ang photoshoot ko pati ang video na kinuhanan sa buong sulok nitong resort para ipromote sa social media.

"I'm sure this weekend dadagsain kami ng tao para makita ka hindi itong resort"natatawang sabi n'ya kaya mahina 'din akong natawa.

"Ano kaba, pupunta sila dito dahil ang ganda ng resort mo"tugon ko sa kanya.

Napatigil ako ng makita si Xavi na papalapit sa'min. Naka-black suit pa ito na tila galing sa Law Firm. 

Nagpaalam naman sa'kin si Gigi na kukuha ng maiinom namin.

"What are you doing, here?"kunot-noo kung tanong kay Xavi ng tuluyang makalapit sa'kin.

Sinuot ko ang manipis na pang-patong sa suot kung two piece.

"Let's go. Pinapasundo ka sa'kin ni Mama sa bahay daw tayo mag lunch"saad n'ya.

Napatingin naman ako sa lalaki. Mukhang hindi s'ya nagbibiro. 

Pumayag naman ako, gusto ko 'ding makausap ang Mama n'ya para sabihing hindi ako magpapakasal sa anak n'ya. 

"There's no point na sabihin kay Mama na ayaw mong magpakasal sa'kin. Umaasa siya na magpapakasal tayo as soon as possible.Gusto nga n'ya next week na"pahayag nito.

Napanganga ako sa sinabi niya.Mind reader ba s'ya? Paano n'ya naiisip ang naisip ko.

"Next na kaagad?No.Pasensiya kana Xavi pero hinding-hindi ako magpapakasal sayo and besides babalik na ako sa New York"giit ko.

"Grab this oppurtunity, Elysia. Di'ba baliw na baliw ka sa'kin?"mataas na kompyansang sabi n'ya habang nakapamulsahan.

Mahina naman akong natawa."Umaasa ka pa'rin pala na ako parin 'yung babaeng humahabol sa'yo 'non?"

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang nick tie pagkuwa'y hinaplos ang matipuno n'yang dibdib habang nakatitig sa mga mata n'ya.

"You know what, Mr. Hernandez everything can change kahit ang baliw na katulad ko. Alam mo ba 'nung nasa New York ako. Doon ko lang narealize na sobrang laki ng mundo.Magagawa ko kung anong mga gusto and because of that--napagtanto ko na napakatanga ko na nagpakabaliw ako sa'yo noon"lintaya ko.

"And now. Kahit katiting, wala na akong kahit na anong nararamdaman para sa'yo"dagdag ko pang sabi.

Natahimik naman siya at seryusong nakatingin sa mga mata ko.Napalunok ako ng kaway ng hapitin n'ya ang beywang ko gamit ang isang braso kaya halos masubsob ako sa dibdib n'ya.

Inilapit n'ya ang mukha sa tenga ko.

"Let see. Magpakasal tayo, tingnan natin.Elysia kung sino ang mababaliw sa 'ting dalawa"nang-aakit na sabi n'ya saka n'ya dinilaan ang tenga ko pababa sa leeg ko kaya naitulak ko s'ya papalayo sa'kin.

Mabilis ko s'yang iniwan at naglakad papalayo sa 'kanya. Baliw na talaga ang lalaking 'yun!

Nagbihis ako at nagpaalam kay Gigi. Hindi niya ako tinantanan sa pagtatanong kung bakit ako pinuntahan ni Xavi. Nangako naman ako sa kaniya na ipapaliwang ko ang lahat sa susunod na pagkikita namin.

***

Tuwang-tuwa si Tita ng dumating kami ni Xavi na magkasama.Marami siyang inihandang pagkain kahit kaming tatlo lang ang kakain.

"I'm glad your here, iha. Matagal-tagal na 'din 'nong kumain ako dito sa bahay na may kasama"nakangiting sabi niya.

"Mama. Malakas 'tong kumain si Elysia, kaya niya 'tong ubusin lahat"pang-aasar ni Xavi

Malakas namang tumawa ang babae. Tiningnan ko ang katabi ko at sinamaan siya ng tingin.

"Salamat po"nakangiting sabi ko kay Tita ng sandukan niya ang plato ko ng niluto niyang adobo.

Nagkatinginan kaming tatlo ng may marinig kaming nag doorbell. Tatayo na sana si Xavi para buksan ang gate ng pigilan siya ni Tita at siya ang tumayo para lumabas.

"Kailangan mo talaga akong ipahiya?"sita ko sa lalaking katabi ko

"Hindi kita ipinahiya. Complement pa nga 'yun, e"natatawang sabi niya.

Pinaningkitan ko naman siya ng mata.

"Bwesit ka"inis na bulong ko sa 'kanya na lalong ikinalakas ng tawa n'ya.

Pareho kaming napaayos ng upo ng dumating si Tita. May dala-dala itong dalawang maliit na kahon at iniabot iyon kay Xavi

"Mama, ano 'to?"tanong n'ya. 

Binuksan niya ang kahon at diamond ring ang laman 'non.

"Wedding ring n'yo 'yan.Regalo ko sa inyo"nakangiting sabi ni Tita.

Napailing-iling na ako at bumuga ng hangin. Mukhang matutuloy talaga ang kasalang ito.

"Tita. It was so expensive, hindi ko po 'yan matatanggap"pagtanggi ko.

Nagkakahalaga kasi ang isa ng hundred thousand pesos kaya masyado iyong napaka-expensive para sa'kin.

"No. Iha, iisa lang ang anak ko kaya gusto kong ibigay ang best para sa 'kanya"giit naman nito.

Pagkatapos naming kumain. Hinatid ako ni Xavi sa bahay. Ibinigay ko sa 'kanya ang singsing na bigay ng Mama n'ya kanina.

"Sabi ni Mama sa'yo na 'to di'ba?"aniya. Muli niyang isinauli sa'kin ang kahon na may lamang diamond ring.

"Alam ko naman na tuwang-tuwa ka. Sino ba namang hindi? Diamond ring--"

"Wala akong pakialam sa Diamond ring na 'to! Kaya kung bumili n'yan"I cut him off dahil alam kong maanghang na salita na naman ang lalabas mula sa bibig niya.

Inirapan ko siya bago ako pumasok sa bahay. Nilock ko 'yun para masigurong hindi siya makakapasok para guluhin ako.

Bumuntong hininga ako bago pumanhik sa hagdan.Bumalik na lang ako sa New York at takasan ang kasal na 'to?

Kung hindi ko lang iniisip ang ego ni Mama matagal na akong umalis. Naipagkasundo niya ako kaya ayaw ko siyang mapahiya at ayaw ko siyang iwan sa ere.

Si Mama iyong taong tapat sa salita niya kaya paniguradong isusumpa niya ako kapag umatras ako dahil ipinangako niya na akong ipapakasal kay Xavi. Isa pa, ngayon lang siya humihingi ng pabor sa'kin.

Ano ng gagawin ko? Ayaw ko talagang magpakasal sa lalaking 'yun.

Paniguradong palagi niya sa'king isusumbat na ako ang nagplano ng kasal para ipagpilitan ang sarili ko sa 'kaniya.

Ayaw kunang magpakatanga ulit. Saka isa pa, wala na akong nararamdaman para sa kaniya.

Muli akong napabuntong hininga.Pero sige, papakasalan ko siya para matapos na 'to. Pagkatapos ng kasal saka ako pupunta sa New York.

Total hindi naman namin gusto ang isa't-isa kaya alam kong gusto n'ya 'din na umaalis ako kaagad ng bansa.

Wala ng maisusumbat sa'kin si Mama dahil ginawa kuna ang gusto niya na pakasalan si Xavi.

Nang magdilim. Dumating si Xavi para dito sa'min kumain ng dinner.

May dala siyang bulaklak para sa'min ni Mama.

Magkatabi kami sa upuan habang nasa harapan naman namin nakaupo si Mama.

Napatingin ako sa kaniya ng ilagay niya ang kamay sa beywang ko.

Pasimple ko naman iyong tinanggal para hindi mapansin ni Mama.

"Bagay na bagay kayong dalawa.Paniguradong maganda at gwapo ang mga magiging apo ko"pahayag ni Mama.

Napaubo ako sa sinabi niya.Halos maging kasing kulay ng kamatis ang pisngi ko dahil sa sobrang hiya. Nakakahiya talaga!

"Mama, please stop"saway ko sa kaniya.

Wala akong balak magpabuntis kay Xavi 'no!

"Baby, doon naman tayo patungo, magpapakasal at magkakaroon ng mga anak. Di'ba, Mama?"baling na sabi ni Xavi sa Mama ko. 

At saan niya naman nakuha ang endearment na 'baby' it's so disgusting.

Tiningnan ko s'ya at sinamaan ng tingin.

Mahina naman s'yang tumawa pagkuwa'y hinawakan ang kamay ko.

"You're right, iho.Buntisin mo kaagad si Elysia para magka-apo na ako"anang ni Mama.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi ng Mama ko at napayuko ng ulo dahil sa kahihiyan, wala talagang preno ang bibig ni Mama kung magsalita.

Napasinghap ako nang ilagay ni Xavi ang kamay niya sa maputing hita ko, hinaplos n'ya 'yun at pinisil.

Tinapik ko naman ang kamay n'ya at inis na binalingan s'ya pakuwa'y inirapan ko s'ya at kinurot ang kamay n'ya nang ipatong n'ya ulit 'yun sa hita ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status